You are on page 1of 3

Banghay-Aralin

Sa Filipino IV

I. Layunin

Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Nakikilala ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit
B. Naipapaliwanag ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit
C. Nakabubuo ng mga pangungusap ayon sa apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Pagkilala sa mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.


B. Sangunian:
URI NG PANGUNGUSAP (Alikabuk Ep.9)
Hiyas sa Filipino 4 Wika p. 11-14
http://www.slideshare.net/JenyHernandez/mga-uri-ng-pangungusap-filipimo-i
C. Kagamitan: Laptop, Projector/Manila paper, Construction paper.
D. Pagpapahalaga: Ang kasanayan sa paggamit ng wasto o tama sa lahat ng bagay ay
nagpapakita o nagpapatunay ng huwarang kasanayan.

III. Pamamaraan

A. Panimulang gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pag-uulat ng liban

B. Pagbabalik tanaw
Ipaliwanag kung ano ang pangungusap.
Pangungusap- lipon ng mga salita na buo ang diwa. Binubuo ito ng ang simuno at
panaguri.
C. Pagganyak
1. Ipakita ang mga ilang pangugusap sa pisara at iatanong kung ano ang mga ito?
2. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng wastong bantas?

D. Paglalahad
Ang ating paksa ngayong araw ay ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.

Ayon sa gamit, may apat na uri ang pangungusap. Ito ay ang mga sumusunod:

Paturol o Pasalaysay - kung ang pangungusap ay naglalahad ng isang katotohanan,


bagay o nagsasalaysay ng pangyayari. Nagtatapos ito sa bantas
na tuldok (.).

Pautos - kung ang pangungusap ay nag-uutos. Nagtatapos ito sa bantas


na tuldok (.).
Dalawang uri ng pangungusap na pautos:
A.Pangungusap na ginagamit sa pag- uutos.
B.Pautos na nakikiusap.
Ginagamitan ng mga salita o katagang:
paki, maki, maari po, pwede po, at iba pa.
Patanong - Kung ang pangungusap ay nagtatanong. Nagtatapos ito sa bantas na
tandang pananong (?).

Ito’y ginagamitan ng mga panghalip na pananong o salitang nagtatanong,


gaya ng mga sumusunod: ano, sino, kailan, paano, saan, kanino, ilan, at iba
pa.
Padamdam- Kung ang pangungusap ay nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos
ito sa bantas na tandang padamdam (!).

E. Paglalagom
Ano-ano ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit at ang tawag nito sa
Ingles?

F. Aktibidad

Igrupo ang mga estudyante sa apat. Ipakita sa kanila ang mga larawan sa
projector. Sumulat ng tig daalawang pangugusap ayon s autos ng guro.

Grupo 1: Pasalaysay
Grupo 2: Patanong
Grupo 3: PAutos/ Pakiusap
Grupo 4: PAdamdam

IV. Pagtataya
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong, isulat sa 1/4 na pirasong papel ang sagot.
Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap ayon sa gamit at ang angkop na bantas.
Gamitin ang mga sumusunod na titik:
PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam), PU (pautos).

______1) Aray, ang sakit


______2) Kinagat ako ng langgam kanina
______3) Pakisabi kay Nanay na dumating na si Tatay
______4) Ipasok mo sa bahay si bantay
______5) Nasaan na ang pagkain

V. Takdang Aralin:
Panuto: Sa 1/2 pirasong papel kopyahin at sagutan ang mga tanong. Gawing pakiusap ang
mga pangungusap na pautos. Gawing pautos ang mga pangungusap na pakiusap.

1)Tignan mo kung kumukulo na ang tubig.


2)Pakisara ang mga bintana sa sala.
3)Bilangin mo ang sukli na binigay niya.
4)Pakibasa ang nakasulat sa pisara.
5)Kunin mo ang aklat sa mesa.

You might also like