You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSITY


Imus Campus
Cavite Civic Center Palico IV, Imus, Cavite
 (046) 471-66-07 / 4366584
www.cvsu-imus.edu.ph

Department of Languages and Mass Communication


FILI 8: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PAGLALARAWAN

Kahulugan ng Paglalarawan
 Ang Paglalarawan ay isang diskurso na ang layunin ay ipamalas sa nakikinig o
bumabasa ang nakikita ng mata, ang naamoy ng ilong, ang nararamdaman ng balat
o ng katawan, ang nalalsahan ng dila o kaya naman naririnig ng tainga.
 Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na
larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit ng
tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita
ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o
nadarama. • napapagalaw at napaiikot din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni,
imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa.
 Anyo ng pagpapahayag na nagbibigay at nagpapakita ng anyo, hugis, kulay, at
katangiang nagpapapatingkad sa bagay, pook, tao, hayop, damdamin,at pangyayari.
 Maaaring ang inilalantad ay panlabas o panloob na katangian na maaaring kapareho
o kaibahan ng inilalarawan sa iba pang mga bagay.
 Lahat ng pagpapahayag na nagbibigay ng isang malinaw, tiyak, detalyadong
katangian ng mga bagay-bagay.

Uri ng Paglalarawan
A. Pangkaraniwan/obhektibo
 Paglalarawan na di kasangkot ang damdamin at opinyon ng manunulat
 Ayon lamang sa nakikita ng mata
 Pangkabatiran ang layunin
 Tiyak na impormasyon at katotohanan ang ginagamit na katangian
Halimbawa:
Noong huli akong dumalaw sa tahanan ni Tiya Pilar sa lalawigan ay ganito rin ang ayos ng
bakuran nila. Sariwa at malalago ang mga halaman, naghuhuni -han ang mga ibon sa sanga
ng punung- kahoy at nalalanghap sa hangin ang halimuyak ng mga bulaklak. Ang kanilang
malaking bahay sa loob ng bakod na mga alambreng may tinik ay halos wala pa rin
ipinagbago. Naroon din ang haw-la ng kanaryo na nagsabit sa bintana. Naroon din ang puno
ng halamang nakahalayhay sa may pagpanhik ng hagdanan. Kaytulin ng mga araw! Isang
taon na ang nakalipas ay parang hindi ko napansin.
B. Masining
 Ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na
larawan. Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat. Ibinibigay niya ang
isang buhay na larawan ayon sa kanyang namalas at nadama
 Ginagamitan ng tayutay na naglalayong pukawin ang guniguni ng bumabasa.
 Layunin ng manunulat na makaantig ng kalooban ng tagapakinig o bumabasa para
mahikayat silang makiisa sa naguniguni o naranasan nitong damdamin sa
inilalarawan
Halimbawa:
Si Rosing ay larawan ng tunay na kagandahan. Ang kanyang mga matang
nakikipagtimpalakan sa lamlam ng dapit-hapon,ang kanyang mala-rosas na pisnging
kinukulayan ng panahon lalo na’t matindi ang sikat ng araw,ang kanyang daliring parang
nililok ng kalikasan, ang lahat ng iyo’y sama-samang mga katangiang nagpatanghal sa
kanya.

Kasangkapan ng Masining na Pagpapahayag


a. Imahen/ Imijri /Paglalarawang-diwa
pampukaw sa pandama kaya dapat gamitin ang nararamdaman
b. Paghahambing o Metafor
malaki ang naitutulong sa paglilinaw
higit ang impak ng nararamdaman kung sa konkretong larawan naipahayag ang nailarawan
c. Pag-aangkop ng salita
Pinipili ang paggamit ng salita
d. Pagtatambis
paggamit ng mga tayutay,idyoma
nagpapakulay at nagpapaganda sa pagsasalita

Pagtatayutay
Ano ang tayutay?
Ang tayutay ay isang matalinghagang pahayag na nagbibigay ng mabisang kahulugan
upang lalong maging mabisa at makulay ang isang paglalarawan.
Ano ang mga uri ng tayutay?

1. Pagtutulad (Simile) – ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao,


pangyayari at iba pa. Gumagamit ng mga salitang tulad ng, gaya ng, para ng, kawangis,
atbp.
– di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga
salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.
Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Halimbawa :
 Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
 Si Menandro’y lobong nagugutom ang kahalintulad.
 Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
2. Pagwawangis (Metaphor) – katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito gumagamit ng mga
salita gaya ng sa pagtutulad.
- tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng
paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
 Siya’y langit na di kayang abutin nino man.
 Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
 Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
3. Pagmamalabis (Hyperbole) – lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao, hayop, bagay
at halaman
– Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay,
pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
 Gumuho ang mundo,uula ng apoy,maabot ang langit.
 Luluha ng dugo,maglabas ng pako,hihiga sa pera
 Masunugan ng palayan,bumaha ng pera ,maabo ang araw.

4. Pagbibigay-katauhan (Personification) – pagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay,


may buhay man o wala
– Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao – talino, gawi,
kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng
kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. ‘PERSONIFICATION’ sa Ingles.
Halimbawa:
 Hinalikan ako ng malamig na hangin.
 Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
 Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.

5. Pagpapalit-tawag (Metonymy) – mahabang pangungusap na isang salita lamang ang


katumbas
-Ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambingan
kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay “pagpapalit o paghalili.”

Halimbawa:
 Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.
 Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.
 Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Mga Hakbang Tungo sa Mabisang Paglalarawan


1. Maingat na pagpili ng paksa
2. Pagpili ng sariling pananaw
3. Pagbuo ng isang pangunahing larawan
4. Wastong pagpili ng sangkap
5. Maingat na pagsasaayos ng sangkap

You might also like