You are on page 1of 16

Musika – Ikaapat na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Ang iba’t ibang Tempo at ​Texture ​na ginamit sa awit
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad  sa  Batas  Republika  8293,  Seksiyon  176  na:  Hindi  maaaring 
magkaroon  ng  karapatang-sipi  ang  sinuman  sa  anumang  akda  ng  Pamahalaan  ng 
Pilipinas.  Gayunpaman,  kailangan  na  may  pahintulot  ng  ahensiya  o  tanggapan  ng 
pamahalaan  na  naghanda  ng  akda  kung  ito  ay  pagkakakitaan.  Kabilang  sa  mga 
maaaring  gawin  ng  nasabing  ahensiya  o  tanggapan  ay  ang  pagtakda  ng  kaukulang 
bayad. 
 
Ang  mga  akda  (kuwento,  seleksiyon,  tula,  awit,  larawan,  ngalan  ng  produkto  o 
brand name,  tatak  o  ​trademark,​   palabas  sa  telebisiyon,  pelikula,  atbp.)  na  ginamit  sa 
modyul  na  ito  ay  nagtataglay  ng  karapatang-ari  ng  mga  iyon.  Pinagsumikapang 
malikom  ang  mga  ito  upang  makuha  ang  pahintulot  sa  paggamit ng materyales. Hindi 
inaangkin  ng  mga  tagapaglathala  at  mga  may-akda  ang  karapatang-aring  iyon.  Ang 
anumang  gamit  maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga 
orihinal na may-akda.  
 
Walang  anumang  bahagi  ng  nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa 
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. 
 
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. 
 
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon 
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig 
 
 
 

 
 

 
 
 
Paunang Salita 
Para sa tagapagdaloy: 
 
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ​ (Musika 4) ​ ng Modyul para sa 
araling ​Ang iba’t ibang Tempo at ​Texture n​ a ginamit sa​ ​awit !

Ang  modyul  na  ito  ay  pinagtulungang  idinisenyo,  nilinang  at  sinuri  ng  mga 
edukador  mula  sa  Tanggapan  ng  mga  Paaralan  ng  Sangay-Lungsod  Pasig  na 
pinamumunuan  ng  Nanunuparang  Pinuno-Tanggapan  ng  Pansangay  na 
Tagapamanihala,  Ma.  Evalou  Concepcion  A.  Agustin,  sa  pakikipag-ugnayan  sa 
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. 
Victor  Ma.  Regis  N.  Sotto,  upang  matulungang  makamit  ng  mag-aaral  ang 
pamantayang  itinakda  ng  Kurikulum  ng  K to12 habang kanilang pinanagumpayan 
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. 
Inaasahan  na  sa  pamamagitan  ng  modyul  na  ito,  ang  mga  mag-aaral  ay 
makauugnay  sa  pamamatnubay  at  malayang  pagkatuto  ng  mga  gawain  ayon  sa 
kanilang  kakayahan,  bilis  at  oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral 
na  makamit  ang  mga  kasanayang  pang-ika-21  siglo  lalong-lalo  na  ang  ​5 Cs 
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character)  habang 
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. 
Bilang  karagdagan  sa  pangunahing  teksto,  makikita  ang  pinakakatawan  ng 
modyul sa loob kahong ito: 
 
 
 
 
 
 
Bilang  tagapagdaloy,  inaasahang  bibigyan  mo  ng  paunang  kaalaman  ang 
mag-aaral  kung  paano  gamitin  ang  modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan 
at  itala  ang  pag-unlad  nila  habang  hinahayaan  silang  pamahalaan  ang  kanilang 
sariling  pagkatuto.  Bukod  dito,  inaasahan  mula  sa  iyo  na  higit  pang  hikayatin  at 
gabayan  ang  mag-aaral  habang  isinasagawa  ang  mga  gawaing  nakapaloob  sa 
modyul.   
 
 
 

Para sa mag-aaral: 
Malugod na pagtanggap sa ​ (MUSIKA 4) ​ ng Alternative Delivery Mode 
(ADM) Modyul ukol sa (​Ang iba’t ibang Tempo at ​Texture ​na ginamit sa​ a​ wit)​ !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. 
Layunin nitong matulugan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng 
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad 
sa pagkatuto. 
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at ​icon ​na dapat mong maunawaan. 
 
MGA INAASAHAN 
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong 
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. 
 
PAUNANG PAGSUBOK 
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo 
pang malaman sa paksa. 
 
BALIK-ARAL 
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga 
naunang paksa. 
 
ARALIN 
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang 
pampagkatuto.  
 
MGA PAGSASANAY 
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay 
na dapat sagutin ng mga mag-aaral. 
 
PAGLALAHAT 
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat 
bigyang-halaga. 
 
PAGPAPAHALAGA 
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang 
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga 
pagpapahalaga​. 
 
PANAPOS NA PAGSUSULIT 
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. 
 

 
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: 
A.nakikilala  ang  iba’t  ibang  Tempo  at ​Texture na ginamit sa 
awit; 
B. nasasabi  ang  pagkakaiba  ng  tempong  Largo  at  tempong 
Presto; 
C. nasasabi ang kahulugan ng Ostinato o Descant; at 
D. natutukoy  ang  Ostinato  o  Descant  ng  awitin  sa 
pamamagitan ng pakikinig at pagbabasa. 
 

 
 
 
Panuto:  Sagutin  ng  ​Tama  o  ​Mali​.  Isulat  sa  sagutang  papel  ang 
iyong sagot. 
 
1.Ang  Ostinato  ay  nakadadagdag  sa  Texture  ng  isang 
awitin o tugtugin.  
 
2.Ang  Tempo  ay  may  kaugnayan  sa  kilos  o  galaw  ng 
musika.  
 
3. Ang tempong Largo ay may katamtaman ang bilis.  
 
4. Ang tempong Presto ay mabilis at masigla. 
 
5. Ang  descant  ay  isinusulat  sa  itaas  ng  melody  ng 
awitin. 
 

 
Sa nakaraan nating aralin ating tinalakay ang patungkol sa 
Dynamics  ay  tumutukoy  sa  lakas  o  hina  ng  tunog.  May 
dalawang  uri  ang  ​Dynamics  n​ g  musika  ito  ay  ang  mga 
sumusunod: 
a.Forte​ (​f​)– tawag sa musikang may malakas na tunog. 
b.Piano (​ ​p​)​ –​ tawag sa musikang may mahina na tunog. 
Mga tanong: 
1. Anong  tawag  sa  simbolong  ​f  n​ a  tumutukoy  sa  mataas  na 
daynamiko ng musika.​ ?​  
2. Ano  tawag  sa  simbolong  ​p  n​ a  tumutukoy  sa  mababang  na 
daynamiko ng musika? 
Suriin  ninyo  ang  mga  larawan  ng  mga  hayop.  Tukuyin 
ninyo kung ano ang kanilang kilos.   
  
 
 
  
 
 
 
Ano-anong hayop ang nakikita ninyo sa larawan?  
Ano  ang  masasabi  ninyo  sa  mga  kilos  o  galaw ng mga hayop na 
nasa larawan?  
Ano- anong mga hayop ang may mabilis na kilos?  
Ano- anong mga hayop naman ang may mabagal na kilos? 
 
  
Sa musika, ang mga awitin ay nagpapahiwatig ng iba’t 
ibang kilos. May mabagal at mabilis na kilos. Ito ay tinatawag na 
Tempo​. May dalawang uri nito ang ​Presto ​at ​Largo​. Ang kapal o 
nipis naman ng mga awitin o tugtugin ay tinatawag na ​Texture.​  
May dalawa ring uri nito ang ​Ostinato ​at ​Descant​. 
 
Tignan natin ang iskor at ating pakinggan ang awiting ​“Liza 
Jane”​. Suriin natin ang Tempo at ​Texture ​nito. 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Musika at Sining 4 TG p. 170
 
Ayon  sa  inyong  napakinggan  na  tugtuging  ​“Liza  Jane”, 
paano ito inaawit?  
Ang Tempo ng awiting “Liza Jane” ay mabilis na tinatawag na 
Presto​. 
Suriin  ninyo  ang  iskor  ng  awit. May bahagi ng iskor na may 
dalawa itong tono na inaawit ng sabay. Ang ​Texture n​ g musikang 
“Liza  Jane”  ay  tinatawag  na  ​Descant​.  ​Ang  ​Descant  ay  isang 
himig na inaawit kasabay ngunit sa itaas na melody. Ito ay kaiba 
sa pangunahing melody. 
 
Tignan natin ang iskor at pakinggan ang awiting ​“Roses”​. 
Suriin natin ang Tempo at ​Texture n​ ito. 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
 
 
 
 
 
 
   
 
 
 
   
 
www.google.com 
 
Ayon sa inyong napakinggan na tugtuging “Roses”, paano ito 
inaawit? 
Ang  Tempo  ng  awiting  ​“Roses”  ay  mabagal na tinatawag na 
Largo​. 
Suriin  ninyo  ang  iskor  ng  awit.  May  bahagi  ng  iskor  na 
nauulit.  Ang  tawag  natin  sa  melodic  pattern  na  paulit-ulit  na 
inaawit  ay  ​Melodic  Ostinato​.  Ang  tawag  naman  natin  sa 
rhythmic  pattern  na  paulit-ulit  na  inaawit  ay  ​Rhythmic 
Ostinato​.  Kaya,  ang  ​Ostinato  ay  paulit-ulit  na  pattern  na 
ginagamit  bilang  pansaliw  sa  awitin.  Ang  ​Ostinato  ay 
nakadadagdag  sa  kapal  ng  texture  ng  isang  awitin.  Ito  rin  ay 
nagdadagdag ng ganda sa isang awitin. 
 
 
 

 
 
GAWAIN 1 
 
Panuto​:  Tukuyin  ang  tempo  sa  pamamagitan  ng  paglagay  ng 
tsek ( ) sa kahon.  
 
Pamagat ng mga awitin  Largo  Presto 
1. Roses     
2. Liza Jame     
3. Awiting pampatulog ng sanggol.     
4. Awiting nagbibigay sigla.     
5. Mahinang awitin     
 
GAWAIN 2 
 
Panuto​: Suriin ang ​texture ​ng mga iskor. Isulat ang titik ​O ​kung 
Ostinato at ​D ​kung Descant. 
 
1.  
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
2.  
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
GAWAIN 3 
 
Panuto​:  Sagutin ang bawat aytem ng pagsubok. Letra lamang ng 
tamang sagot ang isulat sa sagutang papel. 
 
1.   Ito  ay  elemento  ng  musika  na  tumutugon  sa  bilis  o 
bagal ng tunog. 
 
  A.  Texture  B.  Tempo  C.  Dynamics  D. 
Rhythm 
 
2.   Ito  ay  uri  ng  tempo  na  nagpapahiwatig  ng  bilis  ng 
tunog. 
 
A. Tempo B. Largo C. Presto D. Piano 
3.  Sa paanong paraan maaaring ihambing ang tempong 
Largo​?  
A.paglakad ng pusa  C. pagtakbo ng kabayo  
B.paggapang ng pagong D. paglukso ng kangaroo   
 
 
4.  Ito  ang  ​Texture n​ g  awitin  na  may  paulit-ulit  na 
hulwarang  ritmo  o  himig  na  ginagamit  bilang 
pansaliw sa awitin. 
 
A.   Descant  B.  Largo  C.  Presto  D. 
Ostinato 
 
5.  Anong elemento ng musika ang tumutugon sa kapal 
o nipis ng isang awitin? 
 
A. Tempo B. ​Texture ​C. ​Dynamics D ​ . ​Rhythm 
Ano ang Tempo? Ano ang Texture? Ano ang kaibahan Tempo at 
Texture? At mga uri nito? 
 
 
 

 
 
Bakit  mahalaga  na  matutunan  ng  isang  mang-aawit  ang 
iba’t ibang Tempo o ​Texture​ na ginamit sa awit? 
 
 

 
 
 
Panuto:  ​Narito  ang  mga  mahahalagang  konsepto  na  natutunan 
mo  sa  araling  ito.  Ayusin  ang  mga  letra  upang  mabuo 
ang hinahanap na tamang salita. 
 
1.Ang  __________  (O​   M  P  E  T)​   ay  maaaring  mailarawan 
sa mabilis at mabagal na kilos.  
 
2._________  (​T  O  S  P  R  E)​   ang  tawag  sa  mabilis  na 
tempo.  
 
3.__________  (​L  A  G  R  O​)  ang  tawag  sa  mabagal  na 
tempo. 
 
4.  Ang __________ (T​  X E U R E T​) ay maaaring makapal 
o manipis na awitin o tugtugin.  
 
5.   Ang  __________  (O
​   S  N  A  T  I  T  O)​   ay  paulit-ulit  na 
hulwarang  ritmo  o  himig  na  ginagamit  bilang 
pansaliw sa awitin.  
 
6.   Ang  __________  (S​   E  D  C  N  A  T​)  ay  isang  himig  na 
inaawit kasabay ngunit sa itaas na melody.  
 
 
 
 
 
 
 
 
 
SUSI SA PAGWAWASTO 

 
 
Sanggunian
Digo, Maria Elena D., Enguero Fe V., Borbor Ma. Teresa P., 
Ilagan, Amelia M., Villareal, Josepina D., Cinco, Mary Grace  V., 
Obseñares, Josephine Chonie M., Mendoza, Chita E., at 
Mariano, Victorina E. ​“Musika at Sining – Ikaapat na 
Baitang” Kagamitan ng Mag-aaral. 
Unang Edisyon 2015. 
 
Digo, Maria Elena D., Enguero Fe V., Borbor Ma. Teresa P., 
Ilagan, Amelia M., Villareal, Josepina D., Cinco, Mary Grace  V., 
Obseñares, Josephine Chonie M., Mendoza, Chita E., at 
Mariano, Victorina E. ​“Musika at Sining – Ikaapat na 
Baitang” Patnubay ng Guro. 
Unang Edisyon 2015. 
 
ONLINE SOURCES: 
https://www.google.com.ph/search?q=horse+clip+art&sxsrf=ALeKk037HCSdqdxBt2gH_bE
HwhKhbLtLiw:1592385406953&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjJ_Zr0wYjqA
hVFUd4KHQMhCbUQ_AUoAXoECAsQAw#imgrc=sMqNM4ZDgME6eM​ ​(2020-06-29) 
https://www.google.com.ph/search?q=snail+clip+art+black+and+white&tbm=isch&ved=2a
hUKEwj_0f27wojqAhXSxosBHQ4XB8AQ2cCegQIABAA&oq=snail+clip+art+black+&gs_lcp=C
gNpbWcQARgAMgQIABATMggIABAFEB4QE1C04gFYqe8BYP_5AWgAcAB4AYAB6QWIAdIVkg
EJMy0yLjMuMC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=FeDpXr_zG9KNr7w
Pjq6cgAw#imgrc=ia_JSoNQruJsVM​ ​(2020-06-29) 
https://www.google.com.ph/search?q=turtle+clip+art+black+and+white&tbm=isch&ved=2a
hUKEwjbzu3PwojqAhXSxosBHQ4XB8AQ2cCegQIABAA&oq=turtle+clip+art+black+and+whit
e&gs_lcp=CgNpbWcQA1CL6ARYyPUEYN33BGgAcAB4AYABqAiIAegXkgEHNC0yLjctMpgBAK
ABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=P-DpXpuzCNKNr7wPjq6cgAw#imgrc=MZAuc9
VfjSRGmM​ ​(2020-06-29) 
https://www.google.com.ph/search?q=runningcheetah+clip+art+black+and+white&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwirwbCXw4jqAhVdR5QKHZGECqIQ2-cCegQIABAA&oq=runningcheetah+cli
p+art+black+and+white&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQBxAeUOmtCVikuAlgxrsJaABwAHgBg
AHUBYgBxBWSAQsyLTMuMi4xLjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=
1eDpXuuCCN2O0QSRiaqQCg#imgrc=Bzk1DwLaZAVV6M​ ​(2020-06-29) 
https://www.youtube.com/watch?v=3IhJg9bFTNE​ (2020-07-12) 
https://www.youtube.com/watch?v=9VdV6cA-Oi4​ (2020-06-29) 
https://www.youtube.com/watch?v=Vmif4LfA1Pc​  (2020-06-29) 

You might also like