You are on page 1of 16

Health 4

Self-Learning Module
Ika-apat na Markahan – Modyul 3: Injury Prevention, and First Aid
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health 4 ng (Self Learning Module) Modyul


para sa araling Injury Prevention, Safety and First Aid !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Health 4 ng (Self Learning Module) Modyul ukol sa


Injury Prevention, Safety and First Aid !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral,
ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan.
Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga
kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan- Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong


matutunan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok- Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga


dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral- Dito masusukat ang iyong natutunan at naunawaan sa mga unang


paksa

Aralin- Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

Mga Pagsasanay- Pagbibigay ng guro ng ibat-ibang pagsasanay na dapat


sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat- Sa bahaging ito ay binubuod ang mahalagang konsepto na dapat


bigyan ng halaga.

Pagpapahalaga- Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pagkatuto ay naiugnay, nailapat sa inyong pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit- Dito masusukat ang mga natutunan ng mga


mag-aaral

MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan
na:
A. naiuugnay ang paghahanda at angkop na tugon sa
oras ng kagipitan sa pagsagip at pagpapanatili ng
buhay;
B. naisasabuhay ang tamang kamalayang nauukol sa
kahalagahan ng paghahanda at pag-iingat sa pagsagip
ng buhay.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Napansin mong may kumikislap sa poste ng kuryente
at may lumalabas na usok. Ano ang pinakamabuting
gawin?
A. panoorin lamang ito
B. ipaalam sa pari ng simbahan
C. ipagbigay alam sa tanggapan ng kuryente
D. batuhin ang poste ng kuryente o buhusan ng
tubig
2. Nagkaroon kayo ng camping sa inyong paaralan isa sa
naging aralin niyo ay ang fist aid and bandaging. Ano
ang maari mong gamitin sa napilayan mong
kasamahan?
A. scarf B. kumot
C. tali D. wala sa nabanggit
3. Hindi sinasadyang nadilaan ng apoy ang iyong damit.
Ano ang una mong gagawin ?
A. tumakbo palabas ng bahay
B. dumapa at gumulong sa sahig
C. umiyak
D. maghintay ng tutulong sayo
4. Alin ang maaring gamiting pambuhat kung walang
stretcher ?
A. kumot at kahoy
B. unan at kumot
C. karton
D. malaking plastic
5. Nagsiga ang inyong kapitbahay at nakita mong
pinaglaruan ito ng mga bata ng biglang humangin ng
malakas. Ano ang maaring mangyari?
A. maaring magdulot ito ng sunog
B. mamamatay ang apoy ng siga
C. tatakbo ang mga bata
D. wala sa nabanggit

BALIK-ARAL
Panuto: Isulat ang TAMA kung ito ay nagsasad ng wasto at
MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Ang maagap na pagtugon ay nakatutulong
upang makaiwas sa malaking pinsala.
_________2. Ang emergency kit ay kinakailangang
naglalaman ng mga gamit pampaganda,
sapatos at mga damit.
_________3. Agad lumikas ang mag-anak na nakatira
malapit sa ilog.
_________4. Nagmadaling tumawag ng reresponde si
Akie ng makita niya ang dalawang motor na
nagbungguan.
_________5. Sa paglikas ng mga tao sa Brgy. Lupin
naiwan ang kanilang mga alagang hayop.

ARALIN
Ang Emergency Response Team ay isang grupo o samahan
na dumaan sa pagsasanay upang magkaroon ng sapat na
kakayahan upang mabilis na makatugon sa panahon ng
kalamidad. Ang National Disaster Risk Reduction and
Management Council (NDRRMC) ay ahensiya ng pamahalaan na
ang pangunahing tungkulin ay tumulong sa panahon ng
kalamidad.
Mga May Mandatong Tungkulin sa National Disaster Risk
Reduction and Management Council (NDRRM)
1. Pambansang Pamahalaan
● Iba’t ibang ahensiya ng pambansang pamahalaan ang
may tungkulin sa DRRM.
2. Pamahalaang Lokal
● Kinilala na ang pamahalaang lokal ang unang
tumutugon sa bawat disaster
● Nangunguna sa pamamagitan ng Local DRRM Council
(LDRRMC) sa paghahanda para sa panganib, pagtugon
sa mga nasalanta at pagbabangon mula sa epekto ng
disaster
3. Civil Society, ang pribadong sector at mga volunteer
● Naipatupad ang batas sa pamamagitan ng
pakikilahok ng civil society organizations, pribadong
sektor at mga indibidwal na boluntaryo.
● Pinalakas at dinaragdagan ng mga ito ang kakayahan
at puwersa ng pamahalaan.
● Halimbawa nito ang mga kooperatiba, samahan, at
asosasyon sa mga komunidad, mga non-government
organization, at mga grupo sa simbahan at paaralan.

4. Komunidad
● Kinilala ang kakayahan ng mga bulnerableng
pamayanan bilang tagapagdaloy ng pagbabago at
kaunlaran at hindi biktima ng mga disaster.
● Ang pagpapalakas ng kanilang kapasidad ang
pinakaepektibong pamamaraan sa pagbawas ng
epekto ng mga disaster.
Sa paghahanda ay kinakailangan din ang Survival Kit . Ang
Survival Kit ay naglalaman ng mga pangunahing kailangan sa
oras ng sakuna gaya ng flashlight, radio, reserbang baterya,
pagkain, tubig at kumot. Naglalaman din ito ng gamot .
Mga Bagay na Dapat Nilalaman ng EMERGENCY BAG
1. Pagkain (di nasisira kaagad)
● ilagay ang pagkain sa loob ng “zip-lock” plastic bag at
huwag umasa lamang sa orihinal na pakete nito.
● Magdala ng protein at granola bars, trail mix, dried fruits,
crackrer at cereals
● Iwasang magdala ng tsokolate na madaling matunaw o
lumambot
2. Tubig na inumin
● Mas madaling bitbitin, mas maganda
● Gumamit ng military type canteen, sport water bottles o
water bladder.
● Tandaan na 4 na galon ng tubig ang karaniwang kailangan
ng tao upang mabuhay sa loob ng tatlong araw.
3. Kumot at damit
● Magdala ng kumportableng damit at undergarment na
iimpake
● Magdala ng portable sleeping bags, kumot, at blankets

4. Personal supplies at gamot


● Magdala ng first aid kit
● Mga gamot (ibuprofen, antihistamines, pain reliever)
● Toiletries at supply na panlinis
● Huwag magdala ng sabon na may pabango dahil
makakasira ito ng pagkain
5. Tools
● Magdala ng Swiss knife, lapis at papel, gamit sa pagkain,
tubig at duck tape
6. Gatong at ilaw
● Dapat magdala rin ng emergency lamps, flashlight, baterya,
flares kung meron, lighter o waterproof na posporo
7. Dokumento at pera
● Dalhin lahat ng legal na dokumento tulad ng
birth/marriage certificates, passport, credit cards, at
insurance
● Ilagay sa loob ng isang waterproof na lalagyan
● Magdala ng kaunting halaga o tseke

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Punan ng mga salita ang bawat patlang upang mabuo
ang talata gamit ang mga salitang nasa loob ng kahon.

Ang ___________________ ay ang ahensiyang


nangangasiwa sa panahon ng kalamidad. Sa tulong ng
_________________ na siyang unang tumutugon sa
panahon ng ______________. Ang ___________________
ang grupo o samahan na dumaraan sa pagsasanay
upang magkaroon ng sapat na kakayahan upang
mabilis na tumugon sa panahon ng kalamidad. Ang
mga civil society organizations ay mga sector na
_________________ ring tumutulong sa panahon ng
kalamidad.
Pagsasanay 2
Panuto: Hanapin ang mga salita na tinutukoy sa loob ng kahon
at isulat sa patlang.
Komunidad Emergency Kit Emergency Bag
NDRRMC Emergency Response Team
______________________1. Ahensiya ng pamahalaaan na
ang tungkulin ay tumulong sa
panahon ng kalamidad.
______________________2. Naglalaman ng mga gamot at
first aid kit
______________________3. Mga taong dumaan sa
pagsasanay upang magkaroon
ng sapat na kakayanan upang
mabilis na tumugon sa
panahon ng kalamidad.
______________________4. Naglalaman ng pagkain, tubig,
mga personal na gamitan, at
mahahalagang dokumento at
pera.
______________________5. Kinilala ang kakayanan ng
mga bulnerableng pamayanan
bilang tagapagdaloy ng
pagbabago at kaunlaran at
hindi lang biktima ng mga
disaster.

Pagsasanay 3
Panuto: Hanapin mo ako!
Punan ng mga letra ang kahon ayon sa bilang upang
mabuo ang mga salita
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
A B C D E F G H I J K L M N O P

17 18 19 20 21 22 23 24 25 26
Q R S T U V W X Y Z

1. Mga pribadong sektor at mga volunteer


3 9 22 9 12 19 15 3 9 5 20 25

2. Naglalaman ng pangunahing kailangan sa oras ng


sakuna
19 21 18 22 9 22 1 12 2 1 7

3. Ahensiya ng pamahalaan na ang pangunahing


tungkulin ay tumulong sa panahon ng kalamidad
14 4 18 18 13 3
4. Naglalaman ng mga gamot at first aid kit
5 13 5 18 7 5 14 3 25 11 9 20

5. Sila ang pangunahing pinuprotektahan at


tinutulungan
11 15 13 21 14 9 4 1 4

PAGLALAHAT
Natutuhan kong _______________________________________.
Magiging ligtas tayo kung _______________________________.
Makatutulong ako sa paghahanda sa sakuna sa
pamamagitan ng _____________________________________.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutan ito .
A. Naglalaro kayo ng biglang madulas ang iyong kalaro.
Ano ang iyong gagawin?
___________________________________________________
___________________________________________________
B. Ikaw ay miyembro ng BERT (Batang Emergency
Response Team) ng inyong paaralan, paano mo
matutulungan ang iyong mga kaklase sa paghahanda
sa sakuna?
____________________________________________________
____________________________________________________

PANAPOS NA
PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang
TAMA kung nagsasaad ng wasto at MALI kung hindi.
__________1. Nakapaskil ang mga emergency hotline
number sa lugar na madaling makita.
__________2. Agad binigyan ni Lina ng CPR ang pasyente
ng hindi inaalam ang kalagayan.

__________3. Nagkaroon ng bungguan sa kalsada, agad


tumawag ng emergency response team si
Karen.
__________4. Nanatili ang isang pamilya sa kanilang
bahay kahit na tumataas na ang baha.
__________5. Maingat na isinakay sa stretcher ang batang
napilayan.
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
DepEd-Bureau of Elementary Education Curriculum Development
Division. Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan. DepED

Patnubay ng Guro sa MAPEH (PE at HEALTH)


DepEd Central Office

You might also like