You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Filipino 6

Kwarter 1, Linggo 5: Aralin 1

Mala-Masusing Banghay-Aralin

I-LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang;

1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng panghalip.


2. Nakakabuo ng sariling mga halimbawa sa bawat uri ng panghalip
3. Napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat uri nito sa pangungusap.

ll-Paksang aralin

1. a.       Paksa: Paggmit ng Panghalip


2. b.      Sanggunian: Filipino 6 Modyul, Unang Markahan, Linggo 5
3. c.       Kagamitan: video lesson
4. d.      Pagpapahalaga: Mapahalagahan ang gamit ng panghalip sa pangungusap

lll-Pamamaraan (Pamaraang Pabuod)

1. 1.       Paghahanda
1. Panalangin
2. Pagbati ng  guro sa mga mag-aaral ng isang “magandang araw”
3. Pagganyak

Magpakita ng larawan sa mga bata na nagpapakita ng Bayanihan.

Pagkatapos basahin ang isang tula na may mga nakasalungguhit na mga panghalip.

1. 2.       Paglalahad

Pagkatapos basahin ang tula, tanungin ang mga bata kung ano-ano ang mga nakasalungguhit na mga salita sa tula.
Tanungin ang mga bata kung ano ang tawag sa mga salitang ito.

Pagkatapos marinig ng guro ang ilan sa mga kasagutan mga mag-aaral, ibibigay niya ang tunay na kahulugan nito.

Panghalip- ay mga salitang ginagamit na pamalit o panghalili sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, o
pangngalan.

Mayroong apat na uri ang panghalip:

1. Panghalip Panao

-ginagamit na pamalit o panghalili sa pangalan ng tao.

Hal.

Ako ay kumain ng sopas.

2. Panghalip Paari

-ipinapalit sa pangngalang nagpapakita ng pagmamay-ari

Hal.

Binigyan ako ni Ninang Amie ng manika. Akin ang manikang ito.


3. Panghalip Pamatlig

- humahalili sa ngalan ng bagay at iba pa na itinuturo

Hal.

Nagpalipad ng saranggola si Pepito. Hayun! Sumabit sa puno ang kanyang saranggola.

4. Panghalip Panaklaw

-mga panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak

Hal.

Ang madla ay namangha sa ipinakitang mahika ng salamangkero.

5. Panghalip Pananong

- ginagamit na panghalili sa paraang patanong

Hal.

Ano ang ginamit mo na pangkulay sa paso?

1. 3.       Paglalahat

Matapos matalakay ng guro ang mga uri ng panghalip, kanya itong irerebyu muli upang malaman kung
nainntindihan o nauunawaan na ba ang mga mag-aaral ang mga ito.

1. 4.       Paggamit

Susubukin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga gawain.

Ang mga sumusunod ay ang ilang mga gawain na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral:

Gawain 1:Panuto: Piliin at bilugan ang tamang panghalip sa pangugusap

1. (Ito, Nito, Saan, Akin) ang laging inihahain sa amin ni Nanay tuwing almusal.

2. (Anong, Bakit, Ilang, Kailan) beses ka na bang nakakuha ng pinakamataas na marka sa klase?

3. Tapusin mo na (iyan, akin, dito, alin) upang maipasa mo na.

4. (Iyan, Iyon, Dito, Niyan) mo itago ang iyong mga gamit.

5. Natuwa ang (lahat, bawat, kayo, atin) nang makamit namin ang unang gantimpala.

Gawain 2 :Panuto: Sabihin kung anong uri ng panghalip ang nakasalungguhit na salita sa pangungusap.

1. Sino-sino ang mga kasama mo sa pamamasyal?


2. Kayo ba ang magkakasamang umalis kahapon?
3. Ganyan din ba ang nabiling sapatos ni Kuya kaya magkatulad kami ng sapatos?
4. Ang laso na nasa bag ko ay sa akin.
5. Kailanman ay hindi ko kalilimutan ang pagtulong mo sa akin.
IV- PAGTATAYA

Matapos makapagbigay ang mga mag-aaral ng mga pangungusap gamit ang mga ilang mga panghalip na ibinigay
ng guro, magbibigay ang guro ng iasang pagsususlit upang ganap na masubukan ng guro ang kaalaman ng mga
mag-aaral sa mga uri ng panghalip.

Ang mga sumusunod ay ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral.

Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel at sagutan ang mga sumusunod.

I. Panuto: Salungguhitan ang panghalip sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri nito.

_________  1. Saan ka magtutungo?

_________  2. Nakita ko silang dumaan dito kanina.

_________ 3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng lola mo.

_________  4. Akin ang pantasang iyan!

_________ 5. Iyo ang plumang ito.

II. Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumsunod na mga panghalip.

6. akin 8. lahat 10. kanila

7. ganito 9. sino

V- TAKDANG-ARALIN

Isulat sa isang buong papel.

Gumawa ng isang sanaysay o diyalogong ginagamitan ng mga panghalip. Salungguhitan ang mga panghalip.

__________________________________________________________________________

Inihanda ni:

PAULINE ERIKA V. CAGAMPANG


T1
ANSWER  KEY

Panuto: Salungguhitan ang panghalip sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri nito.

Panghalip pananong  1. Saan ka magtutungo?

Panghalip pamatlig     2. Nakita ko silang dumaan dito kanina.

Panghalip panaklaw    3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng lola mo.

Panghalip panao          4. Akin ang pantasang iyan!

Panghalip panaklaw    5. Marami ang pumunta sa Mabini Shrine noong nakaraang Sabado.

Inihanda ni:

PAULINE ERIKA V. CAGAMPANG


T1

You might also like