You are on page 1of 26

2

Araling Panlipunan
Quarter 1 – Module 7
Ang Panahon at Kalamidad sa Sariling
Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Unang Markahan – Modyul 7: Ang Panahon at Kalamidad sa
Sariling Komunidad

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi


maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakitaan. Kabilang sa mga
maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaring
kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot
sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Leila R. Nagrampa
Editor: Florenia C. Toralde
Edgar B. Collantes
Tagasuri: Jerson V. Toralde
Tagaguhit: Rex T. Cortez
MODYUL/SANAYANG PAPEL SA ARALING PANLIPUNAN
Tagalapat: Rex T. Cortez
Panimula:

Bahagi ng kapaligiran ng komunidad ang


mahalagang lugar, gusali, anyong lupa at tubig at ang
kahalagahan nito sa komunidad.Sa araling ito,
madadagdagan pa ang inyong kaalaman tungkol sa uri
ng panahon at kalamidad na inyong nararanasan sa
sariling komunidad. Malalaman mo rin kung paano kayo
naaapektuhan ng pabago-bagong panahon at
kalamidad,gayundin ang kung ano ang mga dapat
gawin sa panahon ng may kalamidad.

Layunin:

Nailalarawan ang panahon at kalamidad na


nararanasan sa sariling komunidad

1
Talahulugan:

Upang higit na maunawaan ang inyong


kaalaman sa araling ito. Inyo munang alamain ang
kahulugan ng sumusunod

➢ Panahon- kalagayan ng atmospera o himpapawid sa


araw-araw

➢ Kalamidad- nakakasira sa kalagayan ng kalupaan,


katubigan at nakakaapekto sa kalusugan
ng tao

➢ Tag-araw o tag-init – panahong maaraw

➢ Tag-ulan – panahon ng ulan

2
Panimulang Pagsubok:

Iguhit sa patlang ang kung ang larawan


ay nagpapakita ng panahon ng tag-ulan at kung
nagpapakita ng tag-init.

______1.

______2.

______3.

______4.

______5.

3
Mga Gawain sa Pagkatuto:

Nagkakaroon ng mga pagbabago sa


kapaligiran. Nararanasan sa komunidad ang pabago-
bagong panahon.
Naaapektuhan ang mga gawain ng mga tao
kahit mabuti o masama ang lagay ng panahon.
Inyong pagmasdan ang bawat pangkat ng
mga larawan sa isang komunidad, ano kaya ang kanilang
ginagawa? Nakakaapekto ba ito sa kanilang
pamumuhay? Isulat sa linyang nasa baba ng larawan
A. Lagay ng panahon sa aking komunidad:

• Panahon ng tag-init at tag-ulan

____________________________________
____________________________________
____________________________________

4
B. Pamumuhay ng mga tao sa lagay ng panahon

____________________________________
____________________________________
____________________________________

C. Paghahanapbuhay ng mga tao kung maaraw o


maulan ang panahon.

____________________________________
____________________________________
____________________________________

5
D. Gawain at libangan ng mga tao ayon sa uri ng
panahong nararanasan.

____________________________________
____________________________________
____________________________________

E. Pagbabago ng kapaligiran

____________________________________
____________________________________
____________________________________

6
• Sa bawat pangkat ng mga larawang ipinakita sa itaas
tungkol sa lagay ng panahon sa inyong komunidad.
Gumuhit ng mga gawain na pwedeng gawin sa
panahon ng tag-ulan at tag-init.

A B
• Isulat sa loob ng kahon ang epekto ng pagkakaroon ng
kalamidad sa sariling komunidad.

• Tingnan ang mga larawan, ano ang ipinapakita nito sa


inyong komunidad? Ano ang epekto nito sa inyo at sa
sarili ninyong komunidad? Isilat sa linyang nasa baba

_____________________________________

7
• Lahat ng ito ay inyong nararanasan sa sarili ninyong
komunidad, lagay ng panahon, at ang mga kalamidad
na dumadaan sa inyong komunidad dahil sa pabago-
bago ng panahon.

Bilang isang mag-aaral, ano ang pwede mong


gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng kalamidad
tulad ng pagbaha sa inyong komunidad?

Pagsasanay 1

Isulat sa patlang ang Tama kung tama ang isinasaad ng


pangungusap at Mali kung mali ang sinasabi nito.

__________1. Naliligo ang maraming tao sa beach sa


panahon ng tag-init.
__________2. Masayang naglalaro ang mga bata sa
dalampasigan ng saranggola kung tag-
ulan.
__________3. Ang panahon ay ang lagay ng atmospera sa
isang lugar sa loob ng maikling oras sa araw-
araw.
__________4. Tag-init at tag-lamig ang dalawang usi ng
panahon.
__________5. Nakakapaghanapbuhay ang mga tao ng
maayos sa panahon ng tag-ulan.

8
Pagsasanay 2

Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot, isulat ito sa


tamang hanay ang mga gawaing dapat ihinto,
ipagpatuloy, at simulang gawin para ingatan ang
kapaligiran at masolusyunan ang kalamidad na
nararanasan sa inyong komunidad.

Gawaing Dapat Gawaing Gawaing


Ihinto Ipagpapatuloy Sisimulan

• Paglilinis sa ating kapaligiran


• Ihinto ang pagtatapon ng mga basura sa paligid
• Sisimulan ko ang pagrerecycle ng mga dapat i-recycle
• Ihinto ang pagsusunog ng mga di-nabubulok na
basura
• Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan o tamang
tapunan
• Sisimulan kong magtanim ng mga puno
• Ihinto ang pagputol ng mga punongkahoy
• Ipagpapatuloy ko ang pagtatanim ng mga puno
• Sisimulan kong manghikayat sa mga tao na itigil na
ang pagputol ng mga punongkahoy sa kagubatan

9
Pagsasanay 3

Iguhit at kulayan sa loob ng bilog ang mga gawaing


maaaring gawin sa panahon ng tag-ulan, tag-init at kung
may kalamidad.

Tag-init Tag-ulan Kalamidad

Pangwakas na Pagsubok

Basahing mabuti ang panuto, piliin at isulat sa patlang ang


letra ng tamang sagot.
_______1. Ito ay epekto ng pagkakaroon ng kalamidad sa
inyong komunidad.

A. B. C.

10
______2. Ito ang dapat kung isuot sa panahon ng tag-init.

A. B. C.

______3. Ito ang dapat kong gawin sa panahon ng tag-


ulan.

A. B. C.

______4. Ito ang isinusuot ko sa panahon ng tag-ulan.

A. B. C.

______5. Ano ang dapat mong gawin sa panahon ng may


kalamidad?

A. B. C.

11
Karagdagang Gawain:

Iguhit sa isang bond paper ang uri ng panahon na inyong


nararanasan sa inyong sariling komunidad, kulayan ito.

12
I. Panimula
Kumusta mga bata!Kita-kits na naman
tayo ulit sa mga pagsasanay sa
araling ito. Ating pag-aaralan ang
mga panahon at kalamidad na iyong
nararanasan sa iyong sariling
komunidad.Ano ang nararamdaman
mo kapag may kalamidad na
darating sa yong komunidad. Ano ang
dapat mong gawin?

II. Layunin

Pero bago ka dumating sa iyong


paglalakbay sa ating mga pagsasanay
o Gawain, atin munang alamin ang
layunin para alam mo kung ano ang
iyong tatahakin sa pagsasanay na ito.
Dapat na mailarawan mo ang panahon
at kalamidad na nararanasan sa sariling
komunidad.

13
III. Talahulugan

O, ano? Gusto mo bang madagdagan


ang iyong nalalaman na mga salita?
Halika’t tunguhin natin ang talasalitaan
para sa kahulugan ng mga salita.

Tag-init – mainit ang panahon


Tag-ulan – maulan ang panahon
Kalamidad – nakakasira sa kalagayan ng
kalupaan, katubigan at nakakaapekto
sa kalusugan ng mga tao.
Panahon- kalagayan ng atmospera o himpapawid
sa araw-araw.

14
Ngayong alam mo na ang kahulugan ng
mga salita, atin ng simulan ang paglalakbay
mo sa iyong patutunguhan. Ito ay ang
Panimulang Pagsubok para sa pagsasanay
na ito.

IV. Panimulang Pagsubok

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng


tamang sagot.

1. Ito ang madalas gawin ng mga tao sa panahon ng tag-ulan.


A. Nasa loob lamang ng bahay
B. Nagtatampisaw sa ulan
C. Kumakain ng halo-halo

2. Kapag may kalamidad gaya ng bagyo ang dapat kong gawin ay;
A. Lumabas ng bahay at maglaro sa labas
B. Maghanda ng emergency kit na may sapat na pagkain,
maiinom na tubig at gamot
C. Umiiyak at maglupasay dahil hindi ka makalabas ng bahay

3. Ang tag-tuyo’t ay isang uri rin ng kalamidad na nararanasan sa


isang komunidad, ano ang epekto nito sa inyong komunidad?
A. Mahihirapan ang mga tao sa komunidad lalo na ang mga
magsasaka
B. Mananatiling masagana ang ani ng mga magsasaka
C. Makapagtatanim pa ang mga tao sa isang komunidad kahit na
tag-tuyo’t na ito

15
4. Ang bagyo ay isang kalamidad na nakakaapekto sa
pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad maliban sa isa.
A. Wala ng mapagkukunan ng pagkain at iba pang
pangangailangan ng mga tao
B. Ang bagyo ay nakakatulong pa rin sa mga tao dahil sa
masira na nito ang mga buhay
C. Ang bagyo ay isang delubyo para sa mga dahil sa sinisira o
nasisira nito ang kabuhayan ng mga tao

5. Ang tag-ulan ay hindi nakakaapekto sa kabuhayan ng mga


tao.

A. Tama
B. Mali
C. Wala akong alam

O, ano kaya ba ang unang


pagsasanay o gawain? Bago tayo
pumunta sa iba pang pagsasanay
bibigyan ko muna kayo ng mga
gawain sa pagkatuto para mas
lalong lumawak ang inyong
kaalaman.

16
IV. Mga Gawain sa Pagkatuto

Nagkakaroon tayo ng mga pagbabago ng


panahon dahil sa atmospera sa himpapawid araw-
araw. May mainit na panahon at maulan. May
panahong tumitindi ang init ng araw o tinatawag
nating El Niño na kung saan ang mga magsasaka
ay hindi nakapagtatanim. May panahong maulan
na ang kalagayan ng komunidad ay bumabaha at
naaapektuhan ang kanilang kabuhayan. May
kalamidad din na dumarating sa ating komunidad
na hindi natin inaasahan.

Mga Dapat tandaan kapag may


kalamidad.Maiiwasan ang panganib o sakuna
kapag may kalamidad sa pamamagitan ng
pag-iingat.
1. Kailangang manatili sa loob ng bahay at
maging kalmado.
2. Maghanda ng medicine kit at mga pagkain
3. Maghanda ng kandila at flashlight
4. Makinig sa radyo at tandaan ang mga

babala.

5. Huwag mag-picnic, manatiling kalmado

17
Sa inyong sariling karanasan kapag may kalamidad, ano ang
inyong nararamdaman. Iguhit o isulat ito sa kahon.

Isulat ang mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad/


tag-init/tag-tuyo’t/ tag-ulan.

Tapos mo nang basahin at


gawin ang mga gawain sa
pagkatuto, nadagdagan ang iyong
kaalaman at impormasyon tungkol sa
mga dapat gawin sa tuwing may
kalamidad, tag-ulan at tag-init.
May pagsasanay pa akong
ibibigay sa iyo, alam kong kaya mo
yan!

18
VI. Pagsasanay 1

Bilugan mo ako!

Panuto: Tingnan ang larawan sa ibaba. Hulaan kung anong uri


ng panahon o kalamidad ito. Hanapin at bilugan ang iyong sagot
mula sa mga letra na nakapaloob sa kahon.

W U H Y T W Q V B N
E T A D A F G G N M
R R T A G I N I T O
B S S O U R T Y Y I
T A F I L F T G Y U
U D H U A U A J F V
I J T A N B L O U D
P N L L L I N D O L

1. 2.

3. 4.

5.

19
Pagsasanay 2

Binabati kita! Tapos mo nang sagutan ang


Pagsasanay 1, may isa pa akong inihanda para
sa iyo para mas lalo mong ma-enjoy ang iyong
paglalakbay sa pagsasanay.

Bilugan mo
ako!
Panuto: Piliin at lagyan ng tsek (/) ang mga parirala o
pangungusap na nasa loob ng kahon na nagsasabi ng
mga nararamdaman mo sa oras ng may kalamidad,
tag-ulan o tag-init at ekis (x) kung hindi ka sang-ayon sa
sinasabi.

__ Masaya akong makapaglaro kung may kalamidad tulad ng


bagyo, baha.
__ Natatakot ako pag may kalamidad n dumating sa ating
komunidad.
__ Nalulungkot ako kapag may kalamidad o tag-ulan
__ Nakapagtatrabaho ng maayos ang mga tao kapag may
kalamidad
__ Hindi na makapagtatanim ang mga tao dahil sa sobrang
init ng panahon
__ Matiwasay ang pamumuhay ng mga tao sa isang
komunidad kapag dinaanan ng kalamidad.
__ Natutuyo ang mga lupang taniman sa lugar na
nakararanas ng El Niño.
__ Ang sobrang pag-ulan sa isang lugar ay hindi nakakatulong
sa mga tao lalo na sa mga magsasaka o ang
pagkakaroon ng La Niña.
__ Maraming nagkakasakit sa mga lugar na dinaanan ng
kalamidad.

;. Tapos mo na ngayon ang ikalawang


pagsasanay, may isa akong inihanda para
sa iyo.Madali mo lang itong gagawin, alam
ko na kayang-kaya mo ito!

20
Pagsasanay 3
Iguhit mo ako!

Panuto: Iguhit ang epekto ng kalamidad na iyong nararanasan


sa panahon ng mga sumusunod:

21
Sa wakas, natapos mo na rin
ang mga pagsasanay! Huwag
kang mag-alala, may isa pa
akong inihanda para sa iyo, ito
ay ang sumukat sa mga
natutunan mo sa mga
pagsasanay o gawain na
iyong ginawa.

VII.Pangwakas na Pagsubok

Panuto: Bilugan ang kung ang pangungusap ay tama ang


isinasaad at kung mali.

1. Nagdadala ng malaking pinsala sa komunidad


ang mga nangyayaring kalamidad sa komunidad.

2. Natutuyo ang mga lupang taniman sa lugar na


nakakaranas ng La Niña.
3. Maghanda ng pagkain, gamut, flashlight bago
dumating ang bagyo.

4. Manatili sa loob ng bahay kapag malakas ang


ulan.

5. Natutuyo ang mga halaman dahil sa sobrang init


ng panahon.

Ngayong tapos mo na ang mga pagsasanay, binabati kita


sa matagumpay mong pagsagot sa mga gawain. Ngunit
mayroon kapang gagawin para sa mapalawak pa ang iyong
pag-unawa.
Isulat sa iyong notebook o kwaderno ang iyong sagot.

22
Sumulat ng 1-3 pangungusap na iyong
nararanasan sa panahon ng may kalamidad
maging tag-ulan, tag-init o ano pa man na
dumating sa inyong komunidad.

23
For inquiries or comments, please contact:

24

You might also like