You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Layunin

Pagkatapos ng 5 minutong talakayan, 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakikilala ang pagkakaiba ng apat na uri ng pangatnig;

b. nakalalahok ng masigla sa talakayan; at,

c. nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga pangatnig.

II. Paksang-Aralin

Paksa: Pangatnig

Sanggunian: Wika at Panitikan IV, pp. 190-191

Kagamitang Pampagtuturo: Larawan, pisara, tisa

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawian
1. Panalangin
Tinatawag ko si Bb. Soriano sa harping upang
pangunahan tayo sa isang maikling panalangin. Panginoon, nawa’y bigyan mop o kami ngayon ng
lakas at talino upang mas mapalawak pa an
gaming kaalaman sa araw na ito. Ikaw po sana
ang gumabay sa amin. Ito po an gaming hiling sa
pangalan ni Hesus, Amen.

2. Pagbati
Magandang Umaga mga minamahal kong mag-
aaral! Magandang umaga din po guro

Kamusta naman ang araw niyo? Mabuti naman po guro.

3. Pagatala ng Liban
May lumiban ba sa araw na ito sa ating klase? Wala pong lumiban, guro.

4. Pagsasanay
Ngayon naman, hawak ko ang mga salitang ating
nabigyang diin kahapon. Gusto kong basahin niyo
ito ng malakas, malinaw at mabilis. Maliwag ba
klase? Opo aming guro.

Budhi Budhi

makipagtunggalian makipagtunggalian
magpawindang magpawindang
pakundangan pakundangan

5. Balik-Aral
Tungkol saan ang ating pinag-aralan kahapon? Guro, tungkol po sa isang sanaysay na
pinamagatang “Piting Pag-ibig ng isang Tao”.

Magalaing! Anu-ano ang pitong pag-ibig ng tao? Ang pitong pag-ibig ng tao ay ang pag-ibig sa
sarili, sa kapwa-tao, sa pamilya, sa paaralan, sa
simbahan, sa inang bayan at higit sa lahat ang
pag-ibig sa Diyos.

Mahusay! At sino naman ang sumulat ng sanysay


na ito? Si Jose Villa Panganiban po guro.

Tama! Tunay ngang naunawaan niyo ang ating


tinalakay kahapon.

6. Paghawan ng Sagabal
Ngayon, narito naman ang mga salitang inyong
makikita sa ating bagong aralin para sa araw na
ito. Tukuyin ang katumbas nitong mga salita sa
pamamagitan ng pagpili ng tamang salita sa loob
ng kahon. Malinaw ba? Opo, guro.

1. Malubha
2. Nagpunla
3. Magpatumpik-tumpik
4. Hikahos
5. Mithiin

Paligoy-ligoy Malala 1. Malubha - malala


2. Nagpunla - nagtanim
Mahirap 3. Magpatumpik-tumpik - paligoy-ligoy
4. Hikahos - mahirap
Nagtanim Adhikain 5. Mithiin - adhikain

7. Pagganyak
Anong larawan ang nasa pisara? Ito po ay larawan ng isang tulay.
Tama! Paano nakatutulong ang tulay sa dalawang
pulong pinag-uugnay? Nakatutulong poi to upang mas mapabilis ang
transportasyon guro.

Magaling! Ano pa kaya? Pinag-uugnay po nito ang dalawang pulo nang sa


gayon ay mapagdugtong ang dalawang
magkaibang panig.
Mahusay! Mahalaga ang tulay upang mas
mapadali at mapag-ugnay ang dalawang pulo.

B. Paglinang ng Gawain
1. Paglalahad
Mula sa larawan na iyan, ano sa tingin ninyo ang
ating bagong aralin? Sa aking palagay guro, tungkol po sa tulay ang
ating bagong aralin sa araw na ito.

Tama! Nguni tang pag-aaralan natin ngayon ay


tungkol sa “tulay” sa pangngusap na tinatawag
nating pangatnig.

2. Pagtatalakay
Alam ba ninyo kung ano ang pangatnig? Hindi po, guro.

Kung gayon, tuklasin natin ito ng sabay-sabay.

Pakibasa kung ano ang pangatnig G. Mendoza. Ang pangatnig ay mga kataga o salita na mag-
uugnay sa dalawang salita, dalawang parirala,
dalawang sugnay o dalawang kaisipan.

Tama nga na ang pangatnig ay ginagamit upang


magpahayag ng kaugnayan ng isang ideya o
kaisipan sa kapwa nito kaisipan. Tulad ng
halimbawang ito, paki basa. Hal: Nagsikap sila upang umunlad ang buhay.

Nasaan ang pangatnig sa pangungusap na iyan? Ang pangatnig po sa pangungusap na ito ay ang
salitang upang.

Tama! Bakit upang? Sapagkat binigyang diwa po nito ang dalawang


magka-ugnay na kaisipan guro.

Mahusay! Ano ng aba ang mga katagang maaring


maging pangatnig? Pakibasa. Ang mga katagang ginagamit bilang pangatnig ay
pagkat, dahil sa, sapagkat, palibhasa, dangan,
anupa’t, kaya nga, kung gayon, gayunpaman,
samakatuwid, kungm kundi, kapag, sakaling, o,
ni, at maging po guro.

Kung gayon, hahatiin ko kayo sa dalawang grupo.


Bibigyan ko kayo ng inyong babasahin at itala
ninyo ang mga pangatnig na ginamit. Maliwanag
ba? Opo, guro.

Isa sa pinakamalubhang suliranin sa ating bansa


ay ang pagkagutom. Maaring ibunton ang pagsisi
sa pagdami ng tao. Ngunit, kung iisipin mabilis
mang dumami ang tao sa ating bayan, hindi pa rin
tayo kukulangin sa lupa na maaring bungkalin
upang taniman ng ikabubuhay.
Talagang marami ang nagugutom sapagkat
kulang sa disiplina ang mga mamamayang
namihasa sa pagwawalang-bahala. Nasany sila sa
katamaran na minana pa natin sa mga dayuhang
nagpunla ng binhi ng diwang alipin at kawalan ng
paninindigan.
Hindi dapat patumpik-tumpik ang mga
mamamayan sa pagkilos. Tayong lahat ay dapat
tumulong sa ikalulutas ng suliraning ito upang
hindi natin danasin ang paghihikahos habang
panahon. Kung magkakaisa ang lahat, walang
mithiing di matutupad.

- UPANG
- SAPAGKAT
- AT
- KUNG

Mahusay! Ngayon naman dumako na tayo sa


apat na uri ng pangatnig. Pakibasa ang una. Una ay ang pangatnig na pananhi. Ito ay
ginagamit upang maktugon sa mga tanong na
bakit.

Ginagamit ang pananhi upang maipkilala ang mga


kadahilanan ng isang pangyayari. Maliwang na
ba? Opo, guro.

Basahin naman ang ikalawang uri ng pangatnig. Ang panlinaw ay ginagamit upang dagdagan ang
kalinawan ng mag nasabi na. Ginagamit ang
panlinaw upang bigyan ng mas malawak a
kaisipan ang isang ideya.

Sumunod naman ang ikatlong uri, ito ay ang


panubali. Pakibasa ang ikatlo. Ang panubali ay nagsasaad ng pagkukusang di-
ganap at nangangailangan ng siwa o
pangungusap.
Ang panubali ay nangangailangan pa ng ibang
diwa uoang mapagtibay pa nito ang isang kuro-
kuro. Naintindihan ba? Opo, guro.
Ngayon naman dumako na tayo sa ikaapat na uri
ng pangatnig ito ay ang pamukod. Basahin. Ang pamukod ay ginagamit upang ihiwalay, itangi
o itakwil ang isa o ilang bagay o isipan.

Naintindihan niyo na ba ang apat na uri ng


pangatnig? Opo, guro.

Kung gayon, balikan natin ang inyong ginawa


kanina. Ang mga napili niyong pangatnig na
pananhi, panlinaw, panubalo at pamukod ay
ihanay niyo sa mga salitang inyong napili kanina. Pananhi Panlinaw Panubali Pamukod
sapagkat upang kung at

Mahusay! Naintindihan nganinyo ang apat na uri


ng pangatnig. Ngayon, dumako tayo sa mga
katagang ginamit sa panubali. Ito po ay ang mga pangatnig na kung, kundi,
kapag at sakali po guro.

Tama! Magbigay ng isang linya sa kataga na may


pangatnig na panubali. “Kung sakaling ikaw ay lalayo, dalhin mon a rin
pati ang puso ko.”

Magaling! Anu-ano naman ang ginamit na Pagkat, dahil sa, sapagkat, palibahasa, at dangan
pananhi? po guro.

Magbigay ng ng isang linya sa isang kanta na


gamit ang pangatnig na pananhi. “Ngunit dahil sayo ako;y di makakain, di rin
makatulog buhat ng iyong lokohin.”

Magaling! Anu-ano naman ang ginamit na


panlinaw? Anupa’t, kaya nga, kung gayon, gayunpaman,
samakatuwid at upang po guro.

Magbiagy muli ng isang linya ng kanta na gamit


ang pananhi. “Nagsisikap sila upang umunlad ang buhay.”

At ang panghuling uri ng pangatnig, ang


pamukod. Magbigay ng ang halimbawa. “Simple lang pangarap ko, maging ikaw at ako.”

Mahusay! Maliwanag na ba sa inyo ang apat na


uri ng pangatnig? Opo, guro!

3. Paglalahat
Ano ulit ang apat na uri ng pangatnig? Ang apat na uri ng pangatnig ay ang pangatnig na
pananhi, panlinaw, panubali, at pamukod.

Mahusay! Palakapakan ninyo ang inyong mgsa


sarili!
4. Paglalapat
Ngayong maliwanag na sa inyo ang apat na uri ng
pangatnig, handa na ba kayo para sa inyong
Gawain? Handa na po guro.

Gumawa ng dalawang saknong ng kanta na


ginagamitan ng iba’t ibang uri ng pangatnig.
Pagkatapos, kanatahin ito sa harap ng klae.
Habang ang iba ay nakikinig, itala ang mga
ginamit na pangatnig at uriin ito. Maliwanang ba? (Tahimik na magsusulat ang mga mag-aaral,
pagkatapo ay makikinag na sa kanilang ka klase.

IV. Pagtataya

Panuto: Ounan ng angkop na pangatnig ang bawat patlang na hinihingi sa bawat bialn.

1. Ag mga puno _____ ang mga bahay ay itinumba ng bagyo, Napakaraming nawasak na tahan _______
dapat ay pagyamanin natin ang kapaligiran.

2. Araw ng lingo ngayon ______ nagtatrabaho ka pa rin? Magpainga ka na lamang ________ wala kang
gagawin.

3. Magpaalam ka sa akin ________ ka umalis. Tawagan mo ako_______ sulatan palagi.

4. ________ iyan ang magpapaligaya sa iyo ay gawin mo. _______ katiting ay dapat wala kang
pagsisihan.

5. Tama ang iyong desisyon ________ hindi ito ang ngustuhan ng nakararami ___________ iniisip nila
ang kanilang mga sarili.

V. Takdang-Aralin

Sumulat ng tig-limang pangungusap sa bawat uri ng pangatnig.

You might also like