Professional Documents
Culture Documents
Layunin
Pag-aralan
1
1. Talinghaga at Idyoma
Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na naiiba sa
karaniwan. Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan. Karaniwang hinango
ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-
bagay sa ating paligid.
Halimbawa:
2. Konotasyon at Denotasyon
Ito ang dalawang dimension sa pagpapakahulugan ng mga salita.
Ang denotasyon ay karaniwang kahulugan mula sa diksyunaryo o salitang ginagamit sa
pinakakaraniwang at simpleng pahayag.
Halimbawa:
a. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan.
(bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay)
b. Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod-bahay.
(halamang lumalaki ng mataas)
Samantalang ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan o maaring pansariling
kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan.
Halimbawa:
a. Maraming magagandang bulaklak na anak si Bulan. (babae)
b. Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa mabuting puno.
(magulang/angkan)
2
3. Tindi ng Kahulugan o Clining
Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais
ipahiwatig.
Halimbawa:
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal ko,
na maaangkin ko na ang kaligayahan ko…
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko
naaming kay Ina ang tinig na yaon. Maaangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni
Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay
ay wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng
kalilisang kaluluwa…
(Liwayway A. Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa)
3
Ano ang nais ipahiwatig ng linyang ito: “Sabihin mo mahal ko, na maaangkin ko na ang
kaligayahan ko…”
Kung ang iyong sagot ay pag-aagaw buhay ng isang ama ay tama ka. Hindi direktang
sinabi ng awtor na ang ama ay nag-aagaw buhay o malapit nang mamatay.
Namatay ba nang maligaya ang ama? Basahin mo ang pariralang patunay dito. Nakita
mo ba ang huling dalawang linya: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang
kaluluwa…
Pansinin ang mga ginawang paglalarawaan ng awtor sa sitwasyon:
Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko…
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi
ko naaming kay Ina ang tinig na yaon. Maaangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi
ni Ama.
Nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang
buhay ay wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon.
Ang mga pahayag na ito ay pahiwatig na ang ama sa kuwento ay yumao o namatay na.
Bagamat puno ng kalungkutan ang huling bahagi ng kuwento, nakamit naman ng lumisang ama
ang tunay na kaligayahan. Tapos na rin ang kanyang paghihirap.
4
Halimbawa:
Di-gaanong kalakihan ang bahay nina Jose.
Halimbawa:
Di-hamak na mas mapuputi ang Singaporean sa Hindu.
Pagpapahayag ng Opinyon/Pananaw
Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ang pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayaring
nagaganap o namamamalas natin sa ating paligid. a pagbibigay ng opinyon, makakabuti kung
tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusupan upang masusing mapagtimbang-
timbang ang mga bagay at maging katanggap-tanggap ang ating mga opinyon. Mahalaga
ringmatutuhan ang wastong gamit ng mga salita upang maging kapani- paniwala o kahika-
hikayat ang pahayag . Ilang mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon:
5
_____2. Dalawampung taong nabangkay ang laya, laksa ang nasukol na diwa at puso.
-Teo T. Antonio, Babang-Luksa
a. marami ang nakakulong
b. mahabang panahon ng pananakop ng mga dayuhan
c. maraming taon na ang tao ay walang layang magsalita
d. pang-aabuso sa mga Pilipino
_____3. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’t dumagit saan man sumuot… - Ildefonso Santos, Ang Guryon
a. kasiyahan sa buhay c. isang laruan
b. problema/suliranin d. pangarap
_____4. Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan, Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.
- Jose Corazon de Jesus, Ang Punungkahoy
a. kamatayan b. katandaan c. pagsisisi d. pamamaalam
_____5. Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito’y nagisnan na
naming magkakapatid. - Edgardo M. Reyes, Ang Gilingang Bato
a. katandaan b. panahon c. pamana d. kabuhayan
Nagpatuloy si Ibarra sa kanyang paglalakbay. Isang araw, nabatid niya na di na niya tiyak
kung saang destinasyon na siya napadpad. Ito ay hanggang sa nakaabot siya sa may
Binundok ng Liwasan.
Nakita niya na walang masyadong nagbago; ang dating kanyang kinalakihan ay parehong-
pareho pa rin sa dati. Inilaan niya ang kanyang atensyon sa paligid, nagmasid-masid sa
kanyang kapaligiran, habang iniisip ang mga alaala niya sa lugar na yun.
Naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang tungkol sa kanyang ama at ang mapait na sinapit nito.
Isang taon bago bumalik si Ibarra sa Pilipinas ay nakatanggap siya ng sulat sa kanyang ama.
Binilin ng ama niya na si Don Rafael sa kanya ang isang sulat na nagsasabing di siya dapat
mag-abala.
Kinwento ng tinyente kay Ibarra ang lahat ng detalye sa buhay ng kanyang ama. Kung bakit
siya nakulong at maraming galit sa kanya, ang rason ng pagkabilanggo, ang mga pinaratang
Ang Probinsyano
noong siya ay nasa kulungan, hanggang sa kanyang paglaya sa mga kaso. Sapagkat noong
siya ay dapat ng makalabas, siya ay binawian ng buhay sa loob ng kulungan.
Sa isang episode ng Fpj’s Ang Probinsyano, inaresto at kinulong si Secretary Delfin Borja
dahil pinaratangang may mga armas at droga na itinanim ng tauhan ng kasintahan ni
Pangulong Hidalgo na si Lily sa kanilang bahay.
6
Panoorin ang buong pangyayari sa link na ito: https://youtu.be/iJrVFINRPo
Erehe at Filibustero Ang Probinsyano
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
https://www.scribd.com/document/371240753/Rubrik-Sa-Pagsulat-Ng-Opinyon
7
Gawain 3: Bayan Ko!
Mekaniks Malinaw, maayos Tama ang baybay Maayos ang Hindi maayos
at tama ang ng mga salita, pagbabaybay ng ang paggamit
baybay ng mga gramatika, mga salita subalit ng gramatika
salita, gramatika, kapitalisasyon at may kaunting at pagba-
kapitalisasyon at pagbabantas. kamalian sa bantas.
pagbabantas. gramatika at
pagbabantas.
https://pdfcoffee.com/qdownload/rubrik-sa-pagtataya-ng-talata-pdf-free.html
8
Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa mga tauhan ng Noli Me
Tangere at mga ekspresyon sa paglalarawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
9
10
Repleksiyon
Ang sagot ay maaring magkaiba.
Gawain 3 Gawain 1
A.
Ang sagot ay maaring magkaiba.
1. B
2. C
Gawain 2 3. B
4. A
Ang sagot ay maaring magkaiba. 5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Website:
11