You are on page 1of 5

RAMON DUTERTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Guadalupe, Cebu City


REVISED WORKSHEET IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 7-ASYA:PAGKAKAISA SA GITNA NG PAGKAKAIBA-IBA
Pangalan : __________________________________ Grado at Pangkat:____________________Petsa: ______________
MARKAHAN I/MODYUL 1-Heograpiya ng Asya
Aralin1- Karangiang Pisikal ng Asya

Gawain 7: Behetasyon, Alamin!

Sa mga naitala mong mga konsepto ng Asya bilang isang kontinente ay mahalaga ring matukoy mo ang iba't-
ibang vegetation cover na mayroon sa iba't-ibang rehiyon ng Asya bilang bahagi ng pisikal na katangian nito, at iyan ay
iyong aalamin sa pamamagitan ng pagbasa ng teksto ukol dito gamit ang anumang batayang aklat sa Araling Panlipunan
II, ang tungkol sa Asya. Malaya ka ding gumamit ng anumang materyales o pamamaraan upang makalikom ng mga
datos, at makapagbigay ng mainam na sagot sa ating gawain kaugnay sa paksa.

Sa ibaba ay makikita ang isang concept organizer na nagtataglay ng mga larawan ng iba't-ibang vegetation cover.
Gamit ang iyong nalikom na mga impormasyon, isulat sa espasyo sa ibaba ng larawan ang maikling paglalarawan dito. Sa
kahon sa ibaba ng bawat seksyon ng graphic organizer ay itala ang mga bansa sa Asya na may ganitong uri ng
behetasyon.

A. Magbigay ng maikling paglalarawan sa bawat uri ng vegetation cover.


B. Itala ang mga bansa sa Asya na may ganitong uri ng vegetation cover.

STEPPE PRAIRIE SAVANNA

A.____________________________ A._____________________________ A._____________________________


_____________________________ ______________________________ ______________________________
B. ___________________________ B._____________________________ B._____________________________
_____________________________ ______________________________ ______________________________
_____________________________ ______________________________ ______________________________

TAIGA TUNDRA RAINFOREST

A.____________________________ A._____________________________ A._____________________________


_____________________________ ______________________________ ______________________________
B. ___________________________ B._____________________________ B._____________________________
_____________________________ ______________________________ ______________________________
_____________________________ ______________________________ ______________________________

Ang uri ng kapaligirang pisikal mayroon sa isang lugar ay epekto ng uri ng klima nito. Ito'y bunsod din ng mga
pangyayaring likas na hindi natin maiiwasan ngunit may mga pamamaraan para mabawasan, kung hindi man maiwasan,
ang mga kapinsalaang dulot nito. Ito ay ang paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan, at ang pag-ihip ng monsoon o
hanging nagtataglay ng ulan na maaaring humantong sa bagyo. Ano kaya ang mga pagbabagong naidudulot ng mga ito sa
kapaligi- rang likas ng isang bansa? Paano ito naghahatid ng mga mahahalagang salik sa pamumuhay ng mga tao?
Ang Asya ay isang kontinente na palagiang nakakaranas ng mga pangyayaring ito.
MGA URI NG KLIMA SA ASYA

MGA REHIYON KATANGIAN NG KLIMA


Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan,
HILAGANG ASYA at maigsi ang tag-init, ngunit may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa.
Gayunpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao dahil sa
sobrang lamig.
Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis o di kaya'y katamtamang init o
KANLURANG ASYA lamig ang lugar na ito. Bihira at halos hindi nakakaranas ng ulan ang malaking bahagi ng
rehiyon. Kung umulan man, ito'y kadalasang bumabagsak lamang sa mga pook na malapit
sa dagat.
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Set-
TIMOG ASYA yembre, taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, at kung Marso
hanggang Mayo, tag-init at tagtuyot. Nananatili malamig dahil sa niyebe o yelo ang
Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.
Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng rehiyong ito, ang mga
SILANGANG ASYA bansa dito ay nakakaranas ng iba-ibang panahon- mainit na panahon para sa mga
bansang nasa mababang latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang
bahagi ng rehiyon.

TIMOG-SILANGANG ASYA Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropikal, nakararanas ng tag-init,
taglamig, tag-araw at tag-ulan.

Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon ay
tinatawag na klima. Kinapapalooban ito ng mga elemento tulad ng temperatura, ulan at hangin. Maraming salik ang
nakakaapekto sa klima ng isang lugar. Ilan dito ay ang lokasyon, topograpiya, uri o dami ng ng mga halaman, at distansya sa
mga anyong tubig. Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan dito ang lahat ng uri ng klima at panahon. Samantala ang monsoon o
mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima na may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay
ng tao lalot higit yaong mga nasa silangan at Timog-Silangang Asya. Depende sa lakas ng bugso nito, ito ay maaaring magdulot
ng parehong kapakinabangan at kapinsalaan.

ANG PACIFIC RING OF FIRE

Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Asya Psipiko, ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung
tawagin ay Ring of Fire, o Circum-Pacific Seismic Belt. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan,
kasama na ang mga bulkang Mayon, Pinatubo, Taal at Krakatoa. Ang pagsabog ng mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng
paglindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong-tubig.
Tinatayang 81% ng pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito. Sinasabing noong araw pa man bago maisulat ang
kasaysayan, ang karamihan sa mga anyong-lupa at anyong-tubig sa daigdig ay hinubog at binigyang porma ng, bukod sa
paggalaw ng tectonic plates na nagpabitak at nagpaangat sa ilang bahagi ng lupa, ay dulot ng mga pagyanig mula sa pagsabog
ng bulkan.

Gawain 8: Katangiang Pisikal ng Asya, Itanghal!

Ngayon ay maglilikom ka ng mga mahahalagang datos at impormasyon ukol sa ka tangiang pisikal ng mga rehiyon
sa asya. Ang gawaing ito ay maaaring isagawa ngisahan o pangkatan. Kung isasagawa bilang pangkatang gawain, malaya
ang bawat mag-aaral na sumapi sa mga kamag-aaral na nais nilang makasama at bumuo ng pangkat na may pare-
parehong dami ng kasapi. Kapag naisaayos na ang mga grupo, makakatanggap kayo ng task card na inyong magiging
gabay sa pagsasagawa ng gawain.

A. Retrieval Chart. Panuto: Buuin ang tsart sa ikalawang pahina tungkol sa katangiang pisikal ng mga rehiyon sa
Asya ayon sa kinarroonan nito, hugis, o anyo, sukat, klima at vegetation cover. Maaring gamitin ang aklat na
Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan ni Grace Estela Mateo; et. al.
KATANGIANG PISIKAL NG HILAGANG ASYA
Mga Bansang Nabi- Kinaroroonan Hugis/Anyo Sukat Klima Vegetation
bilang sa Rehiyon Cover
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
KATANGIANG PISIKAL NG TIMOG ASYA
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
KATANGIANG PISIKAL NG KANLURANG ASYA
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
KATANGIANG PISIKAL NG SILANGANG ASYA
1.
2.
3.
4.
5.
6.
KATANGIANG PISIKAL NG TIMOG-SILANGANG ASYA
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

You might also like