You are on page 1of 2

Si Josefa Llanes Escoda, kilala rin bilang Florence Nightingale ng Pilipinas.

MASIPAG at magilas si ‘Pepa’ o Josefa Llanes Escoda nuong bata, matulungin at mapagsilbi nuong lumaki, at
makabayan at magiting nuong panahon ng digmaan nang biglang natapos ang buhay niya. Panganay si ‘Pepa’ nang
isilang nuong Septiembre 20, 1898 sa Dingras, Ilocos Norte kina Gabriel Llanes, isang guro ng musica, at ng asawa nitong
si Mercedes Madamba, ang nagturo kay ‘Pepa’ at sumunod na 6 anak ng kabutihan ng paglilingkod sa kapwa tao.
Masayahin at malikot, katulong si ‘Pepa’ sa pag-alaga sa mga kapatid - si Florencio, ang kaisa-isang lalaki, at
kina Luisa, Elvira,Rosario, Purita at Eufrosina. At marunong. Araw-araw, nag-aaral siya at bumabasa ng mga aklat.
Lumitaw ang tatag ng damdamin at hilig niyang matuto nuong bumagyo minsan sa Dingras at nagpumilit pumasok sa
paaralang elementary kahit sinuway ng ina. “Hindi mapipigil ng sama ng panahon ang aking pag-aaral,” ang hayag niya
nuon. Dapat asahan, valedictorian siya nang nagtapos sa elementary school. Nagtuloy siya sa Laoag at nagtapos ng high
school. Nahimok niya ang mga magulang na pag-aralin siya ng pagiging guro sa mababang paaralan sa Philippine Normal
School (Philippine Normal College na ngayon) sa Manila. Nagtapos siya nang may parangal (with honors) pagkaraan ng 2
taon, nuong 1918. Nuong taon ding iyon namatay ang ama ni Pepa nang umabot sa Ilocos ang salot nginfluenza (1918 flu
pandemic) na pumatay sa libu-libong Pilipino, at milyon-milyong tao sa buong daigdig nuon at sumunod na mga taon.

Viuda at walang hanap-buhay, hirap ang inang si Mercedes, kaya dinala silang lahat ni Pepasa Manila at
kinupkop habang nagtuturo siya sa Jose Rizal College, University of Manila,Far Eastern University at sa Philippine
Women’s University, at habang nag-aaral - sa gabi - ng pagiging guro sa mataas na paaralan (high school teacher’s
certificate) saUniversity of the Philippines.

Apat na taon bago siya nakatapos sa UP nuong 1922. Agad siyang lumipat ng trabajo at nagging tagapag-silbing
kawang-gawa (social worker) para sa sangay Pilipino (Philippine Chapter) ng American Red Cross. Nakilala ang dunong,
sipag at hilig ni Pepangmaglingkod sa kapwa kaya ipinadala siya sa America ng Red Cross nuong 1925 upang mag-aral
ng masisinang pagsisilbing kawang-gawa (intensive social welfare training).

Anim na buwan lamang at puspusan ang pag-aral sa New York School of Social Worksubalit, bago nakatapos,
ilang ulit siyang nagtalumpati sa iba’t ibang pulong; sumali pa siya sa kalampag (campaign) ng mga tulad
niyang banyaga (foreigner) na nakatira saInternational House project habang nag-aaral sa New York.
Isang dinaluhan niya nuong 1925 bilang kinatawan ng Pilipinas ay ang Women’s International League for Peace. Duon,
nakilala niya ang makisig na reporter ng Philippine Press Bureau, si Antonio Escoda, ang kanyang naging asawa pagtagal.
Nuong taon ding iyon, ginawaran siya ngColumbia University ng pagka-dalubhasa sa pagsisilbing kawang-gawa (master’s
degree in social work).

Pagbalik sa Pilipinas nuong 1926, nagturo uli si Pepa sa UP at sa UST. Nagsilbi rin siya sapamahalaan (gobierno,
government) bilangpatnugot (editor) ng Health Messenger, angmagazine ng Tuberculosis Commission ng Bureau of
Health. Naging kalihim tagapag-ganap (executive secretary) din siya sa Philippine Anti-Leprosy Society, at nagsilbi sa Boy
Scouts of the Philippines. Akay ng kanyang hilig sa kawang-gawang bayan ang nasa niyang itaguyod ang katayuan ng mga
babae sa Pilipinas. Walang boto ang mga Pilipina nuon, kaya walang kalagayan sapolitica ng bayan. Kahit abala sa
maraming tungkulin, masugid na sumali si Pepa sa kalampag ng mga babaing nais magka-karapatan bumoto sa halalan
(suffragettes).

Kinilala ang galing at sigasig niya nang nahalal na kalihim (secretary) ngPangkalahatang Sanggunian ng
Kababaihan (General Council of Women). Sabay sa mga babae sa America, nagtagumpay ang kalampag nuong Deciembre
7, 1933 nang pairalin ang Batas (Act) 4112 na nagbigay ng boto sa mga Pilipina.
Kinilala rin ang pagsilbi ni Pepa sa Boy Scouts of the Philippines nang ipadala siya nito sa America uli nuong 1933
rin upang pag-aralan ang pagiging Girl Scout. Binuo niya ang Girl Scouts of the Philippines pagbalik sa Pilipinas nuong
1937 at, matapos ng walang puknat niyang amuki, itinanghal na pambansang samahan(national organization) ang GSP
nuong 1940 nang lagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Batas (Commonwealth Act) 542.

Hindi kinaligtaan ni Pepa ang kawang-gawang bayan (social work). Itinatag niya ang Boys’ Town upang maging
tahanan ng mga batang lalaking palaboy sa Manila. Sinikap din niya ang pagtatag ng mgapaaralang pang-musmos (free
nursery schools) na walang bayad, may pakain pangsabaw (sopa, soup) at gatas (leche, milk). Nilakad din niyang malinis
at mapagbuti ang kalagayan sa mga liblib na barrio sa lalawigan, at sa mga kulungan. Kumalampag din siya na masugpo
ang mga sugal (jugar, gambling) at iba pang mga bisyo (vicios, vices), at matatag ang mga paaralang pang-
matanda (adult education) sa mga lalawigan.

Sa kabila ng daming gawain, nagka-panahon si Pepa na pakasal kay Antonio Escoda at nagka-anak sila ng dalawa
- sina Maria Teresa at Antonio Junior.

Suminag ang pagka-makabayan (patriotism) ni Pepa nuong panahon ng Hapon (World War 2). Paglusob ng mga
Hapon, siya at ang asawang si Antonio ay sumapi sa Volunteer Social Aid Committee at tumulong sa mga sundalong
Pilipino at Amerkano. Isa siya sa mga tumulong sa mga bihag (prisoners) na pinahirapan ng Hapon nuong Bataan Death
March. Pagkatapos, kasama rin silang nagpuslit ng gamot, pagkain at damit sa mga sundalong ibilanggo sa Camp
O’Donnel at sa mga Amerkano at iba pang dayuhan (foreigners) na ikinulong ng mga Hapon sa University of Santo
Tomas sa Manila, at sa prisoner of war camp sa Los Baños, Laguna. Itinago nila ang mga babae at mga mag-
aral (estudiantes, students) na tumakas o naipit ng bakbakan sa Manila, hanggang nakabalik ang mga ito sa kanilang mga
lalawigan.

Nahuli ng mga Hapon ang asawa niyang si Antonionuong Junio 1944 at ikinulong sa Fort Santiago. Pagkaraan ng
2 buwan, nuong Agosto 27, binihag din siPepa ng mga Hapon at ikinulong din duon. Pinahirapan at siniyasat siya subalit
nanatiling tahimik at matatag. Dahil walang naiparatang, inalok siyang lumabas at lumaya nuong Deciembre 1944 - 2
buwan matapos bumalik ang mga Amerkano at talunin ang mga Hapon sa Leyte. Tumanggi si Pepa at piniling manatiling
kapiling ng kanyang asawa. Hindi nagtagal, nuong Enero 1945, lumusong ang hukbong Amerkano sa Lingayen,
Pangasinan, sa Batangas at sa Bicol, upang palayain muli ang Luzon mula sa mga Hapon. Nagkagulo sa Manila at huling
nakita si Pepa nuong Enero 6, 1945, bihag pa rin ng mga Hapon sa Far Eastern University. Paniwala ngayon na hindi
nagtagal pagkatapos nuon, dinala siya at binitay ng mga Hapon sa Chinese Cemetery.

Pinararangalan ngayon sa Pilipinas si ‘Pepa’ Josefa Llanes Escoda dahil sa kanyang mga nagawa. Hinirang ang
kanyang pangalan sa isang lansangan at sa isang gusali (edificio, building), at nagtayo ng isang monumento bilang alaala
sa kanyang pagka-bayani. Inilarawan din siya sa 1,000 piso kasama ng 2 pang bayaning binitay din ng mga Hapon,
sina Jose Abad Santos at Vicente Lim.

You might also like