You are on page 1of 22

HEALTH

Quarter 4-Weeks 1-9

4 Grado:
Iskor:
Pangalan:
Petsa:

KALIPUNAN NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Mga Uri Ng Kalamidad sa Aking Komunidad

Background Information for Learners

Ang kalamidad ay pangyayari na sanhi ng mga pagbabago sa kondisyon ng kalikasan


at maaaring magdulot ng pagkawasak o pagkawala ng mga ari-arian at kapahamakan sa
buhay ng tao. Ilan sa mga ito ay bagyo (pagbugso ng malakas na hangin), storm surge
(daluyong ng dagat), lindol (paggalaw ng lupa), volcanic eruption (pagputok ng bulkan),
landslide (pagguho ng lupa), at baha (pagtaas ng tubig).
BAGYO

Ang Pilipinas ay nakararanas ng mahigit kumulang sa 22 bagyo sa loob ng isang taon.


Maaaring ang isang lugar ay madalas na daanan ng mga bagyong ito. Ang bugso ng hangin,
lakas ng pagbuhos ng ulan, at maging ang dami nito ay lubhang nakapamiminsala. Madalas
ang dulot nito ay ang pagtaas ng naiipong tubig (baha), storm surge, at landslide o pagguho
ng lupa.

Ito ay kadalasang nabubuo sa karagatan katulad ng Dagat Pasipiko. Mayroon itong


dalawang bahagi: ang eye wall at ang mata ng bagyo. Ang Philippine Atmospheric
Geophysical Astromical Services Administration o PAGASA ay nagbigay ng signal upang
malaman ang lakas o bugso ng hangin na dulot ng bagyo.

Signal Bugso ng hangin

Signal No. 1 : 30-60 kph


Signal No. 2 : 61-100 kph
Signal No. 3 : 101-185 kph
Signal No. 4 : 186 pataas

Sa pamamagitan ng pagsukat at pagtukoy sa bugso ng hangin ng isang bagyo,


maaaring malaman ang angkop na paghahanda ng mga tao sa isang lugar.

LINDOL

Ang lindol o pagyanig ng lupa ay maaaring dulot ng pagsabog ng bulkan (volcanic


earthquake) o paggalaw ng tectonic plates sa ilalim ng lupa o earth’s crust.

PAGSABOG NG BULKAN

May dalawang uri ang bulkan: aktibo at hindi aktibong bulkan. Ang aktibong bulkan
ay pumutok o sumabog sa huling 600 na taon. Ang hindi aktibong bulkan ay natutulog o
1
walang

2
anumang pagsabog o pagbuga ng usok sa loob ng mahabang panahon subalit hindi ito
ngangangahulugang hindi na ito sasabog muli. Kung kaya’t mas makabubuting alamin ang
panganib na dulot nito upang maiwasan ang anumang sakunang dulot nito.

Ang sakuna ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o kalamidad. Ito ay


aksidente o mga hindi sadyang pangyayari tulad ng bagyo, lindol, at iba pa.

Ang maagap na naghahanda ay nalalayo sa sakuna. Upang maiwasan ang mga sakuna
na dulot ng natural na kalamidad, makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala, at alerto.
Maaaring malaman ang pinakabagong impormasyon ukol sa sama ng panahon sa radyo,
telebisyon o internet. Laging ipinahahayag sa telebisyon o radyo ang pagdating o paglapit ng
isang bagyo, pagputok ng bulkan, lindol, baha at malakas na hangin.

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap


Nauunawaan ng mga mag-aaral ang Inaasahang maisagawa ng mga mag-
mga gawaing pangkaligtasan at aaral ang mga wastong paraan sa
pangunang lunas sa oras ng kalamidad, batayang pangkaligtasan at pagbibigay
sakuna, at kagipitan o mga hindi ng pangunang lunas sa oras ng
inaasahang pangyayari (emergency). kalamidad, sakuna, at kagipitan o mga
hindi inaasahang pangyayari
(emergency).
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Recognizes disasters or emergency situations. (H4IS-IVa-28)(Q4/Wk1)

GAWAIN 1
Panuto: Anu – anong mga kalamidad o pangyayari ang maiuugnay sa larawan? Isulat ang
inyong sagot sa patlang.

1. 2.

3.
4.
GAWAIN 3
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang tsek (/) kung ang GAWAIN ay Tama at ekis ( X ) naman
kung Mali.

1. Masayang naligo ang mga bata sa tubig-baha.


2. Nakinig si Fe sa radyo upang malaman kung walang pasok dahil sa bagyo.
3. Hindi pinansin ni Mang Alfonso ang mga natumbang puno at sirang linya sa
kanilang lugar.
4. Inilayo ni Dan sa kurtina ang kandilang may sindi.
5. Ipinaskil ni Inay ang numero ng teleponong dapat tawagan sa oras ng sakuna.
6. Lasing na nagmaneho ang tsuper.
7. Sumali si Erica sa earthquake drill ng paaralan.
8. Gumamit si Michael ng kawayang kanyon noong BagongTaon.
9. Nanonood ng pailaw sa plasa sina Helen at Julia tuwing pista.
10. Pinagsama-sama ni Repot ang mga basura at itinapon lahat sa ilog.

PAGNINILAY/ REPLEKSYON

RUBRIK SA PAGPUPUNTOS
KRAYTIRYA PORSYENTO (%)
Nilalaman 25 %
Sariling ideya 25 %
Organisasyon 25 %
Kabuluhan 25 %
Kabuuan 100%
1. Ang hindi ko makalilimutan na kalamidad ay

2. Ang pinakakinatatakutan kong kalamidad na aking naranasan ay

3. Upang mapaghandaan ang mga kalamidad, ako ay

SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN 1
1. bagyo
2. lindol
3. baha
4. pagputok ng bulkan
5. pagguho ng lupa
6. storm surge
HEALTH 4
Pangalan:
Petsa:

Grado:
Iskor:
KALIPUNAN NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
SA PANAHON NG KALAMIDAD, SAKUNA AT KAGIPITAN

Background Information for Learners


Ang Survival Kit ay naglalaman ng mga pangunahing kailangan sa oras ng sakuna
gaya ng flashlight, radyo, reserbang baterya, pagkain, tubig, at kumot. Naglalaman din ito ng
mga gamot.
Narito ang pamamaraan / bagay na dapat ilagay sa emergency bag:
Pagkain (di nasisira kaagad) – Ilagay ang pagkain sa loob ng isang “zip-lock” plastic bag at
huwag umasa lamang sa orihinal na pakete. Maaari itong mabutas at kumalat sa loob ng bag.
Maaaring sumabog din ang pop-up easy open cans kaya nararapat na suriing palagi. Magdala
rin ng insulated bags. Magdala ng protein at granola bars, trail mix, dried fruits, crackers at
cereals. Iwasang magdala ng tsokolate na madaling matunaw o lumambot.
Tubing-inumin – Mas madaling bitbitin, mas maganda. Gumamit ng military type canteen,
sport water bottles o water bladder. Apat na galon ng tubig ang pangkaraniwang kailangan
ng isang tao upang mabuhay sa loob ng tatlong araw.
Kumot at damit – Magdala ng komportableng damit at undergarment na madaling iimpake
at hindi masyadong kumakain ng lugar sa loob ng bag. Magdala ng portable sleeping bags,
kumot, at blankets.
Personal supplies at gamot – Magdala ng first aid kit, mga gamot (ibuprofen,
antihistamines, pain reliever), toiletries, at suplay sa paglilinis. Huwag magdala ng sabon na
may pabango dahil makasisira ito sa pagkain.
Tools – Magdala ng Swiss knife, lapis, at papel, gamit sa pagkain, tubig at duct tape.
Gatong at Ilaw – Dapat magdala rin ng emergency lamps, flashlight, baterya, flares kung
mayroon, lighter o waterproof na posporo.
Dokumento at pera – Dalhin ang lahat ng legal na dokumento tulad ng birth/marriage
certificates, passport, credit cards, at insurance na maaaring itabi sa isang lugar na madaling
mabitbit at mahanap. Ilagay ang mga ito sa loob ng isang water proof na lalagyan. Magdala
ng kaunting halaga o tseke. Ilagay ang lahat nang ito sa waterproof container.
Palaging tingnan ang emergency bag tuwing anim na buwan upang matiyak na sariwa pa ang
pagkain, tubig at gamot at hindi pa na-expired, tingnan kung maayos at kasya pa ang damit,
up to date ang dokumento at credit cards, sapat ang baterya, at kung gumagana pa ang mga
gadgets. Magbalot din ng mga damit at pagkain para sa bata na kaya niyang bitbitin
ALAM MO BA?
Sa bawat uri ng kalamidad, ang sakuna ay maiiwasan kung tayo ay laging handa.
Ano- ano ang ating kailangang gawin BAGO , HABANG, at PAGKATAPOS ng isang
kalamidad?
Ang sakuna dulot ng kalamidad ay maaring iwasan sa pamamagitan ng pagiging
laging handa. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa maaaring gawin upang paghandaan ang
dulot na epekto ng iba’t ibang uri ng kalamidad.
PANAHON NG BAGYO
Bago dumating ang bagyo
1. Manood ng balita sa telebisyon o radyo ukol sa papalapit na bagyo.
2. Iayos at itabi sa ligtas na lugar ang mga importanteng bagay o papeles.
3. Mag-imbak ng sapat na dami ng tubig o pagkain.
4. Siguraduhing kumpleto ang emergency supplies katulad na baterya ng radyo, at
first aid kit
5. Itsek ang bubong ng bahay at ang mga puno sa bakuran sa posibleng pagbagsak
dahil sa malakas na hangin.
Sa panahon ng bagyo
Signal No.1
• Makinig sa balita sa radyo o TV ukol sa bagyo.
• Walang pasok ang pre-school sa paaralan.
• Magdala ng payong, kapote, at bota kung lalabas.
Signal No. 2
1. Makinig sa balita sa radyo o TV ukol sa bagyo.
2. Walang pasok sa mababa at mataas na paaralan.
3. Manatili sa loob ng bahay kung kinakailangan.
4. Iwasang magbiyahe maging sa daan, dagat, o
himpapawid. 5.Maging alerto at handa sa posibleng pagbaha.
6. Maghanda kung sakaling kinakailangang lumikas sa mataas at mas ligtas na lugar.
Signal No. 3
1. Walang klase sa lahat ng antas ng paaralan maging sa opisina.
2. Manatili sa loob ng bahay o sa lugar na mas ligtas.
3. Kung nakatira sa mababang lugar, lumikas sa mas mataas at mas ligtas na lugar.
4. Iwasan ang pagpunta malapit sa anumang uri ng anyong tubig.
Signal No. 4
1. Ipagpaliban ang anumang gawain at manatili sa loob ng bahay.
2. Lumikas sa mas mataas na lugar sa posibleng pagbaha o landslide.
3. Patibayin ang mga bahagi ng bahay na maaaring maapektuhan.
4. Umantabay sa mga ulat sa mass media.
5. Putulin ang mga sanga na malapit sa bahay.
6. Siguraduhing walang nakaharang sa kalsada para sa pagdaan ng emergency vehicles,
at maghanda ng emergency kit.
7. Kapag bumaha, patayin ang main switch.

Pagkatapos ng bagyo
1.Kumpunihin ang mga naiwang sira o pinsala sa bahay at bakuran.
2. Iwasang magtampisaw sa baha ng mahabang oras upang makaiwas sa sakit.
3. Ipagbigay alam sa kinauukulan ang anumang pinsala sa linya ng koryente,
tubig,at telepono.
4. Kung nasa evacuation site, maghintay ng hudyat kung kailan ligtas nang bumalik
sa inyong bahay.

LINDOL
Hindi tulad ng bagyo, ang lindol ay hindi maaaring masabi kung kailan magaganap.
Isaisip na ang tanging magagawang paghahanda sa pagsapit nito ay ang kaalaman sa kung
ano ang dapat gawin kung ito ay nararanasan na.
Ito ay mapanganib dahil sa dulot na sakuna pagkatapos yumanig ang lupa.Ito ay
maaaring magdulot ng pagbagsak ng mga gusali, pagbiyak ng lupa, sunog, at tsunami. Ang
karampatang paghahanda sa mga nasabing sakuna ay kinakailangang paghandaan upang
maiwasan ang pagkawala ng buhay.

Bago ang lindol


1. Alamin kung may emergency plan ang opisina, paaralan o ang iyong
pinagtatrabahuhan.
2. Maghanda ng emergency supplies tulad ng sa paghahanda sa bagyo.
3. Alamin kung nasaan ang electric fuse box sa bahay. Kinakailangan` itong maisara
sa pagsapit ng lindol upang maiwasan ang sunog.
4. Suriin ang mabibigat na bagay kung ligtas sa pagkakakabit at pagkakalagay sa
tamang lugar. Iwasang maglagay ng mga bagay na maaring mahulog at magdulot ng
malaking panganib.
5. Magsagawa ng earthquake drill sa paaralan, bahay, at komunidad.
Sa panahon ng lindol
1. Manatiling kalmado. Maging alerto kung saan man abutan nito.
2. Kung nasa loob ng isang gusali, tumayo sa isang pader malapit sa sentro ng
gusali Maghanap ng matatag na maaaring pagsilungan habang lumilindol.
3. Kung nasa loob ng sasakyan, ihinto ang sasakyan at hintaying matapos ang pagyanig.
4. Kung nasa labas, ilayo ang sarili sa anumang maaaring mahulog o mabuwal na
puno o poste.
Pagkatapos ng lindol:
1. Suriin ang sarili sa anumang sakit o sugat.
2. Suriin ang linya ng tubig, koryente o gasul sa anumang pagtagas.
3. Kung may pagtagas sa mga ito, lalo na ang gasul, buksan ang bintana at lumikas sa
ligtas na lugar. Ipagbigay-alam sa kinauukulan ang pangyayari.
4. Makinig sa balita sa radyo o tv.
5. Umiwas sa mga gusaling nasalanta ng lindol.
PAGPUTOK NG BULKAN
Maaaring ang pagputok ng bulkan ay magdulot ng sakuna sa buhay ng tao. Ngunit
maaari rin itong magdulot ng maganda sa kalikasan. Nagbabago ang anyo at topograpiya ng
isang lugar sa pagputok ng bulkan.
Bago pumutok ang bulkan
1. Tukuyin ang ligtas na lugar para sa paglikas.
2. Ihanda ang kinakailangan sa paglikas: damit, pagkain, at mahahalagang kagamitan.
3. Mag-imbak ng kinakailangang pagkain, gamot, at tubig sa panahon ng paglikas.
4. Siguraduhing ligtas ang mga hayop.
5. Alamin ang lugar na maaaring pagdaanan ng lava mula sa bulkan.
Pagkatapos ang pagputok ng bulkan
1. Maghintay sa hudyat ng mga kinauukulan sa posibleng pagbalik sa tirahan.
2. Ayusin at kumpunihin ang pinsala sa bahay at linya ng koryente, tubig, at telepono.
3. Pag-aralan kung paano maaaring magamit ang lupa na may halong mga bato mula
sa bulkan.
KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO AT KODA
Demonstrates proper response before, during, and after a disaster or an emergency
situation. (H4IS-IVb-d29)(Q4/Wks2-3)
GAWAIN 1
Panuto; Ilagay sa loob ng bag ang mga kagamitan na ka-kailanganin ntin sa paglikas
tuwing may sakuna. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa loob ng kahon.

Kumot Flashlight Kapote First Aid KitGatas Gamot


Damit Tubig na malinis Kulambo Cell Phonedocument
pera Kaldero Posporo Kumot Banig Kama
Unan Bota biscuit delata upuan noodles
GAWAIN 2
Panuto: Lagyan ng tsek () ang kahon kung ang ipinakikita sa bawat larawan ay
ang nararapat na gawin bilang paghahanda sa ibat ibang uri ng Kalamaida na
ipinakikita sa bawat bilang.

1.
BAGO ang bagyo

2.
HABANG may bagyo

3.
HABANG pumuputok ang Bulkan

4.
HABANG may Lindol

5.
PAGKATAPOS ng bagyo

SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN 1
1. Kumot 6. pagkain
2. Damit 7. kapote
3. Ilaw/flashlight 8. gamot
4. Pera 9. delata
5. Document/ mahahalagang papeles 10. First aid kit
GAWAIN 2
1. / 2. X 3. / 4. X 5. /
HEALTH 4
Pangalan:
Grado:
Petsa:
Iskor:

KALIPUNAN NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Mas Ligtas Kung Laging Handa!

Background Information for Learners

A. Maging Mapanuri, Mapagmatyag


Basahin ang balita na nasa ibaba.

Luzon, MM Sinakmal ng blackout... ‘Glenda’ nag-iwan ng 17 patay


MANILA, Philippines – Sa pag-alis ng bagyong Glenda ngayong araw sa Philippine Area of
Responsibility (PAR) ay nag-iwan ito ng 17 patay at nilumpo ang may nasa 5.3 milyong
kostumer ng Manila Electric Company (MERALCO) sa Luzon at Metro Manila na nawalan
ng suplay ng koryente kahapon at nasa daan libo ang inilikas matapos na ito ay manalasa.

Sinabi ni Chief Supt. Danilo Constantino, Chairman ng Sub Committee on Disaster


Management ng PNP, 11 sa naitalang patay ay sa Region IV-A na karamihan ay nadaganan
ng mga nabuwal na punongkahoy.

Lima sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Rizal; tatlo sa Quezon; dalawa sa Batangas;
isa sa Cavite habang apat naman ang naitalang nasawi sa Region IV-B, dalawa rito ay
nabagsakan ng puno ng niyog sa Marinduque, isa sa pagguho ng bahay sa Oriental Mindoro,
at isa pa ang hindi natukoy ang dahilan.
Isa rin ang naitalang namatay sa Region V sanhi ng atake sa puso habang kinukumpuni ang
bubong habang isa naman ang namatay sa Region VIII nang mabagsakan ng nabuwal na
puno ng niyog.

May naitala rin na dalawang taong nawawala sa Marinduque matapos na tangayin ng malakas
na agos ng tubig baha. Sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management
Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama na kabilang sa mga nasawi ay sina
Reynaldo Hernandez, 48 nadaganan ng nabuwal na puno sa Tabang, Plaridel, Bulacan;
Neneth Artificio,48; Arlyn Artificio at Adrian Artificio, 20; pawang taga-Marketview,
Lucena City; mga nadaganan ng nabuwal na punong kahoy.

Ang dalawa pa ay mula naman sa Region IV-A na sina Angelica Guarinio ng Brgy. San Juan,
Taytay, Rizal at ang pang-anim ay si Lourdes Lim, 25 ng Allen, Northern Samar na
natumbahan ng poste ng koryente.
Anim din ang inisyal na Anim din ang inisyal na naitalang nasugatan ng NDRRMC na sina
David delos Santos, tinatayang nasa 22-30 ang edad at Joel Orsavia, 44 ng Quezon City na
kapwa nadaganan ng nabuwal na punongkahoy; Jomer Guzman ng Villasis, Pangasinan;
Rodolfo Torralba, 58; Antonio Habana, 16 at Jesus Vargas; mga mula naman sa Sangay,
Camarines Sur sa Bicol Region; pawang mga nakoryente.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Relates disaster preparedness and proper response during emergency situations in


preserving lives. (H4IS-IVe-30)(Q4/Wk4)

GAWAIN 1
Panuto: Base sa inyong binasa tungkol sa bagyong Glenda, Sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
1. Ang bagyong Glenda ay nag iwan ng patay.
2. Ano ang ibig sabihin ng NDRRM

3. (PAR)

4. (MERALCO)

5. Anu-Ano ang mga lalawigan na sinalanta ng bagyong Glenda?

SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN 1
1. 17 patay
2. National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM)
3. Philippine Area of Responsibility 9PAR)
4. Manila Electric Company (MERALCO)
5. Manila, Lalawigan ng Rizal, Quezon, Batangas,
Cavite At Bicol region.

Inihanda ni

ROSSELYN F. VENTURA
May Akda

15
HEALTH 4
Pangalan:
Grado:
Petsa:
Iskor:

KALIPUNAN NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Hakbang sa Kaligtasan sa Panahon ng Peligro

Background Information for Learners

Ang sakuna ay hindi lamang maaaring dulot ng kalamidad. Ito rin ay maaaring idulot
ng mga di naangkop na mga hakbang sa panahon ng espesyal na pagdiriwang na siyang
nagdadala ng peligro sa mga tao. Narito ang ilan sa mga pamamaraang pagkaligtasan para sa
usaping ito:
1. Magkaroon ng isang Planong Pang-emergency.
2. Mga Pagsasaalang-alang sa Kaligtasan ng Pagkain.
3. Pamamahala sa dami ng taong makakadalo.
4. Pag-iwas sa mga nakakalasing na inumin.
5. Pag-iwas sa paputok o anumang maaring pagmulan ng aksidente.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Describes appropriate safety measures during special events or situations that may
put people at risk. (H4IS-IVfg-31)(Q4/Wks5-6)

GAWAIN 1
Panuto: Lagyan ng ( 😊 ) ang nagpapakita ng angkop na paraan sa pagdiriwang ng mga
espesyal na kaganapan at ( X ) kung ito’y hindi angkop.

1.
2.

3. 4.
25
GAWAIN 2
Panuto: Isulat ang TAMA kung ito ay naangkop na hakbang sa kaligtasan sa iba-ibang
pagdiriwang at MALI kung hindi.
1. Namili ng malalakas na paputok ang tatay para sa Bagong Taon.
2. Tumulong ang kabataan sa paglinis ng plasa matapos ang pista.
3. Gamitin ang baril sa paggawa ng ingay sa bagong taon.
4. May nag-aaway na mga lasing na may mga patalim.
5. Maglaro ng paputok na hindi nakikita ng iyong mga magulang.
6. Makinig sa mga babala ng paggamit ng mga paputok.
7. Siguraduhing malinis ang mga pagkaing ihahanda sa kapistahan.
8. Iwasan ang crowd o pagdami ng tao sa okasyon.
9. Magdala ng armas kung pupunta sa isang kaarawan.
10. Makipag-away sa mga tao kung nakainom na ng alak.

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
1. X
2. X
3. 😊
4. 😊
Gawain 2
1. MALI
2. TAMA
3. MALI
4. MALI
5. MALI
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. MALI
10. MALI
HEALTH 4
Pangalan:
Grado:
Petsa:
Iskor:

KALIPUNAN NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Piliin ang Tama, Umiwas sa Masama

(BACKGROUND INFORMATION FOR LEARNERS)

Ang sakuna ay hindi lamang maaaring dulot ng kalamidad. Ito rin ay maaaring idulot
ng maling gawi at maling pagpili sa masamang gawain. May mga pagkakataong ito ay sanhi
ng labis na pag-inom ng alak, paggamit ng paputok o armas, at pakikipag-away sa kapwa.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Describes the dangers of engaging in risky behaviors such as use of firecrackers, guns,
alcohol drinking. (H4IS-IVhij-32)

Advocates the use of alternatives to firecrackers and alcohol in celebrating special events.
(H4IS-IVhij-33) (Q4/Wks 7-8)

GAWAIN 1
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Anong okasyon ang ipinagdiriwang nila?
Paano nila pinagdiriwang ang mga ito? Isulat sa patlang kung anong okasyon at kung paano
nila ipinagdiriwang ang bawat larawan.

1.

2.

30
3.

GAWAIN 2
A. Ilarawan ang maaaring mangyari sa bawat larawan. Isulat ang inyong sagot sa loob ng
kahong nasa kanan.

1.
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
2.

31
3.

GAWAIN 4
Panuto: Isulat ang ()sa patlang kung sang-ayon at (X) kung di-sang-ayon sa sinasabi sa
bawat bilang:

1. Nagkantahan at nagsayawan ang magkaibigan sa halip na uminom ng alak


sa kaarawan ni Aling Rosa.
2. Nagpaputok ng baril si Mang Ruben sa pagsalubong ng Bagong Taon.
3. Nanood ng programa sa plasa ang mga bata sa halip na magpaputok ng labentador.
4. Maingat na nagpaputok ng kanyong kawayan sina Ador, Pablo, at Jose.
5. Nakipag-inuman si Arnold sa piyesta ng kabilang nayon at lasing na nagmaneho
pauwi.

SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN 1
1. Kaarawan
2. Pista
3. Bagong Taon

GAWAIN 2 GAWAIN 3
A. Unang Larawan 1./
1. Mapuputulan ang kamay o masusugatan 2.X
2. Pwedeng mabulag ang mata 3. /

Pangalawang Larawan 4. /
1. Magkakaroon ng sakit 5. X
2. Maaksidente

Pangatlong Larawan

20
1. Maaring
makapatay/
makabaril ng tao

21

You might also like