You are on page 1of 13

Ang mga Tribong Mangyan

Ang mga sumusunod ay ang walong tribong Mangyan:

1. Bangon

Ang mga Bangon ay matatagpuan sa tabi ng ilog Binagaw at sa kalapit na mga bundok nito. Ang lugar na
ito ay napapaloob sa mga bayan ng Bongabong, Bansud at Gloria sa Oriental Mindoro. Dati, ang mga
Bangon ay tinataguriang kabilang sa tribong Taobuid. Subalit sa isang pagpupulong na naganap sa Ogom
Liguma noong Marso 28, 1996 napagkasunduang kilalanin ang Bangon bilang isang hiwalay na grupo.
Ang desisyon na ito ay dahil sa mayroong sariling kultura, wika at paraan ng panunulat ang mga Bangon
na kaiba sa iba pang mga grupo.

2. Taobuid

Ang mga Taobuid ay kilala dahil sa kanilang paninigiralyo ng pipa, at ginagawa ito maski ng mga kabtaan
sa kanilang grupo. Sila ay matatagpuan sa mga bayan ng Socorro, Pinamalayan at Gloria sa Oriental
Mindoro, pero mas marami sa kanila ay matatagpuan as Occidental Mindoro.

3. Buhid

Ang mga Buhid ay mga kilalang tagagawa ng mga palayok; sa katunayan, ang mga tribong Mangyan na
Alangan at Hanunoo ay dating bumibili sa kanila ng mga ginagamit nilang palayok sa pang-araw-araw.
Ang salitang “Buhid” ay nanganaghulugang “mga naninirahan sa kabundukan”, at sila ay matatagpuan sa
mga bayan ng Roxas, Bansud, Bonagabong at sa ilang bahagi ng Mansalay sa Oriental Mindoro. Sila rin
ay matatagpuan sa mga bayan ng Roxas, Bansud, Bongabong; at sa mga bayan ng San Jose at Rizal sa
Occidental Mindoro.

4. Hanunuoo

Ang mga Hanunuoo ay mga sistema ng pagsusulat na tinatawag na Surat Mangyan na nagmula pa sa
mga panahon bago dumating ang mga Kastila. Ang sistema ng pagsulat na ito ay may ugat na Indic, at
isinusulat sa paraang pagpapantig. Ito ay tinuturo hanggang ngayon sa maraming paaralang Mangyan sa
Mansalay at Bulalacao.

5. Iraya

Ang mga Iraya ay isang tribong matatagpuan sa Puerto Galera, San Teodoro at Baco sa Oriental
Mindoro. Subalit, karamihan sa kanila ay nakatira sa Occidental Mindoro, sa mga bayan ng Mamburao,
Sta. Cruz, Abra de Ilog at Paluan. Ang kanilang karaniwang pagkain ay kanin, saging, kamoteng kahoy at
iba pang mga halamang-ugat.

6. Ratagnon

Karamihan sa mga Ratagnon ay matatagpuan sa Magsaysay, Occidental Mindoro. Gaya ng mga Bangon,
mayroon silang sariling wika na kahalintulad ng wikang Cuyunon na siyang ginagamit ng mga nakatira sa
Cuyo Island (sa hilagang bahagi ng Palawan). Ang mga Ratagnon ay karaniwang nagsusuot ng mga alahas
na may “beads”.

7. Tadyawan
Ang mga Tadyawan ay nakatira sa mga bayan ng Naujan, Victoria, Socorro, Pola, Gloria, Pinamalayan at
Bansud. Dati ay nagsusuot sila ng mga tradisyunal na kasuotang katulad ng sinusuot ng iba pang mga
tribong Mangyan. Subalit sa ngayon, karaniwang makikita ang mga Tadyawan na nakasuot ng mga
modernong damit. Katulad ng mga Iraya, ang karaniwan nilang pagkain ay kanin, saging, kamoteng
kahoy at iba pang halamang-ugat.

8. Alangan

Ang mga Alangan ay matatagpuan sa mga bayan ng Naujan, Baco, San Teodoro at Victoria sa lalawigan
ng Oriental Mindoro, at sa bayan ng Sablayan sa Occidental Mindoro.

You might also like