You are on page 1of 21

PAGGAMIT NG RHETORICAL

DEVICES O TRANSISYUNAL
NA PANANALITA
(Inihanda ni G. John Andrie Corpuz)

• Paggamit ng Idyomatikong Pahayag o


Saloobin
• Paggamit ng mga Tayutay
Layunin ng Aralin:
• Naipapakita ang kahalagahan ng Paggamit ng
Transisyonal na Pananalita.
• Natutukoy ang iba’t ibang uri ng Rhetorical Devices
• Matutulungan at magagabayan ang mag-aaral sa
Pagpapahayag ng Pangungusap at Diskursyo.
RHETORICAL DEVICE O
TRANSISYUNAL NA PANANALITA
RHETORICAL DEVICE: Sayusay sa Wikang Filipino ay isang
uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika
sa paraang pasulat o pasalita.
TRANSISYUNAL NA PANANALITA: ang tawag sa mga
kataga na nag- uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari,
(naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari, at iba pa sa
paglalahad.
MGA URI NG RHETORICAL DEVICE O
TRANSISYUNAL NA PANANALITA
Paggamit ng Idyomatikong
Paggamit ng mga Tayutay
Pahayag o Sawikain
• Sawikaing Leksikal • Naghahambing
• Sawikaing binubuo ng higit sa isang • Nagpapalagay na parang tao ang
Salita hindi naman tao.
• Tayutay na may pagpapalit.
• Pagdidiin
• Iba pang uri ng Tayutay.
PAGGAMIT NG IDYOMATIKONG
PAHAYAG O SAWIKAIN
• Lipon ng mga salitang na hindi nakukuha ang kahulugan sa
mga salitang ginamit.
• Idyoma ang Puso sa lahat ng Salita (Santiago, 1994).
• Ito ay lubos na nagpapatingkad ng Salita.
DALAWANG ANYO NG SAWIKAIN
Sawikaing Leksikal: Sawikaing Binunuo ng Isang Salita na ginagamit sa
matalinghaga o Eupemismo.
Halimbawa:
• Ang mga tuta ni Duque ay lubos na nahabag sa kanyang pagkawarak.
Ang salitang tuta ay hindi nangangahulugang literal ngunit ito’y nangangahulugang
tagasunod, Alipores.
Sawikaing Binubuo ng Higit sa Isang Salita: Higit sa Isang Salita.
Halimbawa:
• Tengang kawali: Nagbibingi-bingihan
Halimbawa: Nagtetengang-kawali na naman ang nasa posisyon sa mga
Hinaing ng taong bayan.
• Butas ang bulsa: Walang pera
Halimbawa: Malapit na maging butas ang bulsa ng Ating bansa sa mga utang
ng Ating Gobyerno.
• Nagmumurang kamatis: Matandang lalaking nag-aayos binata, matandang
babae nag-aayos dalaga
Halimbawa: Kung maka-porma iyang si Camille akala mo’y nagmumurang
kamatis.
PAGGAMIT NG MGA TAYUTAY

• Pahayag na nagbibigay diin sa kaisipan o damdamin.


• Sadyang Masining at Kaakit-akit.
• Sadyang paglihis Sa karaniwang paraan ng pagpapahayag
para maging kaakit akit ito.
MGA URI NG TAYUTAY:
A. Tayutay na Naghahambing:
• Simile (Pagtutulad): Ito ay paghahambing sa dalawang tao, bagay, o
Panyayari. Ginagamitan ng Salita tulad ng Gaya, tulad, at iba pa.
Halimbawa:
• Kung kumaldag si Bingo Girl ay parang Sirang Plaka.
Ang pagkaldag ni Bingo Girl ay direktang inihalintulad sa Sirang
Plaka na ang ibig sabihin ay paulit-ulit.
• Metapora (Pagwawangis): Paghahambing ng dalawang ideya na hindi tuwiran
o direkta. Hindi ito gumagamit ng ekspresyon na panulad.
HALIMBAWA:
1. Ang kanyang mga mata ay bituin sa langit
2. Siya ay isang leon sa galit.
3. Siya ay posporo sa nipis.
4. Ang bahay ay palasyo sa laki.
5.Animo makopa sa pula ang pisngi ng dalaga.
B. Mga Tayutay na nagpapalagay na parang tao Ang hindi naman tao:
• Personipikasyon (Pagbibigay-Katauhan): Paglilipat ng kilos o katangian
ng tao sa bagay. Nagsasatao sa mga Bagay na wala namamg buhay.
Halimbawa: Lumipad man ang oras, ikaw lang ang aking iniirog.
• Apostropi (Pagtawag): Kumakausap sa isang bagay o kaisipan sa tao
ngunit wala naman ito.
Halimbawa: Oh Ulan, samahan mo ako sa aking pag-iisa.
C. Tayutay na may Pagpalit:
• Metonimya (Pagpapalit-Tawag): Gumagamit ng isang salita sa halip na iba
ang salitang kaugnay.
1. Sagisag ang isinasagisag:
Halimbawa: Umani Siya ng Palakpak sa kanyang Karangalan.
2. Pinaglalagyan sa halip na ang ilalagay:
Halimbawa: Nakalimang bote na ng Alak si Martin para lang makalimitan ang
kanyang Problema.
3. Sanhi at Bunga:
Halimbawa: Matamis na Ngiti Ang bunga ng kanyang kabayanihan.
• Sinekdoke (Pagpapalit-Saklaw): Gumagamit ng isang bahagi upang tukuyin
ang kabuuan.
1. Pagtukoy sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan:
Halimbawa: “Wala kayong magagawa dahil ako parin ang
pinakamakapangyarihan dito sa bubong na ito!” Wika ng kanilang Ama.
2. Pagbanggit sa isang tao upang kumatawan sa isang pangkat:
Halimbawa: “Hindi man ako si Samson ngunit kaya kong makipag usap sa
mga kalalakihan”
D. Tayutay na may Pagdidiin:
• Hyperbole (Pagmamalabis): Mga Panayam na eksahera sa katotohanan.
Halimbawa: Kahit lumuha ka pa ng Dugo, Hinding – Hindi kita mapapatawad.
• Antitesis (Pagtatambis): Paglahad sa mga Bagay-bagay na magkasalungat
upang gawing mabisa ang pahayag o pangungusap.
Halimbawa: Siya ay isang taong sala sa init,sala sa lamig ayaw ng tahimik
ayaw rin ng magulo,nayayamot sa mayaman at nayayamot din sa
mangmang,isang nakalilitong nilalang.
E. Iba pang mga Tayutay:
• Pasayusay (Tanong Retorikal): Higit na makapangyarihang Paraan ng
pagpapahayag. Gumagamit ng tanong hindi upang sagutin ito kundi,
tanggapin o di tanggapin ang isang bagay.
Halimbawa: Mayroon bang ina na kayang tiisin at damayan ang
pinakamamahal nilang mga anak?
• Pagtanggi (Litotes): Ito ay gumagamit ng salitang ‘hindi’ na nagbabadya ng
pagsalungat o hindi pagsang-ayon.
Hallimbawa: Hindi ka talaga masarap magluto, napadami tuloy ako ng kain.
• Ironiya (Pag-uyam): Isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng
damdamin o mangutya ngunit ito’y itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri.
Halimbawa: Ang ganda naman ng Output mo, pwede nang ipambalot sa Tinapa.
• Aliterasyon (Pag-uulit): Paggamit ng Magkakatutald na titik o tunog sa simula
ng dalawa o higit pang pangungusap.
Halimbawa: Minikaniko ni Moniko ang Makina ng Minika ni Monika.
• Padamdam (Exclamation): Nagsasaad ng Masidhi o di-pangkaraniwang
Damdamin.
Halimbawa: Espiritu ng kasipagan, Saniban mo ako!
• Paghihimig (Onomatopeia): Tayutay na nagpapahayg ng salita sa
pamamagitan ng Paghihimig.
Halimbawa: Ang bulong ng Hangin ang nagpagising sa aking Diwa.
Bb. Marimar
G. Jorey Cabbab II Gotonero

MIYEMBRO
NG G. John Andrie
Corpuz Bb. Rica Salamida

PANGKAT 3:
SANGGUNIAN:
MGA LARAWAN:
• https://pin.it/5IuvoJ5
• https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTc0kB_bLtQnG5DJl_elxnG-AKl7ymbadRbkg&u
sqp=CAU
• https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTLW_o1ZkTa5AQyxG230Grim8IFAInFgjEPgvuq
_MyE1qJdCW86vtDeIFj_&s=10
• https://pin.it/6gXdpgE
SANGGUNIAN:
WEB SITE:
• https://noypi.com.ph/tayutay/
• https://www.coursehero.com/file/45000623/Filipinodocx/
MARAMING
SALAMAT !

You might also like