You are on page 1of 10

Mala-masusing Banghay-Aralin

Sa Filipino IV

I. Layunin

Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Nakikilala ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit
B. Naipapaliwanag ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit
C. Nakabubuo ng mga pangungusap ayon sa apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Pagkilala sa mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.


B. Sangunian:
URI NG PANGUNGUSAP (Alikabuk Ep.9)
Yaman ng Lahi 4 4 Wika p. 162-174
http://www.slideshare.net/JenyHernandez/mga-uri-ng-pangungusap-filipimo-i
C. Kagamitan: Manila paper, Construction paper.
D. Pagpapahalaga: Ang kasanayan sa paggamit ng wasto o tama sa lahat ng bagay ay
nagpapakita o nagpapatunay ng huwarang kasanayan.

III. Pamamaraan

A. Panimulang gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pag-uulat ng liban

B. Pagbabalik tanaw
Ipaliwanag kung ano ang pangungusap.
Pangungusap- lipon ng mga salita na buo ang diwa. Binubuo ito ng ang simuno at
panaguri.
C. Pagganyak
Gawain: Dula-Dulaan ipapangkat ang grupo sa tatlo. Bubunot ng tig-iisang senaryo ang bawat
pangkat upang isadula.

Paglindol Pagbaha
Paglikas tuwing may bagyo

D. Paglalahad:

Basahin:

Ano ang mga Dapat Gawin sa Panahon ng Kalamidad?

Ang kalamidad ay maaaring makasira ng mga bahay, mga tulay, mga pananim at mga kabuhayan ng tao.
Maaari rin itong kumitil ng maraming buhay. Ang baha, lindol, tsunami, buhawi at landslide ay ilan lamang sa
mga uri ng kalamidad. Kadalasang sanhi nito ay kalikasan, pero maari rin maging sanhi nito ang mga maling
gawain ng tao. Ang ilan pa sa mga posibleng maging epekto nito ay ang pagkasira ng ating ecosystem,
pagkawala ng tirahan ng mga hayop sa ating kagubatan, at pagkalugi ng mga negosyo ng ating mga kababayan.
Ano ang mga dapat gawing paghahanda?

Ang mga dapat nating gawin sa panahon ng kalamidad ay ang manood sa TV at makinig sa radyo ng balita,
maghanda ng mga kakailanganin katulad ng pagkain, damit, tubig, flashlights, kandila at posporo. Gumawa ka
listahan upang walang makaligtaan. Pakiusap din na huwag agad magpanik upang manatiling malinaw ang
ating isip. Lagi dapat natin tandaan, na laging ligtas ang may alam! Ano naman kaya ang mga dapat nating
gawin upang maiwasan ito?

Ang dapat nating gawin para maiwasan ang mga kalamidad ay huwag dapat tayong magtapon ng basura sa
mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang matinding pagbaha.. Tayong lahat ay magtanim ng mga puno para
magkaroon tayo ng proteksyon sa malalakas na hangin at para may sumipsip ng tubig baha. Kung maari ay i-
recycle natin ang ating mga basura na pwede pang mapakinabangan. Ang mga simpleng bagay na ito ay malaki
ang magagawa upang makaiwas o mabawasan man lang ang hagupit ng mga kalamidad sa ating bayan. Tayong
tao rin ang may sala! Tayong tao rin ang may magagawa!

Ayon sa gamit, may apat na uri ang pangungusap. Ito ay ang mga sumusunod:

Paturol o Pasalaysay - kung ang pangungusap ay naglalahad ng isang katotohanan,


bagay o nagsasalaysay ng pangyayari. Nagtatapos ito sa bantas
na tuldok (.).

Halimbawa mula sa teksto : Ang kalamidad ay maaaring makasira ng mga bahay, mga tulay,
mga pananim at mga kabuhayan ng tao.

Gawain: Tumawag ng isang mag-aaral na magbigay pa ng isang halimbawa mula sa teksto.


Pautos - kung ang pangungusap ay nag-uutos. Nagtatapos ito sa bantas
na tuldok (.).

Dalawang uri ng pangungusap na pautos:

A.Pangungusap na ginagamit sa pag- uutos.

Halimbawa mula sa teksto: Tayong lahat ay magtanim ng mga puno para magkaroon tayo ng
proteksyon sa malalakas na hangin at para may sumipsip ng tubig baha.

Gawain: Tumawag ng isang mag-aaral na magbigay pa ng isang halimbawa mula sa teksto.

B.Pautos na nakikiusap.

Ginagamitan ng mga salita o katagang:


paki, maki, maari po, pwede po, at iba pa.

Halimbawa mula sa teksto: Kung maari ay i-recycle natin ang ating mga basura na pwede pang
mapakinabangan.

Gawain: Tumawag ng isang mag-aaral na magbigay pa ng isang halimbawa mula sa teksto.

Patanong - Kung ang pangungusap ay nagtatanong. Nagtatapos ito sa bantas na tandang


pananong (?).
Ito’y ginagamitan ng mga panghalip na pananong o salitang nagtatanong,
gaya ng mga sumusunod: ano, sino, kailan, paano, saan, kanino, ilan, at iba
pa.

Halimbawa mula sa teksto : Ano ang mga dapat gawing paghahanda?

Gawain: Tumawag ng isang mag-aaral na magbigay pa ng isang halimbawa mula sa teksto.

Padamdam- Kung ang pangungusap ay nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos


ito sa bantas na tandang padamdam (!).

Halimbawa mula sa teksto: Lagi dapat natin tandaan, na laging ligtas ang may alam!

Gawain: Tumawag ng isang mag-aaral na magbigay pa ng isang halimbawa mula sa teksto.

E. Paglalagom
Ano-ano ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit ?

F. Aktibidad
Panuto: Lagyan ng angkop na bantas ang mga sumusunod:

1. Sino ang may kasalanan


2. Pulutin mo ang kalat
3. Maari tayong magtanim ng halaman
4. Aray ko
5. Ang bagyo ay isang kalamid
G. Paglalapat:

Ipangkat ang mga mag aaral sa apat na pangkat. Bawat isang pangkat ay susulat ng
limang halimbawa ng maaatas na uri ng pangungusap sa kanilang pangkat:

Unang pangkat: Paturol o Pasalaysay


Pangalawang pangkat : Pautos
Pangatlong Pangkat: Patanong
Pang-apat na Pangkat: Padamdam

IV. Pagtataya
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong, isulat sa 1/4 na pirasong papel ang sagot.
Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap ayon sa gamit at ang angkop na bantas.
Gamitin ang mga sumusunod na titik:
PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam), PU (pautos).

______1) Aray, ang sakit


______2) Kinagat ako ng langgam kanina
______3) Pakisabi kay Nanay na dumating na si Tatay
______4) Ipasok mo sa bahay si bantay
______5) Nasaan na ang pagkain

V. Takdang Aralin:
Panuto: Sa 1/2 pirasong papel kopyahin at sagutan ang mga tanong. Gawing pakiusap ang
mga pangungusap na pautos. Gawing pautos ang mga pangungusap na pakiusap.

1)Tignan mo kung kumukulo na ang tubig.


2)Pakisara ang mga bintana sa sala.
3)Bilangin mo ang sukli na binigay niya.
4)Pakibasa ang nakasulat sa pisara.
5)Kunin mo ang aklat sa mesa.
Ano ang mga Dapat Gawin sa Panahon ng Kalamidad?

Ang kalamidad ay maaaring makasira ng mga bahay, mga tulay, mga pananim at mga kabuhayan ng tao.
Maaari rin itong kumitil ng maraming buhay. Ang baha, lindol, tsunami, buhawi at landslide ay ilan lamang sa
mga uri ng kalamidad. Kadalasang sanhi nito ay kalikasan, pero maari rin maging sanhi nito ang mga maling
gawain ng tao. Ang ilan pa sa mga posibleng maging epekto nito ay ang pagkasira ng ating ecosystem,
pagkawala ng tirahan ng mga hayop sa ating kagubatan, at pagkalugi ng mga negosyo ng ating mga kababayan.
Ano ang mga dapat gawing paghahanda?

Ang mga dapat nating gawin sa panahon ng kalamidad ay ang manood sa TV at makinig sa radyo ng balita,
maghanda ng mga kakailanganin katulad ng pagkain, damit, tubig, flashlights, kandila at posporo. Gumawa ka
listahan upang walang makaligtaan. Pakiusap din na huwag agad magpanik upang manatiling malinaw ang
ating isip. Lagi dapat natin tandaan, na laging ligtas ang may alam! Ano naman kaya ang mga dapat nating
gawin upang maiwasan ito?

Ang dapat nating gawin para maiwasan ang mga kalamidad ay huwag dapat tayong magtapon ng basura sa
mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang matinding pagbaha.. Tayong lahat ay magtanim ng mga puno para
magkaroon tayo ng proteksyon sa malalakas na hangin at para may sumipsip ng tubig baha. Kung maari ay i-
recycle natin ang ating mga basura na pwede pang mapakinabangan. Ang mga simpleng bagay na ito ay malaki
ang magagawa upang makaiwas o mabawasan man lang ang hagupit ng mga kalamidad sa ating bayan. Tayong
tao rin ang may sala! Tayong tao rin ang may magagawa!

Ano ang mga Dapat Gawin sa Panahon ng Kalamidad?

Ang kalamidad ay maaaring makasira ng mga bahay, mga tulay, mga pananim at mga kabuhayan ng tao.
Maaari rin itong kumitil ng maraming buhay. Ang baha, lindol, tsunami, buhawi at landslide ay ilan lamang sa
mga uri ng kalamidad. Kadalasang sanhi nito ay kalikasan, pero maari rin maging sanhi nito ang mga maling
gawain ng tao. Ang ilan pa sa mga posibleng maging epekto nito ay ang pagkasira ng ating ecosystem,
pagkawala ng tirahan ng mga hayop sa ating kagubatan, at pagkalugi ng mga negosyo ng ating mga kababayan.
Ano ang mga dapat gawing paghahanda?

Ang mga dapat nating gawin sa panahon ng kalamidad ay ang manood sa TV at makinig sa radyo ng balita,
maghanda ng mga kakailanganin katulad ng pagkain, damit, tubig, flashlights, kandila at posporo. Gumawa ka
listahan upang walang makaligtaan. Pakiusap din na huwag agad magpanik upang manatiling malinaw ang
ating isip. Lagi dapat natin tandaan, na laging ligtas ang may alam! Ano naman kaya ang mga dapat nating
gawin upang maiwasan ito?

Ang dapat nating gawin para maiwasan ang mga kalamidad ay huwag dapat tayong magtapon ng basura sa
mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang matinding pagbaha.. Tayong lahat ay magtanim ng mga puno para
magkaroon tayo ng proteksyon sa malalakas na hangin at para may sumipsip ng tubig baha. Kung maari ay i-
recycle natin ang ating mga basura na pwede pang mapakinabangan. Ang mga simpleng bagay na ito ay malaki
ang magagawa upang makaiwas o mabawasan man lang ang hagupit ng mga kalamidad sa ating bayan. Tayong
tao rin ang may sala! Tayong tao rin ang may magagawa!
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na
tanong, isulat sa 1/4 na pirasong papel ang
sagot. Isulat sa patlang ang uri ng
pangungusap ayon sa gamit at ang angkop na
bantas.
Gamitin ang mga sumusunod na titik:
PS (pasalaysay),
PT (patanong),
PD (padamdam),
PU (pautos).

______1) Aray, ang sakit!


______2) Kinagat ako ng langgam kanina.
______3) Pakisabi kay Nanay na dumating
na si Tatay.
______4) Ipasok mo sa bahay si bantay.
______5) Nasaan na ang pagkain?
r

You might also like