You are on page 1of 7

Nakarinig ka na ba ng Pinoy slang?

Ito ay ang salitang kalye, salitang kanto, o


salitang balbal. Ito ang tinatawag na “slang words” sa English na hindi naman
dapat pang padamihin dahil bas nayaman pa ngayon kaysa sa wikang
Filipino.Kagaya na lamang ng mga naririnig sa midya, mga edukado nagamit
din ng mga salitang ito, mga sikat na personalidad na nagamit din ng wikang
balbal kaya mas nalaganap ito kase akala ng iba ay ayos lang gamitin at dahil
ito ay sikat ngunit hindi natin alam ito ay nakaka-apekto sa imahe ng wikang
Filipino. Marami itong epekto sa atin.Kaya hindi talaga ito dapat nalaganap
pa. Karamihan sa mga kabataang Pinoy ngayon ay mahilig gumawa ng iba’t
ibang salitang balbal, at minsan pati na rin tayong mga may edad na,
sapagkat kung ating idaan sa positibong paningin, feeling “bagets” nga kung
tawagan. Hindi naman kaylangang gumamit ng salitang balbal para makiuso
dapat alam natin ang tama at wasto para sa atin at lipunan.Kung hindi
bibigyan ng pansin ay magtutuloy-tuloy ang epekto nito at baka tayo ay
maging banyaga pa sa sariling wika.
Itinataya ng ilang dalubwika na mga 6,000 o higit pang mga wika ang
sinasalita sa buong daigdig, hindi pa kabilang ang lokal na mga diyalekto. Ibig
sabihin napakarami talagang iba’t-ibang wika at kagaya na lamang n wikang
balbal na nadami.Ang wikang Filipino ang dapat gamitin, dahil saan man at
kailanman ay umuunlad habang ginagamit.
Epekto sa Lipunan
Una, ang salita ay lubhang makapangyarihan dahil halos lahat ay nahihikayat
gumamit nito kung kaya’t maraming tao partikular na ang mga kabataan na
madaling maimpluwensiyahan gumamit ng salitang balbal sapagkat ito ay
napapanahon o tinatawag na “in” kung kaya’t hindi nila namamalayan na
nagagamit nila ang mga salitang sa isang pormal na usapin.
Pangalawa, ang wikang balbal ay bas umuunlad habang patuloy na
ginagamit na dapat talaga ay bawasan at iwasan. Patunay na lamang ng
bawat henerasyon ay may mga nauusong salita kagaya ng edi wow, push mo
yan te, boom panes, feels, hugot, bae, at sa ngayon ang salitang pabebe.
Sinisira nito ang pag-unlad ng wika dahil sa halip na ang pagayamanin ay
sariling wika bas pinagyayaman pa ang wikang balbal. Patunay na lamang din
ang mga pagmumura, salitang kalye(yosi), jejemon(aq powzx), salitang
bakla/tomboy(baklush,dites), salitang malaswa, salitang binaliktad(tsekot,goli)
at salitang walang kabuluhan.
Napatunayan ang paniniwala ni Nada(2007) Ang mga islang ay mabilis na
lumaganap at maaaring tanggapin bilang istandard na wika.Pangatlo, Ang
paglaganap nito ay dulot ng mga pagbabagong nagaganap sa lipunan at sa
medya at paglalakbay. Partikular na sa medya ang mga salitang ito ay parang
virus ng na kumakalat at lumikiha ng polusyon sa isipin ng mga kabataan.
Ang wikang balbal ay ginagamit din kahit mga edukadong mga tao. Kagaya
na lamang ni Vice Ganda nagmumura siya at nagamit ng mga salitang balbal
at nagpapauso kagaya ng mga salitang boom panes, edi wow at push mo yan
te na napapanood ng mga tao kaya mas nalaganap din ang mga salitang ito
lalo na siya ay sikat kaya nagagaya ito ng iba pati sa pulitika si Roxas ay
gumamit din salitang “Panis” at si Kris Aquino nagpauso ng salitang now
na.Tandaan natin ang Ayon sa Colossians 4:6 “Ang inyong pananalita nawa’y
laging may biyaya, na maglasang asin…” ito ay nangangahulugan lamang na
gusto ng Diyos na sa ating mga pananalita ay maipakita natin ang ating
patotoo at ilaw bilang isang Kristiyano at kanyang mga anak. Kung ano ang
madalas mong sabihin at ang uri ng iyong pananalita ay nagpapakita lamang
ng uri ng ating pamumuhay bilang isang tao at ng ating tinitirahan.Gustomo
bang mahusgahan ka ng iba dahil sa iyong mga sinasabi? Mahalaga ang uri
ng pananalita sa ating buhay, dahil kung ano ang bumubukal sa iyong puso
ay siya ring lumalabas o bumubukal sa iyong bibig. Sinasabi lang sa pahayag
na ito na dapat bigyan importansya ang ating mga sinasabi at iniisip natin.
Napatunayan ang paniniwala ni Jose Villa Panganiban na may ilang antas ng
wika, na nilapatan ng sariling halimbawa nina Belves at isa sa antas na ito ay
ang bigkas mangmang. Ito ay binibigkas nang pautal o pagago ng nagsasalita
na karaniwang dulot ng pagiging ignorante o kawalang alam.Matutong huwag
padalos dalos sa mga sinasabi.Tayo ay magkaisa sa
wastong wika.Ang balabal ay sagabal, sariling wika ang ating gamitin.
Pang-apat, sa paglipas ng panahon, ang dami na talagaang sumulpot na
mga salitang bago kagaya na lamang ding ng mga hugot pa more, forever,
churva, churvaness, sayaw pa more, rel goals, siblings goals, squad goals,
selfie, pabebe, andami kong tawa dito at marami pang iba kaya nalilimutan na
natin ang ibang salita sa Tagalog na diksyunaryo. Tayo pa mismo ang nano-
nosebleed sa sariling wika at mas pamilyar pa tayo sa mga wikang balbal.
Ayon sa pagsasaliksik, may mga salitang kapag itananong sa mga kabataan
ngayon ay hindi alam ang kahulugan kahit matanda ay hindi din alam. Ang
mga salitang anluwage, batubalani, beranda, kapalaluan, kaulayaw,
salipawpaw, sapantaha at papagayo. Ano? Nakakadugo ba ng ilong? Ngayon
niyo lang din ba narinig ang mga iyan? Sa dumaan na henerasyon, maraming
salita na ang nagbago kaya nalimot na ng mga Pilipino ang sariling mga
salita. Kung tutuusin, hindi naman sila malalalim. Iyon nga lang, hindi natin
sila naggamit sa araw-araw. Kumbaga sila na ang mga unfamiliar words sa
diksyunaryong tagalog.
Pang-lima, Nasisira ng mga wikang balbal ang imahe ng wikang Filipino, bas
nadami pa ito at pinagyayaman kaysa sa sariling wika. Hindi ito magandang
pakingan kagaya ng mga salitang ermat, erpat at abnoy. Napatunayan dito
ang pahayag ni Balazo(2000)na ang balbal ay tinatawag na slang sa ingles na
masagwang pakinggan sa pandinig ng iba. Mga salitang nakakabastos sa
halip na ang itawag ay tatay, nanay at hindi normal ang itawag.

OBF (Oras para sa Bokabularyong Filipino)

Ang bayan mismo ang nagsasagawa ng paglikha, panghiram, pagbuhay sa


lumang salita o pagbaluktot sa Wikang Filipino. Kaya sino pa din ang
kaylangan para maiwasan o mabawasan ngunit tayo din naman. Upang
masolusyonan ang problemang ito naisip naming gumawa ng paraan para
mabawasan o mabalanse ang wikang Filipino sa papagitan ng pagtuturo ng
tamang wika na tatawaging OBF. Para maisagawa ang amin layunin na
bawasan ang wikang balbal ay nais namin na magkaroon ng oras sa paaralan
para ituro ang bokabularyong Filipino sa tulong ng mga guro dito ay
tatalakayin ang mga salita natin nakalimutan na upang
pagyamanin.Kaylangan din naming ng tulong ng mga estudyante. Bilang
estudyante ay ituturo natin ang ating natutunan tungkol sa paggamit ng wika
sa mga kabataan na nakakalimutan ang tamang wika, ito ay para mabawasan
ang paggamit ng salitang balbal at mapagyaman ang sariling wika at sa
aming pagtuturo sasabihin din namin ang iba’t ibang epekto ng wikang balbal
sa atin hihikayatin naming silang huwag gumamit ng wikang balbal. Hindi
dapat kalimutan na ang wika ay kasangkapan para sa lahat ng mamamayang
gumagamit nito. Lahat? Kaya kaylangan wikang Filipino, kasangkapan para
sa lahat upang magkaintindiha, magkaunawaan at magkaisa. Oras, para
mapayaman ang wikang Filipino at mabawasan ang wikang balbal.

Hindi naman bawal o masamang gumamit ng salitang balbal dahil ang mga
salitang ito ay hindi mo na maalis sa bokabularyo ng mga Pinoy. Ang wika ay
pabagu-bago, tulad ng panahon. Naidagdag na ito sa kultura ng bagong
henerasyon. Imposible na. Siguro ay dapat na lang maging balanse ang mga
salitang ginagamit natin, upang hindi malimutan ang mga salitang Filipino at
hindi mawala ang importansya ng mga salitang ito.Ika nga ni Dr. Jose Rizal,
“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa bulok
at malansang isda.” Kaya patuloy nating pagyamanin ang wikang Filipino.
Filipino, wika ng pagkakaisa ito an gating gamitin.
Ating bigyang pansin ang impluwensya at suliranin na dulot ng mga salitang balbal, o ang
pinakamababang uri ng salita na nabuo sa impormal na paraan at basta na lamang sinalita. Sa aming
adbokasiya at layon namin bigyang pansin ang epekto nitosa mga kabataan sa panahong ito, lalong-lalo
na sa sa mga mag- aaral. Marahil, dahil nga din sa mabilis maimpluwensyahan ang kabataan ngayon, ang
mga salitang ito ay madali nilang matututunan. Kalunos lunos ang epekto nito kung ang mga salitang
balbal ay makakasanayan at madadala ng mga batang ito sa kanilang pang araw araw na
pakikipagtalastasan at maging sa mga gawaing pang eskwela. Batid naming ang suliraning ito, kung
kaya’t aming nais bigyang pansin ang isyu at maisakatuparan an gaming layunin. Nawa’y mabigyang
pansin ang suliraning dulot ng kasanayan sa paggamit ng salitang balbal at maihatid naming ang mga
impormasyon ito at magdulot ng realisasyon sa bawat makakabasa nito.

Limitasyon ng paggamit ng salitang Balbal

“Ang lahat ng bagay ay may limitasyon” katulad na lamang ng paggamit ng salita at pakikipag- usap,
dapat itong nililimitahan sa kung hanggang saan ito gagamitin at kung sa anong pagkakataon. Lalo na
ang mga salitang balbal, ito ay may pinipiling sitwasyon at tao kung saan mo lamang dapat gamitin.

Ang salitang balbal ay isang impormal na uri ng salita. Ito ay ang pinakamababang uri ng wika na walang
porma at basta na lamang nalikha ng tao. Ang ganitong uri ng wika ay pangkaraniwan na natin naririnig
sa henerasyon ngayon.

Epekto sa mag –aaral

Hindi nararapat na masanay tayo sa paggamit ng salitang balbal o maging malimit ang pagsasalita nito.
Ang paggamit ng ganitong uring salita ay maaaring magdulot ng away. Ito ay nakakapagpahina din ng
ating kaalaman sa sa pormal na paggamit ng salita na maaaring makaaapekto sa mga mag-aaral sa
paaralan. Halimbawa na lang ng pagkakamali sa pagsulat at ispeling. Ito din ay nagiging hadlang sa pag-
unlad ng tamang gamit ng pormal na salita at gramatika maging sa pagsulat ng komposisyon o
pakikipagtalastasan. Ang kasanayan sa paggamit ng ganitong uri ng salita ay tunay lamang na
nakakapagpababa ng kaalaman, kasanayan at saloobin ng mga mag-aaral.

Sinasabing “ang wikang ating sinasalita ay siyang nagpapakilala n gating pagkatao. Ang wika ay lubhang
makapangyarihan kung kaya napan dapat ay maging maingat tayo sa paggamit nito. Huwag nating
hayaan na ang lahat ng bagay ay dapat may limitasyon.

You might also like