You are on page 1of 5

Banghay-Aralin(Lesson Plan)

Mala-Masusing Banghay-Aralin

I-LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang;

1. Nakikilala ang ibat ibang uri ng panghalip.

2. Nakakabuo ng sariling mga halimbawa sa bawat uri ng panghalip.

3. Napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat uri nito sa pangungusap.

ll-Paksang aralin

1. a. Paksa: Ang Panghalip

2. b. Sanggunian: Daloy ng Mithi lll sa pahina 96-99

3. c. Kagamitan: tsart, teyp ng papel, plaskard

4. d. Pagpapahalaga: Mapahalagahan ang gamit ng panghalip sa pangungusap

lll-Pamamaraan (Pamaraang Pabuod)

1. 1. Paghahanda

1. Panalangin

2. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral ng isang magandang araw

3. Pagganyak

1. 2. Paglalahad

Pagkatapos magbigay ang guro ng pagganyak, kanyang tatanungin ang mga mag-aaral tungkol
sa kanilang kaalaman sa kahulugan ng panghalip.

Pagkatapos marinig ng guro ang ilan sa mga kasagutan mga mag-aaral, ibibigay niya ang tunay
na kahulugan nito.

Panghalip- ay mga salitang ginagamit na pamalit o panghalili sa pangalan ng tao, bagay, hayop,
lugar, pangyayari, o pangngalan.
Mayroong apat na uri ang panghalip:

1. Panghalip Panao

-Panghalip na ipinapalit sa pangalan ng tao. Mayroon itong tatlong kaukulan.

1. Kaukulang palagyo

Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang pinangungunahan ng ang at ginagamit bilang


simuno ng pangungusap.

Hal.

Ang ina ni Paulo ay si Melai. Siya ang nag-aalaga kay Paulo mula pagkabata.

1. Kaukulang Paukol

Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang nasa anyong ng o ni. Ito ay nag-uukol.

Hal.

Nais ni Pet bumawi kay Paul.

Nais niyang bumawi kay Paul.

k. Kaukulang Paari

Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang nasa anyong sa o kay. Itoy


nagpapakita ng pag-aari.

Hal.

Kay Paulo ang asong pumanaw.

Kanya ang asong pumanaw.

1. Panghalip Pamatlig

panghalip na ipinapalit sa pangalan ng lugar o pangngalang nagpapahayag ng layo o distansya


ng mga bagay sa nagsasalita o nakikinig.

Hal.

Ito ang hinahanap niyang artikulo kanina. (malapit)

Iyan ang silid na sinasabi nilang may multo. (malayo)


Iyon ang bahay na lilipatan natin sa Agosto. (malayung-malayo)

1. Panghalip Pananong

panghalip na ginagamit sa pagtatanong.

Hal.

Sino ang kumain ng pagkain sa mesa?

Saan patungo ang langay-langayan?

Magkano ang asong nakadungaw sa bintana?

1. Panghalip Panaklaw

-ito ay nasa anyong walang lapi katulad ng iba, kapwa, isa, lahat, marami, at kaunti. Kasama rito
ang mga salitang may hulaping man tulad ng saanman, sinuman, anuman, at alinman.

Hal.

Dahil sa pagsabog ng bulkan, marami ang nawalan ng trabaho.

Kailanman ay hindi ako susuko sa iyo.

Iba ang iyong iniisip.

1. 3. Paghahambing at Paghalaw

Ipaghahambing ng guro sa mga mag-aaral ang panghalip panao at panghalip pananong.

Matapos maipaghambing ng guro ang dalawang panghalip, ipaghahalaw naman nito sa mga
mag-aaral ang panghalip pamatlig at panghalip panaklaw.

1. 4. Paglalahat

Matapos matalakay ng guro ang mga uri ng panghalip, kanya itong irerebyu muli upang
malaman kung naintindihan o nauunawaan na ba ang mga mag-aaral ang mga ito.

1. 5. Paggamit

Susubukin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga gawain.
Ang mga sumusunod ay ang ilang mga gawain na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral. Hahatiin
ang klase sa 5 grupo at magdaos ng isang paligsahan sa pag-awit gamit ang panghalip.

Panuto: Mag-isip ng mga awitin na may mga panghalip sa dulo nito gaya ng:

1. Kami

2. Iyo

3. Dito

4. Heto

5. Kailan

IV- PAGTATAYA

Matapos makapagbigay ang mga mag-aaral ng mga pangungusap gamit ang mga ilang mga
panghalip na ibinigay ng guro, magbibigay ang guro ng isang pagsusulit upang ganap na
masubukan ng guro ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga uri ng panghalip.

Ang mga sumusunod ay ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral.

Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel at sagutin ang mga sumusunod. Salungguhitan ang
panghalip sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri ito.

_________1. Saan ka magtutungo?

_________2. Nakita ko silang dumaan dito kanina.

_________3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng lola mo.

_________4. Akin ang pantasang iyan!

_________5. Marami ang pumunta sa Mabini Shrine noong nakaraang Sabado.

_________6. Tiyak na mahuhulog ka sa kanya kapag nagpatuloy pa iyan.

_________7. Ito ba ang pinamumukha mo sa akin?

_________8. Huwag kang makulit dahil may ginagawa ako.

_________9. Sila ay sama-samang magsisimba sa Linggo.

_________10. Tayoy magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya Niya sa atin.


V- TAKDANG-ARALIN

Isulat sa isang buong papel.

Gumawa ng isang sanaysay o diyalogong ginagamitan ng mga panghalip. Salungguhitan ang


mga panghalip.

You might also like