You are on page 1of 14

Queeenie Jane M.

Miparanum BSEd-4

I. Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang


mga sumusunod na kakayahan:
a. nakasusuri sa mga mahahalagang kaisipan na nakapaloob sa akda.
b. nakasasadula nang madamdamin sa harap ng klase sa nabuong maikling dula.
( F9PS-IIg-h-51)
c. nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng ibinigay na isa pang pagkakataon.
II. Paksang-aralin: Ang Mandaragit ng Ibon sa Impiyerno
A. Aklat: Biasa-Julian A. et. al. (2018) Pinagyamang Pluma 9. Phoenix
Publishing House Inc. pp. 263-265
B. Sanggunian:
C. Kagamitang Materyal: Kagamitang Biswal, dayorama at mga larawan
III. Pamaraan: 3I’s
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Introduksyon

Magandang hapon klas! Magandang hapon po!

Dahil ito ang unang beses kong magturo ko sa


inyo kaya’t ipapakilala ko muna ang aking sarili.
Ako nga pala si Bb. Queenie Jane Miparanum.

Upang maging matiwasay at makabuluhan ang


ating talakayan ay nararapat lamang na sundin
ninyo ang aking mga alituntunin sa daglat na
RMM

R-espeto
M-akilahok
M-akinig nang Mabuti

Maliwanag ba ang aking mga alituntunin klas? Opo!

1. Pagbabalik-aral

Bago natin simulant ang bagong paksa na ating


tatalakayain ngayon ay balikan muna nating ang
tinalakay ninyo noong nakaraang tagpo.

Panuto:
1.
2.
3.
4.
5.

2. Pagganyak

Bago natin alamin ang panibagong paksang


ating tatalakayin ay may ipapakita muna ako sa
inyo na dayorama.

Ano ang napapansin ninyo sa bagay na nasa Ang napapansin ko po ay isa itong malaking
harapan? pinto.

Magaling!

Gusto ko ng isang representante na pumunta sa (Binuksan)


harap at buksan ang naturang pinto.

Ano ba ang nakikita ninyo nang mabuksan ang Ang nakita ko po ay may dalawang daan at ito
pinto? ay ang daan patungong langit at ang isa ay
daan papuntang impyerno.

Mahusay!

Narinig ninyo ba ang kuwento ni San Pedro klas


na kung saan kapag namatay ang isang tao, ang Opo!
kaluluwa nito ay hinuhusgahan muna kung ito ba
ay makakapunta sa langit o sa impiyerno?

Kapag namatay ang isang mabait at mabuting Kapag namatay ang mabait at mabuting tao
tao, anong daan ba ang kanilang tatahakin base ang tatahakin nilang daan ay ang daan
sa dayorama? papuntang langit.

Ekselente!

Anong daan naman ang tatahakin ng mga Para sa akin ang daan na kanilang tatahakin
kaluluwa ng mga taong malaki ang nagawang ay ang daan papuntang impyerno.
kasalanan dito sa mundo?

Mismo!

Naniniwala ba kayo na hindi lang sa pintuan na Hindi po.


binabantayan ni San Pedro nagaganap ang
paghuhusga o paghahatol ng kaluluwa ng isang
tao?
Ngayon tignan natin kung mayroon bang
magaganap na paghahatol sa impiyerno dahil
ang tatalakayin natin ngayong hapon ay tungkol
sa dula ng mga Hapon na kung saan ang
kaluluwa ng pangunahing tauhan ay napapad sa
impiyerno dahil sa kasalang kanyang nagawa.
Ang dulang ito ay pinamagatang “ Ang
Mandaragit ng Ibon sa Impiyerno”.

3. Paglalahad ng Layunin

Making nang mabuti dahil sa katapusan ng


talakayan, kayo ay inaasahang makamit ang mga
sumusunod na kakayahan.

a. Nakasusuri ng mahahalagang kaisipan na


nakapaloob sa akda.
b. Nakasasadula nang madamdamin sa
harap ng klase ang nabuong maikling
dula.
( F9PS-IIg-h-51)
c. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng
ibinigay na isa pang pagkakataon.

B. Interaksyon
a) Talasalitaan

Upang mas lalo nating maintindihan ang alamat


ay bibigyan muna natin ng kasingkahulugan ang
mga mahihirap na salita.

Panuto: Hanapin sa dayorama ang


kasingkahulugan ng mga salitang Inaasahang sagot:
sinalungguhitan.
1. manghuhuli
1. Ang trabaho ni Bobet ay mandaragit ng
maya sa bukid. 2. Walang galang
2. Lapastangan ang mga batang hindi
nagmamano sa mga nakatatanda. 3. Grupo
3. Sabay-sabay na nagliparan ang kumpol
ng mga ibon. 4. Nahuli
4. Maraming nasilong ibon si Andrey sa
kanilang likod bahay. 5. Sumang-ayon
5. Tumalima si Rose sa gusto ng kanyang
ina na maging isang doktor.

b) Gabay na Tanong

1. Para sa iyo, ano ang pinakamabigat na


kasalanan na maaaring gawin ng tao?
2. Posible bang mangyaring hilingin ng
isang yumao na pabalikin siya sa lupa at
bigyan ng isa pang pagkakataon?
3. Kung ikaw ay bibigyan ng isa pang
pagkakataon na mamuhay sa mundo
tatanggapin mo pa bai to? Oo o Hindi?
Pangangatuwiran.

Pagbabasa at Pagtatalakay

Upang lubusan nating maintindihan ang dula ay


magkakaroon muna tayo ng isang Gawain.

Gawain 1
“Mandaragit!”

Mekaniks:
1. Hahatiin ang klase sa apat na grupo
2. Pipili ng isang representante ang bawat
grupo na siyang manghuhuli ng ibon sa
kisame.
3. Babasahin ang laman ng ibon bago pa
makapanghuli ng iba pang ibon.
4. Bibigyan lamang ng pitong minuto sa
panghuhuli ng mga ibon.

Gabay na Tanong
1. Ano ang trabaho ni Kiyoyori sa lupa
noong nabubuhay pa siya?
2. Bakit naiiba ang kaso ni Kiyoyori?
3. Ano ang utos ni Yama kay Kiyoyori
bago ibigay sa kanya ang kaniyang
kahilingan?
4. Ilang taon pa ba pwedeng manghuli ng
ibon si Kiyoyori sa lupa?
5. Ano ang ipinagkaloob ni Yama kay
Kiyoyori bago ito bumalik sa lupa?

Para mas lalo pa nating maintindihan ang dula


ay balikan natin ang mga pangyayari sa dula.
Ang pamagat ng dula ay Ang Mandaragit ng
Ano ng ulit ang pamagat ng dulang inyong Ibon sa Impiyerno.
nabasa?

Mismo!
Ang isa sa mga tauhan sa dula ay si Yama.
Sino-sino ba ang mga tauhan sa dula? Magbigay
ng isa.
Si Kiyoyori.
Mahusay! Sino pa?
Ang panghuli ay ang mga utusang demenyo.
Napakahusay!

Ang trabaho ni Kiyoyori ay manghuhuli ng


Ano ba ang trabaho ni Kiyoyori sa lupa noong mga ibon.
nabubuhay pa siya?

Tumpak!
Tinangay si Kiyoyori ng hangin papuntang
Ngayon nang mamatay si Kiyoyori, saan ba impiyerno.
tinangay ng hangin ang kanyang kaluluwa?
Mismo!
Ang utos ni Yama ay itulak agad si Kiyoyori
Ano ba ang utos ng Hari na si Yama ng Nakita sa impiyerno.
niya ang makasalanang si Kiyoyori?

Tama!
Ang kasalanan ni Kiyoyori ay ang panghuhuli
Ano ba ang kasalanan ni Kiyoyori kung bakit ng mga ibon.
napadpadyad siya sa Impyerno?

Magaling!
Nag-iiba ang kaso ni Kiyoyori dahil
Bakit naiiba ang kaso ni Kiyoyori sa lahat ng nanghuhuli siya ng ibon para ipakain sa
nagkasala? palkon.

Tumpak!
Hindi po.
Mabigat ba ang kasalanang ginawa ni Kiyoyori?
Para sa akin ang pinakamabigat na kasalanan
Para sa iyo, ano ang pinakamabigat na kasalanan na maaring gawin ng tao ay ang pagkitil ng
na maaaring gawin ng tao? buhay ng kanyang kapawa tao.

Para sa akin maituturing na pinakamabigat na


Maliban diyan, ano pa sa tingin ninyo ang kasalanan ay paglaglag ng batang walang
maituturing na pinakamabigat na kasalanan na kamuwang-muwang dito sa mundo.
maating gawin ng tao.

Tumpak!

Palagi nating pakatatandaan ang mga bagay na


ito sapagkat labag ito sa mga utos ng Panginoon. Opo!
Maliwanag ba klas?

Ano ba ang hiniling ni Kiyoyori kay Yama dahil Ang hiniling ni Kiyoyori kay sa haring si
sa naiiba ang kanyang kaso dahil kasalanan ito Yama na ipadiretso na lamang siya sa langit.
ng palkon?
Pumayag ba ang si Yama sa hiling ni Kiyoyori? Oo pumayag ito pero sa isang kondisyon.

Magaling!

Ano ang kondisyon ni Yama para kay Kiyoyori Ang kondisyon ni Yama ay ihuli siya ni
bago ibigay sa kanya ang kaniyang kahilingan? Kiyoyori ng ibon dahil hindi pa siya
nakatikim nito at ibibigay niya agad ang
hiling ni Kiyoyori.

Mahusay!

Ngayon klas, posible bang mangyaring hilingin


ng isang yumao na pabalikin siya sa lupa at Para sa akin possible po ito kung hindi naman
bigyan ng isa pang pagkakataon? mabigat ang kasalanang ginawa ng naturang
tao.
Mismo!

Balikan natin ang panghuhuli ni Kiyoyori ng


ibon.

Dahil nakahuli na si Kiyoyori ng ibon at


ipinatikim niya ito kay haring Yama, ano ba ang Ang naging reaksyon ni Yama ay Meri, meri!
nagging reaksyon nito? Yum, yum! Ibig sabihin ay nasarapan ito.

Ekselente!

Dahil nagawa ni Kiyoyori ang utos ni Yama at Ang sinabi ni Yama ay pababalikin niya si
nasiyahan ito, ano ba ang sinabi ni Yama kay Kiyoyori sa lupa.
Kiyoyori?

Eksakto!

Kung ikaw ay bibigyan ng isa pang pagkakataon Para sa akin ay Oo tatanggapin ko ito dahil
na mamuhay sa mundo tatanggapin mo pa ba gusto ko pang Makita at makasama ang
ito? Oo o Hindi? Pangangatuwiran. minamahal ko sa buhay.

Ano pa klas? Para rin sa akin Oo sapagkat gusto ko pang


itama ang mga mali kong nagawa sa mundo at
humingi ng tawad sa mga taong nagawan ko
ng kasalanan.
Napakabait na bata!

Tama ang lahat ng inyong mga sinabi kagaya rin


ni Kiyoyori ay tinanggap niya ang pagkakataong
ito na makabalik sa lupa.

Ilang taon ba puwedeng manghuli si Kiyoyori ng Tatlong taon pa ang ibinigay ni Yama kay
ibon sa lupa? Kiyoyori na puwede siyang makahuli ng ibon
sa lupa.
Tumpak!

Ano ang ipinagkaloob ni Yama kay Kiyoyori Ang ipinagkaloob ni Yama kay Kiyoyori
bago ito bumalik sa lupa? bago ito tumuloy sa lupa ay koronang
natatamnan ng hiyas.

Ngayon bakit kaya ito ang ipinagkaloob ni Yama Para sa akin ito ang ipinagkaloob ni Yama
kay Kiyoyori? kay Kiyoyori dahil binigyan siya ng
pagkakataong na baguhin ang kanyang
nakagawian.

Mahusay!

Naintindihan ninyo ba ang dula? Opo!

Mabuti naman kung ganoon.

D. Integrasyon

a. Paggamit

Para matiyak ko kung talagang naintindihan


ninyo ba ang dula ay magkakaroon tayo ng isang
gawain.

“Anong Gusto Mo?”

Mekaniks:
1. Bibigyan ang bawat grupo ng isang
sitwasyon.
2. Gagawan ng maikling pagsasadula ng
bawat grupo sa parehong pangkat kung
tatanggapin ba nila ang ikalawang
pagkakataon na ibibigay sa kanila mula
sa sitwasyong ibinigay.
3. Bibigyan lamang ng apat na minuto sa
paghahanda at dalawang minuto para sa
pagpepresenta.
Pamantayan Pagtataya
 Nagpapakita ng 7
kanilang
pagkamalikhain.
 Kaangkupan ng
emosyon at 5
kalakasan ng
boses.
 Akma sa
sitwasyong 8
ibinigay.
Kabuuan 20

*Pagpapahalagang Pangkatauhan*

Sa bawat pagkakamali na ating nagawa sa ating


buhay at maging sa ating kapwa, hindi
maikakaila na may magbibigay pa rin sa atin ng
isa pang pagkakataon upang itama ang
pagkakamaling nagawa. Tama ba ako klas? Opo!

Naranasan ninyo na ban a mabigyan ng isa pang


pagkakataon o second chance ng mga taong Hindi po.
nagawan ninyo ng kasalanan?

Ngayon kung bibigyan kayo ng isa pang Para sa akin ang una kong gagawin ay itama
pagkakataon para itama ang pagkakamali ninyo, ang pagkakamaling nagawa sa kapwa ko sa
ano ang pinaka-una ninyong gagawin? pamamagitan ng paghingi ng tawad sa mga
taong nagawan ko ng kasalanan.
Magaling!

Sino ba sa inyo dito ang humungi ng tawad sa Kami po!


mga taong nagawan ninyo nga kasalanan?

Mabuti naman kung ganoon at ipagpapatuloy


ninyo iyan.

Maliban sa paghingi ng tawad, ano pa klas? Maliban sa paghingi ng tawad sa mga taong
nagawan ng kasalanan ay iwawasto ko rin ang
mga maling gawain na nakagisnan ko.

Mahusay!

Palagi nating pakatatandaan na pahalagahan


natin ang ibinigay na second chance sa atin.
Huwag natin itong abusuhin sapagkat bihira
lamang ang magbibigay nito sa atin.
Gawin nating ehemplo ang ating sarili para sa
ibang tao at dapat hindi lang tayo puro salita.

Maliwang ba klas? Opo!

b. Ebalwasyon

Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag.


Isulat ang A sa linya kung tama ang A at mali
ang B; B kung tama ang B at mali ang A; C
kung kapwa tama ang A at B; at D kung kapwa
mali ang A at B.
Inaasahang sagot:
___1. A- Si Yama ay hari ng impyerno. 1. C
B- Dumadalo siya sa pulong ng anim na
paraan.
___2. A- Si Kiyoyori ay kilalang manghuhuli ng 2. A
ibon.
B- Puno ng paghihinagpis ang kanyang
pamamaalam.
___3. A- Tinalikuran ni Kiyoyori ang mundong 3. D
may hangganan.
B- Narating niya ang pulong ng anim na
paraan.
___4. A- Naaamoy ng mga demonyo kapag may 4. A
paparating na tao.
B- Inililihim nila kay Yama ang pagdating
nito.
___5. A- Hindi na nila tinatanong ang 5. D
makasalanan kung ano ang gingawa sa lupa.
B- Idinidiretso nila lahat ng makasalanan
sa impyerno.

IV. Takdang-aralin:
Panuto: Gumawa ng komiks istrip tungkol sa paghuhusga ng kaluluwa ng isang
patay na nakagawa ng mabuti o masama sa mundo noong nabubuhay pa ito. Ilagay ito
sa isang buong bond paper at ipasa sa susunod na tagpo.
MAAYOS NA GAWAING PAMPISARA

I. Layunin:

a. Nakasusuri ng mahahalagang kaisipan na nakapaloob sa akda.


b. Nakasasadula nang madamdamin sa harap ng klase ang nabuong maikling dula.
( F9PS-IIg-h-51)
c. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng ibinigay na isa pang pagkakataon.

II. Talasalitaan:

Panuto: Hanapin sa dayorama ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan.


1. Ang trabaho ni Bobet ay mandaragit ng maya sa bukid.
2. Lapastangan ang mga batang hindi nagmamano sa mga nakatatanda.
3. Sabay-sabay na nagliparan ang kumpol ng mga ibon.
4. Maraming nasilong ibon si Andrey sa kanilang likod bahay.
5. Tumalima si Rose sa gusto ng kanyang ina na maging isang doktor.

Inaasahang sagot:

1. manghuhuli
2. Walang galang
3. Grupo
4. Nahuli
5. Sumang-ayon

III. Gabay na Tanong

1) Para sa iyo, ano ang pinakamabigat na kasalanan na maaaring gawin ng tao?


2) Posible bang mangyaring hilingin ng isang yumao na pabalikin siya sa lupa at
bigyan ng isa pang pagkakataon?
3) Kung ikaw ay bibigyan ng isa pang pagkakataon na mamuhay sa mundo
tatanggapin mo pa bai to? Oo o Hindi? Pangangatuwiran.
IV. Gawain 1:
“Mandaragit!”
Mekaniks:
1. Hahatiin ang klase sa apat na grupo
2. Pipili ng isang representante ang bawat grupo na siyang manghuhuli ng ibon
sa kisame.
3. Babasahin ang laman ng ibon bago pa makapanghuli ng iba pang ibon.
4. Bibigyan lamang ng pitong minuto sa panghuhuli ng mga ibon.

V. Ilustrasyon

VI. Gawain 2:
“Anong Gusto Mo?”
Mekaniks:
1) Bibigyan ang bawat grupo ng isang sitwasyon.
2) Gagawan ng maikling pasasadula ng bawat grupo sa parehong pangkat kung
tatanggapin ba nila ang ikalawang pagkakataon na ibibigay sa kanila mula sa
sitwasyong ibinigay.
3) Bibigyan lamang ng apat na minuto sa paghahanda at dalawang minuto para
sa pagpepresenta.

Pamantayan Pagtataya
 Nagpapakita ng kanilang pagkamalikhain. 7
 Kaangkupan ng emosyon at kalakasan ng boses. 5
 Akma sa sitwasyong ibinigay. 8

Kabuuan 20
VII. Ebalwasyon:

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang A sa linya kung tama ang A
at mali ang B; B kung tama ang B at mali ang A; C kung kapwa tama ang A at B; at
D kung kapwa mali ang A at B.

___1. A- Si Yama ay hari ng impyerno.


B- Dumadalo siya sa pulong ng anim na paraan.
Inaasahang sagot:
___2. A- Si Kiyoyori ay kilalang manghuhuli ng ibon.
1. C
B- Puno ng paghihinagpis ang kanyang pamamaalam. 2. A
___3. A- Tinalikuran ni Kiyoyori ang mundong may hangganan. 3. D
4. A
B- Narating niya ang pulong ng anim na paraan. 5. D
___4. A- Naaamoy ng mga demonyo kapag may paparating na tao.
B- Inililihim nila kay Yama ang pagdating nito.
___5. A- Hindi na nila tinatanong ang makasalanan kung ano ang gingawa sa lupa.
B- Idinidiretso nila lahat ng makasalanan sa impyerno.

VIII. Takdang-aralin:

Panuto: Gumawa ng komiks istrip tungkol sa paghuhusga ng kaluluwa ng isang


patay na nakagawa ng mabuti o masama sa mundo noong nabubuhay pa ito. Ilagay ito
sa isang buong bond paper at ipasa sa susunod na tagpo.

You might also like