You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin
A. Nagagamit ang pangatnig sa pangungusap
B. Naisusulat nang wasto ang mga pangatnig

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Paggamit ng mga Pangatnig
B. Sangunian: Batayang Aklat sa Wika pp. 174-179
C. Kagamitan: Plaskard, tsart

III. Pamamaraan
GAWAING GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panlinang na Gawain
1. Balik-Aral

Mga bata ipasa ang inyong takdang (ipapasa ng mga bata ang kanilang
aralin. takdang aralin)

Mga bata natatandaan niyo pa ba ang


Opo ma’am
tinalakay natin kahapon?

Magaling!

Sige nga, ano ang tinalakay natin Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol
kahapon? sa mga pang-ukol.
Magaling!

Magbigay ka nga ng halimbawa ng Ma’am sa at kay po.


pang-ukol.

Magaling!

Sino pa ang makapagbibigay ng iba Ma’am kina, para sa, at ukol sa.
pang halimbawa ng pang-ukol?

Magaling!
Ang bulaklak na ito ay para sa Nanay ko.
Magbigay ka nga ng pangungusap
gamit ang pang-ukol.
Ang ginamit po na pang-ukol ay para sa.
Ano ang gamit ng pang-ukol sa
pangunusap na ibinigay ng inyong
kaklase?

2. Pagganyak
(babasahin ng mga bata ang mga salita)
Mga bata mayroon akong inihandang
mga salita, basahin nga ninyo ng sabay-
sabay.
Nang ngunit
Kapag at

1. Gustong-gusto ni Ruth na makaguhit


Ngayon mga bata ito naman ang kahit anong pangsisikap niya ay hindi
basahin ninyo, basahin ng sabay-sabay. siya matuto.

2. Gustong-gusto ni Ruth na makaguhit


ngunit kahit anong pagsisikap niya ay
hindi siya matuto.

Ano ang masasabi ninyo sa dalawang Ang dalawang pangungusap ay


pangungusap na binasa natin? magkaiba.

Ano ang pinagkakaibahan ng Ang pagkakaiba po ay ang isang


dalawang pangungusap? pangungusap ay may buo na kaisipan.

Alin sa pangungusap ang may buo ang Ang ikalawang pangungusap po.
kaisipan?

Magaling!
Ngunit po ma’am
Anong salita ang idinagdag sa
ikalawang pangungusap na ito?

Magaling!
Opo/hindi po
Mga bata alam niyo ba kung anong
tawag sa salitang ngunit?

Mga bata ang ngunit ay tinatawag na


pangatnig dahil sa nag-uugnay ito ng
tambalang pangungusap.
Ang ginamit na pangatni sa pangungusap
Pakiulit nga kung ano ang pangatnig ay ngunit.
na ginagamit sa ikalawang pangungusap
na ito.

Magaling!
3. Paglalahad at Pagtalakay
Opo ma’am
Ngayon mga bata may ideya na ba
kayo kung ano ang ating bagong aralin
Ma’am marahil po ay tungkol sa
ngayon?
pangatnig.
Tungkol sa ano ang aralin natin
ngayon?
Opo/hindi po
Magaling!

Alam ba ninyo kung ano ang pangatnig? (magbabasa ang mga bata)

Mga bata basahin ninyo ng sabay-sabay. Ang pangatnig ay sangkap o bahagi ng


pananalitang nag-uugnay ng mga salita,
parirala, sugnay, o pangungusap. Ang
pangatnig ay karaniwang ginagamit
upang gawing malinaw o mayaman ang
diwa ng pangungusap.

Opo ma’am

Mga bata sa binasa ninyo, nakuha na


ba ninyo ang mga gamit ng pangatnig?

Magaling!

Marami tayong mga pangatnig, ang


tatalakayin natin ngayon ay ang ilan
lamang na pangatnig. (magbabasa ang mga bata)

Ang una ay pangatnig na at. 1. Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng


mga salita sa kapwa salita.
Mga bata basahin nga inyo ng sabay-
sabay.

Si Maria ay maganda at mabait

Sino ang makapagbibigay ng


pangungusap na gamit ang pangatnig na
at? Ang ginamit po na pangatnig ay ang
pangatnig na at.
Ano ang ginamit na pangatnig sa
pangungusap?
Ang kuya ay palaging gutom at
nanghihina.
Sino pa ang makapagbibigay ng
pangungusap na gamit ang pangatnig na
at? Ang ginamit na pangatnig ay at.

Magaling! (babasahin ng mga bata)


Ano ang ginamit na pangatnig? 2. Ang pangatnig na nang ay nag-uugnay
ng parirala at sugnay.
Ang ikalawang pangatnig ay ang nan.
Basahin nga ninyo mga bata.
(babasahin ulit ang pangatnig na nang)
Sino ang babasa ulit? Naghuhugas siya nang biglang umiyak
ang bata.
Sino ang makapagbibigay ng
pangungusap na gamit ang pangatnig na Ang ginamit na pangatnig sa
nang? pangungusap ay nang.

Ano ang ginamit na pangatnig sa


pangungusap?
Naglalaba siya nang biglang umulan.

Magaling! Ang ginamit na pangatnig ay nang.

Sino pa ang makapagbibigay ng


halimbawa gamit ang pangatnig na nang?
Kapag po ma’am
Ano ang ginamit na pangatnig?
3. Ang pangatnig na kapag ay inuugnay
Magaling!
rito ang isang kaisipan sa isa pang
Ano pa ang ibang pangatnig na kaisipang may hinihinging kondisyon ang
nabanggit o binasa? pagiging ganap.

Basahin nga ng sabay-sabay.


Ibibili kita ng bola kapag naging mabait
ka.

Sino ang makapagbibigay ng Ang ginamit na pangatnig ay kapag.


pangungusap gamit ang pangatnig na
kapag?

Ano ang pangatnig na ginamit? Sasama ako sa iyo kapag hindi umulan.
Magaling!

Sino pa ang makapagbibigay ng


pangungusap gamit ang pangatnig na Ang ginamit na pangatnig sa
kapag? pangungusap ay kapag.

Magaling!
Ngunit po ma’am
Ano ang pangatnig na ginamit sa
pangungusap? 4. Ang pangatnig na ngunit ay pinag-
uugnay nito ang dalawang kaisipang
magkasalungat.
Ano pa ang pangatnig na binasa o
binanggit?
Gusto niyang sumama ngunit wala siyang
Basahin ng sabay-sabay. sapat na pera.

Sige nga gumawa ka ng pangungusap Ang pangatnig na ginamit ay ang


gamit ang pangatnig na ngunit. pangatnig na ngunit.

Ano ang pangatnig na ginamit sa


pangungusap na ibinigay ng inyong
kaklase?
Gawain A
Magaling! Panuto: Lagyan ang bawat patlang ng
tamang pangatnig. Piliin ang sagot sa
Ngayon mga bata, sagutan ninyo ang loob ng kahon.
mga sumusunod na mga pangungusap
gamit ang mga pangatnig na napag-aralan 1. Abalang-abala si Gina sa pagtitinda
natin. _______ biglang nakarinig siya ng putok.
2. Talagang masipag _____ mabait si
Maria.
3. Marami ang dadalo sa party_______
gumawa ka ng imbitasyon.
4. Gustong-gusto niyang kumain ng
pancit ________ masakit ang kanyang
tiyan.
5. Hindi ako pupunta ______ isinama mo
si Albert.

Nang kapag
At Ngunit

Gawain B. (Pangkatan na Gawain)


Panuto: Lagyan ng tamang pangatnig ang
bawat pangungusap.

Pangkat A.

1. Masama ang pakiramdam niya ______


pumasok parin siya.
2. Nag-aararu ang Tatay _______ biglang
tumakbo ang kalabaw.
3. Si Roselle ay masipag ______
magalang.
4. Bibili siya ng sapatos ______ binigyan
siya ng pera.
5. Ang mga bata ay masayang naglalakad
______ biglang batuhin siya sa ulo.
Pangkat B.

1. Si Christopher ay hindi nakapasa


______ masaya parin siya.
2. Naliligo siya _______ biglang may
tumalon na ahas.
3. Ang batang si Roland ay matapang
_______ matiyaga.
4. Sasama ako sa iyo _______
pinahintulutan ako ng Nanay ko.
5. Kakain na sana siya _______ biglang
nagwala ang bunsong kapatid.

Pangkat C.

1. An kalangitan ay maaraw _______


bumuhos ang malakas na ulan.
2. Bibili siya sa tindahan _______
biglang dukutin ang pitaka niya.
3. Ang alaga naning pusa ay mataba
_____ napakaganda.
4. Hindi ako pupunta _______ isinama
mo si Albert.
5. Ang kagandahan niya nawala _______
4. Paglalahat siya ay biglang nagkasakit.

Mga bata bakit ang pangatnig ay


laraniwan ginagamit sa mga
pangungusap? O bakit tayo gumagamit
ng mga pangatnig?

Ang pangatnig ay ginagamit upang


5. Paglalapat gawing malinaw o mayaman ang diwa ng
pangungusap.

Panuto: Salungguhitan ang pangatnig na


ginamit sa bawat pangungusap.

1. Walang mahirap na gawain kapag


dinaan sa tiyaga.
2. Si Hannah ay maganda at mabait.
3. Ibibigay niya ang susi ngunit may
hinihinging kapalit.
4. Masarap ang luto nia kapag nariyan
ang buong pamilya.
5. Nais niyang maging artista ngunit
ayaw ng kanyang mga magulang.

IV. Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang pangatnig sa loob ng panaklong.
1. Marami akong mga pangarap sa buhay mapalad ako (kapag, ngunit) natupad ang
mga ito.
2. Si Jonas ay matikas (at, ngunit) matangkad.
3. Napakaganda niya (kapag, ngunit) ang sama ang ugali.
4. Nag-iigib siya (nang, kapag) biglang nasira ang gripo.
5. Siya ay malupit (ngunit, at) napakatapang.

V. Takdang Aralin
Bigkasin at isulat sa papel ang panatang makabayan. Salungguhitan ang mga
pangatnig na ginamit.

Isinumite ni:
Althea C. Abadiano
BSED-FILIPINO-2B

You might also like