You are on page 1of 4

Banghay-Aralin (Lesson Plan)

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang;
1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng panghalip.
2. Nakakabuo ng sariling mga halimbawa sa bawat uri ng panghalip.
3. Napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat uri nito sa pangungusap.
II. Paksang aralin
a. Paksa: Ang Panghalip
b. Kagamitan: visual aids, pentel pen
c. Pagpapahalaga: Mapahalagahan ang gamit ng panghalip sa pangungusap
III. Pamamaraan (Pamaraang Pabuod)
1.1 Paghahanda
1. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral ng isang “magandang araw”
2. Panalangin
3. Pagtatala ng nagdalo
4. Pagganyak

1.2 Paglalahad
Pagkatapos magbigay ang guro ng pagganyak, kanyang tatanungin ang mga mag-aaral
tungkol sa kanilang kaalaman sa kahulugan ng panghalip. Pagkatapos marinig ng guro
ang ilan sa mga kasagutan mga mag-aaral, ibibigay niya ang tunay na kahulugan nito.
Panghalip
 Ay mga salitang ginagamit na pamalit o panghalili sa pangalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, pangyayari, o pangngalan.
Mayroong apat na uri ang panghalip:
1. Panghalip Panao
 Ito ay ang panghalip na ipinapalit sa pangalan ng tao.
Mayroon itong tatlong kaukulan.
a) Kaukulang palagyo
 Ito ay ang panghalip panaong na ipinapalit sa pangngalang pingungunahan ng
ang at ginagamitan bilang simuno ng pangungusap.
Halimbawa;
Ang ina ni Paulo ay si Melai. Siya ang nag-aalaga kay Paulo mula pagkabata.
b) Kaukulang Paukol
 Ito ay panghalip pananong na ipinapalit sa pangngalang nasa anyong ng o ni. Ito
ay nag-uukol.
Halimbawa;
1. Nais ni Petot bumawi kay Paulo.
2. Nais niyang bumawi kay Paulo.

c) Kaukulang Paari
 Ito ay ang panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang nasa anyong sa o kay.
Ito’y nagpapakita ng pag-aari.
Halimbawa;
1. Kay Paulo ang asong pumanaw.
2. Kanya ang asong pumanaw.

2. Panghalip Pamatlig
 Ito ay ang panghalip na ipipinapalit sa pangalan ng lugar o pangngalang
nagpapahayag ng layo o distansya ng mga bagay sa nagsasalita o nakikinig.
Halimbawa;
1. Ito ang hinahanap niyang artikulo kanina. (malapit)
2. Iyan ang silid na sinasabi nilang may multo. (malayo)
3. Iyon ang bahay na lilipatan natin sa Agosto. (malayung-malayo)

3. Panghalip Pananong
 Ito ay ang panghalip na ginagamit sa pagtatanong.
Halimbawa;
1. Sino ang kumain ng pagkain sa mesa?
2. Saan patungo ang langay-langayan?
3. Magkano ang asong nakadungaw sa bintana?
4. Panghalip Panaklaw
 Ito ay nasa anyong walang lapi katulad ng iba, kapwa, isa, lahat, marami, at
kaunti. Kasama rito ang mga salitang may hulaping –man tulad ng saanman,
sinuman, anuman, at alinman.
Halimbawa;
1. Dahil sa pagsabog ng bulkan, marami ang nawalan ng trabaho.
2. Kailanman ay hindi ako susuko sa iyo.
3. Iba ang iyong iniisip.

1.3 Paglalahat
Matapos matalakay ng guro ang mga uri ng panghalip, kanya itong irerebyu muli upang
malaman kung nainntindihan o nauunawaan na ba ang mga mag-aaral ang mga ito.
1.4 Pagtataya
Ang mga sumusunod ay ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral.
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod. Salungguhitan ang panghalip sa bawat
pangungusap gamit ang pentel pen.

1. Saan ka magtutungo?
2. Nakita ko silang dumaan dito kanina.
3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng lola mo.
4. Akin ang pantasang iyan!
5. Marami ang pumunta sa Mabini Shrine noong nakaraang Sabado.
6. Tiyak na mahuhulog ka sa kanya kapag nagpatuloy pa iyan.
7. Ito ba ang pinamumukha mo sa akin?
8. Huwag kang makulit dahil may ginagawa ako.
9. Sila ay sama-samang magsisismba sa Linggo.
10. Tayo’y magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya Niya sa atin.
IV. Paggamit
Susubukin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga
gawain. Ang mga sumusunod ay ang ilang mga gawain na ibibigay ng guro sa mga
mag-aaral:
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang bawat panghalip na nakatala.
1. Kami
2. Iyo
3. Dito
4. Heto
V. Takdang-Aralin
Isulat sa isang buong papel. Gumawa ng isang sanaysay o diyalogong ginagamitan ng
mga panghalip. Salungguhitan ang mga panghalip.

You might also like