You are on page 1of 9

SARBEY-KWESTYONER

Mahal naming Responde,

Maalab na Pagbati!
Kami po ay mga mag-aaral mula sa ikasampung baitang ng paaralang The Nazareth
School na kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong papel tungkol sa Epekto ng Balbal na
salita sa mga kabataan
Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoner nito upang makapangalap ng mga datos
na kailangan sa aming pananaliksik
Kung gayon, mangyari po lamang na sagutan nang buong katapatan ang mga
sumusunod ng mga aytem.

Maraming salamat po!

-Mga Mananaliksik
Meg Lianne Dimaano& Mario Dimaano Jr

Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may
pagpipilian, laygan ng tsek ( / ) ang mga kahon tumutugma sa inyong sagot o buligan ang letra
ng tamang sagot.

Pangalan (opsyonal):

1. Kasarian : Lalaki Babae

2. Ano sa mga sumusunod na salita ang madalas mong gamitin o maparinig sa ibang tao?

Charot Pak Ganern Yosi

Bes Chaka
3. Sa tingin mo nakaktulong ang mga balbal na salita sa wikang Pilipino?

A. Oo C. Hindi

B. Baka D. di-gaano

4. Paano makaapekto ang mga balbal na salita sa pakikipagtalastasan ng mga kabataan?

A. Malaki ang epekto sapagkat bumababa ang lebel ng kanilang panan

B. Bumababa ang lebel ng kaalaman ng mga tao sa wikang Filipino

C. Mas dumali ang pakikipagusap

5. Gaano karami ang gumagamit ng balbal na salita?

A. Madami C. Kaunti

B. Halos lahat

6. Karapat-dapat bang ilagay ang mga balbal na salita sa wikang Filipino?

A. Oo B.Hindi

7. Sa tingin mo dapat bang pag-aralan ng mga bata sa susunod na henerasyon ang mga balbal na
salita?

A. Oo C. Pwede

B. Hindi
8. Dapat bang ituro sa asignaturang Filipino ang mga balbal na salita?
A. Oo B. Hindi
9. Mapapanatili pa ba natin ang orihinal na wika gayong marami ng bagong salita ang
ginagamit?

A. Oo B. Hindi

10. Sa iyong palagay importante ba na matutunan ang iba’t ibang uri ng mga salita?

A. Oo B. Hindi
Kabanata I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

I. Introduksyon

Ang mga balbal na salita ay kadalasang ginagamit o napaprinig kung kani-kaninoman. Ito ay
tinatawag nilang ‘salitang kayle’ sapagkat ito ay gawa-gawa lamang ng mga tao. Kahit saang
lugar ka man pumunta, ito ay palaging natitinig. Halos nalilimutan na ng mga tao ang paggamit
ng pormal na wika sapagkat sa palagay nila ay ito’y mas madaling bigkasin. Kakaunti nalang ang
gumagamit ng orihinal na wika. Karamihan dito ay ang mga matatanda sapagkat, doon sila
lumaki sa wikang iyon. At dahil nga nagiging karaniwan na ang paggamit nito, paano nga ba ito
makakaapekto sa mga kabataan ng bagong henerasyon.

II. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay naglalayong makipag-bigay impormasyon hinggil


epekto ng balbal na salita sa mga kabataan. Ito rin ay naglalayong masagot ang mga sumusunod
na katanungang ito:

1. Saan nag simula ang mga balbal na salita?


2. Ano ang nagudyok sa mga kabataan para gumawa ng ganitong klaseng mga salita?
3. Ano ang importansy nito sa mga kabataan?
4. Sa paanong paraan natin magagamit ang mga balbal na salita?
5. Magiging makabuluhan ba ito sa wikang Pilipino?

III. Kalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay makabuluhan sapagkat nagbibigay ito ng impormasyon


mahalaga sa bawat mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay nag lalahad ng mga kaalam hinggil sa
epekto ng balbal na salita sa mga kabataan.
IV. Saklaw at Limitasyon ng Pag aaral

Ang pag-aaral na ito ay tatahak lamang sa epekto ng mga balbal na salita.


Nililimitahan ng panahong papel na ito ang pag talakaya sa iba pang klasee ng mga salita.

V.Depinisyon ng Termonolohiya

Kabataan- Ito ay tinatawag nilang”tinedyer”. Tumutukoy sa mga taong nagbibinata o nag


dadalaga. Kalimitang mga aktibo sa lipunan

Balbal na salita- Ito ay mga di-pormal na salita. Kalimitang ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan..
KABANATA II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Inilahad ni Virgilio Almario, isang manunulat at kritiko, na karamihan sa mga salita sa

ating wika ay hango sa lengguwahe ng Kastila at Amerika na kapwa sumakop sa ating bansa.

Binabago ang pagbaybay nito para umakma sa ating sariling wikang Filipino.

Ngunit hindi katulad ng inimbentong salita ng mga alagad ng “Jejemon" at “BekiMon" na

nagbibigay aliw sa ating mga Pinoy, ayon kay Almario ay kinasusuklaman niya ang mga

"edukado" na itinuturo niyang nasa likod ng pagsilang ng mga salitang “siyokoy."

Hindi naman permanente ang lengguwahe nila na kilala bilang salitang Jejemon at

Bekimon. Bahagi iyan ng tinatawag na cultured language. Sinadyang mga kabataan na hindi

maintindihan ng lahat ang kanilang lengguwahe kaya naniniwala si Amario na pansamantala

lamang ang mga ito.

Ayon kay Kimberly Q. Querubin, ang katotohanan ay malaki talaga ang naging epekto

ng mga balbal na salita sa mga tao, lalong lalo na sa mga mag-aaral. Masayang gamitin ang mga

salitang ito sa text o sa chat, na karaniwang daan ng komunikasyon sa makabgong panahon.

Ngunit kapansinpansin na kahit sa paraan ng pagsasalita at pagsulat, ay nadadala ang wikang ito.

Kapag kumokopya ng leksyon ang mga estudyante, gumagamit sila ng mga salitang “h3re”
(here), “4yon” (ayon), “s4n” (saan), at marami pang iba. Ito ay mula sa wikang –mon, na

masasabing parte na o bahagi na ng kulturang Pilipino, ngunit mali pagdating sa pormal na

pagsusulat at pagbigkas.

Ayon sa balbalnasalita.blogspot.com,higit na  nasasakop nitoang mga kabataan na

kasalukuyang nag-aaral pa, sa pampubliko man o pribadong paaralan, pati na rin ang mga guro sa paaralan.

Sakop din nito ang mga kabataang madaling maimpluwensiyahan ng mga bagay-bagay na naririnig ng

hindi inaalam kung ito ay tama o mali. 

Dahil ditto bumuo sila ng isang adbokasiya upang maturuan ang mga kabataan na malimitahan ang

pagsasalita ng balbal o paggamit nila ng balbal na salita. Ito ay para sa kabataang nasa lipunang lugmok na

sa masamang gawi upang sa gayon ay mabigyan sila ng aral na maging mapang-unawa at nang maiwaksi

ang mga salitang panlansangan. Ito ay para na rin sa mga kabataan upang lumawak ang kanilang pang-

unawa at maging bukas ang iisipan sa maaring ibunga ng kanilang paggamit ng balbal na salita. Maari din

nilang suriin ang epekto nito sa mga susunod na henerasyon. Ito rin ay para sa kabataang nasa lipunan na

lugmok na sa masamang gawi sa gayon ay mabigyan sila ng aral na maging mapang-unawa at nang

maiwaksi ang mga salitang panlansangan.

      Sa kabuuan, ang adbokasiyang  ito ay para sa lahat ng kabataan sa kasalukuyang henerasyon

ngayon at maging sa mga taong naninirahan sa iba’t ibang antas ng lipunan.

You might also like