You are on page 1of 24

4

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Paggamit ng Wasto at Angkop na
Pangatnig
Filipino – Ikaapat na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Paggamit ng Wasto at Angkop na Pangatnig
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Joyce Mae F. Galleon
Editor: Cristy C. Agudera
Tagasuri: Grace G. Laguna
Tagalapat: Jecson L. Ofallas
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – ESP / Values Ed
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng ______________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI- Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
4

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Paggamit ng Wasto at Angkop na
Pangatnig
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin
Paggamit ng Wasto at
1 Angkop na Pangatnig

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!


Handa ka na ba? Ating simulan ang paglalakbay sa mundo sa
asignaturang Filipino. Binabati kita dahil ngayon ikaw ay nsa ikapitong
modyul na para sa Ikatlong Markahan.
Sa modyul na ito, matutuhan mo ang wastong pagsasabi ng paksa at
damdamin ng napanood na pelikula gayundin ang wastong paggamit ng iba’t
ibang uri ng panghalip.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig
- o, ni, maging, man
- kung, kapag, pag, atbp. ;
- ngunit, subalit, atbp. ;
- dahil sa, sapagkat, atbp. ;
- sa wakas, atbp. ;
- kung gayon, atbp. ;
- daw, raw, atbp. ;
-kung sino, kung ano, siya rin atbp. (F4WG-IIIh-11).

1
Subukin Natin

Bilang panimulang gawain sa ating bagong aralin,magbibigay ako ng


isang maikling pagsubok sa iyo.

* Pagkilala sa Pangatnig

Panuto: Piliin ang tamang pangatnig sa bawat pangungusap.


Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Mabigat ang trapiko _________ nahuli ako sa klase.

a. kaya
b. kung
c. sapagkat

2. Hindi kumikibo si Rio _________ malapit si Marie sa kanya.

a. sana
b. kapag
c. subalit

3. Lalabhan ko ang damit ni Roel __________ paplantsahin ko ang


uniporme ni Alicia.

a. at
b. kung
c. habang

4. Gusto nilang maglaro sa palaruan ________ pinagbawalan silang


lumabas ng bahay.

a. pero
b. siguro
c. habang

2
5. Si Ate Rowena ay bumili ng sariling gulay _________mga hinog na
mangga sa palengke.

a. at
b. daw
c. dahil sa

I. 1 2 3 4 5

Ganito ba ang sagot mo? a b a a a

Kung gayon, binabati kita! Kung hindi mo naman nakuha, galingan


mo na sa susunod pang mga nakaaaliw na gawain.

3
Aralin Natin

Mahalaga ang Pangatnig (Conjunction) sa mga pangungusap


upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.
Karaniwan itong makikita sa simula o kalagitnaan ng
pangungusap. Ito ay maaari ring magbukod, manalungat, maglinaw,
manubali, magbigay halintulad, magbigay sanhi, at magbigay ng
pagtatapos sa isang kaisipan o pangungusap.

I. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang pangatnig na bubuo sa


pangungusap.

1. Aling relo ang isusuot mo, ang puti _____________ asul?

2. Mahusay gumuhit _______________ magpinta si Troy.

3. Mag-iipon ako ng pera _____________ makabili ako ng mga bagong aklat


para sa pasukan.

4. Kumakanta ang babae _______________ pinapaliguan niya ang kanyang


sanggol.

5. Sasama ako sa inyo manood ng sine _____________________ papayagan ako


ng aking mga magulang.

4
II. Basahin at unawain ang talata. Lagyan ng angkop na pangatnig ang bawat
patlang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tinawag ako (1.) _________ pinangaralan ng aking mga magulang. Ayaw


ko sanang makinig sa kanila (2) _________ napagtanto kong maging maganda
ang hangarin nila para sa akin. Unti unti kong sinisikap na magbagong-
buhay (3)_______ batid kong masama talaga ang ibubunga ng pagsama sa
masasamang barkada. Iniwasan ko ito (4) ______ di-mapahamak. Para sa
akin , hindi pa huli ang lahat (5)________ nangangako ako sa aking sarili na
tuluyan na akong magbabago ng landas.

5
Gawin Natin

May dalawang gamit ng Pangatnig: ito ay gamit bilang pag-ugnay sa


dalawang salita at gamit bilang pag-ugnay sa dalawang parirala

Halimbawa ng Pangatnig:

o ni maging man kung kapag

pag ngunit subalit Dahil sa sapagkat sa wakas

Kung
daw raw kung sino kung ano siya rin
gayon

Mga Uri ng Pangatnig:

1. Pangatnig na Panimbang – ito ay nag-uugnay ng dalawang salita,


parirala\ o sugnay. (at, saka, pati, ngunit, maging, datapuwat, subalit)
Halimbawa:
Pupunta sana si Marie sa SM, ngunit nalimutan niyang dalhin ang
kanyang pitaka.
2. Pangatnig na Pantulong – ito ay ang uri na nag-uugnay ng di-
magkapantay na salita, parirala o sugnay. (kung, kapag, upang, para, nang,
sapagkat, dahil, sa)
Halimbawa:
Bibigyan ako ng baon ni nanay kapag natapos ko nang linisin ang aking
kwarto.

6
3. Pangatnig na Pamukod – ito ay ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya
ng: (o, ni, maging, at man).
Halimbawa:
Maging ang presidente ay hindi sang-ayon sa sinabi ng senador.

4. Pangatnig na Panubali – ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan, gaya ng:


(kung, kapag, pag, sakali, disin sana)
Halimbawa:
Hindi na matutuloy ang aming gala kung bumagyo.

5. Pangatnig na Paninsay – ito ay ang pangatnig kung saan sinasalungat ng


unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito.
Halimbawa:
Siya pa rin ang mananalo sa patimpalak kahit na marami ang
may ayaw sa kanya.
6. Pangatnig na Pananhi – ito ay nagbibigay ng dahilan o katuwiran para sa
pagkaganap ng kilos.
Halimbawa:
Bumaha sa bahay namin sapagkat walang tigil ang pag-ulan.
7. Pangatnig na Panapos – ito ay nagsasabi ng nalalapit na katapusan ng
pagsasalita.
Halimbawa:
Sa nangyayari sa ating bayan, dapat lahat tayo ay magkaisa!
8. Pangatnig na Panlinaw – ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang bahagi o
kabuuan ng isang banggit.
Halimbawa:
Nahanap na ang kanyang nawawalang cellphone kaya makakahinga na
siya nang maluwag.
9. Pangatnig na Pamanggit – ito ay gumagaya o nagsasabi lamang ng iba,
tulad ng: (daw, raw, di umano)
Halimbawa:
Si Olivia na raw ang magbabayad ng kinainan namin.
10. Pangatnig na Panulad – ito ay tumutulad ng mga pangyayari o gawa,
tulad ng: (kung sino…siyang, kung ano…siya rin)
Halimbawa:
Kung sino ang unang makapagbigay ng pangungusap ay siyang
mananalo sa larong ito.

7
Hanapin sa loob ng kahon na may palaso kung anong uri ng pangatnig
ang ginamit sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Paninsay
1.Nakakalbo ang kagubatan sapagkat
Pantulong
maraming tao ang pumuputol ng
Pamukod punong kahoy.

Paninsay
Panubali 2. Nag-aral siyang mabuti ngunit
Panimbang mababa pa rin ang marka.

Panimbang
Panlinaw 3. Madaling maging tao ngunit
Paninsay mahirap magpakatao.

8
Panulad
Panapos 4. At sa wakas, natupad ko na rin ang
Pamanggit matagal ko nang pinapangarap.

Pamukod
5. Kung uulan, hindi matutuloy ang
Panulad ating palatuntunan.
Pantulong

9
Sanayin Natin

Pagsamahin ang dalawang parte ng pangungusap gamit ang wasto at


angkop na pangatnig. Kopyahin at isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Halimbawa:

Sagot:

Ang nanay niya ay isang guro at ang kaniyang tatay ay isang mekaniko.

1. Nahuli na ang may sala.


Makakalaya na ang lalake.

Sagot:

_________________________________________________________

2. Mahusay ang namumuno sa bansa.


Patuloy ang pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao.

Sagot:

_________________________________________________________

10
3. Namatay si Mang Ruben
Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.

Sagot:

__________________________________________________

4. Kinagigiliwan ng lahat si Maria.


Masayahin siyang dalaga,.

Sagot:

__________________________________________________

5. Mag-ehersisyo ka.
Lumakas ang iyong katawan.

Sagot:

__________________________________________________

11
Tandaan Natin

Marami ka bang natutuhan mula sa naunang pagtalakay?


Subukan nating sukatin ang iyong kaalaman. Sa loob ng kahon ay may
nakatagong salita o pangatnig ng mga letra. Isulat sa sagutang papel ang mga
pangatnig na makikita niyo.

A.

S N G U N I T H D I
A A S A K A L I A K
G B P F C D I A R M
D S Q A N O H L N A
U P A N G D A H I L
C G F R G K R F G K
V A U E T H A P Y U
B P W A B A M T I N
X A A D X U Z J K G
C K A Y A L A U S M

12
B. Basahin ang kasunod na talata at sagutin ang kasunod na mga
tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
.

Ipinagmamalaki ng Lungsod ng Tagum ang kanilang pinakamasarap


na puto. Dinarayo ito ng mga tao sapagkat napakalinamnam ng lasa.
Talagang babalikan mo ito dahil bukod sa masarap na ay mura pa. Mainam
itong panregalo kung may handaan tulad ng may kaarawan. maraming
negosyante ang umunlad sa hanapbuhay na ito.

1. Ano ang tawag natin sa mga salitang may salungguhit?

__________________________________________

2. Saan ito ginagamit?

__________________________________________

3. Gumawa ng dalawang pangungusap na gamit ang uri ng Pangatnig.


(2 puntos)

a. (Pangatnig na Panulad)

_________________________________________________________.

b. (Pangatnig na Pantulong)

_________________________________________________________.

13
Suriin Natin

Kung talagang naunawaan ninyo ang ating aralin, hanapin sa loob ng


laso at isulat sa sagutang papel ang mga pangatnig at kung anong uri ito.

Nakikinig kaming lahat sa aming


guro sapagkat mahusay siyang magturo.

Malinaw siyang magpaliwanag,


laging handa at paminsan minsan ay
nagpapatawa. Kaya nawiwili kami sa
kaniyang klase. Marami kaming natutuhan
sa kaniya at sa lahat ng ito siya’y aming
pinasasalamatan.

Sana’y marami pang tulad niya para


marami pang mga mag-aaral ang
maganyak na mag-aral nang mabuti.

Kopyahin ang pormat sa pagsagot sa sagutang papel.

Mga Pangatnig Uri ng Pangatnig


1.
2.
3.
4.
5.

14
II. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pangatnig upang mabuo ang
pahayag. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Mawab,


(kaya, sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito
haharapin.

2. (Datapuwa’t,Subalit) nasasabi niyang siya’y nakaraos sa buhay, hindi pa


rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.

3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang


magpatuloy sa buhay.

4.Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng


ito), hindi niya alintana ang mga darating pa.

5. Hindi na niya itutuloy nag kaniyang pagpunta sa ibang bansa,( kung


gayon,kaya) mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit
sa kaniyang pamilya.

15
Payabungin Natin

Magbigay ng pangungusap gamit ang larawan at pangatnig na nasa


tabi nito. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1.
kaya

___________________________________.

2.
ngunit

__________________________________.

3.
habang

_________________________________.

4.
samantala

________________________________

5.
at sa wakas

_________________________ .

16
Pagnilayan Natin

Sa loob ng bubble quote, Bumuo ng talata sa pamamagitan ng


larawan sa ibaba. Gumamit ng mga pangatnig at isulat ito sa iyong
sagutang papel.

________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
_________ .

Pamantayan sa Pagsulat ng Talata

Mga Puntos Pamantayan


3 Tama ang mga bantas ngunit may ilang kamalian sa baybay.
4 Wasto ang mga detalye nakasaad sa talata
5 Organisado at sinuring mabuti ang pagkasunod-sunod ng mga
ideya o kaisipan.

17
18
Payabungin Natin Payabungin Natin
1-5 Hayaan ang mga bata 1-5 Hayaan ang mga bat ana
na bumuo ng sariling talata gumawa ng sariling
gamit ang mga pangatnig. pangungusap gamit ang mga
pangatnig.
Tandaan Natin Sanayin Natin
Suriin Natin
1.ngunit 1.Nahuli ang may sala kaya
1. sapagkat Pantulong makakalaya na ang lalake.
2.dahil
3.upang 2.Mahusay ang namumuno
2.kaya Panlinaw 4.kaya sa bansa kaya patuloy ang
5.sakali pag-unlad ng pamumuhay
3.at Panimbang
ang mga tao.
4.para Pantulong 3. Namatay si Mang Ruben
ngunit ang kanyang prinsipyo
5.nang Pantulong ay mananatiling buhay.
4.Kinagigiliwan ng lahat si
Maria sapagkat masayahin
siyang dalaga.
5.Mag ehersisyo ka upang
lumakas ang iyong katawan.
Aralin Natin
I II. Subukin Natin
Gawin Natin 1. a
1. o 1. at 2. b
1. Pantulong 2. at 2. ngunit 3. a
2. Panimbang 3. upang 3. sapagkat 4. a
3. Panimbang 5. a
4. habang 4. upang
4. Panapos
5. kapag 5. at
5. Pantulong
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Sancho C. Calatrava, et.al., (2015), Yaman ng Lahi Kagamitan ng Mag-aaral,


(Kagawaran ng Edukasyon) pp. 135

Sancho C. Calatrava, et.al., (2015), Yaman ng Lahi Patnubay ng Guro,


Kagawaran ng Edukasyon) pp. 221- 223

Ester V. Raflores ISBN 978-971-655-331-4, Bagong Likha: Wika at Pagbasa ,


, pp. 429-430.

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 4.


Department of Education Curriculum and Instruction Strand 2020, pp.17

19
Para sa katanungan o puna…maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon– Rehiyon XI-Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

20

You might also like