You are on page 1of 4

Learning Area FILIPINO VI Grade Level SIX

W4 Quarter 4 Date

I. LESSON TITLE Pagkakaiba ng Kathang-isip at Di-kathang isip na Teksto


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip na teksto (fiction at nonfiction)
COMPETENCIES (MELCs) F6PB-IVc-e-22

III. CONTENT/CORE CONTENT A. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng teksto at napapalawak
ang talasalitaan.
a. Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang-isip o piksyon at di-kathang-isip na teksto
o di-piksyon.
b. Naibibigay ang kahulugan ng kathang-isip o piksyon at di-kathang isip na teksto
o di-piksyon.
c. Naisusulat kung ang sumusunod na teksto, kwento o larawan ay kathang-isip o
piksyon o di-kathang-isip.

(Sanggunian:Pinagyamang Pluma V pahina 242, MISOSA Filipino V Modyul 18: Piksyon at


Di-Pikyon)

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Sa araling ito ay mapapalawak ang kasanayan sa pagtukoy ng pagkakaiba ng kathang-sip
Panimula at di-kathang isip na teksto.

Sa tulong ng nakatatandang miyembro ng pamilya ay pagmasdan ang mga


sumusunod na larawan:

Tukuyin ang mga larawan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga ginulong letra upang
mabuo ang mga salita.

S I P N K Y O I D I P K O Y N S

Itanong:
1. Ano ang inyong nabuong salita? Ilahad ninyo ito?
2. Ibigay ang pagkakaiba ng mga salitang ito?
Ang kwento ay may dalawang uri. Ang mga alamat, fairy tales, mga pabula, nobela at
mga tula ay nabibilang sa kuwentong piksyon. Ito ay kathang-isip o sariling imbento ng
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
manunulat. Isinusulat ito upang magbigay aliw sa mga bumabasa.
Ang kuwentong pangkasaysayan, talambuhay, sariling karanasan at kuwento tungkol sa
pagtatagumpay ng mgakilalang tao sa lipunan ay nabibilang sa kuwentong di-piksyon o di
kathang-isip. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon sa nagbabasa.
Ang mahalagang salita sa pamagat ay sinisimulan sa malaking titik.

Para sa mga karagdagang kaalaman basahin mo ang kaugnay na pagtalakay sa


mgasumusunod na aklat: Alab Filipino 6 Manwal ng Guro 195-196, MISOSA V: Piksyon at
Di-Pikyon, larawang Guhit ni Gng. Joanne C. Vilan
B. Development 30 minuto Marahil ay lubos ninyong naunawaan ang dalawang uri ng kwento. Subukan nmo nang
Pagpapaunlad sagutan ang mga sumusunod na gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa patlang kung ang sumusunod na mga
pamagat ay kuwento ay piksyon o kathang-isip o di-piksyon o di-kathang isip. Isulat
ang inyong sagot sa sagutang papel.
_____________ 1. Ang Talambuhay ni Apolinario Mabini
_____________ 2. Ang Leon at ang Unggoy
_____________ 3. Ang Kasaysayan ng Bansang Hapon
_____________ 4. May Panauhin si Alimango
_____________ 5. Si Josefa Llanes Escoda

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng √ ang sumusunod na pamagat ng kuwento


kung piksyon at x kung di-piksyon. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
________ 1. Maria Paz Mendoza Guanzon, Unang PilipinangManggagamot
________ 2. Ang Utak ng Katipunan, Emilio Jacinto
________ 3. Ang Alamat ng Damong Makahiya
________ 4. Si Juan Tamad
________ 5. Pia Adelle Reyes, Kampeon sa Gymnastics
I. Engagement 30 minuto Ngayon ay natapos na ninyo ang unang gawain sa unang bahagi, dumako naman tayo sa
Pakikipagpalihan mga sumusunod na pagsasanay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Suriing mabuti ang mga nakatalang pamagat ng
kuwento. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel katulad ng nasa halimbawa.

PIKSYON O DI-PIKSYON O DI
Halimbawang sagot:
KATHANG-ISIP KATHANG-ISIP
Ang Alamat ng Pinya
Yamang Tubig
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

o Ang Unggoy at ang Buwaya


o Ang Batas Militar sa Pilipinas
o Rebolusyon sa EDSA
o Ang Mahiwagang Lampara
o Melchora Aquino, Ina ng Katipunan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ang sumusunod na mga talata ay hinango sa iba’t-


ibang seleksyon. Suriin kung ito ay piksyon o di-piksyon. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.
_____________ 1. Ang globo ay nahahati sa iba’t-ibang bahagi ng
daigdig. Ang mapa ay walang mga bahagi tulad ng nakikita sa globo. Ang ordinaryong
mapa ay nagpapakita ng isang bahagi lamang ng daigdig
samantalang ang globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa ng daigdig.
_____________ 2. Isang umaga tumawag ng pulong ang pinuno ng
mga hayop na si Kapitan Leon. Magtatagputagpo ang mga hayop-gubat, mga ibon at
maging ang mga hayop sa kapatagan sa sapa na nasa may bundok. May mahalaga silang
paguusapan.
_____________ 3. Sa kahahanap ng pagkain, nahulog ang lobo (uri ng hayop na nabibilang
sa angkan ng mababangis na aso) sa balong walang tubig. Nakita niya ang kambing na
nakatingin sa kanya. “ Ano ang ginagawa mo diyan kaibigang Lobo?” tanong ng kambing.
Sagot ng lobo, “
Hindi mo ba alam na nagagalit si Tigre at ako ay nagtatago dito?” Lumundag sa balon si
Kambing dahil sa takot. Biglang sumampa sa likod ng kambing ang lobo at nakalabas siya
sa balon.
______________ 4. Ang pagtatanim ng punungkahoy ay makatutulong sa lumalaking
suliranin sa tubig sa kalakhang Maynila. Sinabi ng DENR
(Department of Environment & Natural Resources) na ito ang sagot sa matagal nang
suliraning ito.
______________ 5. Si Pangulong Ramon Magsaysay ang pangatlong
pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Bilang Pangulo, siya ay ilang ulit nang
pinarangalan sa ibang bansa dahil sa mga nagawa niya sa ating bansa. Tinagurian siyang
Idolo ng Karaniwang Tao dahil sa kanyang katapatan at pagmamalasakit sa kapakanan ng
mahihirap.
Binabati kita at napagtagumpayan mo na ang natapos nating aralin. Sa susunod na
aralin ay matututunan ninyo ang ibat’-ibang uri ng pelikula.

J. Assimilation 15 minuto Panuto: Punan ng wastong salita ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Paglalapat Ang kwento ay may dalawang uri. Ito ay _________ o ________na kwento na kung
saan sariling ________ng manunulat at _____________o ____________na mga kwentong
nangyari sa totoong buhay o sariling karanasan.

V. ASSESSMENT 15 minuto Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na kwento ay kathang-isip o di-kathang isip.
(Learning Activity Sheets for ____________1. Noli Me Tangere
Enrichment, Remediation or ____________2. Bakit Yumuyuko ang Kawayan?
Assessment to be given on ____________3. Ang Pagong at Ang Matsing
Weeks 3 and 6) ____________4. Ang Ibong Mandaragit
____________5. Makabagong Balarilang Pilipino
B. Ngayon ay natutunan na ninyo na ang kwento ay may dalawand uri, ito ay piksyon o
kathang-isip at di-piksyon o di kathang-sip. At para sa susunod na aralin ay magsaliksik
tungkol sa iba’t-ibang uri ng pelikula.

VI. REFLECTION Isulat mo sa iyong kwaderno ang iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na________________________________________.

Nabatid ko na ____________________________________________.

Naisasagawa ko na_______________________________________.

Prepared by: Checked by:


DONNALYN C. VILLANUEVA MARIBETH RIETA
MARIANO C. ANACAY MEMORIAL ES/AMADEO DISTRICT ESP Filipino

You might also like