You are on page 1of 42

Mga Parirala sa Loob

ng Pangungusap
Parirala
• Ang Parirala ay ang pinagsama-samang salita na walang simuno o
panaguri. Walang buong diwa. Ito ay tinatawag na Phrase sa wikang
Ingles.
• Halimbawa: "ang pagmamahalan nila ng kanyang kasintahan“
• Pangungusap: Ang tanging pinahahalagahan ni Cindy ay "ang
pagmamahalan nila ng kanyang kasintahan.“
Mga Parirala sa Loob ng
Pangungusap
• Sa pagsasangkap ng mga salita, parirala, at sugnay sa isang
pangungusap, tungkulin ng retorika na isaalang – alang ang:
• (1) pagkakasunud – sunod ng mga parirala o sugnay ayon
sa panahon
• (2) paralelismo, at
• (3) wastong gamit ng mga pangatnig
• Ang ganitong mga paraan ay nakakatulong pa rin sa paglikha
ng kaisahan, diin o emphasis, at pagkakaugnay o kohirens
Ayon sa panahon
• Ang pagkakaugnay – ugnay ng mga bahagi ayon sa
panahon ay umaalinsunod sa kronolohikal na
pagkakasunud – sunod ng mga kilos at mga pahayag at
mga pangyayari. Bawat kilos o mga pangyayari ay
umaalinsunod sa takbo ng orasan o panahon at
ipinahayag sa paraang pasalaysay.
Mga Halimbawa:
• Maaga siyang bumangon, lumabas sa banyo,
naghilamos doon, saka nagtuloy sa kusina at naghanda
ng aalmusalin.
• Binuksan niya ang cabinet ng mga damit, pumili ng
isusuot, saka isinarang muli iyon.
• Huminto ang bus sa pinaghihintayan niya saka siya
sumakay at naupo sa upuang malapit sa bintana.
Mga Halimbawa:
• Sa pagkarapa ko’y una niyang inabot ang dalawa kong
kamay, pagkuwa’y hinatak akong patayo saka pa ako
hinayaang makatayo nang Malaya.
• Ikapito ng umaga nang ako’y magising, mag-iikawalo na
nang matapos kumain at ganap nang ikawalo’t kalahati
nang lumabas ng aming bakuran.
• Tumugtog ang orchestra, nagsitayo ang mga binata,
lumapit sa mga dalaga at inanyayahan ang mga iyong
makipagsayaw.
Gawain:
• Sumulat ng limang (5) pangungusap na isinasaalang-
alang ang pagkakasunud – sunod ng mga parirala o
sugnay ayon sa panahon.
Ayon sa pag-aagapay o
paralelismo
• Ang paraang ganito ay nakatuon kaagad sa pag-
aagapay na nagbibigay ng himig ng pag-uulit. Ang
paraang pag-uulit naman ay nakakatulong sa
pagbibigay-diin o emphasis. Sa ayos na ganito, ang
pinag-aagapay sa isang bahagi ng pangungusap ay
may magkatulad na estruktura, maaaring kapwa
pandiwa, kapwa pangngalan, kapwa pang-uri, kapwa
pariralang magkauri
Mga Halimbawa:
• Ang lahat ng ginawa nina del Pilar, Rizal, at Bonifacio, ay
para sa bayan at para sa mamamayang Pilipino. (pariralang
pang-ukol)
• Kailangan ng isang makata ang pagyakap sa tradisyon ng
panitikan at tradisyon ng bayan. (pariralang pang-ukol)
• Ibig niyang ang kanyang mga tula ay makapukaw ng
damdamin at makalikha ng mga larawang-diwa. (pariralang
pawatas)
• Ang musikang Pilipino ay tagapaglahad ng sariling
damdamin at tagapaghatid ng kulturang katutubo.
(pariralang pangngalang-diwa)
Mga Halimbawa:
• Ang ating bansa ay may mahinang ekonomiya, may
estadong maliit ang kakayahan at may ibang problemang
nagpapabagal sa pag-unlad. (pariralang binubuo ng pangngalan at pang-uri)
• Kailangan nating magtipid, mag-impok at magsikap.
(magkakaagapay na mga pandiwang banghay sa iisang uri ng panlapi at may iisang
aspekto)

• Ang libangan niya’y pananahi, pagbuburda, at


paghahalaman. (pariralang pangngalang-diwa)
• Ang kaibigan niya’y tunay na kahanga-hanga, kagalang-
galang at kapita-pitagan. (pariralang binubuo ng pang-uri)
Mali ang pag-aagapay o walang paralelismo ang mga
estruktura kung gagamitin natin ang ganito

• para sa bayan at tungkol sa mamamayan


• tradisyon ng bayan at sinusunod sa panitikan
• Makapukaw ng damdamin at lilikha ng mga larawang-
diwa
• tagapaglahad ng sariling damdamin at naghahatid ng
kulturang katutubo
• Magtipid, mag-iimpok at sisikapin
• pananahi, nagbuburda at nagtatanim ng halaman
Pag-ukulan ng pansin:
• 1. Umaayon sa wastong pag-aagapay o paralelismo ang pagsasama-
sama ng tungkol sa iyo.
• pariralang pang-ukol; para sa tao at para sa bayan; tungkol sa akin at
tungkol sa iyo.
• pariralang pawatas: magtanim ng puno at mag-alaga ng mga hayop;
bumili ng coke at humingi ng straw.
• pariralang pangngalang-diwa: paglalakbay sa ibang bansa at pagtuklas
ng mga karunungan; pagsulat ng tula at paglikha ng kuwento.
• Pariralang binubuo ng pangngalan at pang-uri: maaliwalas na gabi at
mabuting langit; dakilang bayani at banal na layunin; puting bulaklak at
luntiang dahon.
Pag-ukulan ng pansin:
• 2. Magkakauring mga salita.

• Mga magkakaagapay ng pangngalan: pangarap at pag-asa; tubig at


langis, tinta at papel; karayom at sinulid.

• Magkakaagapay na mga pandiwang banghay sa isang uri ng panlapi at


may iisang aspekto: magsayaw, magbasa, magkuwento; kumakain,
ngumunguya, umiinom; basahin, unawain, suriin.
Gawain:
• Sumulat ng limang (5) pangungusap na isinasaalang-
alang ang pag-aagapay o paralelismo.
Ayon sa gamit ng wastong pangatnig
• Ang wastong paggamit ng mga pangatnig ay nakakatulong sa pagkakaroon ng kohirens o
pagkakaugnay ng mga kaisipan. Nagiging malinaw ang daloy ng pahayag dahil sa mga
ito. Kailangang malaman kung anong mga pangatnig ang dapat gamitin para sa
pagbibigay ng tunay na kahulugan.

• (a) Sa magkasulangat na kaisipan: ngunit, datapwat, subalit.


• Ibig niyang magtungo sa Mindoro ngunit ayaw pumayag ng kanyang ina.
• Mag-aalsa na sana ang mga Katipunero subalit natuklasan ang kanilang lihim na
kilusan.
• Nagmamadali ang binata para makaalis datapwat hindi na siya inabot ang tren sa
istasyon.
Ayon sa gamit ng wastong pangatnig
• Ang wastong paggamit ng mga pangatnig ay nakakatulong sa pagkakaroon ng kohirens o
pagkakaugnay ng mga kaisipan. Nagiging malinaw ang daloy ng pahayag dahil sa mga
ito. Kailangang malaman kung anong mga pangatnig ang dapat gamitin para sa
pagbibigay ng tunay na kahulugan.

• (b) Sa magkatimbang na kaisipan: at, o, saka, at mga kauri.


• Ang tono o intonasyon at ang pagbigkas ang nakakatulong sa pagbibigay-buhay
ng tula.
• Ang galaw saka ang indayog ang nagpapahiwatig ng ritmo sa tula.
Ayon sa gamit ng wastong pangatnig
• Ang wastong paggamit ng mga pangatnig ay nakakatulong sa pagkakaroon ng kohirens o
pagkakaugnay ng mga kaisipan. Nagiging malinaw ang daloy ng pahayag dahil sa mga
ito. Kailangang malaman kung anong mga pangatnig ang dapat gamitin para sa
pagbibigay ng tunay na kahulugan.
• (c) Sa mga kaisipang nagbibigay ng mga kondisyon o pasubali: kung, kapag, sa
sandali
• Ang damdamin at pag-iisip ng tula ay makahulugan lamang kung tumutugma sa
kamalayan ng mambabasa.
• Laging nagigising sila sa madaling araw kapag tumutunog na ang kanilang alarm
clock.
• Matutupad na ang kanyang pangarap sa sandaling mabigyan siya ng iskolarsyip.
• Mapag-uusapan ang tungkol sa hatian sa lupa sakaling dumating na ang kapatid
na panganay.
Ayon sa gamit ng wastong pangatnig
• 3. Ayon sa gamit ng wastong pangatnig. Ang wastong paggamit ng mga pangatnig ay
nakakatulong sa pagkakaroon ng kohirens o pagkakaugnay ng mga kaisipan. Nagiging
malinaw ang daloy ng pahayag dahil sa mga ito. Kailangang malaman kung anong mga
pangatnig ang dapat gamitin para sa pagbibigay ng tunay na kahulugan.
• (d) Sa mga kaisipang nagbibigay ng mga dahilan o katwiran: dahil, sapagkat,
sanhi
• “Buwis” ang salitang gagamitin katumbas ng Ingles na “tax” dahil laganap na ang
salitang ito sa maraming wika.
• Kailangang magtipid sa paggamit ng tubig sapagkat sinasabing mababa na ang
tubig sa Angat Dam at sa La Mesa Dam.
• Magiging siyam na unit na para sa wikang Filipino ang kukunin ng mga
estudyante sa kolehiyo at Pamantasan sanhi ng bagong patakaran ng CHED.
Pag-ukulan ng pansin:
• May mga iba pang pangatnig na nag-uugnay ng mga kaisipan o
mga pangungusap. Ang mga ito’y nagpapahiwatig naman ng
pagbubuod, pagtatapos o pagwawakas. Malimit gamitin ang
mga pangatnig na ito – samakatwid, at sa wakas, bilang
kongklusyon, sa lahat ng ito – sa pagtatalupati at iba pang
paglalahad.
Halimbawa:
• 1. Habang higit na maraming nagawa o nilikha ang isang tao ay
lalo naming gumagaling at humuhusay. Samakatwid, lumantad
ang katalinuhan ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang mga
akomplisment, mga gawain, mga trabaho, at mga likha.
• Makibahagi ka rin sa sarili mong paghahaka upang umunlad
ang diwang Pilipino. Sa lahat ng ito, masasabi kong isang
mahalagang hamon ito.
• Nailalantad ang sariling pagkatao sa pamamagitan ng
paggawa. Bilang kongklusyon, uulitin ko ang sinasabi rin ng
ilang mga Pilipino: “Ipakita mo sa akin ang iyong mga gawa at
sasabihin ko sa iyo kung sino ka”.
McDO
Library
Party
Dehins sasama si utol
sa ating ganap bukas.
Tsikot na pula ang gamit
ni erpat kahapon.
Tom-guts na ako!
PARAAN NG PAGGAMIT
NG WIKANG FILIPINO
Paraan ng Paggamit ng Wikang Filipino

• Maraming paraan ang magagawa kung gagamitin


ang wikang Filipino sa pagpapahayag. Maaring
pormal at di pormal ang gamit ng mga ito.
Kapag pormal magiging…
• 1. pili ang mga salitang gagamitin,
• 2. may pagka seryoso sa tono,
• 3. iniiwasan ang paggamit ng padaglat na pahayag na tulad ng
lang, utol, pare, mare,
• 4. iniiwasan ang mga pamilyar na twag na tulad ng itay, inay,
aking ate at kuya, kasi, okey lang, dehins, at mga kauri nito,
• 5. Hindi gumagamit ng mga salitang kalye tulad ng yosi, dehins,
at mga kauri nito.
Kapag pormal magiging…
• Sa pormal, ang mga gagamiting salita ay lamang, kapatid,
kumpare, kumara, ama, ina, aking mga kapatid, sapagkat, tama
lamang, higit na tama, salapi, bibig, sigarilyo, hindi.
• Ang mga salitang impormal na nabanggit ay magagamit lamang
kung ang mga ito ang paksa ng isang pormal na pagsulat. Sa
pormal na pagsulat, karaniwang malawak ang saklaw at higit na
makabuluhan ang paksa.
Antas ng wika…
• May iba-iba pa ring antas ang wika, may iba-iba ring
rehistro. Ang antas ang nagpapakila ng uri ng wikang
ginamit; kung minsa’y nagpapakilala rin ito sa
pinanggagalingang lugar ng nagpapahayag, kung
minsa’y nagpapahiwatigng kasanayan at kakayahang
bunga ng pagbabasa at edukasyon; kung minsa’y
dahilan sa impluwensiya ng mga kasamahan
Antas ay maaaring…
• 1. pampanitikan o literary, na bunga ng katutubong kakayahan at
kasanayan sa paggamit ng malikhain at makahulugang pananalita;
• 2. kolokyal, na bunga rin ng kasanayan sa paggamit ng mga pang-
araw-araw na salita ng komunikasyon;
• 3. lalawiganin, kung impluwensiya ng lalawigang pinanggalingan; at
• 4. balbal, na bunga ng pinagmulang lugar na karaniwa’y
pinakamababang antas ng lipunan o maaari naming impluwensiya
ng mga kabataan, o particular na grupo, na lumilikha ng sarili nilang
wikang may kakaibang tunog at appeal.
Pampanitikan o literary
• Pinakamayamang uri
• Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan
• Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto
• Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang “kapatid
na babae ng kasaysayan,” ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan
ay makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang lumikha ng
piksyunal o kathang isip.
• Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang
nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang
pampanitikan.
Mga halimbawa ng Pampanitikan o literary
• Mabulaklak ang dila Mahusay magsalita
• Di-maliparang uwak Malawak
• Kaututang dila Kakwentuhan
• Balat sibuyas Maramdamin
• Taingang kawali Nagbibingi-bingihan
• Nagbukas ng dibdib Nasabi ng saloobin
Kolokyal
• Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa
pormal na mga salita.
• Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit
maaari rin naming maging repinado batay sa kung sino ang
nagsasalita gayon din sa kanyanf kinakausap.
• Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang-alang dito ang
salitang madaling maintindihan.
Mga halimbawa ng Kolokyal na salita
• Alala
• Lika
• Naron
• Kanya-kanya
• Antay
• Lugal
Lalawiganin
• Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawiganin
gaya ng mga Cebuano, Batangeno, Bicolano, at iba pa na may
tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita
• Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent
• Salitang ginagamit ng mga tao sa isang particular na pook.
Mga Halimbawa ng mga salitang Lalawiganin

KAIBIGAN HALIK
TAGALOG KAIBIGAN TAGALOG HALIK
ILOKANO GAYYEM ILOKANO UNGNGO
CEBUANO HIGALA CEBUANO HALOK
BIKOLANO AMIGA BIKOLANO HADOK
Pabalbal/Balbal
• May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na
pinakamababang antas ng wika.
• Mag salitang Pangkalye o Panlansangan.
• Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat
panahon ay may nabubuong mga salita.
• Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa
lansangan.
• Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla
na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap.
Mga halimbawa ng mga salitang Pabalbal/Balbal

PARAK PULIS
ESKAPO TAKAS SA BILANGGUAN
ISTOKWA NAGLAYAS
JUDING BAKLA
TIBOLI TOMBOY
TAONG MARAMING BALAHIBO SA
BALBONIK
KATAWAN
BROKEBACK LALAKI SA LALAKING RELASYON
Pambansa/Lingua Franca
• Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong
pangmadla.
• Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.
• Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng
sibilisasyon at kalakalan.
Mga halimbawa ng mga salitang
Pambansa/Lingua Franca
• Aklat
• Ina
• Ama
• Dalaga
• Masaya
• Katulong

You might also like