You are on page 1of 7

Panahon Bago ang kolonyalismo

Ayon sa teorya ni Propesor H. Otley Beyer, isang amerikanong antropologo, ang Filipino ay nagmula sa
tatlong pangkat ng tao.

1. Negrito (Ita)

galing Borneo naglakad sa mga tulay na lupa.

nagtungo sa Palawan Mindoro at ilang bahagi nf Mindanao.

pandak, maitim, pango ang ilong, makakapal ang labi, kulot na kulot at itim ang kanilang buhok.

pagala-gala upang humanap ng pagkain, at pangingisda at pangangaso ang pangunahing ikinabubuhay.

2. Indones

itinulak ang mga negrito sa kabundukan.

dumating sa kapuluan gamit ang mga bangka.

2 Pangkat ng Indones

Indones A (8000 taon na ang nakakaraan)

may maputi at kayumangging balat, matatangkad, at balingkinitan ang pangangatawan, at matatangos


ang mga ilong.

Indones B (4000 taon ang nakakaraan)

mas madilim na kayumangging balat, malalaki ang mga panga, makakapal ang labi, malalaki ang ilong at
bilog ang mga mata.

3. Malay

nagdala ng maraming kultura na naging dahilan upang maging katutubong kutura ng bansa.

2 Pangkat

Malay A (200 bago namatat si kristo at 100 pagkamatay ni kristo)

nagdala ng paniniwalang pagano at mga awiting panrelihiyon.

Malay B (100-1300 taon pagkamatay ni kristo)

may dalang wika, awiting bayan, kwentong bayan, mga alamat, at mga karunungang bayan.

mga ninuno ng tagalog, bisaya, at ilokano

nagdala ng baranggay at may pamahalaan at batas.


nabuhay sa pagsasaka, pagmimina, at pagpapanday at paggawa ng mga kagamitang yari sa bakal.

Iba pang mga teorya:

Austronesian

pinaniniwalaan na ang lahing Pilipino ay nag-ugat sa Austronesian (South China)

may maunlad na kaalaman sa agrikultura at paglalayag.

pinaniniwalaang pinaghalong lahing mongoloid o taong madilaw at Austronoid o taong maitim.

Taong Tabon

itinuring na pinakaunang tao sa Pilipinas

kabilang sa Homo Sapiens (taong-nag-iisip)

nanirahan sa yungibvnoong panahon ng lumang bato.

Epekto sa Pagdating ng Iba't Ibang Tao sa Pilipinas:

Hybrid o resulta ng paghahalu-halo ng lahi at kultura.

Intermariage o pagpapakasal sa iba't ibang lahi.

Naging kakaiba ang mamamayang Pilipino sa aspektong kuktural at maging pisikal.

Pakikipag Ugnayan Sa Mga Tsino

PAKIKIPAG-UGNAY SA MGA TSINO*Batay sa mga kasulatan,ang kasulatan, ang Pilipinas at Tsina ay may
kalakalan na noon pa mang ika-9 na dantaon.*Nakilala ng mga Tsino ang katapatan ng mga Pilipino sa
pakikipagkalakalan nila rito.*Dumarating ang mangangalakal na Tsino sa Gulpo ng Lingayen,Look ng
Maynila at Sulu. Ipinagpapalit ng mga Pilipino ang mga kalakal nila tulad ng ginto,perlas ,kapok ,abaka
,pagong at bird's nest, sa seda, porselana,ganges(gong),payong at abaniko ng mga Tsino. Ugnayang
Pilipino at Tsino

Nagsimula ito noong 960 AD. Dumating sa bansa ang mga Tsino dala ang mga sari-

saring paninda tulad ng lata, porselana, bakal, karayom, seda at tingga.


Ipinagpalit ng mga Tsino ang kanilang mga kalakal sa mga produkto ng mga katutubong mangangalakal sa
iba't ibang pulo.

Ang mga produkto ng mga sinaunang Pilipino ay bulak, ginto, perlas, sibuyas, banig at kakaw.

BARTER ang tawag sa sistema ng kalakalan noong sinaunang panahon.

Paglipas ng panaho, ang mga mangangalakal na Tsino ay nagtayo ng kanilang pamayanan sa mga
baybayin ng kapuluan. Ang iba ay hindi na nagbalik sa China at tuluyang nanirahan at nakapag-asawa sila
ng babaing katutubo. Dahil dito, nagsimulang mahaluan ng kulturang Tsino ang kulturang Pilipino.
Natuto ang mga Pilipino sa paggamit ng porselan, payong, pilak at ang paggawa ng pulbura.

Ang camisa de chino at maluwang na salawal ng mga babaing muslim ay impluwensya rin ng mga Tsino.

May mga salita ring galing sa mga Tsino tulad ng pansit, mangkok, susi, gusi, tinghoy aty siyanse.

May mga kaugalian din ang mga Pilipino na impluwensya ng mga Tsino. Ilan sa mga ito ang paggalang sa
matatanda, pagbubuklod ng pamilya, pagsamba sa kaluluwa ng mga ninuno, pagkaroon ng
tagapamagitan sa pamamanhikan at pakikipagkasundo ng mga anak upang makapag-asawa.

May mga pagkaing Tsino na natutuhag kainin ng mga Pilipino tulad ng pansit, lugaw, siopao, siomai,
kikiam, ampaw at iba pa.

Mga Salitang Hiram sa wikang tsino:

bimpo, bakya, hikaw, susi, kuya, bayaw, inso, buwisit, pakyaw, diko, mangkok, talyasi
Panahon ng Hapon (1942-1945)

gintong panahon ng panitikang Pilipino

panahon ng ikalawang pandaigdigang digmaan (world war II)

Layunin:

Palawakin ang teritoryo.

Para lumaki ang produksyon at kinakailangang magkaroon ng pamilihan ang kanilang mga kalakal.

Naghahabap ng mga likas na yaman.

Pamamaraan:

Pinag-aralan kung papaano makukumbinsi ang mga opisyal ng Pilipinas.

Inalam ang layunin ng mga Pilipino (ang makamtan ang kalayaan mula sa Amerika at Espanyol) upang
isulong diumano ang kasarinlang ito.

Mga Pagbabago sa bansa:

Lipunan

Maraming kababaihan ang nilapastanganan at ginawang libangan ng mga hapon.

Ang mga kalalakihang naparatangan ng pagiging gerilya ay inilayo sa kanilang mga pamilya at ikinulong sa
mga garrison, at pinahihirapan hanggang sa mamatay.

Pulitika

Inilunsad ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas)


Puppet Government o sunod-sunuran ang mga opisyal sa kagustuhan ng Japan.

Pang-Ekonomiya

Lumaganap ang kahirapan dahil sa pagtigil sa mga manggagawa at magsasaka sa pagtatrabaho ta pagtaas
ng presyo ng mga bilihin.

Mickey Mouse Money (gurami) dahil mahina o marupok ito.

Pang-Kultura

Bawal ang pagpapalimbag ng babasahing Ingles at wikang tagalog ang ipinaturo.

Nagpalabas ng dokumentaryo tulad ng The Dawn Of Freedom tungkol sa pagwawagi ng hapones sa


Bataan at Corregidor.

Pinatugtog ang "Awit sa Paglikha ng Bagong Pilipinas" kapalit sa Lupang Hinirang.

Edukasyon

Pagsupil sa mga kaisipang kanluranin at pagtuturo ng wikang Niponggo at pagtataguyod ng pagmamahal


sa paggawa.

Mga Salitang Hiram:

Jack-en-poy

Katol

Tansan

Karate

Karaoke

Mga Salitang Hiram: (Espanyol taranggalon)

Apellido- apelyido

Cuenta- kwenta

Siempre- siyempre

Fiesta- pista

Toalla- tuwalya
Tatlong Pangunahing Layunin: (Amerika)

1. Layuning Pulitikal

upang mapalawak ang lupaing sakop at magsimula ng bagong Pilipinas.

2. Layuning Pang-Ekonomiya

upang makapagtatag ng mga pamilihang Amerikano at mapagkunan ng hilaw na mga sangkap.

3. Layuning Panrelihiyon

upang maipalaganap ang Protestantismo sa kalakhang-Asya at maging pahingaan din ng mga misyonero.

Mga Salitang Hiram:

Reporter

Editor

Alto

Memorandum

Champagne

Taxi

Mga Sanggunian:

Aklat: Araling Panlipuna-Pilipinas bilang Isang Bansa.p.50-134-baitang 5

https://www.networks.upou.edu.ph/6688

https://www.scribd.com>doc.>mga sinaunang tao sa pilipinas

hekasi1-7.weebly.com

https://Slideshare.net>ang panakop ng mga hapones

You might also like