You are on page 1of 2

IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY

Taloto District, Tagbilaran City


High School Department

FILIPINO 7
LEARNING MODULE NO. 1.4.1
UNANG MARKAHAN
IKALAWANG LINGGO

Name: Date:
Date Submitted: Year Level:
Teacher’s Name: Miss Gian Patrize L. Baldos Signature: Time Frame: 1 hour
Principal/Asst. Principal’s Signature: Highest Possible Score: 25
Parent/Guardian’s Signature: Target Score:

Paksa: Pagtukoy ng Sanhi at Bunga


Layunin:
a. Natutukoy ang Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari sa Epikong Tulalang.
b. Nakikilala ang mga pang-ugnay na naghuhudyat ng sanhi o bunga sa
pangungusap.
c. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Batayang Konsepto:

Isaisip Natin!
1. Sanhi
 siyang pinagmulan o dahilan ng mga pangyayari
 tinatawag rin sa Ingles na cause
May mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi o dahilan:
sapagat, pagkat, dahil, dahilan sa, palibhasa, kasi at naging

2. Bunga
 siyang kinalabasan o dulot ng mga pangyayari
 tinatawag ring effect
May mga pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta: kaya, kaya
naman, dahil dito, bunga nito, tuloy

Halimbawa:
Si Wilbert ay hindi naligo kaya nang siya ay naulanan ay nagkalagnat siya.
Sanhi Bunga

Pagsasanay:
I. Panuto:
Ikahon ang mga pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at salangguhitan
ang sanhi at bilugan naman ang bunga.

1. Ang magkakapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila’y tunay na matulungin sa


kapwa.
2. Dahil kay Agio, napasabak sa digmaan si Tulalang.
3. Si Tulalang ay minahal ng maraming tao kasi siya ay matapang.
4. Lumaki sa hirap si Tulalang, dahil dito sa murang edad ay makikita na ang kanyang
pagiging responsable.
5. Nakita ng kapatid na babae ni Tulalang na hindi matapos ang labanan ng dalawang
panig kaya binuhusan niya ng langis ang mga ito upang makatulog.

II. Panuto: Ibigay ang inyong saloobin sa suliraning panlipunan na kinakaharap natin
sa kasalukuyan. Sa ibang kahon naman, ay isulat ang mga posibleng sanhi at bunga
kung bakit nangyayari ang mga ito. Isulat ang mga sagot sa mga nakalaang kahon.
(10 pts.)
Sulianing Panlipunan: Ang Patuloy na Pagdami ng Nagpositibo sa COVID-19
Ang iyong saloobin sa suliraning ito: ___________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Sumulat ng isang pangungusap na nanghihikayat sa mga mamamayang tumulong upang


masolusyunan ang nasabing suliranin:

Posibleng Sanhi Posibleng Bunga

You might also like