You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino V

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng ating paglalakbay, ikaw ay inaasahang:
a. Nakagagamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos; at (F5WG-IIIa-c-6)
b. Nakagagamit ng pang-uri sa paglalarawan ng katangian ng pangngalan. (F5WG-IIId-e-9)

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos at Pang-uri sa Paglalarawan ng
Katangian ng Pangngalan.
Sanggunian: Filipino – ikatlong markahan – Modyul 1
Kagamitan: mga larawan, powerpoint presentation, manila paper
Pagpapahalaga: pagmamalaki sa kulturang pinoy ay pagiging Pilipino
III. PAMAMARAAN

GURO MAG-AARAL
A. Pangunahing Gawain

Lahat magsitayo at manalangin tayo.

Sa ngalan ng Ama, Anak at espirtitu Santo, Amen. Sa ngalan ng Ama, Anak at espirtitu Santo, Amen.
Salamat po Panginoon sa lahat ng bagay na Salamat po Panginoon sa lahat ng bagay na
binibigay Niyo sa amin sa araw-araw. Nawa’y binibigay Niyo sa amin sa araw-araw. Nawa’y
bigyan Niyo po kami ng lakas upang magawa po bigyan Niyo po kami ng lakas upang magawa po
naming ang aming mga adhikain. Minamahal po naming ang aming mga adhikain. Minamahal po
namin Kayo. Hinihiling po namin ito sa Ngalan ni namin Kayo. Hinihiling po namin ito sa Ngalan ni
Kristo. Amen. Kristo. Amen.

Magandang umaga sa lahat Magandang umaga po, Ginoong Aljon,


magandang umaga rin mga kaklase, ikinagagalak
naming Makita kayo. Mabuhay!

Kamusta kayo? Mabuti po!

B. Pagbabalik aral
Magaling kung ganoon. Ngunit bago ang lahat, Opo
maglalaro muna tayo. Ang gagawin ninyo ay
ipapa-pasa ang bagay na ito kasabay ang saliw ng
musika, at kapag ito’y humito, ang studyanteng (isinasagawa ang laro)
may hawak ng bagay na ito ay tatanungin
patungkol sa nakaraang leksyon. Handa naba
kayo?
Ano ang huling tinalakay natin kahapon? Tungkol po sa pang-ugnay.

Magaling. Ano ang gamit ng pang-ugnay? Ito po ay nag-uugnay sa dalawa ot higit pang
pangungusap.
C. Pagganyak

May nalalaman ba kayong mga bugtong? Mero po.

Sinu-sino sa inyo ang mahilig sa bugtong? Kami po.

Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino? Opo, dahil napapalaganap nito ang diwa ng
Bakit? pagkapilipino at matalas na kaisipan.

Ngayon, may ibibigay akong bugtong sa inyo, Opo.


sagutin ninyu ito ng mabilisan. Handa na ba kayo?

1. Nagising si Insyong, sa ilalim ng gatong.


Ano ang sagot? Ito po ay bibingka.
2. Wala sa langit, wala sa lupa, kung
maglakad patihaya. Bangka po ang sagot.
3. Bituing buto’t balat, kung pasko lamang
kumikislap. Parol naman po ang sagot sa bugtong na ito.

Bago ang pagbasa:

Mayroon akong kuwento na ipapaskil sa pisara. Babahin ng walang ingay,


Ngunit bago yan, anu-ano ba ang mga Umupo nang matuwid at unawain ang binabasa.
pamantayan sa pagbasa nang tahimik?

Pababasa:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kwento. (binabasa ang dayalogo)


Pagkatapos, subuking sagutin nang tama ang
sumunod na mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong
mga sagot sa sagutang papel.

Basahin ang Pangarap Pasyalan Ni Andrea na


akda ni Maria May C. Froilan sa pahina 5 sa ating
Filipino Modyul 1.

Pagkatapos ng pagbabasa:

Mga tanong:
1. Saan malimit namamasyal si Andrea noong Malimit mamasyal sa tumana si Andrea
bata pa siya?

2. Ano ang ginagawa ni Andrea para makamit ang Si Andrea ay nagsunog ng kilay o nag-aral nang
kaniyang mga pangarap? mabuti para makamit ang pangarap.

3. Paano natupad ni Andrea ang kaniyang


kasabikan na makapasyal sa isa sa Bucket list Nag-ipon si Andrea ng kanyang sahod para may
niyang lugar? magastos siya pagpasyal sa mga lugar ng kanyang
pinapangarap na marating.
4. Ano-anong mga pang-abay ang ginamit sa
kuwento? Sumipi nang ilan. Ang mga pang-abay na ginamit sa kuwento ay
ang nagsunog ng kilay, sabik na sabik, sa palibot.
5. Ano-anong mga pang-uri ang ginamit sa
kuwento? Sumipi ng ilang binanggit na halimbasa Ang mga Pang-uri na ginamait sa kuwento ay ang
mula sa kuwento. kaunti, makukulay, matingkad.

D. Paglalahad:

Muli ninyong titigan at punahin ang mga nasa


kuwento. Anu ang napapansin niyo dito?

Ano ang tawag sa kanila?


Tama. Ito ay mga pang-abay.

Ano ang ibig sabihin ng pang-abay?


Ito ay tumutukoy sa pandiwa, pang-uri at kapwa
Magaling. pang-abay.

Ilang uri mayroon ang pang-abay?


Anu-ano kaya ang mga ito? May tatlong uri po.
(ipaliwanag ang mga ito) Pamaraan, Panlunan at Pamanahon

Ngayon ay mga mga halimbawa ako dito.


1. Sa ilalim ng punong mangga kami
nagkukwentuhan. Sa ilalim po
Nasaan dito ang pang-abay? Anong uri? Panlunan po

2. Malinaw siyang magkwento. Magkwento po


Nasaan dito ang pang-abay? Anong uri? Pamaraan po

3. Tanaghali na nang gumising si Lola Tanghali po


Tinay. Pamanahon po
Nasaan dito ang pang-abay? Anong uri?
Ito po ay tumutukoy sa pandiwa, pang-uri, at
E. Paglalagom/paglalahat kapwa pang-abay
1. Ano ang pang-abay?

Pamaraan, Panlunan, at Pamanahon po.


2. Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?
IV. PAGTATAYA

Kumuha ng kalahating bahagi ng papel.


Magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit. Sagutin ang mga sumusunod: handa na kayo?

Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na pamaraam, PN
kung itoy pang-abay na pamanahon at PL kung ito ay pang-abay na panlunan.
1. Nagbakasyon kami sa Tagaytay.
2. Babalik sila sa isang lingo.
3. Masayang naglalaro ang mga bata.
4. Dadalaw kami sa bahay ni Ana.
5. Maagang pumasok si Noel.
6. Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jones sa Sabado.
7. Gaganapin ang pagdiriwang sa Jollibee.

V. TAKDANG ARALIN
Kunin ninyo ang kwaderno sa takdang aralin at isulat ito.
1. Magsalaysay ng isang karanasan na hindi mo makakalimutan. Gumamit ng mga pang-abay sa
pasalaysay.

Pinasa ni: Aljon A. Ortega


Pre-service teacher

Iniwasto ni: Mrs. Pilar B. Setera, MTI


Cooperating Teacher

You might also like