You are on page 1of 11

Aralin 11: (Pagbasa)

Pagkuha ng tala sa
binasang teksto
Henerala Nay Isa (Talambuhay)
Ayon sa kasaysayan, maliit pa lamang na
bata si Nay Isa ay kinakitaan na ng
kakayahang mamuno, lakas ng loob, at
katapangan. Karaniwan nang makikita na siya
ay kasama-sama ng kanyang mga kapatid at
kapitbahay na lalaki. Siya ang lider ng mga
batang lalaki sa kanilang paglalaro, paliligo sa
ilog at dagat, sa pag-akyat sa puno, sa
paninirador ng ibon, at sa pangangabayo.
Matalino si Nay Isa sa pag-aaral.
Nakatapos siya ng pagkaguro. Nagturo siya
ng ilang taon sa kanilang lugar sa Pototan,
Iloilo. Nakilala siyang mahusay ngunit
mahigpit na guro. Ikinasal siya sa isang
nakaririwasang magsasaka, kay Alejandro
Baldera. Iniwan niya ang pagtuturo at
sumama siya sa kanyang asawa sa bukid.
Naging mapagmahal at matapat siyang
asawa.
Sa kanyang malayang oras, nagsasanay siyang
humawak at magpaputok ng baril. Tahimik at
masagana silang namumuhay sa bukid nang
sumiklab sa Iloilo ang himagsikan ng mga Pilipino
laban sa Español.
Nagpunta si Nay Isa sa kuta ng mga
naghihimagsik sa bundok upang
sumanib sa kilusan laban sa
pamahalaang Español. Sinabi niyang
kailangan ng bayan ang mga babaing
may kakayahang makipaglaban tulad ng
mga lalaki. Humanga si Heneral
Poblador sa kanyang tapang. Binigyan
siya ng sandata at mga tauhan.
Walang takot siyang nakipaglaban at dahil
sa bilis at husay humawak ng sandata, si Nay
Isa ay hinirang na pinuno ng isang batalyong
rebolusyonaryo. Mula noon, sunud-sunod na
nabawi ng mga naghihimagsik na Pilipino sa
pamamahala ni Nay Isa ang iba’t ibang bayan sa
pulo ng Panay. Natanyag at hinangaan sa mga
bayan-bayan sa pulo ng Panay ang ngalang
Henerala Nay Isa. Isa siyang dakilang Pilipina na
humawak ng sandata alang-alang sa bayan.
Noong 1900, napasailalim ang buong
Pilipinas sa pamamahala ng mga Amerikano.
Nagbalik sa Pototan, Iloilo si Nay Isa sa piling
ng kanyang asawa. Namuhay na muli nang
tahimik sa kanilang bukid ang matapang at
matalinong Henerala Nay Isa na walang iba
kundi si Teresa Magbanua, ang pangalawa sa
walong anak ng mag-asawang nakaririwasa na
sina G. Juan Magbanua at Gng. Alejandra
Ferreira Magbanua
Gawin Mo
• Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap.
Magbigay ng mga salitang magkasingkahulugan o
magkasalungat mula sa mga pangungusap.
1. Maligayang-maligaya sina Claude at Joel ng Sabadong
yaon. Ngunit pagkatapos ng isang oras ay lungkot na lungkot sila
dahil hindi sila maaaring maligo at mamingwit sa ilog.
• 2. Ibig na ibig na nilang makarating agad sa bukid. Gustung-
gusto na ni Joel na mamitas ng mga bungang-kahoy.
• 3. Si Claude ay maliligo sa malinis na ilog ngunit hindi siya
nakapaligo dahil marumi at mababaw ang tubig
• Paglalahat: Paano mo masasabing
magkasalungat ang mga salita? Sa
paanong paraan naman masasabing
magkasingkahulugan ang mga salita?
• Pagsasapuso: Makabuluhan ba ang
ginawa ni Hen. Nay sa mga taga Panay
at sa bansa? Bakit? Paano mo
pinahahalagahan ang mga ginawa ng
mga bayani?
• Takdang Aralin
Magbigay ng limang
pares ng salitang
magkasalungat at limang
pares ng salitang
magkasingkahulugan.

You might also like