You are on page 1of 4

Lesson Plan in

FILIPINO 5

Teaching Date: November 20, 2018 Day: _Tuesday______


Time: 3:00-3:50 Observed by: __________________

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita
sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng isang ulat o panayam
Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa
paglalarawan
II. NILALAMAN Paggamit ng Pang-abay at Pang-uri sa Paglalarawan
FSWG-IIId-e-9
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Curriculum Guide Filipino 5 p. 73
2. Mga pahina sa kagamitang
pang mag-aaral
3. Mga pahina sa teksbuk Hiyas sa Wika 5 p. 159-161
4. Karagdagang kagamitan mula
sa portal ng Learning
Resource
5. Iba pang kagamitan panturo Tsart, larawan, manila paper, kuwento
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin o 1. Pagbaybay ng mga salita (dokumento, sertipiko,
Pagsisimula sa bagong aralin pagsusulit, kalihim, panauhin)
2. Balik-aral
Alin sa mga sumusunod na salitang may
salungguhit sa mga pangungusap ay pang-uri o pang-
abay.
1. Ang bata ay mabait.
2. Malakas na sumigaw ang bata ng makita ang
ahas.
3. Dumating ang mga panauhin nang maaga.
4. Malakas ang bagyo na sumalanta sa China.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Panuto: Iugnay ang kahulugan ng salita sa Hanay A
na nasa Hanay B
Hanay A Hanay B
1. Ginugunita A. nag-abala
2. Paglulundagan B. dumarayo
3. Dumadalaw C. Iba-iba
4. Pinaghandaan D. Ipinagdiriwang
5. Sari-sari E. nagluksuhan
F. nagkasundo
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa 1. Pagganyak
sa bagong aralin Pagpapakita ng larawan ng isang bahay
Ano ang masasami mo tungkol dito? Ilarawan
ito.
2. Pagbasa ng isang kuwento
Anu-ano ang mga pamantayan sa pagbasa
nang tahimik?
(Tingnan ang kalakip na kuwento) Ang Ati-
Atihan sa Kalibo, Aklan
D. Pagtalakay sa bagong konsepto Pagsagot sa mga tanong tungkol sa kuwento.
at paglalahad ng bagong 1. Kailan ginugunita ng mga naninirahan sa Aklan
kasanayan # 1 ang pagkakasundo ng mga Ati o Ita ang mga Malayo?
2. Paano nila ipinagdiriwang ang kanilang
pagkakasundo?
3. Paano sumayaw ang mga Ati?
4. Ano ang masasabi mo sa kanilang kasuotan?

Basahin ang mga pangungusap.


a. Sadyang mahuhusay sumayaw ang mga Ati.
b. Masayang naglulundagan ang mga Ati.
c. Nagpapahid sila ng makakapal na uling.
d. Nagsusuot sila ng makukulay na damit.

Anu-ano ang mga salitang may salungguhit?


Paano ginamit ang mga salita?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Gawin Natin


at paglalahad ng bagong kasanayan Pagpangkat sa mga bata.
#2 a. Magtala ng angkop na pang-uri at pang-abay sa
sumusunod na larawan
b. Gamitin ito sa pangungusap at ipaliwanag kung
ang gamit nito ay pang-uri o pang-abay
F. Paglinang sa kabihasnan Basahin ang mga pangungusap, isulat kung ang
gamit ng mga salitang may salungguhit ay pang-uri o
pang-abay.
1. Mainit ang kapeng ininom ni Tatay.
2. Talagang matalinong bata si David.
3. Naglagay ako ng sariwang bulaklak sa plorera.
4. Masayang ikinuwento ni Liza ang kanyang
karanasan.
5. Totoong mabagal maglakad ang pagong.

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Nais mong maging isang matagumpay na mag-aaral,


araw-araw na buhay ilarawan mo nga ang dapat taglayin ng ganitong
bata.

H. Paglalahat ng aralin Ano ang pang-uri? Ano ang pang-abay?


Ano ang pagkakaiba ng gamit nito sa paglalarawan?
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa mga
ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari.
Ito ay naglalarawan din ng mga panghalip.
Ang pang-abay ay sumasagot sa mga tanong na
saan, kalian at paano. Ito ay naglalarawan ng
pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
I. Pagtataya ng aralin Panuto: Isulat kung pang-uri o pang-abay ang gamit
ng mga salitang may salungguhit.
1. Matibay ang lubid na ginamit ni Mang Ambo sa
pagtali ng kanilang bubong ng bahay.
2. Mahusay sumalo ng bola ang batang si Lito.
3. Masayang maglaro ang mga bata lalo na kung
bakasyon.
4. Malakas ang ulan kagabi kaya naman kami ay
binaha.
5. Mapapalad ang mga batang walang kapansanan.

J. Karagdagang Gawain para sa Sumulat ng gamit ang mga salitang naglalarawan at


takdang-aralin at remediation isulat kung ito ay ginamit na pang-uri o pang-abay.
1. taimtim
2. matipid
3. mabait
4. maliwanag
5. maaalalahanin
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

Inihanda at Ipinasa:
DOLLY T. GARCIA
Master Teacher 1
Ang Ati-Atihan ng Kalibo, Aklan

Taun-taon ay ginugunita ng mga naninirahan sa Aklan ang pagkakasundo ng


mga Ati o Ita at mga Malayo.

Ang mga Ita ang unang nanirahan sa Panay bago dumating ang mga Malayo.
Nang dumating ang mga Malayo, binili nila ang baybay-dagat. Tumira naman sa
kabundukan ang mga Ati. Naghirap ang mga Ati sa kabundukan. Samantala,
umunlad naman ang buhay ng mga Malayo. Kaya nagalit sa kanila ang mga Ati.
Nilusob nila ang mga Malayo. Matalino ang mga Malayo. Naglagay sila ng uling
sa buong katawan. Katulad na rin sila ng mga Ati kaitim. Nakipag-usap sila nang
maayos. Nagkasundo uli sila. Nagdiwang ang lahat. Masayang silang
naglundagan at nagsayawan sa tuwa. Iyan ang ginugunita taun-taon kung pista ng
Ati-Atihan.

Simula noon, ipinakikita ng mga taga Aklan ang kanilang kasiyahan sa


pamamagitan ng pagsayaw at paglulundagan sa daan sa saliw ng iba’t ibang
tugtog. Sadyang mahuhusay sumayaw ang mga tao ng Ati-Atihan. Nagpapahid
sila ng makakapal na uling sa katawan at nagsusuot sila ng makukulay na damit at
naglalagay ng sari-saring palamuti.

Masiglang pinagdarayo ng mga taong nagmula saan mang lugar ang pista sa
Kalibo, Aklan. At sadyang pinaghahandaan ng mga taga-Kalibo ang kapistahan
tuwing unang Linggo ng Enero at sila ay nagsasaya bilang pasasalamat sa Patrong
Santo Nino.

Kaya taun-taon ay umuuwi ako sa Pilipinas at sama-sama kaming mag-anak na


dumadalaw sa Kalibo, Aklan sa mga lola ko at tuloy makipagsaya sa kapistahan.

You might also like