You are on page 1of 10

8

FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul:4
Paggamit ng Impormal na Komunikasyon
sa Iba’t Ibang Sitwasyon

May-akda: Maru U. Panganiban


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

Aralin 1-Paggamit ng Impormal na Komunikasyon


sa Iba’t ibang Sitwasyon
Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang
sumusunod:
A. nakikilala ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga); at
B. nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit
sa impormal na komunikasyon

Subukin

Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag.


Salungguhitan ang mga salitang ipormal na ginamit sa bawat pahayag at
pagkatapos ay tukuyin kung ito ay balbal, kolokyal at banyaga. Isulat sa
isang hiwalay na papel ang sagot.

1. “Lasma sa gedli, bandang wakali dehins pa makahalata” – Mayor Isko


2. Na-bad trip si inay nang malaman niyang hindi ko nakuha ang mga
damit
sa sampayan matapos ang malakas na ulan.
3. Kelan kaya matatapos ang kalbaryong kinahaharap ng ating mundo?
4. Madala akong naka-online upang gawin ang mga gawain sa aming
E-Learning platform.
5. Sinisikap kong ma-upload ang mga natapos kong modyul bago matapos
ang araw.

Aralin Paggamit ng Impormal na Komunikasyon


1 sa Iba’t Ibang Sitwasyon

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang paggamit ng impormal na


komunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon. Upang ito ay malinang, kailangan mong
gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan

Balik-aralan mo ang paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng


mga impormasyon at ideya sa pagsulat ng balita. Tukuyin kung ang pahayag ay

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tama o Mali tungkol sa pangangalap ng mga impormasyon sa pagsulat ng balita.

1. Isaalang-alang ang oras sa pakikipanayam at kung maaari ay bilisan ang


pagtatanong upang hindi makaabala sa taong kinakausap.
2. Salain ang mga nakalap na impormasyon at huwag isama ang mga negatibong
pahayag mula sa mga kinapanayam.
3. Balansehin ang bawat panig at huwag magbigay ng palagay sa susulating balita.
4. Itala ang lahat ng mga nakalap na impormasyon upang magamit sa pagsulat ng
balita.
5. Ang pagtatanong sa mga nakasaksi ay mahalaga sa pagsulat ng balita.

Tuklasin
A. Panimula
Bago ka magpatuloy sa ating aralin, isa-isahin at isulat mo sa bawat
bilog ang mga bagong salita na iyong narinig o nalaman. Sa tabi nito ay isulat
mo kung saan at kanino mo ito narinig.

Sagutin nang Pasalita ang mga Tanong:


1. Paano mo nalaman ang mga kahulugan ng mga salitang ito?
2. Kanino mo madalas marinig ang ganitong mga salita?
3. Ginagamit mo rin ba ito sa iyong pakikipag-usap?
4. Kanino mo madalas gamitin ang mga salitang ito?
5. Nauunawaan ka rin ba ng iyong kausap kung sakaling ginagamit moa ng mga
salitang ito?

B. Pagbasa
Ngayon ay simulan mo na ang paksang aralin. Handa ka na ba?
Umpisahan mo sa pamamagitan ng pagbasa at pagsagot sa mga tanong sa
sususnod na pahina.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pinoy Slang 2015 - Mga Patok na salita ngayong taon

Ngayong 2015, sari-saring mga salita ang umusbong at naging


bukambibig na ng maraming Pilipino. At marami nga raw sa mga salitang ito,
nagmula sa Internet, partikular na sa social media.
Ano-ano nga ba ang ilan sa mga bagong salita o Pinoy slang na ito na
ginagamit nating mga Pilipino sa araw-araw nating pakikipag-komunikasyon?
Una ay ang “bae”. Ayon sa isang urban dictionary, acronym daw ito ng
pariralang “Before Anyone Else.” Pero nanggaling daw talaga ito sa pet name
ng mga magkasintahan na baby o babe! Naging popular ito lalo dahil ito ang
naging tawag kay Pambansang Bae Alden Richards.
Pangalawa ay ang pabebe. Isa itong pang-uri na ang ibig sabihin ay
umarteng parang baby o magpa-baby o magpa-cute. Tulad din ng salitang Bae,
naging popular ang pabebe dahil sa pabebe wave ng Aldub. Ang pabebe wave
ay ang pa-cute o mahinhing pagkaway.
Pangatlo ay ang beast mode. Mala-halimaw ang enerhiya na ipapamalas
ng isang tao. Maaring dahil galit o may nais ma-achieve kaya pursigido! Posible
raw nagmula ang mga katagang ito sa video game na Altered Beast ng Sega,
kung saan nagpapalit-anyo ang karakter dito at nagiging halimaw.
Pang-apat ay ang ninja moves. Patungkol daw ito sa magaling, mabilis,
madiskarte at kalimita’y tahimik na pagkilos. Nagmula raw ito sa mga “ninja” o
mga warrior na mayroong kakaibang galing na maisakatuparan ang kanilang
misyon nang hindi masyadong napapansin.
Panlima ay ang galawang breezy. Ito na nga raw ang bagong termino
para sa mga pasimpleng diskarte ng mga kalalakihan sa mga babae. Maaaring
hango ito sa salitang breezy na ang ibig sabihin ay mahangin, at ngayo’y
nabigyan ng kakaibang kahulugan bilang pagpapalipad-hangin.
Pang-anim ay ang walwalan. Kadalasan daw naikakabit ang salitang
walwalan sa mga inuman at mga tambay. Pinaniniwalaang nagmula ito sa mga
salitang “walang pakialam,” “walang pangarap” at “walang kinabukasan.”
Pampito ay eme-eme. Ito raw ay salitang beki na pamalit sa mga
terminong hindi masabi o maalala. Pinaniniwalaang nagmula pa ito noong
dekada ‘80, na ang ibig sabihin ay “any-any” o kung ano-ano lang. Dekada ’90,
naging “anik-anik” at ngayon, eme-eme na!
At panghuli ay ang forever. Ang tunay na kahulugan nito ay
“habambuhay” o “walang hanggan.” Ngayon, naikakabit na ito sa paksa ng
pag-ibig. Para sa ilan, ito ay ang estado ng “love life.”
Ayon mismo sa National Artist for Literature na si Virgilio Almario,
bahagi ang mga salitang ito ng tinatawag na kolokyalismo. At ang mga salitang
kolokyal, natural na daloy o direksiyon ng lahat ng wika sa buong mundo.
“Paraan ito ng pagpapakita ng pagkaroon ng isang naiibang pangkat sa
loob ng lipunan. Gumagawa sila ng sarili nilang lingo o sarili nilang paraan ng
pag-uusap na sila lamang ang nagkakaintindihan. Lahat ng pangkat, may
ganyang damdamin, nagkakaroon ng ganyang saloobin, lalo na yung pangkat
na nama-marginalize o sa palagay nila ay hindi sila masyadong napapansin,”
pagpapaliwanag ni Almario.
City of Good Character 3
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ano’t ano man, ang mga salitang ito ay patunay na ang ating wika ay
buhay, daynamiko at patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon. Pormal
man o impormal, slang man o beki, ang mahalaga ay nagagamit natin ang
wika nang tama para sa araw-araw nating komunikasyon. --- CARLO P. ISLA /
BMS
GMA News Online,
Public Affairs WEBEXCLUSIVE
Nobyemre 15, 2015

C. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin nang pasalita ang sumusunod ng mga tanong:

1. Ano ang naging sanhi ng pag-usbong ng mga bagong salita noong 2015?
2. Bakit kaya naging patok ang mga salitang ito lalo na noong 2015?
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang malaking impluwensiya kung bakit
umusbong ang ganitong uri ng mga salita?
4. Alin sa mga salitang ito ang ginamit mo na at patuloy mo pa ring
ginagamit sa kasalukuyan. Sa paanong paraan mo ito ginagamit?
5. Maituturing ba natin na mayaman ang wikang Filipino dahil sa pag-
usbong ng mga salitang ito? Pangatwiranan ang iyong sagot.
6. Kung iyong susuriin sa kasalukuyan, ganito pa rin ba kasikat o
kapalasak gamitin ang mga salitang ito? Paano mo ito nasabi?
7. Sa kasalukuyan, ano-ano na ang mga salitang bago para sa iyo? Isa-
isahin mo ang mga ito at bigyan ng paliwanag.

D. Paglinang ng Talasalitaan

Naaalala mo pa ba ang mga salitang sumikat noong 2015? Muli


mong isa-isahin ang mga ito gamit ang graphic organizer sa ibaba. Bigyan
ito ng sariling pagpapakahulugan batay sa gamit sa kasalukuyan at
pagkatapos ay gamitin sa isang makabuluhang pangungusap.

Salita 2015 Kahulugan Pangungusap


bae
pabebe
beast mode
ninja moves
galawang breezy
walwalan
eme-eme
forever

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga


pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga
kakilala at kaibigan ay kabilang sa mga impormal na salita. Ang ilan sa
uri ng impormal na salita ay:

1. Balbal – Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang. Ang


mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga
may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga
salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.

Halimbawa: tsikot – kotse etneb - bente


lispu – pulis praning – baliw

2. Kolokyal – Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na


pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t
may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

Halimbawa: aywan – ewan pahingi - penge


Piyesta – pista kumusta – musta

3. Banyaga – Ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay
mayaman sa wikang banyaga. Karamihan sa mga ito ay pangalang
tiyak, wika, teknikal, pang agham, simbolong pangmatematika, o mga
salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino.

Palabuoan ng mga Salitang Balbal


Kung paano binubuo ang mga karaniwang salita, ang pagkalikha ng
mga salitang balbal ay mayroon ding pinagmulan. Narito ang
kategoryang mga salitang malimit nating marinig sa kasalukuyan di
lamang sa kabataan kundi maging sa ilang matatanda.

1. Hinango sa Wikang Banyaga


Halimbawa: tisoy, tisay (Espanyol: mestiza, mestizo)
sikyo (Ingles: security guard)
kosa (Russian Mafia: Cosa Nostra)
2. Binaligtad
Halimbawa: gat-bi – bigat
tom-guts – gutom
lispu - pulis

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3. Nilikha
Halimbawa: paeklat – maarte
hanep - papuri
chaka – pangit
4. Pinaghahalo-halo
Halibawa: kilig to the bones – paghanga
In-na-in – naayon
5. Iningles
Halimbawa: bad trip – kawalang pag-asa
Yes,yes, yo – totoo
6. Dinaglat
Halimbawa: KSP – Kulang sa Pansin
SMB – Style Mo Bulok

Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kaalaman sa aralin na ating


tinatalakay. Tukuyin kung balbal, kolokyal, o banyaga ang mga salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. In-na-in sa kasalukuyan ang mga halaman sapagagkat nakapagdudulot ito ng


kaginhawaan sa pag-iisip at sariwang hangin.
2. Ewan ko nga ba sa mga kabataan bakit mahilig lumabas ng bahay kahit pa
ipinagbabawal.
3. Naging high-tech na ang pagbibigay ng aginaldo noong nakaraang pasko
sapagkat ito ay pinadadala na gamit ang e-wallet.
4. Maraming tanod ang nagkalat sa daan upang manita ng mga batang sakalam
na paulit-ulit na lumalabas at naglalaro sa kalsada.
5. Napaka-cool ng mga vlog ni Lloyd Cadena dahil taos-puso niyang tinutulungan
at pinasasaya ang kaniyang mga kabarangay.

Isaisip
Habang dumaraan ang mga taon ay patuloy sa pag-unlad ang wikang
Filipino. Naiiba ang wikang Filipino sa iba pang mga wika sa mundo sapagkat ito
ay dinamiko at patuloy na umuunlad at nagbabago. Ito ay resulta ng pag-unlad
ng pag-iisip ng mga tao at sa mga bagong imbensyon.
Ang balbal, kolokyal at banyaga ay pawang mga salita na impormal na
madalas nating gamitin sa bawat araw. Ito ay patuloy na nadaragdagan ayon sa
mga pangyayari sa ating paligid at sa kung ano ang inihahatid sa atin ng midya
lalo na ng social media.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Ang pakikiayon sa ating kausap ay kaugalian na nating mga Pilipino.
Mabilis nating naiaangkop ang ating paraan ng pagsasalita sa kung sino ang
ating kinakausap. Sa ganitong sitwasyon ay dapat nating isaalang-alang ang
mga salita na ating gagamitin upang mas maihayag natin nang maayos at
malinaw ang ating nais sabihin.
Isipin kung ano ang iyong sasabihin sa mga sitwasyong nakatala sa ibaba
gamit ang mga impormal na uri ng salitang nasa loob ng panaklong.

1. Kailangan mong maipasa ang mga modyul na natapos mo sa repository ng


inyong platform at kailangan mong humingi ng tulong sa iyong guro. (Banyaga)
2. Habang tinatapos mo ang mga aralin ay naisipan mong umorder ng pagkain sa
online delivery service. (Kolokyal)
3. Nagkaroon kayo ng online kumustahan ng iyong mga kaibigan gamit ang GMeet
at binalikan ninyo ang mga masasayang pangyayari sa inyo noong wala pang
pandemya. (Balbal)

Pamantayan para sa pagmamarka:

Mga Pamantayan Puntos Puntos


sa Sarili ng Guro

Nagamit ang mga salitang impormal sa


paglalahad.

May kaugnayan sa bawat sitwasyon ang


inilahad sa pangungusap.

Nagamit nang wasto ang mga salitang impormal


sa paglalahad.

Kabuoang Puntos
10 – Napakahusay 4- Kailangan pang paghusayan
8 – Mahusay 2- Magsanay upang humusay
6 – Katamtamang Husay

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan sa paksang tinalakay. Tukuyin kung anong uri ng impormal na
salita ang isinasaad sa bawat bilang.

1. Ito ay mga salitang pinaikli na ginagamit sa pang-araw-araw na


pakikipagtalastasan.
2. Ito ay mga salitang mula sa ibang wika.
3. Ang mga salitang ito ay tinatawag na slang sa Ingles.
4. Ito ay mga salitang walang katumbas na salita sa wikang Filipino tulad ng

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
panteknikal at pang-agham.
5. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda dahil
hindi raw magandang pakinggan.

Lalo pa nating palawakin ang iyong natutuhan sa aralin, bumuo ka ng


isang usapan tungkol sa plano mo at ng iyong mga kamag-aral o kaibigan kung
sakaling bumalik na muli sa normal ang ating pamumuhay. Maaari kang humingi
ng tulong sa iyong kaibigan upang maging makatotohanan ang gawain na ito. Ang
gawaing ito ay mamarkahan gamit ang rubrik sa bahaging Isagawa ng modyul na
ito.
Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa ating talakayan. Binabati
kita! Sige, hanggang sa muli!

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Aklat
 Dayag, Alma G. et al. Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8

Internet
 https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/kapusomojessicasoho/5
44441/pinoy-slang-2015-mga-patok-na-salita-ngayong-taon/story/

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Maru U. Panganiban (Guro, JDPNHS)


Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)
Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like