You are on page 1of 58

Pangunahing Kaisipan-pangunahing ideya

Pantulong na Kaisipan-sumusuportang
detalye o pangungusap na tumutulong upang
mas mapalitaw ang pangunahing kaisipan

Paksang Pangungusap- pangungusap na


matatagpuan sa unahan o hulihan ng isang
talata.
Bigyang pansin ang talatang ito.
Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang
tao. Kapag matatag ang loob ng isang tao ay
nalalampasan niya ang bawat pagsubok. Anoman
ang pagsubok na dumating ay hindi niya ito
inaayawan. Sa halip, buong lakas na hinaharap.
Kaya mahalagang, ang isang tao ay may matatag
na kalooban.
Bigyang pansin ang talatang ito. PAKSANG PANGUNGUSAP
-Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang
PANGUNAHING
KAISIPAN

tao. Kapag matatag ang loob ng isang tao ay


nalalampasan niya ang bawat pagsubok. Anoman
ang pagsubok na dumating ay hindi niya ito
inaayawan. Sa halip, buong lakas na hinaharap.
Kaya mahalagang, ang isang tao ay may matatag
na kalooban.
pantulong na kaisipan
TAKDANG ARALIN
1.Ano ang balagtasan?
2.Bakit itinuring na Ama ng Balagtasan si
Francisco Balagtas o Baltazar?
1.Suriin ang paraan ng pagbigkas ng tula ng
mga kabataan sa kasalukuyan batay sa
napanood

2.Bumuo ng mga makabuluhang tanong


batay sa napakinggang palitan ng katwiran
Ang balagtasan ay hango sa pangalan ng bayaning si Francisco Baltazar bilang alaala ng kanyang kaarawan.

• 2 Abril 1788–20 Pebrero 1862


• mas kilala bilang Francisco
Balagtas
• isang tanyag na Pilipinong
makata
• ang Florante at Laura, ang
kanyang pinakakilalang obra
maestra
Ang balagtasan ay isang uri ng makabagong
duplo. Ang mga kasapi ng duplo ay gumaganap
bilang mga hukom na sumisiyasat sa kaso ng
isang hari na nawalan ng kanyang paboritong
ibon at singsing. Ang tagisan ay sa pagitan ng
mga taga – usig at tapagtanggol.
Ang Balagtasan
• ay uri ng tulang patnigan na may pagtatalo.
Naging popular ang balagtasan noong panahon
na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pananakop ng
mga Amerikano.
• Ang balagtasan ay ayon sa isang masining na uri
ng pagtatalo tulad ng batutian, karagatan, at
duplo.
Ang pinakaunang balagtasan ay naganap
noong ika – 6 ng Abril taong 1924 na kung
saan tatlong pares ng mga makata ang nagtalo
gamit ang iskrip at kinilala sina Jose Corazon
de Jesus at Florentino Collantes bilang
dalawa sa pinakamahusay.
PAGSULAT NG SARILING PIYESA NG
BALAGTASAN
• O PAGSULAT NG MAHALAGANG TANONG AT IBA PA
PAMANTAYAN NG PAGMAMARKA NG
PANGKATANG GAWAIN:

1.Nailahad nang malinaw ang gawain-----------—5


2.Kaayusan ng pagpapaliwanag----------------------3
3.May pagkakaisa ang bawat kasapi----------------2
KABUUAN----------------------------------------------10
Paano binubuo ang Balagtasan?
• Mga Elemento ng Balagtasan:
• tauhan
• sukat
• tugma
• indayog
• mensahe
• manonood
• paksa
Ang tauhan ng balagtasan ay binubuo ng tatlong katao:
dalawang makata at ang tagapamagitan o lakandiwa.

Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat


taludtod.

Ang tugma ay tumutukoy sa pagkakapareho ng tunog ng


dulo ng bawat taludtod sa panulaan.

Dalawang Uri ng Tugma:


ganap
di – ganap
Ang tugmaang ganap ay tumutukoy sa impit na
tunog na dulot ng mga patinig sa dulo ng bawat
taludtod.

Ang tugmaang di – ganap ay tumutukoy sa tunog


na dulot ng mga katinig na nasa dulo ng bawat
taludtod.

Ang indayog ay tumutukoy sa tono kung paano


binigkas ang bawat taludtod na maaring pababa o
pataas.
Ang mensahe ay tumutukoy sa damdamin at ideya
na nais ipabatid sa kabuuan ng bawat linyang
binibigkas, teksto o akda na tulad ng balagtasan.

Ang manonood ay tumutukoy sa mga tagapakinig


sa isang pagtatanghal ng balagtasan.

Ang paksa ay tumutukoy sa bagay na pinag –


uusapan o tinatalakay upang lubos na maunawaan
at maipaliwanag ang konteksto nito.
MGA HALIMBAWANG PAKSA:

Alin ang mas mahalaga Pera o Pag-Ibig?

Ano ang mas kailangan Sipag o Talino?


BALIK-ARAL

KASUNDUAN
PAGBASA O PAGBIGKAS NG
BALAGTASAN

Sa Buhay Ng Kabataan, Alin Ang Dapat


Unahin at Bigyan Ng Pagpapahalaga: Pag-
Ibig o Edukasyon

Mateo D. Escalante Jr.


PAGSAGOT SA MODYUL (AYTEM 1-5)

MGA GAWAIN 1,2,at 3


Panuto: Tukuyin kung ang bawat pahayag ay
Katotohanan o Opinyon

1.Sa palagay ko,mas mainam manirahan sa


Pilipinas kesa sa ibang bansa.

2. Batay sa direktiba ng Pangulo ay boluntaryo na


lang ang pagsusuot ng face mask
3.Sa ganang akin, mas mainam ang pagkahilig sa
‘sports’ kesa sa online games.

4.Sa tingin ko,mas malamig ang Tagaytay kesa sa


Baguio.

5.Mula kay DOH OIC Vergerie nasa 73 milyong


pinoy na ang nabakunahan laban sa Covid 19.
Ano ang nahihinuha sa magiging talakayan
ngayong araw?
1. Ano ang Opinyon?

2.Ano-ano ang mga hudyat sa pagbibigay ng


opinyon o pananaw?
Ang Opinyon ay isang kuro-kuro o haka-
hakang personal. Ito ay sariling paniniwala
tungkol sa isang bagay. Maaari itong ibatay sa
isang katotohanan o karanasan.

Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad


ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa
pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa
akin, sa ganang akin.
Sa ating pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan ay bahagi
na ang pagsang-ayon at pagsalungat.Sang-ayon o salungat
ka man sa isang panukala o pahayag kailangan ay tama ang
iyong Pangangatwiran.

Ano nga ba ang Pangangatwiran?

Ito ay pahayag na nagbibigay ng katibayan at


patunay upang ang isang panukala o pahayag ay maging
kapani-paniwala at katanggap-tanggap.
Pahayag ng Pagsang-ayon:
Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap, pagpayag,
pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Basahin
ang diyalogo sa ibaba.

Halimbawa:

Maria: ‘’Jose naniniwala ako na kaya mong manalo sa


patimpalak ng quiz bee,kasi magaling ka talaga.’
Basahin ang diyalogo sa ibaba.

Halimbawa:

Jose: ‘’Salamat Maria.Sana nga maipanalo ko.’’


‘’Jose naniniwala ako na kaya
mong manalo sa patimpalak ng
quiz bee,kasi magaling ka talaga.’

‘’Salamat Maria.Sana nga


maipanalo ko.’’
Ano-ano nga ba ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa
pagpapahayag ng pagsang-ayon? Ito ay ang mga sumusunod:
Oo…
Totoo…
Tunay nga…
Naniniwala ako…
Sang-ayon ako…
Tama ang sinabi mo…
Iyan ang nararapat…
Pareho tayo ng iniisip…
Lubos akong nananalig…
Ganyan din ang palagay ko…
Pahayag ng Pagsalungat:
Ito ay mga pahayag na nangangahulugan ng
pagtanggi, pagkontra,pagtutol o pagtaliwas sa
isang ideya.

Halimbawa:
Nauunawaan ko ang nais mo, subalit hindi ko ito
mapagbibigyan.
Ano-ano ang mga salitang tanda ng Pagsalungat?

Ayaw ko…
Hindi ako sang-ayon…
Mabuti sana, ngunit…
Ikinalulungkot ko,ngunit…
Nauunawaan kita,subalit…
Hindi ako naniniwala…
Walang katotohanan…
Carlos: Pare narinig mo na ba ang balita tungkol sa magiging New Normal na
paraan ng pagsakay sa mga pampublikong sasakyan?
Tommy: Oo pare, marami na palang pagbabago ano?
Carlos: Tama ka pare.Sang-ayon naman ako kasi para din naman ito sa
ikabubuti natin.
Tommy: Hindi naman ako sang-ayon pre.Kasi papaano ba naman kung
magtaas na ang pamasahe magkano na lang ang matitira sa sweldo ko?
Carlos: Sabagay, mahirap talaga sa aspeto na iyan.Yun nga lang wala naman
tayo mgagawa kundi sumunod kasi para din naman ito sa atin para makaiwas sa
panganib ng Covid-19.
Tommy: Nauunawaan ko naman ang nais ng gobyerno ngunit malaki
naman ang epekto nito sa mamamayan.Siguro dapat mapag-isipan pa ng
gobyerno ang ibang mga hakbang upang hind maging pasanin ang
sitwasyon natin sa ngayon.
Carlos: Ganyan din ang tingin ko ,dapat
mapag-aralan pang maigi para sa ikabubuti
ng lahat.
1.Ano-ano ang ginamit na hudyat ng pagsang-
ayon ?

2.Ano-ano naman ang mga ginamit na hudyat ng


pagsalungat?
Pagsasanay A
Panuto: Salungguhitan ang mga salitang parirala na hudyat
ng pagsang-ayon,isulat ang PA kung ito ay pagsang ayon
PU kung pagsalungat sa bawat pangungusap.

1. Tunay na masaya ang paglalakbay ng malayo kasama ang


mga kaibigan.

2. Ayaw kong maniwala na hindi ko makakamit ang aking


pangarap.
3. Hindi ako sang-ayon na hadlang ang kahirapan
sa tagumpay.

4. Talagang kailangan ang Curfew sa mga


kabataan sa panahon ngayon.

5. Nauunawaan ko na .
Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag ay Pagsang-
ayon o Pagsalungat. I-tsek ang titik ng tamang sagot.

1.Ayaw kong sumama sa bakasyon sa probinsya,


nalalayuan kasi ako.
a.Pagsang-ayon
b.Pagsalungat

2.Nauunawaan ko ang tanong,subalit nagkamali ako


ng sagot.
3.Ikinalulungkot ko ngunit hindi ako makakadalo sa
iyong kaarawan.
a. Pagsang-ayon
b. Pagsalungat
4.Sang-ayon ako sa plano para sa darating na
Intramurals.
a. Pagsang-ayon
b. Pagsalungat
5.Tama lang na matuto sa mga gawaing-bahay.
a. pagsang-ayon
b. pagsalungat
Saang bahagi ng buhay mo nagagamit ang
pagsang-ayon at pagsalungat?

Bakit mahalaga na malaman ang tamang


pangangatwiran?
Dugtungan MO!

Sa Pagsang ayon at Pagsalungat___________

Mahalaga ang tamang Pangangatwiran dahil


_______________
Kasunduan (tentatibo)

Maghanda sa pangkatang gawain.(Pagsulat


ng iilang saknong ng Balagtasan o tula)

Paksa:
ELEMENTO NG TULA
1.SUKAT-bilang ng pantig sa bawat linya
2.SAKNONG-grupo ng mga salita sa loob ng
isang tula
3.TUGMA-pagkakaparehas ng dulong tunog
4.KARIKTAN-paggamit ng maririkit na
salita,upang mapukaw ang interes ng
mamababasa.(hal. mga tayutay)
5.TALINGHAGA-natatagong kahulugan ng
tula
SUMULAT NG ISANG BALAGTASAN

PAKSA: ALIN ANG MAS MAHALAGA


KARAKTER O TALINO?

BINUBUO NG 8 SAKNONG

Lakandiwa-2 pagpapakilala
Mambabalagtas-4,sagutan
Lakandiwa-2 panapos
INDIBIDWAL NA GAWAIN
GAWAING PAGSULAT:
• Sumulat ng dalawang saknong na tula tungkol sa pag-
ibig sa tao bayan o kalikasan.

• Pamantayan
1.Taglay ang mga elemento ng Tula- 10
2.Kaugnayan sa Paksa- 5
3.Organisasyon- 5
INDIBIDWAL NA GAWAIN
• Ipahayag ang opinyon tungkol sa argumento na: Alin ang
mas mahalaga ang Karakter ba o Talino?

• PAMANTAYAN
Gamit ng Wika- (bantas,ispeling,kapitalisasyon) 5 puntos

Mga hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat- 5 puntos


Organisasyon- (panimula,gitna at wakas) 5 puntos
Maghanda sa Pagsusulit tungkol sa
Balagtasan
• 10-15 aytems
GAWAIN SA READING MONTH O PAMBANSANG BUWAN AT
ARAW NG PAGBASA
• SHARE A BOOK DRIVE
• READING PANTRY- READING CHALLENGE LOG
• BOOK TALK-PAGBABAHAGI NG MGA AKLAT/AKDANG NABASA
• CLASSROOM LEVEL READ-A-THON- 10 -15 MINUTO BOLUNTARYO:
A.STORYTELLING
B. ORAL READING INTERPRETATION
• ARAW NG PAGBASA CHALLENGE-NOB.28-9:00 N.U-SABAYANG PAGBASA
A.Saang bahagi ng buhay mo nagagamit ang
pagpapahayag ng argumento kagaya ng
balagtasan?

B.Bakit mahalaga na malaman ang mga


katangian ng balagtasan?
Kasunduan

Maghanda sa pagsulat
PAGBIBIGAY NG PUNTOS

Bilugan ang mali na nakita sa mga ss:


Gamit ng Wika- (bantas,ispeling,kapitalisasyon) 5

Mga hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat- 5


Organisasyon- (panimula,gitna at wakas) 5 puntos

Tingnan din ang margin sa kaliwa at kanan,linis ng


pagsulat.Pagkakabuo ng pangungusap.

You might also like