You are on page 1of 1

WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG

BANSANG PILIPINO
kay JENNIFOR AGUILAR

Lahat
Hinuhubog, binubuo, nilililok Group 2 (Boys)
Bansang sa panahon ay sinubok Paunlarin at suportahan MTB-MLE sa bawat baryo
Napakaraming dayuhan ang sa ati’y sumakop Wikang katutubo ang gamitin sa pagtuturo
Niyurakan, nilapastangan, tayo’y inilugmok Buwagin at ibasura CMO-20 sa Kolehiyo
Ibalik ang mga asignaturang Filipino
Group 1 (Girls)
Namangha sa kagandahang binubuo ng mga pulo Lahat
Sa angkin nating yamang puro’t dalisay na ginto Mga wikang katutubong maliliit man at iba-iba
Maging sa mga wikang iba-iba at katutubo Hitik naman sa yaman ng gawi nati’t kultura
Taglay ng mamamayang matitikas at tribo-tribo Kung bibigyang pansin at pahahalagahan ng madla
Mabisang kasangkapan upang maging isang
Lahat Pilipinong Bansa
Hinati-hati, pinagwatak-watak, ginrupo-grupo
Nagsipangalat mga katutubong Pilipno
Itinaguyod kani-kaniyang tribo
Nalimot ang pagkalahing iisang dugong Pilipino

Solo 1 (EYERAH)
Ivatan, Itneg, Ibanag, Ilocano
Tagalog, Bicolano, Waray at Cebuano
Ilan sa mga katutubong wikang bumubuo sa
Filipino
Pinipigil, sinusupil, pinapatay ng pagbabago

Solo 2 (VICTOR)
Binabansot, nililimot, unti-unting naglalaho
Wikang banyaga’y, lumalaki’t lumalago
Ikinikintal sa utak ng mga Pilipino
Wika ng Bayan ko, saan kaya magtatagpo?

Lahat
Linangin, payabungin, pagyamanin ang wikang
Filipino
Ibatay sa mga Wikang umiiral sa bayan ko
Mga wikang angkin, mga wikang katutubo
Tungo sa pagtataguyod ng isang bansang Pilipino

You might also like