You are on page 1of 12

Southern Leyte State University – San Juan

San Juan, Southern Leyte

Pangalan: Chrestin P. Celeste. Petsa: September 29, 2022


Taon at Seksyon: BSED-3B Instruktor: Vangilit G. Retome

PAUNANG PAGSUBOK

1. B.
2. A.
3. C.
4. B.
5. A.
6. D.
7. A.
8. C.
9. B.
10. D.
11. B.
12. A.
13. C.
14. A.
15. D.
16. B.
17. D.
18. C.
19. C.
20. B.
MODYUL 1: ARALIN 1
INTRODUKSIYON SA DALUMAT

Suriin Mo!
1. Pamilyar ba sa inyo ang salitang ito?
- Oo.

2. Anong ibig sabihin nito?


- Ito ay nangangahulugan na makunat o makapal na balat.

3. Sa palagay ninyo, basta-basta nalang kayang tinanggap ang salitang ito sa ating
arbitraryo? Bakit?
- Depende, dahil para sa akin, sa unang panahon, kapag may bagong
salita ito hindi madaling nakakapasok sa arbitraryo lalo na wala
pang sosyal medya noon. Pero sa mga panahon ngayon, madali na
itong nauuso at nagagamit ng madla sa pamamagitan ng mga
sosyal medya sayts.

4. Ang pag-aaral ng mga salita ba’y isang paraan sa pagpapaunlad sa ating wika?
Bakit?
- Oo, dahil kapag natutunan at alam ng isang tao ang isang wika,
marami siyang maaaring maibigay na kontribusyon sa
pagpapadami ng salita at pagpapaunlad ng wika.

Gawin Mo!
I.
1. Ang tawag sa isang kumperensya sa wika at timpalak na itinaguyod ng (FIT).
- Sawikain na Salita ng Taon

2. Ito’y may kakayahang mag-isip nang malalim at hindi mga simpleng mga salita
kailangang pangangatwiran o pag-iisipan na madalas na nagagamit ng mga tao.
- Dalumat

3. Ang tagapayo ng FIT.


- Romulo P. Baquiran Jr.

4. Ang sinasabing dinamiko, nagbabago ito sabay ng pagbabago ng panahon. Ang


tatsulok ay mula sa anong salita/parirala.
- Wika
5. Isinalin ang salitang elektrisidad noon ng dagitab, anong bagong kahulugan ng
salitang ito ngayon.
- Dagitab

6. Ito’y daan ng muling pagsilang sa mga dati nang salita na nagkaroon ng bagong
kahulugan.
- Sawikaan

7. Ang NGO na nagsusulong sa pagsasalin at pagtataguyod ng modernong Filipino.


- Sawikaan

8. Ang dalawang kunperensyang itinaguyod ng FIT.


- Sawikaan at Ambagan

9. Ang
10. Ang gumagabay sa mananaliksik na unawain, ipaliwanag at i-interpret ang isang
(Phenomenon), teksto, at diskurso na saklaw ng kanyang pag-aaral.
- Dalumat

11. Ang tawag sa paliwanag o pananaw na nabuo bunga ng malalim o masusing pag-
iisip.
- Ideya o Konsepto

12. Ang pinaikling salita ng bagong anyo ng buhay.


- Sawikaan

13. Ang naging daan upang ang salita ay muling isilang at nagkaroon ng bagong
kahulugan.
- Wika

14. Ang National Artist na nagsabing “Isang bunay na wika ang Filipino kaya’t hindi
dapat ipagtaka ang anumang pagbabago nito sa tunog, ispelling, balangkas ng
pangungusap.
- Virgilo S. Almario

15. Ang patunay na buhay ang wikang Filipino.


- Virgilo S. Almario
II.
1. “Magkatalik ang salita at realidad”. Patunayan.
- “Ang salita at realidad ay magkasama” dahil ang salita ay
naglalarawan ng realidad, at sa maraming pagkakataon ay
kinakailangan sa paglilha ng isang bagong salita na tumutugma sa
kasalukuyang realidad.

2. Patotohanan kung gaano kahalaga ang Sawikaan at Ambagan sa Pagpapaunlad ng


ating wika.
- Mahalaga ang Sawikaan at Ambagan dahil ang dalawang
proyektong ito ay isang estratehiya sa pagpapayaman at pag-unlad
sa wikang pambansa – Wikang Filipino, sa pamamagitan ng
pagkolekta ng mga nauusong salita sa midya, teknolohiya,
akademya, atbp., At ang pagkuha mula sa kaban ng bokabularyo ng
iba’t-ibang wika sa Pilipinas upang ilahok sa korpus ng wikang
pambansa.
MODYUL 1: ARALIN 2
SAWIKAAN/ SALITA NG TAON

Suriin Mo!
Aling salita ang pamilyar o madalas mong naririnig o ginagamit sa pakikipag-usap?
- Ang salitang Havey at Waley.

1. Anong ibig sabihin nito?


- Ang mga salitang ito ay nangangahulugan ng pang-istilong paraan
ng pagpapahayag ng pagsang-ayon (Havey) at hindi pagsang-ayon
(Waley). Halimbawa nito ang mga biro na kapag nakakatawa ay
havey, at kung hindi nama’y waley.

2. Anong taon kaya sumibol o sumikat ang salitang ito?


- Hindi ako sigurado pero parang mga taong 2011 sumikat ang mga
salitang ito.

3. Alin kaya sa anim na salita ang pinakasikat o pinakagamitin? Magbigay ng ebidensya


na gamitin ito.
- Para sa akin, ito ay ang salitang UNKABOGABLE. Ito ay pinasikat
at gamit ng isang sikat na komedyateng si Vice Ganda tuwing
pumapasok siya sa entablado ng Showtime.

Gawin Mo!
I.
1. 2007 - miskol; 2004 – canvass
2. Huweting – 2005; Federalismo – 2018
3. Storm Surge – 2014; Social Distancing – 2020
4. 2016 – fotobam; 2005 – Blog
5. Jejemon – 2010; selfie – 2014
6. Wang-wang – 2012; tokhang – 2018
7. Napiling salita – ayuda; makabagong salita – selfie
8. Makalumang salita – lobat; salitang-taon – fotobam
9. SALN – salitang makabago; CCTV – sapiling salita
10. Blended Learning – 2020; fashionista – 2005
II.
Sa makabagong panahon, ang salitang AWIT ay nagkaroon na nang bagong
kahulugan. Ito ay nangangahulugan noon na kabuuhang tawag sa pagkanta o musikang
pamboses. Ang salitang ito ay maaari ding tukuyin bilang tulang pasalaysay na may ritmo
at tugma. Ngunit nang magsimulang maging popular ang mga online games at hugot ng
mga lalaking sawi sa pag-ibig, ang salitang ito ay naging malimit na gamitin upang ilahad
ang nasasaktang damdamin. Pinagsama ang salitang AWTS at SAKIT upang mabuo at
mabigyan ng bagong kahulugan ang salitang AWIT. Madalas itong ginagamit bilang
ekspresyon kapag nasasaktan ka kagaya nalang nang binasted ka nang nililigawan mo o
iniwan ng minamahal mo, AWIT ang siyang ginagamit na salita upang ipahiwatig ang
masakit na nararamdaman dulot nito. Ito ay kadalasan ding ginagamit sa mga online
games tulad ng Mobile Legends kapag namamatay ang ginamit na hero avatar sa loob ng
laro. Ang salitang AWIT ang siyang sinasabing ekspresyon o pampalit sa masasakit na
salita ng online gamers.
MODYUL 2: ARALIN 1
ANG PAGBASA AT KAHALAGAHAN NITO

Suriin Mo!
1. Tungkol saan ang kwentong ito?
- Ang kwento ay tungkol sa pagbabalik tanaw ng awtor noong bata
pa lamang siya at ang ina nitong tumuturo sa kanya na bumasa na
siyang nagbigay sa kanya ng labis na kaligayahan.

2. Anong simpleng salita ang nabasa niyang nakapagbibigay sa kanya ng labis na saya?
- Ito ay ang salitang MAMA.

3. Ganito rin ba ang nararamdaman mo noong unang natuto kang bumasa? Paano?
- Opo. Sa katotohanan, ako ay mas natutong bumasa sa eskwelahan
kaysa sa bahay kasi ang mga magulang ko noon ay walang oras
upang turuan ako dahil sa abala sa trabaho at pagod. Nagsimula sa
mga besik na tunog tulad ng mga patinig na A, E, I, O, at U, pati
narin ang mga tunog ng bawat katinig.

4. Isalaysay mo.
- Nagsimula akong matutong bumasa sa pamamagitan ng pagbibigay
tunog sa bawat letra. Pagkatapos kong matuto ang bawat tunog ng
mga letra, sumunod na ang pagbasa ng pantig sa bawat salita.
Bumubuo ang titser ko noon ng mga pantig. Ito ay ang
pinagsamang katinig at patinig tulad ng BA, BE, BI, BO, BU.
Pinagsama-sama rin ang mga patinig sa ibang katinig upang
bumuo ng pantig ng isang salita. Matapos kong matutong bumasa
ng mga ito, nagsisimula na akong bumasa ng mga salita, madalas
tagalog, at kasabay na din ng pagkatuto ko sa pagsulat ng mga ito.
Aaminin kong naranasan ko din ang basahin ang mga salitang
nakikita ko sa kalye at tinatanong ko kung ano ang bawat
kahulugan nito sa aking ina habang hawak-hawak ang kamay ko
tulad ng nasa kwento, ngunit minsan nababagot ang ina ko sa
daming tanong haha. Sa kabuuhan, masaya akong natuto akong
bumasa sa edad na kwatro, at parang nararamdaman kong
matalino na ako noon haha.
Gawin Mo!
1. Alalahanin ang karanasan noong unang kang natutong bumasa, ikuwento ito sa iyong
kaibigan o kapatid na hindi kukulangin sa 3 minuto sa pagkukuwento. Kuhanan ang sarili
ng bidyo habang nagkukuwento.

Para makita ang video, i-open ang sumusunod na link:


https://drive.google.com/file/d/1eNBPdqGJmSNHyYt9TqtRzVegmAPoZHbD/view?
usp=drivesdk

2. Magbasa ng mga tekstong may kinalaman sa covid19 vaccine at mula nito, maglahad ng
sariling opinyon ukol dito.

Ang mga utos ng gobyerno ba ang sagot upang matiyak na mataas ang paggamit ng
bakuna laban sa covid19 upang wakasan ang pandemya? Isang tanong nabuo ko mula sa
binasa kong teksto ukol sa covid19 vaccine. Kailangan ba talaga nating ipatupad ang
pagbabakuna sa lahat ng pinoy kahit hindi nila gusto?

Masasabi kong isang napakaimportanteng solusyon ang pagbabakuna upang


labanan at wakasan ang pandemya. Isang paraan upang maibalik ang dating buhay na
gusto natin kung saan hindi na tayo nagsusuot ng face mask at nakakalabas ng bahay ng
walang inaalala. Ngunit may mga taong kailangan nating bigyan nang oras at panahon
upang ipaalam at ipakita sa kanila na ang covid19 vaccine ay ligtas at walang
komplikasyon. “Awareness is the key to Prevention”, ika’ nga ng isang kasabihan. Upang
mawala ang takot at pangamba ng ibang nating kababayan sa pagbabakuna, kailangan
muna nating silang bigyan ng kamalayan tungkol dito. Ipaalam kung gaano ka-importante
ang pagbabakuna sa pagligtas ng sariling buhay at buhay ng iba, pati na rin ang siguradong
pagkalaya ng bansa mula sa pandemya. Imbis na takutin at puwersahin natin sila sa
pagbabakuna upang makapasok lamang sa mga pang-gobyernong at pampublikong gusali,
dapat natin silang bigyan na makatotohanan at sapat na impormaston ukol sa covid19
vaccine. Naniniwala akong isa at karaniwang rason bakit hindi sila nagpapabakuna ay ang
mga haka-haka o Fake news tungkol sa covid19 vaccine na ito ay nakakasama sa katawan
na maaaring ikamatay ng sinong may turok nito. Isang hindi makatotohanang
impormasyon na lumalason sa isip ng tao lalo na sa mga matatanda na madaling maloloko
o nadadala ng karamihang naniniwala nito. Kaya isang importanteng hakbang din ng
pamahalaan ang pagmulat sa mga taong ito sa katotohanan ng kaligtasang naibibigay ng
covid19 vaccine sa kanilang kalusugan.

Gayunpaman, ano man ang rason ng isang pinoy upang siya ay hindi mabakunahan,
hindi natin sila mapipilit, sapagkat ang pagbabakuna sa bansang Pilipinas ay voluntary
lamang at walang pwersahan. Samantala, ang pamahalaan ay walang humpay sa
pagpapaalam at pagbibigay ng libreng bakuna sa lahat ng pinoy na handang tukungan ang
sarili, ang ibang tao at ang bansa.

MODYUL 2: ARALIN 2
LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA

Suriin Mo!
1. Anong pinag-usapan ng mag-asawa sa komiks sa itaas?
- Ito ay and balitang tungkol sa mga kaso ng COVID-19. Pinag-
usapan din nila ang kahalagahan ng wika, taga-ulat, at medya.

2. Sino daw ang dapat pasalamatan kung kaya’t nalaman nila ang takbo ng virus?
- Ang taga-ulat ng telebisyon.

3. Bukod sa mga taong nabanggit nilang dapat pasalamatan, ano pa ang dapat
ipagpasalamat? Bakit?
- Ito ay ang wika at medya. Dahil ang wika nagbibigay ng
pagkakaintindihan at impormasyon sa lahat ng tao, habang ang
medya naman ang nagpapalawig sa mga impormasyong ito.

4. Paano mo naunawaan ang pinag-usapan ng mag-asawa? Gaano ito kahalaga upang


maintindihan mo ang iyong binasa.
- Sa pamamagitan ng masusing pagbasa. Ito ay mahalaga upang
malaman ko at maintindihan ang pinag-usapan ng mag-asawa,
kasama na rin nito ang paggamit ng pagbasang pag-unawa.

Gawin Mo!
A. Pag-unawang literal:
Buurin sa sariling pananalita ang kwento.
“Maling Akala” ni Darhyl John B. Cacananta
(Buod isinulat ni Richwill Amarille BSED-3B)

Limang magkakaibigan na sina Aritha, Elea, Marita, Angel, at Luisa ang nagplanong
magbakasyon sa paparating nilang semestral break. Tumugon si Marita na sa simpleng
probinsiya nalang sila magbakasyon kung saan naroon ang kaniyang lola at ito ay sinang-
ayunan ng lahat. Isang napakamaling desisyon. Dumating ang araw na hinintay nila
ngunit sina Aritha at Elea lamang ang makakasama ni Marita sa probinsiya. Nang
makarating na sila sa nasabing lugar ay agad naramdaman nina Aritha at Elea ang
kakaibang takot. Nagtaka din sila kung bakit napakabesi ng mga tao sa nayong iyon na
parabang may pinaghahandaang piyesta. Pinatuloy ni Marita ang dalawang barkada sa
kubo ng kaniyang lola. Oras ng gabi at tulog, ang masayang bakasyon ng magbarkada ay
napalitan ng malaking takot ng malaman nila na asong halimaw pala ang mga tao sa
nayon, kabilang na ang kanilang kaibigan na si Marita, at sila ang ihahanda sa malaking
piyesta nito. Agad na nagplano sina Aritha at Elea sa kanilang pagtakas. Ginawan nila ng
paraan na si Marita ang magiging pagkain ng kanyang kalahi sa handaan. Tumakbo sila
papalabas ng nayon nang hinabol at naabutan sila nang isang halimaw. Akmang kakainin
na sila nito ng sumilip ang sikat ng araw na siyang dahilan upang mamatay ito at maligtas
ang dalawang magkaibigan. Pinangako nina Aritha at Elea na magbakasyon nalang sa
bahay simula ng mangyari ang nakakatakot na bagay na iyon.

B. Pagbibigay Interpretasyon:
Anong klaseng tao ang lahi ni Marita? Ilarawan.
- Para sa akin, ang lahi nila ni Marita ay isang taong lobo. Ito ay mga
malalaking nilalang na may mabalahibong katawan ng tao ngunit
may ulo ng aso. Sila ay masama at kumakain ng buhay na tao.

Si Marita kaya ang naging pagkain ng kalahi nila sa gabing iyon? Pangatuwiran.
- Malamang si Marita ang naging pagkain ng kalahi niya dahil sa mga
alulong nito na tila ba may halong poot at pagluluksa; dahil isang
pamilyar na dugo at laman ang kinain.

C. Mapanuring Pagbabasa
Anong mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa kwentong ito? Pangatuwiran.
- Para sa akin, ang manunulat ng kwentong ito ay nagsasabing
walang katulad ang lugar na tinatawag nating tahanan. Mas mabuti
talagang manatili nalang sa bahay kung saan nakakasama ang mga
taong mahal natin sa buhay at malayo tayo sa kapahamakan na
dulot ng mga delikadong lugar sa labas.

D. Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha sa Pagbasa


Bumuo ng isang komik strip mula sa isang kaisipang nakuha sa kwento.

E. Pagpapahalaga
Maglahad ng saloobin ukol sa pagkakabuo ng kwentong ito. Maganda ba ang kwnetong
ito? Epektibo ba ang paraan ng paglalahad niya? May aral bang nakukuha?
- Sa katotohanan, matagal na akong hindi nakakabasa ng mga
kwentong katatakutan at ito ay labis kong na-miss. Oras ng nabasa
ko ang kwentong “Maling Akala” na akda ni Darhyl John B.
Cacananta, agas akong nagka-interes na basahin ito, lalo na sa
parte nang na nararamdaman ng mga tauhan ang panlalamig ng
hangin at takot sa pinuntahang nayon. Isa sa siya sa mga
magagandang kwentong katatakutan na nabasa ko. Sa taytol
palang ng kwento, inakala ko na may malaking plot twist siya at
meron naman pero agad ko itong nalaman, siguro kababasa ko ito
ng mga kwentong katatakutan. Masasabi ko rin na maganda at
epektibo ang pagkakalahad ng kwento. Kung babasahin sa unang
parte, ang kwento ay hindi nagpapahiwatig na isang siyang
kwentong katatakutan, kompara sa tipikal na kwentong horror na
ipinapakita palang sa unang parte ang nakakatakot na elemento
nito. Ang kwentong ito ay nagbibigay nang magaan na damdamin
sa una, pero sa huli, doon na ipinakita nang may-akda ang
pananabik at katatakutan. Isang istilo ng paglalahad ng kwento na
kakaiba subalit malimit nang ginagamit ng makabagong manunulat
ngayon. Sa pangkalahatan, kwento man ito ng katatakutan ay
sinigurado naman ng may-akda na magbigay ng aral sa mga
mambabasa nito. Hindi ito gaano ka-obvious ngunit kung iisipin ng
mga mambabasa ang mensahe ng kwento, ito ay madali lamang
nakikita at nalalaman.

You might also like