You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
GERONA NORTH DISTRICT
Gerona, Tarlac

LEARNING ACTIVITY SHEET SA MATHEMATICS 3


QUARTER 4- WEEK 7

Pangalan: ______________________________Baitang: _______


Paaralan: ______________________________ Iskor: __________

Learning Competency: Infers and interprets data


presented in different kinds of bar graphs (Vertical/
horizontal) (M3SP-IVh-3,3)

Mahihinuha at mabibigyang kahulugan ang data na


ipinakita sa iba’t ibang mga uri ng mga graphic.
(patayo/pahalang)

Talakayan/Discussion:

Upang ating mahinuha o masabi at mabigyang


kahulugan ang data/datos na ipinakita sa iba’t ibang
mga uri ng mga graphic sa patayo/pahalang, nararapat
lamang na alam natin kung paano ang tamang pag-
organisa o pagsasa-ayos ng mga datos sa vertical o
patayo/horizontal o pahalang, tingnan at intindihing
mabuti ang nasa graph sa ibaba at ito ang mga dapat
isaalang-alang o dapat tandaan:

1. May angkop na pamagat


2. Naiguhit ng maayos ang horizontal at vertical axis
3. Naisulat ang angkop na label sa horizontal at
vertical axis
4. May tamang sukat ang pagitan(interval) sa
horizontal o sa vertical axis
5. Nakasulat ang magkaibang categorya
6. May maayos at maliwanag na mga tanong tungkol
sa isinasaad ng graph.
Halimbawa 1: HORIZONTAL O PAHALANG BAR GRAPH
Number of Toys Sold
NAME OF TOYS
TOP
BALL
CAR
YOYO
MARBLE

0 2 4 6 8 10 12 14

NUMBER OF TOYS SOLD

1. Ang ankop na Pamagat ng graph ay “Number of Toys


Sold”.
2. Ang label na nakasulat sa vertical na ayos ay ang
categorya ng mga pangalan ng laruan (name of
Toys) tulad ng marble, yoyo, kotse, bola at trumpo.
3. Ang label naman na nakasulat sa horizontal o
pahalang na ayos, ay ang bilang ng mga naibentang
laruan(Number of Toys Sold).
Ito ang isa pang halimbawa, upang maslalo
ni’yong maunawaan at masasagutan ng tama ang
mga susunod na mga pagsubok o Gawain.
Halimbawa 2: VERTICAL O PATAYO BAR GRAPH
Sa paghinuha o pagbibigay ng kahulugan ng
mga datos mga bata, may angkop na mga
katanungan sa ibaba ng bar graph:
Ang nakasulat na datos ng patayo ay ang “Bilang ng
mga Mag-aaral”at ang nakasulat ng horizontal o
pahalang ay ang “Subject o mga Asignatura”.

MGA PABORITONG ASIGNATURA NG MGA MAG-


AARAL

Mga ilang halimbawa ng mga katanungan tungkol sa


graph:
1.) Ano ang impormasyon na ipinakita sa graph?
2.) Alin namang asignatura ang may pinakaunting bilang
ng mag-aaral na pumili?
3.) Ilang mag-aaral ang pumili sa English bilang paborito
nilang asignatura?
4.) Ilang ma-aaral ang may paborito sa Araling
Panlipunan? Sagot:_________________________
5.) Bakit sa palagay ninyo, pinakakaunti ang batang
paborito ang Araling Panlipunan?
GAWAIN 1:
Panuto: Gamit ang mga datos sa graph, sagutin ang
mga tanong sa ibaba at isulat ang inyong sagot sa inyong
sagutang papel.

1.) Alin sa mga alagang hayop ang pinakakonti ang


bilang?
Sagot:__________
2.) Alin naman sa mga alagang hayop ang may
pinakamaraming bilang?
Sagot: __________
3.) Ilana ng bilang ng mga nag-aalaga ng aso?
Sagot: __________
4.) Ilan naman ang bilang ng nag-aalaga ng isda?
Sagot: __________
5.) Ano ang pamagat ng graph?
Sagot: __________
Gawain 2:
Panuto: Gamit ang mga datos sa horizontal graph, sagutin
ang mga tanong sa ibaba at isulat ang inyong sagot sa
inyong sagutang papel.

PARAAN NG PAGPUNTA NG MGA MAG-AARAL SA


PAARALAN
S
WAYS OF COMING TO SCHOOL
A

S WALK
TRICYCLE
A
JEEPNEY
K BUS
0 5 10 15 20
Y
NUMBER OF PUPILS
A
N

1.) Alin sa mga pamamaraan ng pagpunta sa


paaralan ang mayroong pinakamaraming bilang
ng batang gumagawa?

2.) Alin naman sa mga pamamaraan ang may


pinakakaunting bilang ng batang gumagawa?

3.) Bakit sa palagay ninyo, karamihan sa mga bata ay


naglalakad papuntang paaralan?

4.) Ilan ang mga mag-aaral (pupils)ang sumasakay


ng Bus?

5.) Ano ang Pamagat ng graph na?


Gawain 3
Basahin ang sitwasyon sa ibaba.
Nagtala ang may-ari ng isang pizza chain ng
impormasyon kung ilang kahon ng pizza ang naipagbibili
nila sa loob ng 6 na araw. Tingnan ang graph sa ibaba na
nagpapakita ng bilang ng pizza na naipagbili.
Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang Oo kung
ang sagot sa tanong ay makikita sa graph at Hindi kung
wala naman sa graph. Ipaliwanag ang inyong sagot sa
patlang pagkatapos ng bilang sa sagutang papel.

1. Anong uri ng pizza ang pinakamabili?


Sagot:___________________________

2. Anong araw nakapagbili ng 80 kahon ng pizza?


Sagot:___________________________

3. Magkano ang napagbilhannila saloob ng 6 na


araw?
Sagot:___________________________
4. Anong flavor ng pizza ang hindi pinakamabili?
Sagot:___________________________

5. Ilang kahon ng pizza ang naipagbili noong


Biyernes?
Sagot:___________________________

References/ Sanggunian:
Teacher’s Guide 4th Quarter in Grade3 (pp.401-407) & Math 3 LM
(pp.347-353)

Prepared by:

MERCEDES M. MALIJAO
Grade Three Teacher
District Quality Assurance Team:

REBECCA P. GARCIA EUNICE I. ARCENAS DEOGENES G. GABRIEL


Language Evaluator Content Evaluator Format and Design
Master Teacher I District Mathematics Evaluator
Specialist School Head

Approved:
WILLY T. PARTIDO
Public Schools District Supervisor
Overall Chairman-District QAT
GERONA NORTH DISTRICT SCRIPT FOR RADIO-BASED
INSTRUCTION
MATHEMATICS 3-QUARTER 4-WEEK 7

Subject: MATHEMATICS 3
MELC: Infers and interprets data presented in different
kinds of bar graphs (vertical/horizontal)( M3SP-IVh-3,3)
Length: 25 minutes
Objectives: Mahihinuha at mabibigyang kahulugan ang
data na ipinakita sa iba’t ibang mga uri ng mga graphic.
(patayo/pahalang).
Episode: Week 7
Schedule:
Scriptwriter: MERCEDES M. MALIJAO
Broadcaster:

TIME TECHNICAL SPIELS


INSTRUCTIONS
INSERT
PROGRAM ID
Mapagpalang umaga sa inyo,
mga minamahal naming mag-
aaral sa Ikatlong Baitang.

Kumusta kayo mga bata?


Ito ang inyong paaralang pang
himpapawid sa Mathematics 3.

Ako si ___________________ ang


inyong teacher broadcaster sa
____________FM.

Nagagalak akong makasama kayo


sa ating pag –aaral sa
pamamagitan ng radio.

5 MSC UP AND
seconds UNDER
Sa oras na ito ay pag-aaralan natin
ang bagong aralin sa Ikaapat na
Markahan na nakapaloob sa Most
Essential Learning Competency in
Mathematics 3:
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Ngayon ay _____, 2021, araw ng
___________.

Inaasahan kong kayo ay nasa


maayos na kalagayan na laging
may proteksiyon at gabay ng ating
Diyos at sigurado akong sabik na
kayong matuto sa ating aralin
ngayon sa Mathematics 3.
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Mahihinuha at mabibigyang
kahulugan ang data na ipinakita sa
iba’t ibang mga uri ng mga graph.
(patayo/pahalang).
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Bago tayo magsimula, siguraduhin
munang kayo ay nasa
komportableng lugar na malayo sa
anumang ingay upang kayo ay
makapagpokus sa ating aralin at
marinig nang maayos ang ating
aralin sa radyo.

Maglagay din ng sapat na


maiinom at makakain upang
siguradong hindi kayo magutom
upang mas maunawan ang ating
aralin.
Handa na ba kayo? Halina at
simulan na natin ang ating aralin sa
Mathematics 3

Sa pagkakataong ito , nais kong


kuhanin ninyo ang inyong Learning
Activity Sheet o LAS sa
Mathematics 3 , malinis na papel o
kuwaderno at lapis.

Ihanda na ang sarili sa pakikinig


upang matuto.
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Sa ating nakaraang mga aralin ay
tinalakay natin kung paano ang
tamang pag- organisa o pagsasa-
ayos ng mga datos sa vertical o
patayo/horizontal o pahalang

Ating balikan ang nakaraang


aralin:

Ating sagutin ang mga sumusunod


gamit ang isang halimbawa ng bar
graph na Horizontal o pahalang:

1. Anong label ang mga


nakasulat sa vertical na ayos
tulad ng marble,yoyo, kotse,
bola at trumpo?(Tama,
pangalan ng mga laruan)!
2. Anong label naman ang
nakasulat sa horizontal o
pahalang na ayos?(Magaling,
ang bilang nang mga
naibentang laruan!) Kahanga
–hanga kayo mga bata.
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Naniniwala ako na mas lalo
ninyong mauunawaan ang
paggamit ng mga bar graphs sa

Ikalawang halimbawa, ito ay ang


vertical o patayobar graph.

Sa paghinuha o pagbibigay ng
kahulugan ng mga datos mga
bata, may angkop na mga
katanungan sa ibaba ng vetical
bar graph:
5 MSC UP AND
seconds UNDER
1.) Ano ang impormasyon na
ipinakita sa graph? Mahusay! MGA
PABORITONG ASIGNATURA NG
MGA MAG-AARAL
2.) Alin namang asignatura ang
may pinaka- konting bilang ng
mag-aaral na pumili?

Magaling! Araling Panlipunan!

3.) Ilang mag-aaral ang pumili sa


English bilang paborito nilang
asignatura?

Kung ang sagot niyo ay 10,tama!


5 MSC UP AND
seconds UNDER
4.) Ilang mag-aaral ang may
paborito sa Araling Panlipunan?

Mahusay, 9!
5.) Bakit sa palagay ninyo, pinaka-
konti ang batang paborito ang
Araling Panlipunan?

Magkakaiba ang mga sagot.


5 MSC UP AND
seconds UNDER
Mga bata, palakpakan ang inyong
mga sarili dahil nasagutan niyo ng
mahusay ang mga tanong.
Minsan pa, sabihin ninyo sa inyong
sarili:

”Ang galing galing ko!


5 MSC UP AND
seconds UNDER
Dumako naman tayo mga bata sa
mga Gawain sa inyong Learning
Activity Sheet.
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Handan a ba kyo mga bata?

Kung ganoon simulant na nating


ang pagsagot sa Gawain 1 sa
inyong Learning Activity Sheet.
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Gamit ang mga datos sa graph,
sagutin ang mga tanong sa ibaba
at isulat ang inyong mga sagot
gamit ang inyong sagutang papel.

Makinig mabuti at babasahin ko


ang panuto at datos na nakatalasa
graph sa Gawain 1.
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Nagtala ng survey ang mga mag-
aaral na nasa Ikatlong baitang
tungkol sa mga hayop o pet na
inaalagaan nila.
Babasahin ng guro ang grapn na
nasa LAS)
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Narito ang mga tanong na ating
sasagutin.

Alin sa mga alagang hayop ang


pinaka-konting bilang ng mga mag-
aaral?
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Bilang dalawa:
Alin naman sa mga alagang hayop
ang pinakagusto ng mga mag-
aaral?
Bilang tatlo:
Ilang mag-aaral ang nag-aalaga
ng aso? Ang tanong,
Bilang apat:
Ilan naman ang nag-aalaga ng
isda? At ang panghuli o panglima,
Bilang Lima: ano ang pamagat ng
graph?

5 MSC UP AND
seconds UNDER
Hayan! Nasagutan na ninyo ang
Gawain 1. Sigurado akong
mahusay ninyo itong nasagutan.
Narito ang mga sagot.
1.) Kuneho
2.) Aso
3.) 15
4.) 9
5.) Ang Aming Mga Alagang
Hayop
Nakuha ba ninyo lahat ang
tamang sagot mga bata?

Mahusay! Bigyan ng isang thumbs


up ang inyong mga sarili.
5 MSC UP AND
seconds UNDER

Dumako naman tayo sa Gawain 2:


Nariyan pa ba kayo mga giliw kong
mag-aaral?

Kung ganoon ipagpatuloy na natin!


5 MSC UP AND
seconds UNDER
Mga Tanong:
1.) Alin sa mga pamamaraan ng
pagpunta sa paaralan ang
mayroon pinakamaraming bilang
ng batang gumagawa?
Sagot:___________
2.) Alin naman sa mga
pamamaraan ang may
pinakakaunting bilang ng batang
gumagawa?
Sagot:

5 MSC UP AND
seconds UNDER

3.)Bakit sa palagay ninyo,


karamihan sa mga bata ay
naglalakad papuntang paaralan?
Sagot:
4.) Ilan ang mga mag-aaral
(pupils)ang sumasakay ng Bus?
Sagot:
5.) Ano ang pamagat ng graph?
Sagot:

5 MSC UP AND
seconds UNDER
Mga bata, excited na ba kayong
malaman kung nakuha niyo lahat
ang mga tamang sagot?

Tara na at ating alamin!


5 MSC UP AND
seconds UNDER
Mga Sagot:
1.) Alin sa mga pamamaraan ng
pagpunta sa paaralan ang
mayroong pinakamaraming bilang
ng batang gumagawa? Sagot:
Paglalakad
2.) Alin naman sa mga
pamamaraan ang may
pinakakaunting bilang ng batang
gumagawa?
Sagot: Bus
5 MSC UP AND
seconds UNDER
3.) Bakit sa palagay ninyo,
karamihan sa mga bata ay
naglalakad papuntang paaralan?
Sagot: walang pamasahe(iba’t iba
ang magiging kasagutan)

4.) Ilan ang mga mag-aaral


(pupils)ang sumasakay ng Bus?
Sagot: 5

5.) Ano ang Pamagat ng graph?


Sagot: PARAAN NG PAGPUNTA NG
MGA MAG-AARAL SA PAARALAN
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Nasagutan ba ninyong lahat nang
tama ang mga tanong, mga bata?

Palakpakan ang sarili nang may


ngiti!
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Para naman sa Gawain 3. Ito ay
magsisilbing Karagdagang Gawain
spagkatapos ng ating klase.

Makinig mabuti at babasahin ko


ang mga panuto at mga tanong
sa Gawain 3.

Basahin ang sitwasyon sa ibaba.


Nagtala ang may-ari ng isang pizza
chain ng impormasyon kung ilang
kahon ng pizza ang naipagbibili
nila sa loob ng 6 na araw.

Tingnan at pagaralan ang graph sa


inyong Learning Activity Sheet na
nagpapakita ng bilang ng pizza na
naipagbili.

Panuto: Isulat sa patlang bago ang


bilang ang Oo kung ang sagot sa
tanong ay makikita sa graph at
Hindi kung wala naman sa graph.
Ipaliwanag ang inyong sagot
pagkatapos ng bilang.
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Unang bilang
1. Anong uri ng pizza ang
pinakamabili?
Ikalawang bilang
2. Anong araw nakapagbili ng
80 kahon ng pizza?
Ikatlong bilang
3. Magkano ang napagbilhan
nila saloob ng 6 na araw?

5 MSC UP AND
seconds UNDER
Ikaapat na bilang
4. Anong flavor ng pizza ang
hindi pinakamabili?
Ikalimang bilang
5. Ilang kahon ng pizza ang
naipagbili noong Biyernes?
Naiintindihan ba ang mga tanong
mga bata?

Umaasa ako na masasagot niyo din


ang mga tanong.

Sa tulong ng inyong mga


magulang.
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Sa aming mga magulang, ating
patnubayan ang pag-aaral ng
ating mga anak para sa
pagsasagot ng mga karagdagang
gawain.

Ang inyong gabay ay magbibigay


ng malaking tulong sa pagkatuto
ng ating mga anak.

Maraming salamat at pagpalain


nawa tayong lahat ng ating
Panginoon.
5 MSC UP AND
seconds UNDER
Muli, ako ang inyong radio teacher
sa Mathematics 3, Teacher
_____________________ , na
nagsasabing ,
Ang Buhay ay parang Matematika.
Sa Bawat Problema, may Solusyon!
Hanggang sa muli mga bata!

Prepared by:
MERCEDES M. MALIJAO
Grade Three Teacher

District Quality Assurance Team:

REBECCA P. GARCIA EUNICE I. ARCENAS DEOGENES G. GABRIEL


Language Evaluator Content Evaluator Format and Design
Master Teacher I District Mathematics Evaluator
Specialist School Head

Approved:
WILLY T. PARTIDO
Public Schools District Supervisor
Overall Chairman-District QAT

You might also like