You are on page 1of 32

IBA’T IBANG

MATALINGHAGANG
PAHAYAG
YUNIT II
Mga kaisipang Angkop sa
Pagpapahayag
• Ayon kay Pangkalinawan (2004), ang wika ay salamin ng
kaisipan at saloobin ng tao. Sa pagpapahayag ng tao, pasulat
man o pasalita, wika ang gamit. Piling mga salita ang dapat at
yaong malapit sa kalooban ng manunulat. Nararapat ang
piniling mga salita upang matamo ay indayog ng
pagpapahayag.
Mga kaisipang Angkop sa
Pagpapahayag
• Ayon kay Trudgill, ang wika’y di lamang sa
pakikipagtalastasan o pagbibigay impormasyon, manapa ang
pahayag ay ginagamit upang mapanatili ang magandang
ugnayan, pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mg mambabasa.
Mga kaisipang Angkop sa
Pagpapahayag
• Ayon kay Dr. Ofelia Silapan at Prop. Ligaya Rubin (1999), “ang
kalinawan, kawastuhan at katiyakan sa pagsusulat at
pagsasalita ay natutupad kung sapat ang talasalitaan sa
pagpapahayag.” Sa lawak ng talasalitaan ng manunulat,
nagagamit at nagagawa niyang maiangkop ang mga salitang
ito sa anumang isinusulat o sinasabi.
Mga kaisipang Angkop sa
Pagpapahayag
• Ayon kay Badayos (1999), ang paggamit ng mga tayutay ay
nagsisilbing panghimok sa mga mag-aaral sa pagbibigay ng
masining na paghahambing ng mga bagay o pangyayari.
Tayutay ang kadalasang gamit upang mapaganda ang
anumang pahayag, pasulat man o pasalita dahil itinatago
nito ang tunay na diwa ng salita/pahayag.
Mga kaisipang Angkop sa
Pagpapahayag
• Ayon kay Sebastian (1956) sa panulat nina Tanawan et.al
(2003), ang pahayag retorika ay tumutukoy sa mga batas ng
malinaw, mabisa at maayos na pagpapahayag. Ang kawstuan
at kalinawan ng pahayag ay nakikita’t nag-iibayo kung
kasabay nito ang wastong pananalita at tamang gramatika.
Iba’t ibang Daluyan ng
Matatalinghagang Pahayag
• A. SALAWIKAIN (Filipino Proverb)
• Ayon kay Lope K. Santos, sa aklat ni Tanawan(2003), ang salawikain ay
karunungang napag-aralan ng tao, hindi sa mga kasulatan na
nailimbag kundi sa mga aklat ng karanasang nalaman mula sa bibig ng
mga matatanda.
• Ang salawikain ay nakasulat sa anyong patula kayat may sukat at
tugma. Mayaman ito sa kagandahang asal at nagsisilbing panggising
sa mga taong natutulog sa kasamaang asal. Maituturing na
matalinghaga dahil magkaminsan di tahasang sinasabi ang tunay na
kahulugan.
Mga Halimbawa ng Salawikain
• Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira’y kuwago, mabuti pa
ang bahay-kubo na ang nakatira’y tao.
• Ang hindi marooning lumingon sa pinanggalingan ay hindi makarating
sa paroroonan.
• Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
• Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.
• Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
Iba’t ibang Daluyan ng
Matatalinghagang Pahayag
• B. SAWIKAIN/IDYOMA (Idioms)
• Ang pag-aaral ng mga idyoma ay kaugnay ng kaalamang panretorika.
Ito ay nagpapabisa, nagpapakulay at nagpapakahulugan sa
pagpapahayag.
• Ang mga idyoma ay mga di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag ng
gsutong sabihin na may kahulugang patalinhaga.
• Ang kahulugan ng idyoma ay malayo sa literal o denotatibong
kahulugan ng salita.
• Amg mga idyoma ay tinatawag ding idyomatikong pahayag o sawikain
sa ating wika.
Mga halimbawa ng
Sawikain/Idyoma
• ilaw ng tahanan – ina
• haligi ng tahanan – ama
• bukas ang palad – matulungin
• taingang kawali – nagbibingi-bingihan
• buwayang lubog – taksil sa kapwa
• malaki ang ulo – mayabang
Mga halimbawa ng
Sawikain/Idyoma
• pantay na ang mga paa – patay na
• maitim ang budhi – tuso
• kapilas ng buhay – asawa
• bahag ang buntot – duwag
• balat-sibuyas – mabilis masaktan
• kusang-palo – sariling sipag
Mga Tayutay (Figures of Speech)
• Ang tayutay ay mga salita o pahayag na ginagamit upang
bigyang-diin ang mag kaisipan o damdamin sa pamamagitan
ng mga mabisa, matalinghaga, makulay, at kaakit-akit na
pananalita. Ang paraang ito ang karaniwang ginagamit ng
mga manunulat upang hindi tahasang tukuyin ang mesaheng
nakapaloob sa kanilang mga akada tulad na lamang ng
Florante at Laura.
Pagtutulad/Simili
• Ang paghahambing ng dalawang bagay sa tulong ng mga
salitang pahambing sa masining na pahayag. Gumagamit ng
mga pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng.
• Halimbawa
• Simputi ng labanos ang binti ni Adela.
• Ang ugali niya’y kawangis ng asong ulol.
Pagwawangis/Metapor
• Ang paghahambing ng dalawang bagay o tao na di
ginagamitan ng anumang salitang pahambing. Tahasang
binabanggit ang salitang katulad ng isang bagay o anumang
inihahambing sa pinaghahambingan.
• Halimbawa
• Labanos ang binti ni Aida.
• Ang ugali niya’y asong ulol.
Pagbibigay Katauhan
/Personipikasyon
• Ito ang uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay
mistulang may buhay sa tulong ng pandiwa. Dito, pandiwa
na kadalasang ginagamit sa tao upang ilarawan ay siya ring
ipinanlalarawan sa bagay upang mag-anyong may buhay.
• Halimbawa
• Lumalakad ang ulap sa kalawakan.
• Mabili na tumakbo ang oras patungo sa kanyang malagim na
wakas.
Paurintao
• Uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay at mistulang
may buhay sa tulong ng pang-uri. Ang pang-uring gamit ay
pantao na ikakapit sa bagay kaya ang bagay na inilalarawan
ay waring may buhay na’t gumagalaw.
• Halimbawa
• Ang masinop kong sapatos, palagi akong dala-dala.
• Ang matalino kong bolpen di pa ako binigo.
Pagpapalit saklaw/Sinekdoke
• Uri ng tayutay na tumutukoy sa isang bahagi upang tukuyin
ang kabuuan. Maaring bahagi ng katawan ng isang tao o
bahagi ng bahay na kahit bahagi lang ang banggitin,
tumutukoy na ito sa kalahatan.
• Halimbawa
• Huwag na huwag kang tutuntong sa aming hagdan.
• Sampung mga kamay ang nagtutulong-tulong sa pagbuo ng
proyekto.
Pagtatambis/Oksimoron
• Sa uring ito ng tayutay palasak na gumagamit ng dalawang
salitang magkasalungat ang kahulugan upang ipahayag ang
diwa ng pangungusap. Dalawang salitang maaaring positibo
o negatibo ang hatid na kahulugan.
• Halimbawa
• Hihiga’t babangon siya sa pag-aalala.
• Lakad-takbo siya sa paghahanap ng nawawalang anak.
Metonimya
• Ang pagtukoy sa isang salita o pahayag upang katawanin ang
isang bagay o pangngalan. Sa halip na payak o simpleng
salita ang tukuyin, pinapalitan ito ng salitang matalinghaga.
• Halimbawa
• Ang ina ng bansang Pilipinas ay maliit na sukat ngunit malaki
ang puso.
• Ilaw siya ng karimlan ng mga taong naguguluhan.
Pagtawag
• Ang bagay na abstrak, walang buhay at hindi nakikita ay
kinakausap o tinatawag na parang may buhay na nakikita.
Ang pagtwag sa salitang abstrak ay may himig ng pagnanais o
ng parang hinanakit.
• Halimbawa
• Kaligayahan kay ilap-ilap mo.
• Ulap iduyan mo ako.
Salantunay/Paradox
• Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa
pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo’y di totoo
sa biglang basa o dinig.
• Halimbawa
• Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtatagumpay.
• Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan.
Paglumanay / Eupemismo
• Ang orihinal na katawagan ay pinagagaan sa kahulugan, sa
pagpapalit ng ibang katawagan. Ginagawa ang pagpapalit ng
katawagan upang di maging mabigat sa pandinig o
damdamin ng iba ang sitwasyon.
• Halimbawa
• Iginupo ang puri ng batang iyan ng kanyang kadugo.
• Iba ang tabas ng muka niya sa mga kapatid.
Pag-uyam / Ironiya
• Ito ang pagtukoy sa kabaliktaran ng katotohanan na may
pangungutya. Ginagawa ang pag-uyam upang di tahasang
ipamukha ang tunay na negatibong kahulugan ng pangyayari.
• Halimbawa
• Ang ganda ng damit mo para kang manang.
• Ang ganda ng grades mo, puro palakol.
Iperboli
/Eksaherasyon/Pagmamalabis
• Sobra sa dapat o sa katotohanan ang binabanggit na
pahayag. Kung susuriin ang diwa ng pahayag animo’y may
pagyayabang na nais ipangalandakan.
• Halimbawa
• Bumaha ng pera sa amin nang dumating ang tatay galing
Saudi.
• Wala akong pakialam kahit ikaw na lamang ang lalaki sa
mundo.
Onomatopeya/Onomatopiya
• Ang tunog o himig ng salita ay nagpapahiwatig ng kahulugan
nito. Sa bagay na ito, lubhang kailangang sensitibo sa tunog
ng salita ang nakikinig upang maiugnay sa tinutukoy.
• Halimbawa
• Dinig na dinig ko ang langitngit ng kawayan.
• Ang kalabog ng martilyo ay napakalakas.
Aliterasyon
• Ang pag-uulit ng tunog katinig sa simulang titik ng mga salita
sa loob ng pahayag. Pare-parehong tunog ng katinig ng
simulang titik ang karamihan ng mga salita sa loob ng
pangungusap ang tinutukoy.
• Halimbawa
• Si Berto ay bababa ng bahay bukas ng bukang liwayway.
• Katulong, katuwang, kabalikat sa karamihan ng kinamulatan.
Asonansya/Asonans
• Ang maraming pag-uulit ng magkaparehong tunog-patinig sa
simulang titik ng mga salita sa loob ng pahayag. Dito’y pare-
pareho naming titik ng patinig ang simula ng karamihan ng
mga salita sa loob ng pangungusap.
• Halimbawa
• Aalis ako anak sa aking anyong aninag ang kasiyahan.
• Isinilang sa ilang ang isang inakay ng inangbayan.
Alusyon
• Ang pag-alalang muli sa kaalamang patuloy na naiimbak sa
likod ng utak ng taong may pinag-aralan. Kabilang ang mga
ito sa ating wikang frozen na naaalala’t nagagamit sa
panahong talagang kailangan. Ito ang mga salitang kapag
nabanggit, agad matutukoy kung nasa kategoryang
literature, mitolohiya o bibliya.
Alusyon sa Heograpiya
• Sa pangungusap ay may binabanggit na nauukol ang kaisipan
sa heograpiya.
• Halimbawa
• Mt. Mayon ang Mt. Fuji ng Pilipinas.
• Lungsod ng Baguio ang Amerika ng Pilipinas.
Alusyon sa Literatura
• May binabanggit sa pangungusap na tinutukoy din sa
literature na isang kilalang tao o pangyayari.
• Halimbawa
• Wala na yatang Maria Clara sa panahong kasalukuyan
• Marami pa ring Dona Victoria ang nakakalat sa lipunan.
Alusyon sa Mitolohiya
• Tauhan o pangyayaring bahagi ng mitolohiya ang nasa loob
ng pahayag.
• Halimbawa
• Adonis sa laki ng katawan ang mga lalaking nag-eehersisyo sa
tuwi-tuwina.
• Ang kapalaran niya’y Oedipus Rex.
Alusyon sa Bibliya
• Ang ginamit na pangalan ng tao o pangyayari sa akda ay
hango sa bibliya.
• Halimbawa
• Ang tiwala’t pagmamahal sa kanyang asawa’y walang iniwan
kay Jose na asawa ni Maria.
• Walang iniwan kay Job ang naging kapalaran niya.

You might also like