You are on page 1of 9

Aralin 8

EKO-AWIT
Pangkalahatang Ideya:
Mabigyang kahulugan ang Eko-Awit at masuri ito batay sa kaugnayan nito
sa kalikasan at makapagsagawa ng iba’t ibang adbokasiya na may kaugnayan sa
nasuring eko-awit. Ilalahad ang interpretasyon kung gaano pinapahalagahan ng
mga mag-aaral ang konsepto ng pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan.

Mga Layunin:
Sa pamamagitan ng talakay tungkol sa Eko-Awit, ang mga istudyante ay
inaasahang:
1. Mabigyang kahulugan at mga halimbawa ang awitin;
2. Masusuri ang eko-awit na may kaugnayan sa kalikasan; at
3. Makapagsagawa ng adbokasiya na may kaugnayan sa eko-awiting
sinuri.

Mga Kagamitan:
• Na-download na Modyul
• Gadget (Selpon, Laptop, Tablet—LOAD)
• Papel, ballpen, Lapis, Pangkulay
• Aplikasyong Pang-edukasyon (Google(Drive,meet,Moodle(LMS),
Facebook(Fbgroup), Messenger(GroupChat), Youtube
• Institusyonal na E-mail (personal)

Itinakdang Oras: 3 Oras

Aralin sa Pagkatuto:
EKO-AWIT
Awit ang tawag sa tulang nilalapatan ng himig at kinakanta ng taong may
tiyak na taas o baba ng boses. Ang awit o kanta ay binubuo naman ng liriko- ang
tawag sa pasulat na mga salitang ang tanging intension ay awitin o kantahin. Iba-
iba ang paksa na taglay nito. Katulad ng tula, ang awit ay kinikilala ring paraan ng
pagpapahayag n gating ninuno noon. Mayroon itong tiyak na mga gamit gaya ng
awit para sa pagpapatulog ng bata, sa pakikidigma, sa kasal, sa pag-aani ng palay
at iba pa. Sa ganang ito, hindi mailalayo na ginagamit din ang awit upang
ipagdiwang ang halaga at ganda n gating kapaligiran; ang ipabatid ang
kasalukuyang kalagayan ng kalikasan mula sa mapangwasak na teknolohiya at
pagbabagong panlipunan.
PAGSASANAY 1
Paraiso – Smokey Mountain

Return to a land called paraiso,


A place where a dying river ends.
No birds there fly over paraiso,
No space allows them to endure.
The smoke that screens the air,
The grass that's never there.

And if i could see a single bird, what a joy.


I try to write some words and create
A simple song to be heard
By the rest of the world.

I live in this land called paraiso, I


n a house made of cardboard floors and walls.
I learned to be free in paraiso,
Free to claim anything i see.
Matching rags for my clothes,
Plastic bags for the cold.

And if empty cans were all i have, what a joy.


I never fight to take someone
Else's coins and live with fear
Like the rest of the boys

Paraiso, help me make a stand.


Paraiso, take me by the hand
Paraiso, make the world understand
That if i could see a single bird, what a joy.
This tired and hungry land could expect
Some truth and hope and respect
From the rest of the world.
PAGSASANAY 2
Masdan Ang Kapaligiran - Asin
INTRO
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin.

Hindi nga masama ang pag-unlad


At malayo-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim.

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin


Sa langit, 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman.

Mayro'n lang akong hinihiling


Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan.

AD LIB
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan?

Bakit 'di natin pag-isipan


Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan.

Darating ang panahon, mga ibong gala


Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan
PAGSASANAY 3
Hangin - Asin

Korus
O, hangin (o, hangin)
Pinalaya mo ang aking damdamin
O, hangin (o, hangin)
Linutas mo ang aking mga suliranin

Hanging maitim ang nasa bayan


Likha ng usok sa pagawaan
Ito'y 'di mo masilayan.
Dito sa bundok at kabukiran

Punong kawayan ang aking nakikita


Buhay ng karamiha'y sa kanya gumagaya
'Di tiyak kung saan pupunta
Bawat galaw, hangin ang nagdadala

(Ulitin ang kuros)

Aking himig, inyong maririnig


Sa hangin na nasa paligid
Kasabay sa ibong nagliliparan
At kaluskos ng dahon sa palayan

Buhay ko'y katulad niya


Kung saan-saan napupunta
Dahil sa himig na aking dala
At sa hawak kong gitara

[Ulitin ang kuros]

O, hangin (oh oh)


PAGSASANAY 4
Anak ng Pasig - Geneva Cruz
(nilapatan ng musika ni Ryan Cayabyab)

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig


Nagisnan ang ilog na itim ang tubig
Lumaking paligid ang bundok na umuusok
Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay ng anak ng Pasig


Pa-swimming swimming sa itim na tubig
Playground lang ang bundok ng basura niyo
Musika'y ugong ng kotse at bangka niyo

Anak ng Pasig naman kayo


Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko
Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di niyo alam ang tinatapon niyo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Akala ko'y ganoon talaga ang mundo


Hanggang makakita ako ng lumang litrato
Di maniwalang Pasig rin ang tinitingnan ko
Kaibigan ano ang nangyari dito

Anak ng Pasig naman kayo


Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang llog ko
Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di niyo alam ang tinatapon niyo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Huli na ba ang lahat


Patay na ba ang ilog at dagat
Kapag pasig ay pinabayaan
Parang bukas ang tinalikuran

Anak ng Pasig naman kayo


Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko
Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di niyo alam ang tinatapon niyo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Anak ng Pasig naman kayo


May bukas pa ang ating mundo.
PAGSASANAY 5
Karaniwang Tao - Joey Ayala

Ako po'y karaniwang tao lamang


Kayod-kabayo, 'yan ang alam
Karaniwang hanap-buhay
Karaniwan ang problema
Pagkain, damit at tirahan

'Di ko kabisado 'yang siyensya


Ako'y nalilito sa maraming salita
Alam ko lang na itong planeta'y
Walang kapalit at dapat ingatan
Kapag nasira, sino ang kawawa

Korus
Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo
Karaniwang tao, anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan

Karaniwang bagay ay 'di pansin


Kapag naipon ay nagiging suliranin
Kaunting basura ngayo'y bundok
Kotseng sira ay umuusok
Sabong panlaba'y pumapatay sa ilog

May lason na galing sa industriya


Ibinubuga ng mga pabrika
Ngunit 'di lamang higante
Ang nagkakalat ng dumi
May kinalaman din ang tulad natin

[Ulitin ng dalawang beses ang korus]


Karaniwang tao [4x]
[Ulitin ang korus]
Karaniwang tao
[ulitin]
Mga Aktibidad sa Pagkatuto:
A. Kumalap ng 5 awit na may kaugnayan sa Isyung Pangkalikasan. (Onlayn
Diskusyon at pagkikritik)
B. Bumuo ng sariling katha na Eko-Awit at gawan ito ng bedyo presentation
bilang (Pinal na rekwayrment)

Ebalwasyon:
Pagsasanay A
Pag-unawa sa binasa
Para sa iyo, ano ang Paraiso? Ano-ano ang makikita sa tinatawag na
Paraiso? Isulat sa bawat kahon ang mga salita o mga ideyang maiuugnay sa
“Paraiso”.

Paraiso

Pagsasanay B
1. Ipaliwanag ang mensaheng nais ipahiwatig ng kantang pinamagatang
“Paraiso”.
2. Ano sa tingin mo ang pinakamalaking kalaban/kaaway ng Inang kalikasan?
3. Ano sa tingin mo ang kahihinatnan ng maga tao kapag tuluyan ng nasira
ang kalikasan?
4. Ano ang masasabi mo sa mga taong sumisira ng kalikasan?
5. Ano-ano ang maaaring solusyon upang hindi masira ang kalikasan?
6. Ano ang nakapaloob na mensahe sa awiting “Hangin”?
7. Gaano kahalaga ang hangin? Ipaliwanag.
8. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili na maging malinis ang hangin?
9. Ano-ano ang mga problemang makikita sa kanta?
10. Ano ang mensaheng nais ipinapalutang sa kanta?
11. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga dapat gawin upang masolusyunan ang
mga problemang pangkalikasan?
12. Ano ang ipapahiwatig sa huling linya ng kanta na “May bukas pa ang ating
mundo”?

Pagsasanay C.
Isulat sa bawat kahon ang mga problemang makikita sa kantang
“karaniwang tao”.

Problema

Mga Sanggunian:
Dizon, R.B. (2018). Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan. MUTYA
Publishing House. Inc.

You might also like