You are on page 1of 13

2

Araling Panlipunan
Quarter 1 – Module 1
Ang Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Komunidad
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi
maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakitaan. Kabilang sa mga
maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaring
kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot
sa Kagawaran.
Regional Director: Gilbert T. Sadsad
Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Loreta R. Aguilar
Editor: Florenia C. Toralde
Edgar B. Collantes
Tagasuri: Jerson V. Toralde
Tagaguhit: Rex T. Cortez
MODYUL/SANAYANG PAPEL SA ARALING PANLIPUNAN
Tagalapat: Rex T. Cortez
Panimula:

Ang Komunidad

Sa modyul na ito, mapag-aaralan ninyo ang


tungkol sa iba’t ibang konsepto ng komunidad. Ano ba
ang komunidad? Sinu-sino ang nakatira sa isang
komunidad? Malalaman din dito kung anu-anong lugar
mayroon sa isang komunidad.

Layunin:

Sa modyul na ito ay iyong matutunan ang mga


mahahalagang konsepto o kahulugan na may kinalaman
sa komunidad.

Sa pagsasagawa mo ng mga gawain sa modyul


na ito ay inaasahan na naipaliliwanag ang konspeto ng
komunidad.

1
Talahulugan:

Basahin at unawain ang mga salita at ang mga


kahulugan nito.

❖ Komunidad – isang lugar o pook na tinitirhan ng mga


tao na magkakasamang namumuhay.
– binubuo ng mga taong magkakamag-
anak man o hindi ngunit may
pagkakaisa at pagtutulungan.

❖ pamilya – ito ay binubuo ng tatay, nanay at mga


anak na sama-samang namumuhay.

❖ Sentrong Pangkalusugan – Ito ay ospital o lugar


pagamutan na
pinupuntahan ng mga
taong may sakit at
nangangailangan ng
pagkalinga.

2
Panimulang Pagsubok

Iguhit ang kung tama ang konsepto tungkol


sa komunidad at kung mali.

__________1. Komunidad ang tawag sa lugar na tinitirhan


ng mga tao.

__________2. Bawat bata, matanda, lalaki at babae ay


may kinabibilangang komunidad.

__________3. Bawat isa mahalaga sa komunidad.

__________4. Ang pamilya ay hindi bahagi ng


komunidad.

__________5. Ang komunidad ay pook na tinitirhan ng


ibat ibang pamilya.

3
Mga Gawain sa Pagkatuto

Basahin ang talata nang may pag-unawa upang


masagutan ang mga pagsasanay at pangwakas na
pagsubok.

Ang Komunidad
Ang komunidad ay isang lugar o pook na tinitirhan
ng mga tao. Dito sila namumuhay at nakikisalamuha sa
bawat isa. Bawat isa ay mahalaga sa isang komunidad.
Ang mga tao rito; bata, matanda, babae o lalaki, ay
may iba’t ibang pamilyang kinabibilangan. Isang
pamilyang nagbibigay ng pagmamahal, pag-aaruga,
pangangailangan at gabay sa mga anak. Ang pamilya
ay mahalaga sa komunidad. Kung wala ang bawat
pamilya wala ring komunidad. Sa isang komunidad
makikita ang ilang lugar kagaya ng paaralan, simbahan,
palengke, barangay hall at sentrong-pangkalusugan na
nagbibigay serbisyo sa mga tao. Sa paaralan maraming
kaalaman ang matutunan, sa palengke naman
makikita/mabibili ang pang-araw-araw na
pangangailangan gaya ng mga pagkain at iba pa, sa
simbahan nakikinig ng misa at nagdarasal, sa sentrong-
pangkalusugan naman ang pupuntahan kung
nangangailangan ng mga tao ng gamot at bitamina
para lahat ay malusog. Ang barangay hall ang
pupuntahan kung kailangan natin ang mga namumuno
sa komunidad.
4
Pagsasanay 1

Lagyan ng tsek ( ) sa kahon para sa tamang


sagot.

Sitwasyon Opo Hindi Po


1. Ang komunidad ay binubuo
lang ng isang pamilya.

2. Ang komunidad ay pangkat


ng mga taong nakatira sa
isang lugar.

3. Bahagi ng komunidad ang


mga taong pumupunta sa
paaralan, simbahan at
palengke.

4. Mahalaga ang pamilya sa


isang komunidad.

5. Ang sentrong-
pangkalusugan ay bahagi rin
ng komunidad.

5
Pagsasanay 2

Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng bawat


pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

Simbahan Pamilya
Paaralan Palengke
Barangay Sentrong-pangkalusugan

1. Araw-araw na magkakasama sa lahat ng ginagawa.


____________ ang nagbibigay ng pagmamahal, pag-
aaruga, pangangailangan at gabay sa mga anak.

2. Sa _______________ mabibili ang malinis na mga


pagkain at lahat ng pangangailangan ng mga tao sa
komunidad.

3. Masayang nag-aaral sa _______________ ang mga


bata. Maraming kaalaman ang matutuhan dito.

4. Gamot saka bitamina ang ibinibigay ng _____________


upang ang mga tao sa komunidad ay maging
malusog.

5. Pumupunta sa ___________________ upang makinig ng


misa at magdasal.

6
Pagsasanay 3

Basahin ang tula at sagutin ang mga


katanungan kasunod ng tula.

Komunidad

Dito sa amin, presko ang hangin,


Ilog, dagat, malinis na baybayin,
Berdeng bundok, magandang tanawin,
Bata, matanda masayahin.

Simbahan, palengke, panaderya,


Paaralan at saka plasa,
May doctor sa klinika,
Kaya komunidad ay masaya.

Mga Tanong:
1. Ano-anong lugar ang nabanggit sa tula?
__________________________
2. Lahat kaya ng taong nakatira sa mga lugar na ito
magkakamag-anak? Bakit?
__________________________
3. Sino-sino ang nakatira sa inyong komunidad?
__________________________

7
4. Kagaya ba ng inilalarawan sa tula ang inyong lugar?
Bakit?
______________________________
5. Masaya ba ang inyong komunidad? Ilarawan ito?
______________________________

Pangwakas na Pagsubok

Iguhit ang kung tama ang sinasabi at


kung mali.
__________1. Ang komunidad ay isang lugar na may iba’t
ibang taong naninirahan at nakikisalamuha
sa bawat isa.
__________2. Para sa pamilya o kamag-anak lang ang
komunidad.
__________3. Bawat komunidad ay may taong
naninirahan.
__________4. May makikitang mga lugar sa komunidad
kagaya ng paaralan, simbahan at palengke.
__________5. Ang bawat bata ay may komunidad na
kinabibilangan.

8
Karagdagang Gawain

Gumupit ng litrato ang mga lugar sa komunidad


gaya ng paaralan, simbahan, palengke at
sentrong pangkalusugan. Pagkatapos idikit sa
bond paper.
Sangunian
https://www.google.com/imgres?imgurl=https://cdn.slidesharecdn.com/ss_thumbnails/angkomuni
dad-140716201804-phpapp01-thumbnail-
4.jpg?cb%3D1405541934&imgrefurl=https://pt.slideshare.net/barangaysuki7/ang-
komunidad&tbnid=AtOde5vMDccIoM&vet=1&docid=Tzl8gErSB0J_KM&w=768&h=994&itg=1&q=lar
awan+ng+komunidad+clipart&hl=en-US&source=sh/x/im

Susi sa
Pagwawasto

Panimulang Pagsubok
1.
2.
3.
4.
5.

Pagsasanay 1
1. hindi po
2. Opo
3. Opo
4. Opo

9
5. opo

Pagsasanay 2
1. Pamilya
2. Palengke
3. Paaralan
4. Sentrong-Pangkalusugan
5. Simbahan

Pagsasanay 3
1. ilog, dagat, baybayin, bundok, simbahan, palengke,
panaderya, paaralan, plasa.
2. Oo/Hindi (depende sa sagot ng mga bata)
3. Mga tao, bata, matanda
4. Opo
5. Opo

Pangwakas na Pagsubok
1.
2.
3.
4.
5.

10
For inquiries or comments, please contact:

11

You might also like