You are on page 1of 10

FILIPINO

Learning Area
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
School Led Modality)Grade Level SIX
LESSON Teacher Learning Area FILIPINO
EXEMPLAR Teaching Date Quarter FOURTH/M13
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang;

A. nakasusulat ng isang maayos na balitang pang-isport; at


B. nakasasagot sa mga pagsasanay at mga tanong na inihanda para sa
aralin.

A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag


Pangnilalaman ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayan sa Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas,


Pagganap reader’s theatre o dula-dulaan

C. Nakasusulat ng ulat, balitang pang-isport, liham sa editor, iskrip para


Pinakamahalagang sa radio broadcasting
Kasanayan sa
Pagkatuto at teleradyo
(MELC) F6PU-IVb-2.1
(Kung F6PU-IVc-2.11
mayroon, isulat F6PU-IVf-2.3
ang
pinakamahalag
F6PU-IVe-2.12.1
ang kasanayan
sa pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN
Pagsulat ng Ulat o Balitang Pang-isport
III. KAGAMITAN Modyul
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC)
MATRIX
Page 168
b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan
mula sa Portal https://lrmds.deped.gov.ph/
ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Introduction PAUNANG PAGSUBOK


(Panimula) Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layon lamang nitong
masukat ang dati mong kaalaman tungkol sa paksa.
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa mga
pangungusap. Pumili ng sagot sa ibaba.
_____1. Isang natatanging balita ukol sa iba’t ibang uri ng laro.
_____2. Uri ng salita na ginagamit sa pagsulat ng balitang pang-isport.
_____3. Binibigyang pansin ng mga istoryang ito ang mga
personalidad o koponan na nagpapakita ng pambihirang katangian at
karangalan.
_____4. Paraan ito ng pagsulat ng balitang pang-isport kung saan
inuuna ang malalaking pangyayari na naganap sa laro.
_____5. Ito ay naglalahad ng mga kaganapan sa laro.
baligtad na pyramid sports lingo kasalukuyang balita sports profile
balitang pang-isport resulta ng laro

BALIK-ARAL

Alamin naman natin kung ano ang natutuhan mo sa nakaraang aralin


tungkol sa pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksiyon sa isang
balita, isyu o usapan.
Panuto: Basahin ang sumusunod na isyu. Isulat ang letra ng
angkop na ekspresyon para sa pagpapahayag ng opinyon o
reaksiyon.
_____1.Kasalukuyang nagkakainitan sa pagtatalo ang mga opisyales
ng inyong sangguniang barangay. Ilang sandali na lamang at
magkakaroon na ng pagbobotohantungkol sa isang isyunghindi pa
malinaw para sa mga miyembro. Nais mong imungkahi na ipagpaliban
muna ang botohan hangga’t hindi pa nagiging malinaw para sa lahat
ng miyembro ang isyu. Paano mo ito ipahahayag?
A. Bilang miyembro ng sanggunian, nais ko po sanang imungkahi na
ipagpaliban na muna natin ang botohan hangga’t hindi pa nagiging
malinaw sa lahat ang isyu.
B. Magsitigil nga muna kayong lahat. Hindi pa malinaw sa lahat ang
isyu. Walang mangyayari kung puro pagtatalo ang gagawin ninyo.
C. Mali kayong lahat sa inyong pagatatalo-talo.Ito ang sa palagay
kong dapat munang mangyari.
D. Parang awa na ninyo, magsitigil kayong lahat!

_____2. Ipagpalagay mong ikaw ay isang mataas na opisyal ng inyong


bayan. May lumapit sa iyo upang hingin ang iyong opinyon tungkol sa
isang isyung hindi mo pinaniniwalaan ngunit siyang isinusulong ng
nakararami sa iyong sinasakupan. Paano mo sasabihin na hindi ka
naniniwala sa kanilang ipinaglalaban?
A. Batay sa aking mga isinasagawang pag-aaral tungkol sa isyu, nais
ko sanang pag-isipan ninyo ang aking kapasyahan.
B. Wala akong pakiaalam sa gusto ninyong mangyari. Ako lamang
ang dapat masunod.
C. Mali kayong lahat. Ako lamang ang tama dahil ako ang
nakakaalam ng lahat.
D. Hindi tama ang mga pinaniniwalaan ninyo.

_____3. Pinipilit ka ng iyong mga magulang na mag-aral ng piyano.


Kaso ayaw mo sapagkat ang gusto mo ay magsayaw. Ang nais mo
sana ay makapag-aral ka ng jazz dancing. Ano ang sasabihin mo sa
kanila?
A. Puwede ba makinig naman kayo sa gusto ko! Lagi na lang gusto
ninyo ang nasusunod. Ako naman ngayon.
B. Alam ko pong maganda ring mag-aral ng piyano, kaya lang
pagsasayaw talaga ang hilig ko.
C. Hindi po puwedeng pilitin ninyo ako sa mga bagay na ayokong
gawin.
D. Ayoko ko pong mag-aral ng piyano.

_____4. Nadatnan mong pinagagalitan ng iyong ama ang iyong


nakatatandang kapatid tungkol sa isang bagay na hindi naman niya
ginawa. Alam mo na hindi ang kapatid mo ang gumawa sapagkat ikaw
ang may kasalanan. Aaminin mo ba ito sa iyong mga magulang at sa
harap ng iyong kapatid?
A. Oo, dahil alam ko na lalabas din ang katotohanan.
B. Depende sa parusang ibibigay ng aking ama sa aking kapatid.

ARALIN
Tukuyin kung anong laro ang nasa larawan. Ano-ano ang mga
larong Pinoy na nasa bawat larawan?

Suriin
Basahin at pag-aralan mo ang balitang pang-isport na
ito.
Naglalagablab na sipa ang pinakawalan ng gitgitang
labanan sa pagitan ng Baguio City National High School
(BCNHS) sa Westfield International School (WIS) sa Milo Little
Olympics North and Central Luzon Championship Football noong
Marso 2019 sa Baguio Athletic Bowl.
Nagpakawala ng isang malakas na sipa si Shran Vicente mula sa
koponan ng BCNHS nang magsimula ang laro na ngresulta ng 1-0 na
iskor.
Sinundan ito ng sunod-sunod na atake nina Aeron Tenollar at
Dominador Padcayan na nagbigay daan sa 3-0 na iskor sa unang
kalahati ng laban.
Lumakas ang loob ng koponan ng WIS nang pumasok ang bolang
pinakawalan ni Patrick Grogg, 3-1.
Pigil hininga ang lahat ng maging 3-3 ang iskor dahil sa pagpasok ng
bola mula kina Grogg at Liam Goulding.
Hindi na hinayaan ng WIS na makaiskor pa ang BCNHS kaya isang
nagliliyab na bola ng tagumpay ang ibinigay ni Grogg, dahilan para
maiuwi nila ang kampeonato sa iskor na 3-4.
Tinanghal si Grogg na Most Outstanding Player dulot ng pagkamit
niya ng 3 goal.
Sagutin mo ang mga tanong na ito
1. Ano ang pinakawalan ng manlalaro mula sa BCNHS?
_________________
2. Saan ginanap ang paligsahan?
_______________________________________
3. Sino ang tinanghal na Most Outstanding Player?
______________________
4. Paano nagwagi ang WIS kontra sa BCNHS?
___________________________
5. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pag-unlad ng isport sa
ating bansa?
________________________________________________________

Pagsulat ng Balitang Pang-isport


Ang balitang pang-isport ay isang uri ng natatanging balita ukol sa
iba’t ibang uri ng laro na batay sa tuwirang balita subalit karaniwang
nasusulat sa pamaraang action story. Paglalarawan ng aksiyon,
reaksiyon at emosyon ng manlalaro, tagasanay at maging ang mga
manonood.
Katangian ng Balitang Pang-isport
1. Sumasagot sa tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano.
2. Nagtataglay ng kapana-panabik na pasimula na naglalarawan ng
kilos at paglalaban.

3. Gumagamit ng natatanging uri ng talasalitaan (sports lingo) na


hindi kaagad mauunawaan ng karaniwang mambabasa.
4. Gumagamit ng mahusay na salita, maraming pang-uri, mahahabang
pangungusap na di ginagawa sa pagsulat ng tuwirang balita.
Uri ng Balitang Pang-isport
1. Paunang Balita

Ibinabalita ang napipintong labanan ng mga koponan. Ito ay


naglalaman hinggil sa kakayahan at kahinaan ng bawat manlalaro sa
koponan. Tinatalakay rin ang kahalagahan ng larong gaganapin.
2. Kasalukuyang Balita

Ito ay naglalahad ng mga kaganapan sa laro.


3. Resulta ng Laro

Ang mga istoryang ito ay nagbubuod ng mga naganap na laro. Ang


ganitong balita ay kailangang mailabas kaagad dahil ito ay “time
bound” at mawawalan ng saysay kung maibabalita na ng huli sa
panahon.
4. Sports Profile

Binibigyang pansin ng mga istoryang ito ang mga personalidad o


koponan na nagpapakita ng pambihirang katangian at karangalan. Mas
mahaba ang ganitong artikulo dahil nangangailangan ito ng
pananaliksik at mga karagdagang panayam.
Paraan ng Pagsulat ng Balitang Pang-isport
1. Isinusulat ito katulad ng pagsusulat ng pangkaraniwang balita.
2. Inuuna sa pagsulat nito ang malaking pangyayari sa pamamagitan
ng baligtad na pyramid.
3. Gumagamit ang isang manunulat ng isport ng mga salitang
makukulay at buhay.
4. Laging nasa patnubay ang resulta ng laro o tunggalian na siyang
pumupukaw o umaakit sa mambabasa.
5. Kung ay laro ay labanan ng koponan na katulad ng basketball o
volleyball ay huwag kalimutang banggitin ang nagpanalo sa laro.

Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Manunulat ng Balitang


Pang-isport
1. May kaalaman sa isport na tatalakayin.
2. Marunong gumamit ng lenggwahe ng isport.
3. Marunong umunawa sa talang nakuha sa laro.
4. Mausisa at matalas ang pakiramdam sa galaw at ikinikilos ng mga
manlalaro.
5. Matalas ang mata sa maliit na detalye na nangyayari sa laro.

B. Development
(Pagpapaunlad)

MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang balitang pang-isport?
_______________________________________
2. Ano-ano ang uri nito?
_______________________________________________
3. Magbigay ng katangian ng balitang pang-isport?
______________________
4. Paano isinusulat ang pang-isport na balita?
__________________________
5. Bakit dapat taglayin ng manunulat ang mahahalagang katangian?

________________________________________________________
___________________
PAGSASANAY 2
Panuto: Isulat ang TAMA kapag sang-ayon sa isinasaad ng
pangungusap at MALI kapag hindi sang-ayon.
_____1. Ang balitang pang-isport ay karaniwang nasusulat sa
pamaraang action story.
_____2. Walang sapat na kaalaman ang isa sa katangian ng manunulat
ng balitang pang-isport.
_____3. Dapat gumamit ng makukulay at buhay na salita sa pagsulat
nito.
_____4. Maaaring ipahayag ang damdamin sa pagsulat ng balitang
pang-isport.
_____5. Manunulat lang ang may kakayahang sumulat ng balitang
pang-isport.
PAGSASANAY 3
Panuto: Pumili ng isa sa mga larawan at sumulat ng balitang
pang-isport.

PAGLALAHAT
Sa pagtatapos ng araling ito, natutuhan ko na ang balitang pang-isport
C. Engagement
(Pagpapaliha
ay______________________________________________________
n) ____________.
Ito ay paglalarawan ng aksiyon, __________, at __________ ng
manlalaro, __________, at maging ang ________.

PAGPAPAHALAGA
D. Assimilation
(Paglalapat)

PAGSUSULIT
Panuto: Pumili ng isa sa mga laro at sumulat ng balitang pang-
isport.
A. Luksong-tinik
B. Sipa
C. Sungka
D. Basketball
E. Badminton

Rubrik sa Pagsulat ng Balitang Pang-isport


V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like