You are on page 1of 3

IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY

Taloto District, Tagbilaran City


High School Department

FILIPINO 7
LEARNING MODULE NO. 1.8
UNANG MARKAHAN
IKALIMANG NA LINGGO

Name: Date:
Date Submitted: Year Level:
Teacher’s Name: Miss Gian Patrize L. Baldos Signature: Time Frame: 1 hour
Principal/Asst. Principal’s Signature: Highest Possible Score:
Parent/Guardian’s Signature: Target Score:
Paksa:Pangungusap na Walang Paksa
Layunin:
a. Nakikilala ang mga pangungusap na walang paksa.
b. Naiisa-isa nag mga uri ng pangungusap na walang paksa.
c. Nakabubuo ng pangungusap na walang paksa batay sa hininging uri.
d. Nakabubuo ng isang patalastas tungkol sa napanood na dulang panlansangan at
naipaliliwanag ang patalastas na nabuo tungkol rito.

Isaisip Natin

Mga Pangungusap na Walang Paksa


Sa wikang Filipino ay may pangungusap na walang paksa. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Eksistensyal- Ang mga pangungusap na ekistensyal ay nagpapahayag ng
pagkamayroon o kawalan.
Halimbawa:
a. May mga nagsipsanood sa kalye.
b. Wala pang nanonood
2. Modal- Nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, puwede, maari, dapat o kailangan.
Halimbawa:
a. Puwede bang sumali?
b. Maari ba?
3. Padamdam-Nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.
Halimbawa:
a. Bilis!
b. Kay ganda ng buhay!
4. Maikling Sambitla- Ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig
na nagpapahayag ng matinding damdamin
Halimbawa:
a. Naku!
b. Grabe!
5. Panawa-Matawag ding vocative ang mga ito. Maari itong iisahing salita o panawag na
pangkamag-anak.
Halimbawa:
a. Desiree!
b. Hoy!
6. Pamanahon-Nagsasaad ng oras o panahon. May dalawang uri ito:
a. Penomenal- pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayaring
pangkalikasan o pangkapaligiran.
Halimbawa:
o Maalinsangan ngayon.
o Lumilindol!
b. Temporal- Nagsasaad ng mga kalagayan o panahong panandalian.
Halimbawa:
o Alas-dose na.
o Sabado na ngayon.
7. Pormulasyong Panlipunan- Mga pagbati, pagbibigay-galang , at iba pang nakagawian sa
lipunang Pilipino.
Halimbawa:
a. Mabuhay!
b. Makikiraan po.
c. Salamat.

Pagsasanay:
I. Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung ang pangungusap na
walang paksa at ekis kung hindi.

_______1. Ate _______6. Lunes na bukas.


_______2. Asus! _______7. Maganda ang palabas sa plasa
_______3. Pumayag ka na _______8. Pakso na.
_______4. Puwedeng makatawad? _______9. Kainis!
_______5. Ibig ko itong mapanood. _______10. Halika rito, ale!

II. Panuto: Sumulat ng tigalawang pangungusap na walang paksa


batay sa uring nakatala sa ibaba.

Ekistensyal
1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
Padamdam
1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
Maikling Sambitla
1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
Modal
1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
Panawag
1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
Pormulasyong Panlipunan
1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
Pamanahon
1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________

IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY


Taloto District, Tagbilaran City
High School Department

FILIPINO 7
PERFORMANCE TASK NO. 3
UNANG MARKAHAN
IKALIMANG NA LINGGO

Name: Date:
Date Submitted: Year Level:
Teacher’s Name: Miss Gian Patrize L. Baldos Signature: Time Frame: 1 hour
Principal/Asst. Principal’s Signature: Highest Possible Score:
Parent/Guardian’s Signature: Target Score:
Paksa: Pagbuo ng Patalastas gamit ang mga Pangungusap na Walang Paksa.

Palawakin pa Natin!
Ikaw ay isang director ng isang commercial advertisement. Nahilingan kang gumawa
ng isang patalastas kasama ang iba mo ang kapangkat para sa produksiyon ng isang
dulang panlansangang iyong napanood. Gagawin mo ito upang mahikayat ang kapwa mo mag-
aaral na panoorin ang nasabing dula. Sa pabuo ng komersiyal ay pumili ng isa sa mga paraang
nakalahad sa ibaba na sa pananaw mo ay maisagawa mo nang pinakamahusay.
 Pagguhit ng isang simpleng poster
 Pagsulat ng isang simpleng jingle

You might also like