You are on page 1of 13

MGA SANGKAP NG KAHIRAPAN

Ang Limang Malalaki


ni Phil Bartle, PhD
isinalin ni Dionisio R. Vitan III

Lugar ng Pagsasanay Mga Paalala

Ano ba ang mga malalaking sangkap ng kahirapan?

Ang kahirapan Bilang Pangkalahatang Suliranin

Lahat tayo ay madalas na nakararanas ng kakulangan sa pananalapi. Ito ay


isang karanasan ng bawat isa. Hindi ito katulad ng suliranin ng kahirapan na
pangkalahatan. Habang ang salapi ay ay sukatan ng kayamanan, ang kakulangan
ng salapi naman ay maaaring maging sukatan ng kakulangan ng kayamanan,
ngunit hindi iyan isang pangkalahatang suliranin ng kahirapan. Mga Prinsipyo."
Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay isang malalim na sugat
na makikita sa bawat sukat ng kulturaat lipunan. Kasama rito ang mga kasapi
ng pamayanan na may sadyang maliit na kita. Kasama rin ang kakulangan ng
mga serbisyo katulad ng edukasyon, pamilihan, pangangalang pang-kalusugan,
kawalan ng kakayanan na gumawa ng mga pagpapasya sa sarili, at ang kawalan
ng malinis na tubig, kalinisan at kaayusan, maayos na kalye, transportasyon, at
komunikasyon.

Sa mas malalim na kahulugan, ito ay isang "kahirapan sa ispiritu," na siyang


nagbibigay ng pahayag sa mga kasapi ng pamayanan na siya nilang
pinaniniwalaan at pinagsasaluhan sa isa't-isa, kawalan ng pag-asa, kawalang ng
pagpapahalaga, at katamaran. Ang kahirapan, lalo na ang mga sangkap na
nagpapalala nito, ay isang pangkalahatang suliranin, at ang kalutasan nito ay
makikita rin sa paligid kung saan ito namumutawi. Natutunan natin sa mga
pahina ng web site na ito na hindi natin malalabanan ang kahirapan sa
pamamagitan ng pag-angat ng mga sintomas o ipinapakita nitong mga bunga.
Ang kahirapan ay matatalo lamang sa pamamagitan ng paglusob mismo sa mga
dahilan ng pinagmumulan nito. Ang mga pulyetos nito ay ay naglilista at
nagbibigay-kahulugan sa "Limang Malalaki" na siyang dahilan na lalong
nagpapalaki ng suliranin sa kahirapan sa pangkalahatan.

Ang simpleng paglilipat ng mga pondo ay hindi nakakatulong sa pag-alis ng


kahirapan kahit na ito ay para sa mga biktima ng kahirapan. Sandali lamang
nitong naiaalis ang sintomas ng kahirapan kung kaya hindi ito isang mabisang
paraan. Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay
nangangailangan ng isang pangkalahatang solusyon. Ang solusyon ay ang
malinaw, may kamalayan at sadyang pag-alis ng limang malalaking sangkap ng
kahirapan.

Mga Sangkap, Dahilan at Kasaysayan:

Ang salitang "sangkap" at ang "dahilan" ay hindi magkapareho. Ang "dahilan"


ay ang bagay na nakakaragdag sa pinagmulan ng isang suliranin tulad ng
kahirapan. Samantala, ang "sangkap" ay maaaring bagay na nakakaragdag sa
patuloy na pagkakaroon ng suliranin matapos na ito ay lumitaw.

Ang kahirapan sa pandaigdigang pagsukat ay maraming mga kasaysayang


dahilan: paghahari ng dayuhan, pang-aalipin, digmaan at pananakop. Mayroong
mahalagang kaibahan sa pagitan ng mga dahilan na yaon at sa mga tinatawag
nating mga sangkap na siyang nagpapanatili ng kalagayan ng kahirapan. Ang
kaibahan ay sa kahulugan ng kung ano ang ating magagawa sa ngayon para sa
mga bagay na ito. Hindi tayo maaaring bumalik sa kasaysayan upang baguhin
pa ang nakalipas na. Ang kahirapan ay nananatili. Ang kahirapan ay may
dahilan. Ang ating maaaring gawin sa suliraning ito ay ang arukin ang mga
sangkap na siyang nagpapalaganap at nagpapalala ng kahirapan.

Isang hayag na kaalaman na maraming mga bansa sa Europa ang lubusang


naghirap matapos ang maraming mga digmaan na naganap sa kanila tulad ng
World War I at II. Kung saan ang mga tao ay nbuhay na lamang sa
pamamalimos at awa ng ibang mga tao. Makalipas ang ilang mga dekada,
kanilang dinala ang kanilang mga sarili sa tunay na pagkakaroon ng
pagkakaitaan sa loob ng kani-kanilang mga bansa. Ito ay nagdulot ng ibayong
yaman at sila ay nauwi sa pagiging moderno, at makapangyarihan mga bansa ng
mga masagang mga tao. Alam rin natin na maraming mga bansa ang
nananatiling mga mahihirap pa rin sa kabila ng mga bilyong-dolyar na "tulong"
na pera na ginastos sa kanila. Bakit? Dahil ang mga sangkap ng kahirapan ay
hindi tinumbok kungdi yaong mga sintomas lamang. Sa mataas na antas na
pang-bansa, ang isang mababang GNP (gross domestic product) ay hindi ang
kahirapan mismo; ito ay sintomas lamang ng kahirapan, bilang isang
pangkalahatang suliranin.

Mga sangkap ng kahirapan (bilang isang pangkalahatang suliranin) na nakatala


rito ay ang, kawalang-kaalaman, sakit, kawalang-pagpapahalaga, hindi
mapagkakatiwalaan/a> at pagiging palaasa, ay dapat makita bilang mga
kalagayan. Walang moral na paghuhusga ang sinadya. Hindi sila mabuti o
masama, kungdi sadyang ganyan lang. Kung magiging isang desisyon ng isang
pangkat ng tao sa isang lipunan o pamayanan ang pag-alis ng kahirapan,
kailangang gawin nila iyon ng walang paghuhusga. Bantayan at kilalanin dapat
ang mga sangkap at alamin kung papaano ang mga ito ay maaalis upang
matanggal ang kahirapan.

Ang limang malalaki sa kabilang banda, ay nakakaragdag pa lalo sa mga


sangkap ng kahirapan tulad ng kawalan ng lugar na kung saan makakapagtinda,
masamang-lagay ng mga daan o gusali, mahinang at masamang pamumuno,
kawalan ng mapapasukang trabaho, kawalan ng mga kasanayan sa ba't-ibang
uri ng trabaho, laging pagliban sa pinapasukan, kawalan ng kapital, at iba pa.
Ang alin man sa mga ito ay isang pangkalahatang suliranin, at ang bawat isa ay
naging bunga ng isa o higit pa mula sa limang malalaki. Ang alin man sa mga
nabanggit ay nagpapatagal ng kahirapan at ang kanilang tuluyang pag-alis ay
kailangan upang matanggal ang kahirapan.
Ating bigyang-sulyap ang lahat ng limang malalaki.

Kawalang-Kaalaman:

Ang kawalan ng kaalaman ay nangangahulugan ng kakapusan sa impormasyon o


kahibalo. Iba ito sa pagiging bobo na ang ibig sabihin ay kakapusan ng talino.
Iba rin ito sa pagiging tanga o hangal na kakapusan naman sa karanasan.
Madalas kasi na ang tatalong ito ay napapagpali-palit at madalas inaakala ng
mga tao na iisa lamang ang kahulugan nila.

"Ang kaalaman ay kapangyarihan," ayon sa kasabihan. Ang malungkot lamang,


alam ito ng ibang mga tao ngunit mas ninanais nila na sarilin ang kanilang
kaalaman (bilang isang kasangkapan sa pagkuha ng lamang sa ibang tao), at
kanila pa itong itinatago mula sa ibang tao. Huwag mong asahan na kapag ikaw
ay nagturo sa isang tao ng kasanayan o nagbigay ka kaya ng impormasyon sa
kanya ay kusang kakalat ang impormasyon o kasanayan na iyon sa buong
pamayanan.
Mahalaga na malaman at maintindihan kung anong impormasyon ang hindi
napaloob. Maraming nagpla-plano at matatalinong mga tao ang naniniwala na
kung nais mong tulungan ang isang pamayanan na lumakas, ito ay nakasalalay sa
edukasyon. Ngunit ang edukasyon ay maraming mga mukha at bagay. Ang
ibang mg impormasyon ay maaaring hindi mahalaga sa kung ano ang sitwasyon
sa isang pamayanan. Hindi makakatulong sa isang magsasaka na malaman na
sina Florante at Laura ay may masalimuot na pag-iibigan. Mainam pa ang pag-
alam sa kung anong uri ng buto ng halaman ang maaaring mabuhay sa kanilang
lupang sinasaka at ano ang hindi na dapat pang itanim pa.

Ang pagsasanay sa mga serye ng dokumento sa pagbibigay-kapangyarihan sa


pamayanan ay naglalaman rin ng pagtatawid ng kaalaman. Hindi ito katulad ng
isang pag-aaral na makikita sa silid-aralan na kung saan ay may sinusunod na
mga alituntunin ayon sa antas ng kaalaman ng mag-aaral. Dito ay itinutuon ang
pag-aaral sa mga kaalaman sa kung papaano magkakaroon ng kakayanan na lalo
pang lumakas ang isang pamayanan.

Sakit:

Kapag ang isang pamayanan ay may mataas na antas ng pagkakasakit, mas


madalas ang pagliban sa trabaho, mas mababa ang producksiyon, at mas maliit
na kita ang nagagawa. Maliban sa mga bagay na hatid ng mga sakit, tulad ng
paghihirap, kawalan ng saya, at kamatayan, ito rin ay isang malaking sangkap
sa paghihirap na nadarama ng isang pamayanan. Ang pagging malusog ay hindi
lamang nakatutulong sa isang tao upang mamuhay ng maayos. Ito rin ay
nakakaragdag sa pag-alis ng kahirapan sa isang pamayanan.

Kahit saang lugar man, ang pag-iingat ay mas mainam na pansangga sa mga
sakit kaysa sa mga gamot. Ito ay isa sa mga pangunahing isinusulong ng PHC
(primary health care o pangunahing pangangalaga sa kalusugan). Ang
ekonomiya ay mas masagana kung ang mga tao ay malulusog; mas higit kaysa
kung ang tao ay nagkakasakit at kailangang gamutin. Ang kalusugan ay
tumutulong upang maalis ang kahirapan, na mas lalong naipapakita sa
pagkakaroon ng ligtas at malinis na maiinom na tubig, pagkakaroon ng maayos
na sanitasyon o pagkakahiwalay ng mga dumi sa pinagkukunan ng tubig,
kaalaman sa kalinisan at pag-iwas sa mga sakit. Ang mga ito ay nakahihigit
kaysa sa pagkakaroon ng mga klinika, mga doktor at mga gamot na alam naman
nating may kamahalan. Mas makakatipid ang pamayanan sa pagkakaroon ng
kaalaman sa pag-iwas sa mga sakit.

Tandaan na mas nakatuon angpansin natin sa mga sangkap, hindi sa mga


pinagmumulan. Hindi na mahalaga kung ang TB o tuberkolosis man ay dala ng
mga dayuhang-puti na unang nakipagkalalakal sa ating mga ninuno o ang sakit
na ito ay likas na sa ating lugar. Hindi na mahalaga kung ang HIV na siyang
nagdadala ng sakit na AIDS ay sanhi ng CIA (Central Intelligence Agency ng
Amerika) dahil sa kagustuhan nilang gumawa ng sandatang bayolohikal, o kung
ito man ay galing sa mga berdeng mga unggoy sa mga sopas. Ang lahat ng
nabanggit ay maaaring mga pinanggalingan ng mga sakit. Ang pag-alam sa
pinaggalingan ng sakit ay hindi mag-aalis ng mga sakit. Ang pag-alam sa mga
sangkap na nagdudulot ng sakit ay makapagbibigay ng tamang direksiyon
tungo sa mas mainam na kalinisan at tamang asal sa kalusugan. ANg mga ito ay
tuluyang makapag-aalis ng sakit.

Maraming mga tao ang naniniwala na ang pagkakaroon ng pag-aalagang


pangkalusugan mula sa mga mnamumuno ay isang karapatan ng tao. Nakapaloob
rito ang pagtanggal ng sakit at paghihirap at mas mataas na kalidad ng
pamumuhay ng mga tao. Ang lahat ng mga ito ay isang balidong katwiran na
siyang nagpapalawig ng kalusugan ng mga tao. Ang pinagtatalunan rito ay ang
katwiran na ang malusog na mamamayan ay nakakatulong sa pag-alis ng
kahirapan, at hindi dapat sukatin lamang ang kahirapan sa antas ng
pagkakaroon ng sakit at kamatayan. Tandaan rin ang mga sakit ay
nakararagdag sa iabng mga porma at aspeto ng kahirapan.

Kawalang-Pagpapahalaga:

Ang kawalang-pagpapahalaga ay nangyayari sa tao kapag nawalan na sila ng


pakialam, o kung pakiramdam nila ay wala silang kapangyarihan upang mabago
ang mga bagay sa paligid nila, na itama ang isang kamalian o pagkakamali, o
kaya ay gawing mas mainam ang ayos ng kanilang pamumuhay.

Minsan, ang mga tao ay nakararamdam na hindi nila makakamit ang isang
bagay. Madalas rin na nakararamdam sila ng selos o inggit sa mga kamag-anak
o tao sa pamayanan na nagsisikap na makamit ang mga bagay na hindi nila
masubukang kamtin. Pagkatapos ay pinipilit nilang ibagsak ang taong
nagsisikap upang maging katulad nilang naghihirap rin. Ang pagiging walang
pakialam ay nagbubunga ng kawalan ng pagpapahalaga.

Minsan, ang kawalan ng pagpapahalaga ay tama ayon sa relihiyong


pinaniniwalaan, "Tanggapin kung ano ang nandiyan, dahil itinakda na ng Diyos
ang iyong kapalaran." Ngunit ang ganyang paniniwala ay maaaring maabuso o
gamitin sa mali. Tama lamang na maniwala na ang Diyos ang nagtakda ng iyong
kapalaran, kung ating tatanggapin na ang Diyos ay maaaring magpasya na
kailangang iahon natin ang ating sarili sa kahirapan sa pamamagitan ng
pagsisikap."Manalangin sa Diyos, ngunit patuloy pa ring sumagwan patungo sa
katihan," isang kasabihan ng mga Ruso, na nagpapakita na tayo ay nasa mga
kamay ng Diyos, ngunit mayroon rin tayong pananagutan sa ating mga sarili.

Tayo ay nilikha na mayroong mga kakayanan at abilidad: upang mamili, upang


makipagtulungan, upang maging maayos para sa ikauunlad ng antas ng ating
mga buhay; hindi natin dapat gamitin ang Diyos o si Allah upang huwag ng
kumilos pa. Iyan ay masama tulad ng isang sumpa mula sa Diyos. Marapat na
ating purihin ang Diyos at gamitin ang angking kakayanan na nagmula sa Kanya.

Sa laban kontra sa kahirapan, ang isang tagapagpakilos ay gumagamit ng


panghihikayat at pagpupuri, upang ang mga tao ay (1) magkaroon ng
kagustuhan at (2) at matuto kung papaano ang gagawin ─ sa tamang
pagpapatakbo ng kanilang sariling mga buhay.

Hindi Mapagkakatiwalaan:

Higit pa sa usaping moral ang naganap kapag ang mga dapat magamit na mga
bagay para sa serbisyo o pasilidad ng isang pamayanan ay napunta lamang sa
bulsa ng mga taong nasa kapangyarihan. Sa ,ga serye ng pagsasanay na ito,
hindi natin binibigyan ng husga kung ito ba ay tama o mali. Atin lamang
ipinupunto na ito ay isa sa mga malaking dahilan ng kahirapan. Kawalan ng
tiwala sa mga taong dapat ay binibigyan ng tiwala, mga taong nasa poder at
kapangyarihan. Ang halaga na ninakaw sa masa, na siyang najuha at tinatamasa
ng taong kumuha, ay malayo kaysa sa pagliit ng kayamanan na siyang dapat na
nakalaan para sa masa.

Ang halaga ng salapi na sapilitang kinuha o kaya ay winaldas ay hindi ang


halaga ng pagpapababa ng kayamanan para sa isang pamayanan. Sinasabi ng
mga Ekonomista ang tungkol sa "multiplier effect" o epektong-
pangmaramihan. ito ay ang katotohanang higit pa sa bagay na kapalit ng salapi
o bagay na ipinunla sa isang pamayanan ang makukuha, sapagkat ang ekonomiya
mismo ang siyang magkakaroon ng positibong epekto sa ginawang pagpupunla.
Kapag ang ipinunla na salapi o bagay ay inalis ng tuluyan sa sirkulasyon ng
pagpupuhunan, ang halaga ng kayamanan na naialis sa pamayanan ay higit pa sa
halaga ng nakuha ng isang nagwaldas. Kapag ang isang tauhan o opisyales ng
pamahalaan ay kumuha ng 100 pisong suhol, ang puhunan para sa
pangkalahatan ng pamayanan ay nababawasan ng hanggang 400 piso para sa
kayamanan ng lipunan.

Nakalulungkot isipin na tayo ay nagagalit kapag ang isang simpleng


magnanakaw ay nanguha ng 10 pisong halaga ng bagay mula sa isang palengke,
samantalang ang isang opisyal ng pamahalaan ay nakapagnanakaw ng libo-libo
hanggang milyung-milyong pisong halaga ng salapi mula sa kaban ng bayan. Ang
halagang nananakaw na ito mula sa kaban ng bayan ay may katumbas na apat
na beses na pagkasira sa lipunan sa kabuuan, ngunit hindi natin sila napapansin
o nahuhuli kaya. Iyan ay sapagkat ating iginagalang, pinangingilagan ang mga
ganitong uri ng tao dahil sa kanilang kayamanan at madalas nga ay pinupuri pa
nating sila kapag sila ay nakakatulong sa kanilang mga kamag-anakan o
kababayan. Sa isang simpleng magnanakaw, pulis ang ating inaasahan upang
sila ay mahuli, samantalang sa isang magnanakaw na opisyales ay halos 'bulag'
ang ating hustisya.

Ang mga ganitong opisyales na hindi mapagkakatiwalaan ang siyang malaking


dahilan ng kahirapan samantalang ang simpleng magnanakaw ay isang biktima
ng kahirapan na gawa ng opisyales na hindi magnanakaw. Ang nabanggit na
sitwasyon ay higit pa sa isang nakalulungkot na kaisipan; iyon ay isang sangkap
na nagpapatagal ng kahirapan. Kapag ating binibigyang gantimpala (sa
pamamagitan ng pagtingala sa kanilang estado sa buhay bilang mayaman) ang
mga magnanakaw sa gobyerno na siyang malaking sangkap ng kahirapan, at
pinarurusahan lamang ang mga maliliit na magnanakaw (na siyang tunay na
biktima ng mga pangyayari), tayo ay may pag-uugali na siyang lalong
nagpapalala ng kahirapan. Kapag ang ninakaw na pera ng bayan ay inilabas ng
bansa at inilagak sa isang dayuhang (halimbawa ay sa mga Swiso) bangko, hindi
na ito nakakatulong sa pambansang ekonomiya; tinutulungan lamang nito ang
bansang nagpapatakbo ng mga naturang mga bangko.

Pagiging Palaasa:

Ang pagiging palaasa ay nagiging bunga ng pagtanggap ng limos o awa. Kung


minsan, ang pagtanggap ng limos ay hindi masama, kung ito ay nagaganap para
sa panandaliang pagsagip ng buhay. Ang halimbawa ay kung makalipas ang
isang sakuna o kalamidad. Ngunit kung ang pagtanggap ng limos ay gaganapin
sa mahabang panahon, ito ay maaaring makasama ng tuluyan sa tumatanggap,
at lalo lamang nagpapalaganap ng kahirapan.

Isang ugali, o paniniwala na ang kung ang isang tao ay napakahirap at walang
kakayanan at hindi niya kayang tulungan ang kanyang sarili ay kailangang
umasa na lamang siya sa tulong mula sa ibang tao. Ganoon rin ang nangyayari
sa isang lugar na may kahalintulad na ugali o paniniwala. Ang malungkot, ang
ganyang ugali at ang magkakaparehong maling paniniwala ang siyang
pinakamalaking katwiran sa sarili upang mapanatili ang antas ng tao o grupo ng
tao na umasa na lamang mula sa tulong ng iba.

Marami pang ibang mga dokumento at sulatin sa web site na ito na


tumatalakay sa pagiging palaasa Tignan: Pagiging Palaasa, at Paglantad ng mga
Nakatagong mga Pagkukunan. Kapag ipapakita kung papaano gagamitin ang
paglalahad ng mga istorya o kuwento upang mas mainam na maiparating ang
mga mahahalaganag mga prinsipyo o paniniwala ng pag-unlad, tignan ang
istorya ni Mohammed at ang Tali. Ito ay ginagamit bilang isang magandang
pagpapakita ng prinsipyo na ang tulong ay hindi dapat isang uri ng limos na
maaaring magpahina ng kakayanan, at mas lalong maghikayat ng pagiging
palaasa. Ang dapat na tulong na binibigay ay iyung nagbibigay-kapangyarihan.

Ang metodolohiya ng pagbibigay-kapangyarihan sa isang pamayanan ay isang


alternatibo o kapalit sa pagbibigay-limos (na nagpapahina). Ito ay nagbibigay
tulong o asistiya, kapital at pagsasanay na nakatuon sa mga may maliliit na
kitang mga pamayanan, pagkilala ng kanilang mga pagkukunan-yaman at
sariling-pagpapatakbo ng kanilang sariling kaunlaran--pagiging may-
kapangyarihan sa madaling salita. Madalas, kapag ang isang proyekto ay
nakatuon sa pagpapakilala at pagpapa-unlad ng pagtayo sa sariling mga paa ng
isang pamayanan sa pamamagitan ng pagpapataas ng kaalaman at kamalayan ng
mga tao, inaakala na ang proyekto ay dumating para lamang sa pagpapatayo o
paglalagay ng isang pasilidad o serbisyo sa isang pamayanan.

Bilang isa sa mga limang-malalaking sangkap ng kahirapan, ang pagiging palaasa


ay isa sa mga pinakamalapit na inaalala ng isang tagapagpakilos sa isang
pamayanan.

Kabuuan:

Itong limang sanhi ay hindi nagsasarili sa bawa’t isa. Ang karamdaman ay


tumutulong sa kamangmangan at kawalang-damdamin. Ang panlilinlang ay
tumutulong sa karamdaman at pagpapakalinga. Kapwa sila tumutulong sa
bawa’t isa.

In any social change process, we are encouraged to "think globally, act


locally." The Big Five factors of poverty appear to be widespread and deeply
embedded in cultural values and practices. We may mistakenly believe that
any of us, at our small level of life, can do nothing about them.

Huwag malungkot o mawalan ng pag-asa. Kung ang bawat isa sa atin ay


magkakaroon ng sariling paglalaan upang malaban ang kahirapan sa kahit anong
mukha nito sa ating buhay, tayo ay makapag-aambag upang mapuksa ang mga
sangkap ng kahirapan na nabanggit para sa tunay na tagumpay laban sa
kahirapan. Ito ay sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng paggawa ng
bawat tao na may parehong layunin, isama pa ang epekto nito na makikita sa
ibang mga tao na maaaring tumulad sa ating mga ginagawa para sa iisang
layunin: pagpuksa ng kahirapan.

Ang mga materyales ng pagsasanay sa web site na ito ay nakatuon sa


pagpapaliit ng antas ng kahirapan sa dalawang antas, (1) pagpapababa ng
kahirapan sa pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakilos ng mga tao o grupo
ng tao sa isang pamayanan upang sila ay magkaisa, bumuo kilusan at kumilos
para sa sama-samang pagkilos ng pamayanan, at (2) pagpapababa ng kahirapan
sa sarili sa pamamagitan ng paggawa upang magkaroon ng pagkakakitaan sa
pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga maliliit na negosyo.

Ikaw, bilang isang tagapagpakilos ay nasa isang mahalagang posisyon upang


magkaroon ng epekto sa limang-malalaki na mga sangkap ng kahirapan. Sa
paggamit ninyo ng inyong mga kasanayan at pagpapakilos para sa pagpapababa
ng kahirapan, makakasiguro kayo ng inyong mabuting layunin, makapipigil sa
mga taong may masamang layunin upang sirain ang mabuting kaayusan, at
makapanghihikayat kayo sa tamang paraan sa mga kalahok na tao upang
subukang magamit nila ang mga kasanayan sa paglaban sa mga sangkap ng
kahirapan.

Ang limang malalaking mga sangkap ng kahirapan (bilang isang problemang-


pangkalahatan) ay naglalaman ng : kawalang-kaalaman, sakit, kawalang-
pagpapahalaga, hindi mapagkakatiwalaan at pagiging palaasa.

Ang mga ito, sa isang banda, ay nagpapalala sa pangalawang mga sangkap ng


kahirapan tulad ng kawalan ng palengke o lugar na mapagnenegosyuhan,
kawalan ng mabuting mga inprastraktura (mga daan, tulay, gusali), mahinang
pamumuno, masamang pamamahala, kawalan ng trabahong may tamang
pasahod, kawalan ng mga kasanayan, kawalan ng perang gagamiting kapital at
marami pang iba.

Ang solusyon sa pangkalahatang suliranin sa kahirapan ay ang pangkalahatang


solusyon sa pag-alis ng mga sangkap ng kahirapan.

––»«––

Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga
pag-aaring materyal o salapi.[1] Ang absolutong kahirapan ang kalagayan o katayuan ng hindi
pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o
basikong mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na
tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan.[2][3] Ang relatibong
kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas
kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing
sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay
maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon,
ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak ng mga
propesyonal na pang-edukasyon at pangkalausugan..

Mga teoriya sa sanhi ng kahirapan[baguhin | baguhin ang batayan]


Estados Unidos[baguhin | baguhin ang batayan]
Sa Estados Unidos, ang dalawang magkatunggaling mga paliwanag ng sanhi ng kahirapan ang mga
paliwanag na indibdwalistiko at istruktural. Ayon sa paliwanag na indibidwalistiko(pagsisi sa biktima)
sa loob ng Estados Unidos, ang isang tao ay mahirap dahil sa mga personal nitong katangian[26] na
kinabibilangan ng katamaran, kawalang motibasyon, mga lebel ng edukasyon at iba pa. Ang isang
bersiyon ng paliwanag na ito ang kultura ng kahirapan na nagsasaad na ang mga taong mahirap ay
may isang ibang hanay ng mga pagpapahalagang kultural na nagsasanhi sa kanilang maging
mahirap. Ang mga taong nasa mahirap na pamilya ay inilalarawan ng ilan na nagpapakita ng mga
saloobin ng pagsuko at pagsasatadhana sa kapalaran. Ang paliwanag na istruktural(pagsisi sa
sistema) na sumusunod sa teoriya ng alitan ay nagsasaad na ang kahirapan sa Estados Unidos ay
nagmumula mula sa kawalan ng pantay na ekwalidad at kawalan ng mga trabaho. Kabilang sa mga
problemang ito ang diskriminasyon sa lahi, etnisidad, edad at iba pa. Ayon sa sosyologong si Fred
Block at iba, "ang karamihan sa ating mga patakaran ay hindi tamang nagpapalagay na maiiwasan
ng mga tao o malalabanan ang kahirapan sa pamamagitan lamang ng pagsusumikap. Ngunit ang
pagpapalagay na ito ay hindi pumapansin sa mga realidad ng ating nabibigong mga paaralang
urbano, pagtaas ng mga kawalang kaseguraduhan sa pagtatrabaho, at kawalan ng makakayang
pabahay, pangangalagang pangkulusugan at pangangalagang pambata. Hindi nito pinapansin ang
katotohanan na ang Pangarap na Amerikano ay mabilis na nagiging hindi matatamo para sa
papalaking bilang mga Amerikano kahit pa may trabaho o wala".

Mga umuunlad na bansa[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa mga mahihirap o umuunlad na bansa, ang ilang mga teoriya ng sanhi ng kahirapan ay nakatuon
sa mga katangiang pangkultura ng isang bansa bilang isang hadlang sa karagdagang pag-unlad.
Ayon sa ilang mga mananaliksik, ang pambansang mentalidad ay mismong gumagampan ng papel
sa kakayahan ng bansa na umunlad at kaya ay mabawasan ang kahirapan nito. Ayon kina
Grondona, Harrison at Lindsay, kung walang mga pagpapahalaga at mentalidad na nakatuon sa
pag-unlad, matatagpuan ng mga bansa na mahirap kundi imposibleng umunlad nang maigi at ang
isang uri ng pagbabagong kultural ay kailangan sa mga bansang ito upang mabawasan ang
kahirapan ng mga ito. Si Grondona ay nagtanghal ng dalawang mga kanais nais na sistemang
pagpapahala o mga modelong pang kaisipan na ang isa ay may mga pagpapahalaga na pumapabor
sa pag-unlad at ang isa ay may pagpapahalaga na sumasalungat sa pag-unlad. Ang tunay na
sistemang pagpapahalaga ay ay nagbabago at bumabagsak sa isang lugar sa pagitan ng dalawang
mga polo ngunit ang mga maunlad na bansa ay nahihilig na kumumpol malapit sa dulo samantalang
ang mga hindi maunlad na bansa ay kumukumpol malapit sa kabilang dulo. Tinukoy ni Grondona
ang dalawampung mga paktor na pangkultura kung saan ang dalawang mga sistemang
pagpapahalaga ay magkasalungat. Ang mga paktor na ito ay kinabibilangan ng mga bagay gaya ng
nananaig na relihiyon, ang papel ng indibidwal sa lipounan, ang pagpapahalagang inilalagay sa
paggawa, mga konsepto ng kayamanan, kompetisyon at panahon, at papel ng edukasyon. Ang mga
katangian ng mga sistemang pagpapahalaga ng hindi pag-unlad ang: pagsupil ng indibidwal sa
pamamagitan ng pagkontrol ng impormasyon at censorship, kasalukuyan/nakaraang panahong
orientasyon na may pagbibigay diin sa kadakilaan na kadalasang hindi makakamit na mga layunin,
paglapit ng mga pinuno na pumapayag sa mga ito ng mas madali at mas malaking korupsiyon, hindi
pantay na pamamahagi ng batas at hustisya(ang pamilya at mga koneksiyon ang pinakamahalaga)
at isang nagpapailalim na mentalidad sa loob ng mas malaking mundo.

You might also like