You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 9
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Aralin 31-35
MELC: Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng
pormalidad ng gamit nito (level of formality)
(F9PT-IVd-58)
Nakasusulat ng iskrip ng Mock Trial tungkol sa
tunggalian ng mga tauhan sa akda (F9PU-IVd60)
Naibabahagi ang sariling damdamin sa
tinalakay na mga pangyayaring naganap sa
buhay na
tauhan (F9PN-IVd-58)

Inihanda ni:

MARY JOY R. CADABA


Guro I
Nueva Era National High School
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Aralin 31-35
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Joy R. Cadaba


Editor: Oscar R. Gamiao, Jr.
Tagasuri: Editha R. Mabanag
Jon Jon D. Garcia
Tagalapat: Marvin M. Marugay
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Jannibal A. Lojero

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Aralin 31-35
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga
magaaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Tiyak


kong matututo ka sa mga aralin iyong bibigyang pansin.
Halina at galugarin ang mundo ng nobelang inilimbag ni Gat Jose Rizal, ang
Noli Me Tangere.

Ang bahaging ito ng modyul ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo


ang mah ahalagang kaisipan/konsepto na saklaw ng aralin. Huwag kang mag -alala
sa tulong ng iyong pagsisikap at pagtitiyaga, mahahanap mo ang tamang kasagutan.
Ngayon ay maaari kang magsimula sa pag -alam sa mga impormasyon kaugnay ng
nobela.
Sa pag -aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga
sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)
1. Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito (level of
formality) (F9PT-IVd-58)
2. Nakasusulat ng iskrip ng Mock Trial tungkol sa tunggalian ng mga tauhan sa
akda (F9PU-IVd-60)
3. Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap
sa buhay ng tauhan (F9PN-IVd-58)

Nasasabik ka na ba? Tara na’t basahin ang nobelang gumising sa kamalayan


ng bawat Pilipino.
Subukin

Paunang Pagtataya:
Piliin ang pinakaangkop na kasagutan sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kapansin-pansin kay Padre Salvi sa araw na iyon?


A. Masaya B. Balisa C. Tulala D. Nalulumbay

2. Bakit nabalisa si Linares pagkatapos mabasa ang liham ni Donya


Victorina?
A. May halong inggit C. May halong pagbabanta B.
May halong pagmamahal D. May halong
pagmamalasakit

3. Ano raw ang ginagawa ni Lucas sa libingan ng gabing iyon?


A. Magmasid sa kalaban C. Humuli ng mapalad na baraha B.
Sinusundan si Elias D. Humuli ng mga ligaw na
kaluluwa

4. Sino ang binisita ni Padre Salvi sa araw na iyon?


A. Donya Victorina C. Elias
B. Crisostomo Ibarra D. Alperes

5. Ano ang reaksiyon ng taumbayan sa nangyaring kaguluhan?


A. Masaya B. Nalulumbay C. Natatakot D. Nabibighani

6. Paano pinahirapan ang mga lalaking nag-alsa at lumusob sa kwartel? A.


Pinakain sa buwaya C. Sinaksak at itinapon sa ilog
B. Pinatalon sa balong marumi D. Ikinadena at ibinitin patiwarik

7. Ano ang tunay na dahilan kung bakit naisipan ng pangkat nina Tarsilo
na lumusob at maghiganti?
A. Utos ni Crisostomo Ibarra C. Paghihiganti sa namatay
na ama B. Utang na loob sa alperes D. Pagbabayad ng
napakamahal na buwis

8. Paano mo ilalarawan si Tarsilo?


A. Matapang B. Maprinspyo C. Matatakutin D.
Balimbing

9. Bakit gusto ng mga sundalong magsabi sila na si Don Crisostomo Ibarra


ang nag-utos sa kanila?
A. Upang lalong madiin si Ibarra
B. Upang may mapagbintangan
C. Upang lalong maghirap si Ibarra
D. Upang hindi sila magkatuluyan ni Maria Clara
10. Sino sa mga bilanggo ang namatay nang karumal-dumal?
A. Tarsilo B. Andong C. Bernardo D.
Eduardo

Aralin
Noli Me Tangere
1 Kabanata 31-35

Lahat tayo ay may nakaraang hindi malilimutan. Ang mga pangyayaring


masasalimuot ay ang mas tumatatak pa sa ating puso’t isipan. Anupaman ang ating
pinagdaanan ay ang mahalaga, ang desisyon mo kung paano mo ito gagamitin upang
mapalago ang ating pagkatao. Lagi nating tatandaan na ang bawat pagsubok ay
magdadala sa atin ng aral magpakailanman.
Ngayon, mayroon ka bang mapapait na karanasan? Ilahad mo ang mga ito
sa organizer sa ibaba at isulat ang aral na iyong natutunan mula rito.

MAPAPAIT NA KARANASAN ARAL NA NATUTUNAN

Balikan
Laging pakatandaan na sa bawat pagharap sa hamon ng buhay ay
dapat na maging matatag at laging iisipin na may pag-asang naghihintay
para sa iyo.
Kagaya ni Elias na hindi kailanman natinag sa pagsubok sa buhay,
bagkus, ito ang nagpalakas sa kanya at nagtulak upang makatulong din sa
iba.

Tuklasin

Kabanata 31: Ang Kasaysayan ni Elias at Ang mga


Pagbabago
Mahahabag ka sa paglalahad ni Elias ng kasaysayan ng kanyang
angkan. Kitang-kita sa kanyang inilahad ang kalupitan ng tao sa kapwa tao.
Madarama mo rin ang malaking pagitan ng mayayaman sa mahihirap. Isang
malaking dagok sa mahirap kapag ikaw ay naparatangan at walang pera
upang magbayad ng tagapagtanggol, ito ay nangangahulugan ng parusa at
paagkondena ng taumbayan kahit ikaw ay inosente sa paratang. Ganito ang
masaklap na nangyari sa nuno ni Elias. Ang mayaman naman ay malayang
nakapagpaparatang at nakapagsasakdal kahit walang katotohanan. Naging
biktima naman ang ama ni Elias ng ganitong kawalan ng hustisya.
Nabagabag si Ibarra sa nakaraang isinalaysay ni Elias, hinimok siya ni Elias
na manguna sa pagpaparating ng karaingan ng mamamayan. Sa
paniniwalang hindi pa napapanahon ang hinihinging pagbabago, tumanggi
si Ibarra sa hiling ni Elias. Ngunit hindi dito nagtatapos ang pagnanais ni
Elias na pagbabago sa pamahalaan. Sa paggulong ng iba’t ibang kwento ng
buhay ng mga tauhan ay kapansin-pansin ang mga pagbabago sa mga
damdamin ng mga tauhan lalong-lalo na kay Maria Clara at kay Padre Salvi.

Kabanata 32: Ang Mapalad na Baraha at Ipinakilala ng


Umaga ang Magandang Araw
May nagtagpo sa sementeryo upang pag-usapan ang isang balak.
Lingid sa kanilang kaalaman ay sinundan sila ni Elias upang alamin ang
balak ng mga ito. Nagkaharap sina Lucas at Elias na hindi nagkakakilanlan
ngunit naghiwalay rin matapos matalo s sugal si Elias. Naging usap-usapan
naman ang nakitang ilaw sa sementeryo noong gabing iyon. Kanya-kanyang
pagbibigay ng kahulugan ang mga manang saa nakita o kunwari’y nakita
nila. Habang pinag-uusapan nila ang pangyayaring ito at iniisip na mula ito
sa mga kaluluwa sa purgatoryo ay binisita naman ni Don Filipo si Pilosopong
Tasyo. Marami silang pinag-usapang nagpatingkad sa karunungan ni
Pilosopong Tasyo. Tumanggi ng uminom ng gamot si Pilosopong Tasyo, ayon
sa kanya, mas kakailanganin iyon ng mga maiiwan. Ibinilin niya ring nais
niyag makausap si Ibarra.
Kabanata 33: Ang Sabwatan
Mapapansin mong kakaiba ang ikinikilos ni Padre Salvi nang araw na
iyon. Humangos siya patungo sa bahay ng alperes upang ibalitaa ang
natuklasan niyang sabwatan. Pinayuhan niya ang alperes na huwag nang
humingi ng tulong sa garison upang mahuli ang may pakana ng lahat ng ito.
Ngunit sino ba ang may pakana ng lahat ng ito? Maaaring ito ay isa lamang
plano para madiin si Ibarra.
Natuklasan ni Elias ang maitim na balak na ito kaya dali-dali niyang
pinuntahan si Ibarra at hinimok na umalis upang hindi siya mapagbuntunan
ng sisi. Ang inaakala niyang pagtulong kay Ibarra ay naging susi upang
matuklasan niya ang katotohanan.

Kabanata 34: Ang Kapahamakan at Ang mga Sabi-sabi


Magaganap ang isang kapahamakang bunga ng pagsasabwatan.
Lulusubin ang kwartel at ang pagbibintangang may pakana ng lahat
ay si Crisostomo Ibarra. Huhulihin siya ng mga guardia civil sa kautusan ng
komandante. Si Elias naman ay natuliro nang natuklasang ang lolo sa tuhod
pala ni Ibarra ang taong naging dahilan ng kasawian ng kanyang lolo at ng
kanilang buong pamilya. Nagbalik sa kanyang alaala ang lahat ng
masasaklap na kabiguan at kamatayang naganap sa kanilang pamilya dahil
sa kagagawan ng kanyang lolo sa tuhod ni Ibarra. Subalit siya’y
nahimasmasan at hindi rin nakatiis. Bumalik siya sa bahay ni Ibarra upang
kunin ang mga bagay na maaaring lalong makapagdiin sa binata. Binalak
niyang itakas lang ang mga bagay at papeles na iyong subalit nang matanaw
niyang padating na ang mga guwardiya sibil na maghahalughog sa bahay ng
binata ay dinala na lang niya ang pinakamahahalaga at saka sadyang
sinunog ang silid na kumalat na rin sa buong kabahayan upang tuluyang
maabo ang lahat ng dokumentong puwdeng magdiin kay Ibarra.
Kinabukasan ay takot ang namayani sa buong bayan dahil sa
kaguluhang naganap nang nagdaang gabi. Iba’t ibang sabi-sabi mula sa mga
taumbayan ang naglabasan tungkol sa paglusob sa kwartel. Ang araw ay
nagtapos sa pagkakatuklas sa isang bagay na nakabitin at inaakalang
nagbigti. Subalit isang tauhang nagkukubli sa malapad na sumbrero na
walang iba kundi si Elias, ang nakakita ng ilang palatandaang hindi
nagpakamatay kundi sinadyang pinatay ang nakitang bangkay—ang
bangkay ni Elias.

Kabanata 35: Silang mga Nalupig at Siyang Dapat Sisihin


Makikita ang labis na parusa at kalupitan sa kalalakihang nahuling
lumusob sa kwartel. Nakakulong sila sa isang silid na napakadilim at
nakasusulasok ang amoy. Dalawa sa mga bilanggo ang nakapangaw o
nakakadena nang magkalayo nang halos isang dipa ang mga paa. Sa araw
na iyon, silang dalawa ang iimbestigahan. Isa sa kanila, ang nagngangalang
Tarsilo ang nakaranas ng labis na kalupitan. Pinipilit siyang magsalita at
idiin si Crisostomo Ibarra bilang pasimuno at nagbayad sa kanila upang
gawin ang paglusob subalit nanindigan siyang ni hindi niya kilala at hindi
niya nakakausap si Don Crisostomo. Sinabi niyang ang dahilan ng paglusob
ay upang ipaghiganti ang ginawang pagpatay sa kanilang ama. Dahil sa
paninindigang ito ni Tarsilo ay ipinatikim sa kanya ang sukdulang pananakit
na humangga sa pagtitimba o pagbibitin nang patiwarik at paghuhulog sa
kanya nang una ang ulo sa isang madulas, marumi at nangangamoy na
balon. Pinatagal nang ilang minuto ang gayong kalupitan subalit sa harap ng
kamatayan ay hindi binago ni Tarsilo ang unang sinabi kaya’y namatay siya
sa isang malupit at karumal-dumal na paraan.
Agad kumalat sa bayan ang balitang ililipat ang mga bilanggo sa
ulumbayan kaya’t ang mga kamag-anak ng mga bilanggo ay nagpalipat-lipat
sa kumbento, sa kwartel, at sa munisipyo, nang nananangis habang
nagmamakaawa at umaasang mapipigilan ang pagpapalipat. Subalit
anumang pananangis at pakikiusap nila ay walang nagawa dahil inilipat din
ang mga bilanggo sakay ng isang kariton. Dahil dito, ang galit ng mga kamag-
anak ay nabunton kay Ibarra. Sinisi siya, pinagbabato at pinagsisigawan ng
masasakit na salita. Wala ni isa mang kaibigan o mahal sa buhay ang
nagpakita o nagtanggol kay Ibarra. Nakita rin niya ang usok sa labi ng
kanyang nasusunog na bahay. Labis ang kanyang kalungkutan dahil ngayo’y
naniniwalang wala na siyang bayan, ni tahanan, walang nagmamahal,
walang kaibigan, ni kinabukasan.

Tagumpay! Nabasa mo na ang Kabanata 31-35 ng Noli Me Tangere! Binabati


kita! Sana ay lubos mo itong naunawaan.

Suriin

Pagpapangkat ng Salita Ayon sa Antas ng


Pormalidad ng Gamit Nito

Ang salita ay napapangkat ayon sa antas ng pormalidad nito. Ang


wikang Filipino ay napapangkat sa dalawa: ang mga salitang impormal o
di-pormal at ang mga pormal na salita.
May mga ilang uri ang mga impormal na salita. Ito ang mga salitang:

Balbal o salitang kanto;

Kolokyal o ang mga ginagamit sa pang-araw-araw na usapan, bahagi ng


kolokyal ang pagpapaikli o pagkakaltas at pagsasama ng mga salita, tulad
ng TagLish upang mapaiksi ito; at

Lalawiganin o partikular na pook kung saan ito nagmula.


Ang mga pormal na salita naman ay ginagamit sa paaralan, mga
panayam, seminar, mga aklat, at iba pang usapan at sulat pang-
intelektuwal. Kabilang din dito ang mga tayutay na lalong nagpapaganda
sa pagkakagamit ng wika.

Gawain 1: i-ANTAS mo!


Panuto:
Ngayon, subuking pangkatin ang mga salitang may salungguhit sa
loob ng kahon ayon sa antas ng pormalidad nito. Isulat muli sa tamang kahon
ang mga salitang ginamit sa kabanatang binasa.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa binasang kabanata ng
nobela.
1. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ni Lucas sa libingan ng gabing
iyon?
2. Ano ang sadya ni Padre Salvi sa alperes?
3. Ano ang katotohanang natuklasan ni Elias sa pagkatao ni Ibarra?
4. Kung ikaw si Elias, tutulungan mo rin ba si Ibarra? Ipaliwanag.
5. Bakit dapat iwasan ang pagkakalat ng mga sabi-sabi o mga usapang wala
namang batayan? Ipaliwanag
Pagyamanin

Gawain 4: Dear Ate Charo!


Damang-dama natin ang mga hinagpis ni Elias habang nagsasalaysay sa
kanyang buhay pero naramdaman natin ang tibay ng kanyang kalooban sa pagharap
sa kanyang nakaraan at sa pagpupursige niyang magkaroon ng reporma sa
pamahalaan upang magkaroon ng liwanag ang kinabukasan ng bawat Pilipino.
Kadalasan, kapag tayo ay humaharap sa sunod -sunod na problema ay
napakadali para sa atin ang sumuko. Kung minsan, tinatakasan rin natin ang mga
ito. May mga pagkakataon na ikinahihiya rin natin ang mga ito na nagiging dahil an
kung bakit hindi tayo makausad-usad sa buhay.
Sa mga ganitong pagkakataon, nakatutulong ang paghingi at pakikinig sa
payo ng mga taong malalapit sa iyo.
Isipin mong ang babaeng nasa larawan ay si Ate Charo, basahin mo ang
kanyang payo.
Sa hindi hihigit sa limang pangungusap ay ipaliwanag mo kung paano mo ito
magagamit sa pagharap ng suliranin o pagsubok na nararanasan mo sa buhay.

“Hindi kailanman dapat magtakda ng iyong kinabukasan ang mapapait mong


pinagdaanan, bagkus, ito ay dapat paghugutan ng lakas upang harapin ang
kasalukuyan.”

Pamantayan sa Pagmamarka
Gawain 5: Nadama ko!
Ano sa tingin mo ang nararamdaman ng mga tauhan sa bawat sitwasyon? Bilugan
ang titik ng iyong sagot.
1. “Ang aking lola na buntis ay dumulog sa bawat tahanan alang -alang sa may
sakit niyang asawa at nagugutom na anak.”
A. Natatakot sa mga tao
B. Nagagalit sa asawang walang silbi
C. Naiiyak dahil buntis na naman siya
D. Nahihiya ngunit nahahabag sa asawa at mga anak
2. “Nagbigti ang aking lolo habang may sakit ang aking lola dahil sa labis na
paghihikahos.” Ano ang damdaming nagtulak sa kanyang lolo upang gawin ito?
A. Galit sa mga umapi sa kanila
B. Kawalan ng makakapitang kaibigan
C. Pagkatakot sa maaaring mangyari sa kanila
D. Karuwagang harapin ang masaklap na sitwasyong sinuong nila
3. “Isang araw ay ibinunyag niya ang pagiging iho de bastardo ko gayon din ang
pagiging kriminal ng aking angkan. Akala ko’y sinisiraan lamang ako. Humingi
ako ng paliwanag hanggang sa matuklasan ko ang katotohanan...”
B. pagod at inis
4. Ano naman ang nararamdaman ni Ibarra habang pinapakinggan niya ang mga
trahedyang pinagdaanan ng angkan ni Elias?
A. pagkabigla C. pagkabalisa D. pagkalito
A. pagkamuhi B. pagkainis C. pagkagulat D. pagkatakot

5. "Ang mamamatay na ay hindi nangangailangan ng gamot; higit iyang


kailangan ng mga maiiwan.” Ano ang damdamin ni Don Filipo sa panahong
ito?
A. malungkot B. masigla C. kawalan ng
pag-asa D. pagbabalewala

Isaisip
Gawain 6: Sabwatan, Palasak!
Mula sa binasang mga kabanata, mapapatunayan natin na palasak ang
pakikipagsabwatan sa panahong iyon. Gamit ang graphic organizer, ibigay
ang mga patunay na nangyayari ang sabwatan sa mga kabanatang binasa at
ang mga taong kaugnay nito. Ilagay ang sagot sa mga kahong nakalaan para
rito.

SABWATAN
Isagawa

Gawain 7: Sabwatan, Patunayan


Basahin ang teksto

NAKATAKDANG isumite ng Task Force sa pangunguna ng


Department of Justice (DOJ) sa susunod na linggo kay Pangulong Rodrigo
Duterte ang kanilang report sa imbestigasyon sa umano’y mga anomalya
sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), kabilang na ang
posibleng pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban
sa mga tiwaling opisyal.
“By September 14, we (the task force) should be able to submit to
you (President Duterte) our report and findings including administrative
and/or criminal cases against persons in Philhealth who will.. shall be
found to be responsible for anomalies or irregularities,” sabi ni Justice
Secretary Menardo Guevarra sa televised meeting kay Pangulong Duterte,
Lunes ng gabi.
Idinagdag ng kalihim na para sa natitirang araw ngayong linggo ay
pagiisahin ng task force ang lahat ng kanilang nakalap na impormasyon
sa pitong hearings na kanilang isinagawa.
Ang task force ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Office of
the
Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission,
Presidential AntiCorruption Commission, Office of the Special Assistant
to the President, AntiMoney Laundering Council, National Bureau of
Investigation, at National Prosecution Service.
Sa isinagawang hearings, ilang testigo na dating opisyal ng
PhilHealth ang nagbunyag ng iba’t ibang fraudulent schemes na umano’y
ilang taon nang pinatatakbo ng mga opisyal at empleyado ng ahensya sa
main at regional offices, sa pakikipagsabwatan ng ilang doktor at ospital,
maging mga bangko, na nagsisilbing remittance centers.
Mula sa: https://newspatrol.com.ph/2020/09/08/report-ng-task-force-sa-mga-anomalya-
saphilhealth-isusumite-kay-prrd-sa-susunod-na-linggo/

Sabwatan ang tawag natin sa anumang pakikipagkasunduan upang


maisakatuparan o maisagawa ang kung anuman. Kitang-kita sa kabanatang
binasa natin ang sabwatang nangyari. Sa anumang larangan, kapag may
nangyayaring sabwatan ay talaga namang nakalulungkot isipin lalo na kung
ang ibubunga nito ay ang kapakanan ng karamihan.
Isipin mong ikaw ay isang manunulat ng iskrip. Bumuo ka ng isang iskrip
ng mock trial na tatalakay sa isyung inilahad sa itaas. Magsaliksik ng mga
ebidensyang gagamitin sa mock trial. Pagkatapos, kasama ng iyong mga
kapangkat, ay itanghal ang nabuong iskrip ng mock trial.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Iskrip ng Mock
Trial

Binabati kitang muli, mahal kong mag -aaral sa lumalawak mong kaalaman at pag -
unawa sa ating aralin!
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya:
Piliin ang pinakaangkop na kasagutan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang kapansin-pansin kay Padre Salvi sa araw na iyon?


A. Masaya B. Balisa C. Tulala D. Nalulumbay

2. Bakit nabalisa si Linares pagkatapos mabasa ang liham ni Donya


Victorina?
A. May halong inggit C. May halong pagbabanta B.
May halong pagmamahal D. May halong
pagmamalasakit

3. Ano raw ang ginagawa ni Lucas sa libingan ng gabing iyon?


A. Magmasid sa kalaban C. Humuli ng mapalad na baraha B.
Sinusundan si Elias D. Humuli ng mga ligaw na
kaluluwa

4. Sino ang binisita ni Padre Salvi sa araw na iyon?


A. Donya Victorina C. Elias
B. Crisostomo Ibarra D. Alperes

5. Ano ang reaksiyon ng taumbayan sa nangyaring kaguluhan?


A. Masaya B. Nalulumbay C. Natatakot D. Nabibighani

6. Paano pinahirapan ang mga lalaking nag-alsa at lumusob sa kwartel? A.


Pinakain sa buwaya C. Sinaksak at itinapon sa ilog
B. Pinatalon sa balong marumi D. Ikinadena at ibinitin patiwarik

7. Ano ang tunay na dahilan kung bakit naisipan ng pangkat nina Tarsilo
na lumusob at maghiganti?
A. Utos ni Crisostomo Ibarra C. Paghihiganti sa namatay
na ama B. Utang na loob sa alperes D. Pagbabayad ng
napakamahal na buwis

8. Paano mo ilalarawan si Tarsilo?


A. Matapang B. Maprinspyo C. Matatakutin D.
Balimbing

9. Bakit gusto ng mga sundalong magsabi sila na si Don Crisostomo Ibarra


ang nag-utos sa kanila?
A. Upang lalong madiin si Ibarra
B. Upang may mapagbintangan
C. Upang lalong maghirap si Ibarra
D. Upang hindi sila magkatuluyan ni Maria Clara

10. Sino sa mga bilanggo ang namatay nang karumal-dumal?


A. Tarsilo B. Andong C. Bernardo D.
Eduardo

Karagdagang Gawain
Gawain 8: Reflection Time!
Sa iyong journal notebook, isulat ang sagot sa mahalagang tanong
para sa mga araling tinalakay.

Bakit mahalaga ang pagbibigay ng “due process” maging sa mga taong


inaakala nating nagkasala sa halip na husgahan agad sila?

You might also like