You are on page 1of 23

OBJECTIVES:

• Malaman ang pagkakaiba ng Pang-abay


at Pang-uri
• Matutunan ang Pang-ukol at gamit nito.
• Makapagbigay ng sariling pangungusap
gamit ang Pang-ukol.
PANG-URI AT
PANG-ABAY
Ano ang pang-abay
Ito ay salitang
naglalarawan ng
Pandiwa, Pang-uri o
kapwa pang-abay.
Ano-ano ang mga uri ng
Pang-abay?
Pang-abay na pamaraan
Pang-abay na pamanahon
Pang-abay na panlunan
Ano ang kahulugan ng Pang-abay
na pamaraan?
Ito ay sumasagot sa
tanong na paano.
Ginagamit itong panuring
sa Pandiwang pang-uri
at kapwa pang-abay.
Tatlong Uri ng Pang-abay na
Pamaraan
Panuring sa pandiwa
Halimbawa: Taimtim na nananlagin ang mga tao.
Panuring sa Pang-uri
Halimbawa: Sadyang masigla ang panamaw sa
buhay ng lola niya.
Panuring sa kapwa pang-abay
Halimbawa: Talagang mabilis umunlad ang buhay
ng mga taong matitiyaga.
Ano ang kahulugan ng Pang-abay
na Pamanahon?
Ito ay mga salitang
naglalarawan kung kalian
naganap kilos o Gawain.
Sumasagot ito sa tanong
na kailan.
Apat na Uri ng Pang-abay
na Pamanahon
Payak: bukas, mamaya, ngayon
Maylapi: kagabi, samakalawa
Inuulit: araw-araw, gabi-gabi
Parirala: noong nagdaang lingo,sa
darating na bakasyon
Ano ang kahulugan ng pang-abay na
panlunan?

Ito ay tumutukoy sa
lugar na pinangyarihan
ng kilos. Sumasagot ito
na saan.
Ang pang –abay na Panlunan ito
rin ay pinangungunahan ng
katagang sa.
Halimbawa: Sa silong ng bahay.
Sa gitna ng daan.
Ano ang pang-Uri?

Ito ay naglalarawan ng pangngalan.

Halimbawa ng Pang-uri:
Mainit ang kape.
Maganda si Ana.
1. Alin sa mga salungguhit ang naglalarawan sa pook,panahon at paraan?
a. Taun-taon ay ginugunita ng mga naninirahan sa Aklan ang pagkakasundo ng mga Ati at Ita at
mga Malayo.
b. Ang mga Ita ay unang naninirahan sa Panay bago dumating ang mga Malayo.
c. Nakipag-usap nang maayos ang mga Malayo sa mga Ati.
2. Ano ang inilarawan ng mga salitang may salungguhit?
a. Matulungin ang pamilyang Dela Cruz.
b. Makapal ang kanyang buhok.
c. Magaling gumuhit ng mga tanawin ang kapatid ko.
d. Talagang mabilis ang mga Kuneho.
Ano ang napansin ninyo
sa paggamit ng mga
salitang Matulungin at
Makapal?
Mga Pang-uri ang mga ito,
dahil ang tinturingan nito
ay mga pangngalan.
Ano ang napansin ninyo sa salitang
Magaling at talagang?
Ito ay mga pang- abay
sapagkat tinuturing nito ay
Pandiwa at Pang-Uri .
Magkaiba ang Pang-uri at Pang-abay. Ang pang-
uri ay Paglalarawan na tinuturing sa pangngalan o
panghalip samantalang ang Pang-abay ay
tumuturing sa Pandiwa, Pang-Uri at kapwa Pang-
abay.
Mayroong mga salita na maaring maging Pang-uri at
Pang-abay.
Halimbawa: Masarap
Masarap ang Ice Cream na binibenta ni Mang
Jose sa may kanto. Masarap kumain nang
Ice Cream na tinda ni Mang Jose sa may
kanto.
Tukuyin kung ang salitang
may salungguhit ay Pang-uri
o Pang-abay.
a.Malakas kumain ng kanin ang aking kapatid.
b.Masarap ang pagkain na niluto ni Inay.
c. Malambing magsalita ang bunso niyang kapatid.
d.Malabo ang mga mata ni Inay kaya’t
kinakailangan na niyang magsuot ng salamin.
Isulat kung ang mga salitang nakahilig ay Pang-uri o
Pang-abay sa bawat pangungusap.
1. Malamig na ang kape na inihain ni Inay para sa
mga Bisita.
2. Mabilis tumakbo ang mga tinutugis na mga
magnanakaw.
3. Ang mga bata ay masiglang naglalaro nang
tumbang preso sa bakanteng lote.
4. Madilim na nang umuwi si Carla galling sa
eskwelahan.
5. Mahirap ang mga magulang ni Celia ngunit
Takdang Aralin:

Gumawa ng isang talata


tungkol sa mga taong may
kapansanan subalit may
nagawang kabayanihan o nagging
matagumpay sa buhay. Bilugan
ang mga Pang-uri at ikahon ang
mga Pang-abay na ginagamit.
Pang-Ukol

Ang pang-ukol o preposition sa


wikang Ingles ay bahagi ng
pananalitang nag-uugnay sa
pangngalan, panghalip, pandiwa
at pang-abay sa ibang salita sa
pangungusap.
Pang-ukol ang ginagamit upang
matukoy kung sang lunan o kung
anong bagay ang mula o tungo, ang
kinaroroonan, ang pinangyarihan o
kina-uukulan ng isang kilos, gawa,
balak ari o layon. Ang mga ito ay
lagging may layon na maaaring isang
pangngalan o isang panghalip.
Mga uri o mga karaniwang
pang-ukol
sa/sa mga nang wala
ng/ng mga para sa/kay
ni/nina laban sa/kay
kay/kina ayon sa/kay
sa/kay tungo sa
labag sa mula sa
nang may
tungkol sa/kay
alinsunod sa/kay
hinggil sa/kay
Ano ang pinagkaiba ng
pang-ukol na“nang”
at “ng” na?
Panuto: Bilugan ang tamang pang-ukol na
kukumpleto sa pangungusap.
1. Ang paghalik ng kamay ay tanda ng pagmamahal (para sa,
para kay) mga magulang.
2. Ang mga mangga ay ( para kay, para kina) Claire.
3. Ang regalo na ito ay (kay, kina) Dina at Mina.
5. Ang sulat ni Maria ay (ukol sa, ukol kay) kaarawan ni Nilo.
6. (Ayon sa, Ayon kay) doktor, kailangan ka magpahinga ng
limang araw dahil ikaw ay may lagnat.
7. Binilhan (ni, nina) Ninang Lourdes si Clarence ng bagong
laruan.
8. Ang kwentong nabasa ko ay (ukol sa, ukol kay) isang prinsesa.
9. (Para kay, Para kina) Abby at Cathy ang mga sapatos na ito.
10. Ginawan (ni, nina) Nita si Louise ng eroplanong papel.

You might also like