You are on page 1of 54

2

Araling Panlipunan
Quarter 1 – Module 1:
Komunidad Ko, Ilalarawan Ko
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Komunidad Ko, Ilalarawan Ko
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakitaan. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eda P. Dato
Editor: Florenia C. Toralde
Edgar B. Collantes
Tagasuri: Jerson V. Toralde
Tagaguhit: Rex T. Cortez
Tagalapat: Rex T. Cortez
Mahal na Mag-aaral,
Ang modyul na ito ay inilaan para sa mga batang
mag-aaral sa Ikalawang Baitang. Ang mga aralin ay
batay sa mga kasanayang nakapaloob sa bagong Most
Essential Learning Competencies ng Kagawaran ng
Edukasyon.
Inaasahang ang modyul na ito ay magsisilbing daan
upang mapaunlad ang iyong kamalayan, mapalawak
ang pag-unawa sa kapaligiran at mapayaman ang
pagpapahalaga sa kinabibilangang komunidad.
Ang mga inilaang gawain sa bawat aralin ay
naaayon sa iyong kakayahan at mga karanasan.
Hangad ko na maisagawa at maipakita mo ang
tunay na pagpapahalaga sa iyong kapaligiran.
Maligayang pag-aaral sa iyong kinabibilangang
komunidad.

Nagmamahal,
Ang manunulat
Mga Layunin

Sa araling ito ay tatalakayin ang kamalayan at


pagunawa sa konsepto ng komunidad at
pagpapahalaga sa mga bumubuo nito.
Sa tulong ng modyul na ito, mas mabibigyan ng
kahulugan ang komunidad na kinabibilangan.
Inaasahan na maipamamalas ng mag-aral ang
sumusunod:
• Nailalarawan ang sariling komunidad batay sa
pangalan nito, lokasyon, mga namumuno,
populasyon, wika, kaugalian, paniniwala, atbp.


Talahulugan

Mahalagang malaman at maunawaan mo ang


kahulugan ng komunidad.
Marapat na kilalanin at unawain ang mga salita at ang
kahulugan nito.
1. Komunidad- ay binubuo ng paaralan, pamilihan,
sambahan, pook libangan, sentrong pangkalusugan at
mga tahanan ng mga taong nakatira rito.
2. Populasyon – nagsasabi ng bilang ng mga taong
nakatira sa komunidad.
3. Wika – ito ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at
saloobin.
4. Kaugalian- gawì o kasanayán ng isang pangkat ng
lipunan, karaniwang namamana ng bawat henerasyon
sa sinundang henerasyon.
5. Paniniwala - ay ang saloobin na isang bagay na totoo.
6. Pangkat Etniko- tawag sa mga taong nakatira sa isang
lugar o komunidad.
7. Pinuno- lider
8. Kapitan – pinuno sa isang barangay


Panimulang
Pagsubok

Piliin sa kahon ang tinutukoy sa bawat pangungusap.


Isulat ang sagot sa patlang.

Simbahan Pamilya
Eskwelahan Pamilihan
Barangay
Sentrong- Pangkalusugan

1. Araw-araw na magkakasama sa lahat na gawain.


_________ ang nagbibigay ng pagmamahal,
pangangailangan, at gumagabay sa mga anak.
2. Sa ___________ nabibili ang malilinis na pagkain at mga
pangangailangan ng tao sa komunidad.
3. Masayang nag-aaral sa __________ ang mga bata.
Maraming kaalaman ang natututunan dito.
4. Gamot at bitamina ang ibinibigay ng __________ para
ang mga tao ay maging malusog at may maayos na
pangangakatawan.
5. Pumupunta sa __________ para magkinig ng misa at
magdasal.


Mga Gawain
sa Pagkatuto

Online Study
Sa bahaging ito ay mapapanood mo ang isang palabas
tungkol sa komunidad.
Maaaring mag log-in sa:
https://www.youtube.com/watch?v=UFYQBCjFNPM
https://www.youtube.com/watch?v=4UMIyasehRk

#gracefulhomeschooling #aralingpanlipunan #homeschoolph

Maligayang paglalakbay…

Matapos panoorin ang video, ay gawin at sagutin ang


ilang katanungan na nakasulat sa Neighborhood Walk
worksheets.


Gawin Natin

Gagawin mo ang Neighborhood Walk worksheets at


ihanda ang iyong lapis at mga pangkulay. Maaaring
magpatulong sa iyong mga magulang.

Panuto: Gumuhit ng mga larawan sa loob ng column ayon


sa iyong nakikita, naririnig, at naaamoy sa isang
komunidad.

Nakikita Naririnig Naaamoy


Alamin Mo

Basahin:
Ito ang halimbawa ng isang komunidad.

source: google.com/community clipart

Ang komunidad ay binubuo ng paaralan, pamilihan,


sambahan, pook libangan, sentrong pangkalusugan at
mga panahanan na tulad ng nasa larawan.

Maari itong matagpuan sa Kapatagan, Kabundukan,


Tabing dagat/ lawa, Talampas, Industriyal at Lungsod.

Ang Komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na


namumuhay at nakikisalamuha sa isa’t-isa at naninirahan
sa isang pook na magkatulad ang kapaligiran at
kalagayang pisikal.


Pagsasanay 1
Kulayan ang larawan na katulad ng kinaroroonan ng
iyong komunidad.

Kabundukan Kapatagan o Sakahan

Lungsod Ilog

Talampas Industriyal

source: google.com/clipart


Alamin Mo

Ikaw ba ay kabilang sa isang komunidad?


Pinahalagahan mo ba ang iyong komunidad?
Kaya mo bang ilarawan ang iyong komunidad?

Basahin at pag-aralan:

Larawan ng Isang Komunidad


Ang bawat komunidad ay binubuo ng pangkat ng
mga tao. Ang bawat pangkat ay may kani-kaniyang
katangiang taglay na nakatutulong sa mamamayan.
May nagtitinda, may nagluluto ng mga kakanin habang
ang iba naman ay abala sa paglilinis ng kanilang
tahanan at kapaligiran sa isang panig ng komunidad ay
may nagtutulungan sa pagtatanim ng mga gulay. Sa
paaralan, masayang nag-aaral ang mga kabataan.
Ito ay ilan lamang sa mga katangian ng isang
komunidad. Salat man sa karangyaan mayaman naman
sa mga taong may pagmamahalan at pagtutulungan.

source: Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral


Tingnan ang sumusunod na larawan:
Source: google.com/community.cliparts

Pamilya Paaralan

Simbahan Paaralan

Pamilihan Sentrong Pangkalusugan

Libangan Munisipyo
Anong uri ng pamumuhay sa komunidad ang naaayon
sa bawat larawan?


Pagsasanay 2

I. Direksiyon: Lagyan ng tsek ang kahon para sa tamang


kasagutan.
Sitwasyon Opo Hindi po
1. Ang komunidad ay
kinabibilangan ng isang
pamilya lamang.
2. Ang komunidad ay grupo
ng mga taong nakatira sa
isang lugar.
3. Parte ng komunidad ang
mga taong pumupunta sa
eskwelahan, simbahan, at sa
pamilihan.
4. Importante ang pamilya sa
isang komunidad.
5. Ang sentrong-
pangkalusugan ay parte ng
komunidad.

II. Direksiyon: Panuin ang talata para mabilog ang


panunumpa sa sarili mong komunidad. Gawin ito gamit
ang sarili mong wika.
Ako si _____________________. Nakatira sa
_________________. Nag-aaaral ako sa
________________________. Nangangako ako na tutulong sa
pagsasabi ng mga impormasyon sa komunidad ko. Bilang
isang Bikolano, ipinagmamalaki kong ito ang
________________ ko.

10
Pagsasanay 3

Direksiyon: Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang tawag sa grupong-etniko na kinabibilangan
mo kung ikaw ay nakatira sa Bikol?
a. Cebuano c. Ivatan
b. Bikolano d. Ilokano
2. Salitang ginagamit sa pakikipagusap sa kaklase mo o sa
kapwa.
a. Ingles c. Bikol
b. Tagalog d. Hiligaynon
3. Anong parte sa komunidad ang nagbibigay kaalaman
para sa pangangalaga ng katawan ng bawat tao?
a. Pamilihan c. Sentrong-Pangkalusugan
b. Simbahan d. Pamilya
4. Ano ang tawag sa lugar na may mga grupo ng taong
nakatira at nakikiisa sa bawat isa?
a. Parke c. Komunidad
b. Simbolo d. Pamilihan
5. Ano ang nagagawa ng simbahan sa komunidad?
a. Magturo sa pagbasa at Matematika
b. Magtapon ng basura
c. Gabayan ang buhay pananalig ng mga tao
d. Maglako ng mga paninda
11
Pangwakas na
Pagsubok:

I. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang


letra ng tamang sagot sa papel.
A B
______ 1. Pamilihan A. Dito pumupunta ang
mga tao upang
magpakunsulta
______ 2. Paaralan B. Dito nagtitipon ang
mga tao upang
magbigay papuri sa
Diyos.
______ 3. Sentrong Pansalud C. Dito namimili ang mga
tao ng kanilang mga
pangangailangan
______ 4. Simbahan D. Isang bahagi ng
komunidad na
pinamumunuan ng
kapitan.
______ 5. Barangay E. Dito hinuhubog ang
kaalaman ng mga
kabataan/mamamayan
tungo sap ag-unlad.

12
II. Isulat ang letra ang impormasyong tinutukoy ng may
salungguhit na salita sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.
A. pinuno D. Dami ng Tao
B. Relihiyon E. Pangalan ng Lugar
c. Grupong etniko F. Wikang sinasalita

1. Ako ay nakatira sa Barangay San Jose. Dito ako


ipinanganak. Dito rin ako lumaki. _________

2. Ang mag-anak na Gonzales ay relehiyosong


Kristiyano. Lagi silang nagsisimba. Sila ay may
malalim na pananampalataya sa Diyos. _______

3. Ang aming Kapitan ay si Ginoong Darcy Go. Anim


na taon na siyang namumuno sa aming barangay.
__________

4. Dahil sa Bicolano ang aking ama at ina, Bikol ang


wika sa aming tahanan. Karamihan sa aming
komunidad ay Bikol ang wika. ___________

5. Ayon sa datus, ang komunidad ng Iriga ay


binubuo ng 150 pamilya noong taong 2000. Sa
ngayon. May 300 pamilya na ang naninirahan dito.
_______________.

13
Karagdagang
Gawain

Basahin ang kwento at itala ang impormasyon tungkol sa


inilalarawang komunidad. Gamitin ang rubrik para sa
maayos na gawa. Maaaring magpatulong sa mga
magulang.

Ang Aking Komunidad

Nakatira ako sa Lungsod ng Iriga. Kahit


maraming pamilya ang nakatira dito, malinis pa rin
ang kapaligiran. Lahat ng mamamayan ay tulong-
tulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bawat
isa. Nagkakaisa ang mga tao rito. Si Mayor
Madelaine Alfelor ang pinuno rito.
May iba’t-ibang grupong etniko sa aking
komunidad. May mga Muslim, Igorot, Tagalog at
Bicolano. Iba-iba man ang pinagmulan ng wikang
vsinasalita, kaming lahat ay pinagbubuklod ng aming
pananampalataya sa iisang Diyos. May Iglesia ni
Kristo, Katoliko, Muslim at iba pang relihiyon subalit
hindi ito hadlang sa mapayapang samahan ng
bawat isa sa aking komunidad.

14
A. Isulat sa talaan ang impormasyong nakalap tungkol sa
komunidad.
Pangalan ng Komunidad
Pinuno
Wika
Grupong Etniko
Relihiyon

B. Sumulat ng 2-3 pangungusap na naglalarawan sa


katangian ng iyong komunidad.

sources:
https://www.google.com/search?q=sample+rubric+for+easy+assessments&tbm=isch&ved=2ahUKE
wi9vf_EsLjpAhXvzIsBHbkFC2IQ2-
cCegQIABAA&oq=sample+rubric+for+easy+assessments&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoFCAAQgw
E6AggAOgQIABBDOgYIABAFEB46BggAEAgQHjoECAAQGFCrf1jhsQFg9LIBaABwAHgAgAGuAYgBwxuSA
QUyMC4xNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=3du_Xv3aG--
Zr7wPuYuskAY&bih=608&biw=1366&safe=active&hl=en#imgrc=5t1gQkONqxpvCM

15
Susi sa
Pagwawasto

Panimulang Pagsubok
1. Pamilya
2. Pamilihan
3. Paaralan
4. Sentrong Pangkalusugan
5. Simbahan

Neighborhood Walk
(ang sagot ay depende sa kinabibilangang komunidad)
Pagsasanay 1
(ang sagot ay depende sa kinabibilangang komunidad)

Pagsasanay 2
1. Hindi po 2. Opo 3. Opo 4. Opo 5. Opo

Pagsasanay 3
1. B 2. C 3. C 4. C 5. C

Pangwakas na Pagsubok
1. E 2. B 3. A 4. F 5. D

16
Maraming Salamat!

Ctto
17
Mga Layunin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng paglalalrawan sa


katangian ng komunidad.

Sa tulong ng modyul na ito mas mabibigyan ng


oportunidad ang mga mag-aaral na matutunan ang
kahalagahan ng komunidad.

Inaashan na maipamamalas ng mag-aaral ang


sumusunod:
• Nailalarawan ang sariling komunidad batay sa
pangalan nito, lokasyon, mga namumuno,
populasyon, wika, kaugalian, paniniwala, atbp.

18
Talahulugan

Mahalagang malaman at maunawaan mo ang


kahulugan ng komunidad.
Marapat na kilalanin at unawain ang mga salita at ang
kahulugan nito.
1. Baybayin - ay bahagi ng komunidad na malapit sa
dagat.
2. Kabukiran – pagtatanim ang hanapbuhay dito.
3. Kabundukan – ang pangunahing hanapbuhay sa
komunidad na ito ay ang pagtatanim
sa bundok.
4. Kagubatan – makikita ang maraming puno at
halaman.
5. Rural – magkakahiwalay ang mga bahay.
6. Urban – lungsod.
7. Tahanan – dito nakatira ang pamilya.
8. Paaralan – dito hinuhubog ang kaisipan tungo sa pag-
unlad.
9. Sambahan – dito nananalangin ang mga tao.
10. Pook-libangan – dito naglalaro at naglilibang.

19
Panimulang
Pagsubok

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin


ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa patlang.

A. Baybayin C. Kabundukan E. Rural


B. Kabukiran D. Kagubatan F. Urban

_________1. Ito ay malapit sa dagat kaya’t maraming


mangingisda sa komunidad na ito.
________2. Ang pangunahing hanapbuhay sa komunidad
na ito ay ang pagtatanim sa bundok.
________3. Sa uri ng komunidad na ito makakakita ng mga
bundok, bukid, bahay-kubo, maraming mga
puno at halaman.
________4. Ang mga magsasaka ay matatagpuan sa
komunidad na ito.
________5. Sa uri ng komunidad na ito matatagpuan ang
mga matataas na gusali, sementadong mga
kalsada, malalaking pamilihan, at maraming
maninirahan.

20
Alamin Natin

Basahin:

Ito ang aking tahanan. Dito nakatira ang aking


pamilya. Masaya kaming naninirahan dito. Kadalasan sa
rural na komunidad ito makikita.

Ito ang paaralan. Dito hinuhubog ang kaisipan ng


mga bata tungo sa pag-unlad. Mahusay mamuno ang
prinsipal at magagaling ang mga guro sa pagtuturo.
21
Dito sama-samang nananalangin ang mga tao. Ito rin
ang namumuno sa mga pagdiriwang na pan-relihiyon.
May iba-ibang simbahan na matatagpuan sa komunidad.
May pagkakaisa ang lahat kahit magkakaiba ang
relihiyon at paniniwala.

Dito naglalaro ang mga bata tuwing araw ng Linggo.


Dito ginaganap ang mga palabas at programa sa
komunidad.

Sa Health Center pumupunta ang mga tao upang


magpakonsulta ng kanilang karamdaman. Ang Health
Center ang nangangalaga sa kalusugan ng mga tao.

22
Ang Munisipyo o bahay pamahalaan ang
namamahala sa kaayusan, katahimikan at kapayapaan
ng komunidad. Sa pamumuno ng kapitan at mga
kagawad, ipinatutupad nila ang mga batas.

Ito ang pamilihan. Dito kami namimili ng pangunahing


pangangailangan.

23
Gawin Natin

A. Isulat sa kahon ang salitang naglalarawan sa gawain


na ginagampanan ng sumusunod:

24
B. Online Study.
Sa bahaging ito ay mapapanood mo ang isang
palabas/video tungkol sa mga lugar sa komunidad.
Maaaring mag log-in sa:
https://www.youtube.com/watch?v=AteDcdqbzJ8

Maligayang Panonood…

Matapos panoorin ang video, ay gawin at sagutin ang


ilang katanungan sa worksheets.

25
Gawin Natin

A. Iguhit sa kahon ang mga lugar sa komunidad.

B. Isagawa ang sumusunod.


1. Iguhit sa papel ang lugar na kinaroroonan ng iyong
komunidad.
2. Tukuyin ang pagkakapareho o pagkakaiba ng iyong
komunidad sa video na napanood.

26
Alamin Natin

Basahin.

Rural na Komunidad
Ang rural na komunidad ay may maliit na

populasyon. Maliit lang ang bilang ng tao dito. Kadalasan,

pagsasaka, pagtatanim, at pangingisda ang hanap-

buhay ng mga tao rito. Makikita rin dito ang mga

kagubatan, kabukiran, at kabundukan.

27
Urban na Komunidad
Sa pook na ito, maraming tao ang namumuhay at

naghahanapbuhay nang malapitan, at karaniwang

magkakalapit ang mga gusali. Maraming mga sasakyan

at pagawaan ang makikita rito. Mga manggagawa, at

empleyado ang hanapbuhay ng mga tao sa lungsod

bilang pangunahing pamilihan ng paggawa.

28
Pagsasanay 2

Gawaing Online:
Pag-aralan ang mga larawan sa slide share. Maaaring
mag log-in sa:
https://www.slideshare.net/elerageonzon/urban-at-rural-na-komunidad

Gawin at sagutin ito sa inyong sagutang papel. Maaaring


magpatulong sa magulang.

29
Pagsasanay 3

Panuto: Isulat ang U kung Pamayanang Urban ang


tinutukoy sa pahayag. Isulat ang R kung ito ay
Pamayanang Rural.
________1. maraming gusali.
________2. may mga bukid at palayan.
________3. maraming puno.
________4. maraming mga tao at mga sasakyan.
________5. karaniwang sementado ang mga kalsada.
________6. maraming alagang hayop tulad ng mga baka
at kalabaw.
________7. maraming modernong kabahayan at
pamilihan.
________8. sariwa ang simoy ng hangin dahil sa mga puno
at halaman.
________9. bibihira ang mga dumadaan na sasakyan
________10. maraming mga paaralan, pook-pasyalan,
opisina, at pamilihan.

30
Tandaan

URI NG KOMUNIDAD AT TULONG NG KOMUNIDAD


Urban Rural
• maraming naninirahan • maraming mga puno
• maraming malalaking • bihira ang mga
gusali sasakyan
• maraming uri ng • may mga palayan,
transportasyon bukid, at bundok

MGA TULONG NG KOMUNIDAD


1. Tulong sa Pagkain
- Tumutulong upang magkaroon ng malinis na pagkain
na mabibili sa tamang halaga.
2. Tulong sa Kaligtasan
- Tumutulong upang magkaroon ng seguridad at
mahuli ang mga masasamang loob.

31
3. Tulong sa Pag-aaral
- May mga Pampublikong Paaralan upang makapag-
aral ang lahat ng kasapi ng komunidad.
4. Tulong sa Paglilibang
- May mga pampublikong parke kung saan maaaring
maglibang ang mga tao.
5. Tulong sa Pabahay
- Tumutulong upang magkaroon ng bahay sa murang
halaga.
6. Tulong sa Kalusugan
- Tumutulong upang maging malusog ang mga kasapi
ng komunidad.
- Nagbibigay ng libreng konsultasyon, bakuna, gamut,
at seminar.

32
Pangwakas na
Pagsubok:

Iugnay ang larawan na nasa Hanay A sa estruktura ng


komunidad na tinutukoy sa Hanay B.
Hanay A

1. A.

2. B.

3. C.

33
4. D.

5. E.

34
Karagdagang
Gawain

A. Gumuhit ng isang puso sa iyong papel. Idikit ang iyong


larawan sa loob ng puso. Iguhit ang kaya mong
ibahagi sa iyong komunidad.

35
Susi sa
Pagwawasto

Panimulang Pagsubok
1. A
2. C
3. E
4. B
5. F
Gawin Natin 1
- Tanggapin ang mga sagot ng bata.
Gawin Natin 2
- Tanggapin ang mga sagot ng bata.
Pagsasanay 2
- Ang sagot ay nasa slide share.
Pagsasanay 3
1. U 7. U
2. R 8. R
3. R 9. R
4. U 10. U
5. U
6. R
Mga Layunin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng paglalarawan sa


katangian ng komunidad.

Ito ay may nakapaloob na dalawang (2) aralin. :


Aralin 1 – Mga Namumuno sa Komunidad
Aralin 2 – Larawan ng Komunidad

Sa tulong ng modyul na ito mas mabibigyan ng


oportunidad ang mga mag-aaral na matutunan ang
kahalagahan ng komunidad.

Inaashan na maipamamalas ng mag-aaral ang


sumusunod:
• Nailalarawan ang sariling komunidad batay sa
pangalan nito, lokasyon, mga namumuno,
populasyon, wika, kaugalian, paniniwala, atbp.
Talahulugan

Mahalagang malaman at maunawaan mo ang


kahulugan ng komunidad.
Marapat na kilalanin at unawain ang mga salita at ang
kahulugan nito.
1. Pinuno – lider.
2. Doktor – gumagamot sa may mga sakit.
3. Guro – nagtuturo sa mga bata.
4. Karpintero – gumagawa ng bahay, mesa, at silya.
5. Magsasaka – nagtatanim ng halaman upang
pagkunan ng pagkain.
6. Mangingisda – nanghuhuli ng mga isda.
7. Bumbero – pinapatay ang sunog.
8. Kapitan – pinuno sa isang barangay
Panimulang
Pagsubok

Direksiyon: Piliin sa kahon ang tamang sagot.

dentista pulis karpintero


bumbero panadero

____________1. Tumutulong sa pag-aayos ng trapiko sa


daan.

____________2. Gumagawa ng masasarap na tinapay


araw-araw.

____________3. Gumagawa ng mga bahay, edepisyo, at


mga kagamitan.

____________4. Tumutulong sa pag-apula ng apoy.

____________5. Naglilinis at nag-aayos ng ngipin.


Mga Gawain
sa Pagkatuto

Online Study.
Sa bahaging ito ay mapapanood mo ang isang palabas
tungkol sa komunidad.
Maaaring mag log-in sa:
https://www.youtube.com/watch?v=8y4iWo1Vx50
https://www.youtube.com/watch?v=d_4rTRqhnzM
Gawin Natin

Direksiyon: Pagkabitin ang mga bugtong sa Hanay A at


isulat ang letra ng tamang sagot sa Hanay B.
A. B
1. Papunta ako sa a. Pamilya
karunungan.

2. Mga salita ng Diyos ang b. Doktor, Nars


pinag-aaralan dito.

3. Pangangailangan ng tao c. Mga tindera


dito binibili.

4. Gamot at sakit ang d. Pari


kanilang tinututukan.

5. Nanay, tatay, at anak ay e. Guro


nagtutulungan.
Paano mo ilalarawan
ALAMIN ang kabuuan ng
kinabibilangangmong
komunidad?
MO

Basahin at bigkasin ang tula.

Larawan ng Aking Komunidad

Komunidad ko’y nasa tabing dagat


Maraming turistang dito’y naghahangad
Magandang dalampasigan na nanghihikayat
Na damhin ang hanging malamig sa balat.

Sa aming tahanan malapit ang paaralan


Kung saan nag-aaral maraming kabataan
Sa dakong silangan nando’n ang sambahan
Na siyang dalanginan ng mga mamamayan.

Sa gawing kanluran, may sentrong


pangkalusugan
May doktor at narses na nagtutulungan
Upang mapanatiling maayosa ang kalusugan
Nang lahat ng taong dito’y nananahan.
Sagutin:

1. Saan matatagpuan ang komunidad na inilalarawan


sa tula?

2. Ano-ano ang bawat bumubuo sa komunidad na


inilalarawan sa tula?

3. Sa kanyang paglalarawan, ano ang mga


katangian ng kanyang komunidad? Ipaliwanag
ang sagot.

4. Kung ikaw, ang tatanungin, paano mo ilalarawan


ang iyong komunidad?
Gawin Natin

A. Isagawa ang sumusunod.


1. Iguhit sa papel ang lugar ng kinaroroonan ng iyong
komunidad.
2. Ibahagi sa kamag-aralang iginuhit na komunidad.
3. Paghambingin.
4. Tukuyin ang pagkakapareho o pagkakaiba ng iyong
komunidad.

B. Isagawa ang sumusunod.


1. Iguhit sa papel ang mga bagay at estraktura na
makikita sa inyong komunidad.
2. Ibahagi sa kamag-aral ang iginuhit na komunidad.
3. Paghambingin.
4. Tukuyin ang mga bagay at estruktura na may
pagkakatulad at pagkakaiba sa mga kamag-aral.

C. Sumulat sa papel ng isang pangungusap tungkol sa


iyong komunidad.
Tandaan mo

Ang kabuuan ng kinabibilangang komunidad


ay mailalarawan ayon sa kapaligiran ng kinaroroonan
nito. May pagkakatulad at pagkakaiba ang mga
komunidad sa kapaligirang pisikal at sa mga
bumubuo nito.

Natutunan ko

1. Bumuo ng larawang mapa ng iyong komuidad sa


isang papel.

2. Gamitin ang mga iginuhit na larawan sa


“Gawin Mo”
Pagsasanay 2

Direksiyon: Iguhit ang masayang mukha kung sang-


ayon sa isinasaad na pangungusap at
malungkot na mukha kung hindi.

____________1. Ang komunidad ay binubuo ng pangkat


ng mga tao na namumuhay at
naninirahan sa isang pook.

____________2. Tungkulin ng paaralan na bigyan ng


dekalidad na edukasyon ang mga mag-
aaral.

____________3. Iba-iba ang mga kinabibilangang


komunidad ng mga bata.

____________4. Ang pamilya ay isa sa mga bumubuo ng


komunidad.

____________5. Mahalaga ang maayos at malusog na


komunidad sa isang batang katulad mo.
Pagsasanay 3

Direksiyon: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa AP
notebook.
1. Binibigyan ng tamang edukasyon ang mga bata.
a. pari c. guro
b. nanay d. tinder
2. Malinis at ligtas na pagkain ang ipinagbibili niya.
Tamang presyo ay tamang sukli sa mamimili ang
ibinibigay niya.
a. pulis c. doktor
b. nars d. tindera
3. Unang pangangailangan ang ibinibigay sa mga anak.
Gumagabay para lumaking mabuti.
a. magulang c. bumbero
b. katekista d. janitor
4. Nagbabantay sa lugar para maging tahimik at ligtas.
a. kuraparuko c. pulis
b. guro d. mananahi
5. Nagaalaga sa pangangatawan ng bawat tao.
Nagbibigay ng gamot, bitamina, at nagtuturo para
mapanatili na ligtas ang inyong lugar.
a. panadero c. tanod
b. doktor d. basurero
Pangwakas na
Pagsubok:

Direksiyon: Piliin ang tamang sagot. Isulat sa AP


notebook.
1. Sino ang nagtatanim para may mapagkunan ng
pagkain?
a. guro c. pari
b. magsasaka d. mangingisda
2. Sino ang nagtuturo sa mga mag-aaral para matuto at
magkaroon ng magandang asal?
a. guro c. bumbero
b. doktor d. panadero
3. Ang barangay ay pinamumunuan ng isang _________.
a. guro c. mayor
b. tanod d. kapitan
4. Ito ang nagbibigay proteksiyon para magkaroon ng
ligtas na tirahan ang mga bata sa komunidad.
a. barangay c. simbahan
b. pamilya d. eskwelahan
5. Sino ang nakatira sa komunidad?
a. mga taong nagtutulungan.
b. mga taong nagaaway away.
c. mga taong may sakit,
d. iisang pamilya lamang.
Karagdagang
Gawain

A. Isulat ang impormasyon tungkol sa komunidad mo.

Pangalan Lokasyon Pangalan Mga Bilang


Ng Lugar Ng mga Hanap- ng mga
Paaralan buhay taong
nakatira
dito

B. Isulat ang hinihinging impormasyon.


Pangalan ng siyudad ____________________.
Populasyon _______________.
Bilang ng Barangay ________________.
Wika ________________.
Relihiyon __________________.

C. Iguhit ang gusto mong namumuno sa komunidad.


Susi sa
Pagwawasto

Unang Pagsubok Pangwakas na Pagsubok


1. Pulis 1. B
2. Panadero 2. A
3. Kapitan 3. D
4. Bumbero 4. A
5. Dentista 5. A
Gawin Natin
1. E
2. D
3. C
4. B
5. A
Pagsasanay 2
1-5.

Pagsasanay 3
1. C 4. C
2. D 5. B
3. A
For inquiries or comments, please contact:

You might also like