You are on page 1of 28

9

2.0
Filipino

ON
Unang Markahan – Modyul 8:

SI
ER
Aralin 8
-V
Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na S
nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at
LE
kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng
DU

nobela.
MO
ON
TI
RA
NE
GE
T
1S

ALTERNATIVE DELIVERY MODE

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: (F9PN-Ic-d-40 ) Nauuri ang mga tiyak na bahagi
sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa
napakinggang bahagi ng nobela.
Unang Edisyon, 2020

Nakasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng

2.0
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

ON
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o

SI
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang

ER
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

-V
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. S
LE
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
DU

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


MO

Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
ON

Pangkat na Bumubuo sa Modyul


TI

Tagasulat : Gina N. Hoyohoy


RA

Tagasuri : Anna Zhusette Z. Pintor


Tagaguhit : Gina N. Hoyohoy
NE

Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales

Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province


GE

Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province


Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID
T

Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS


1S

Mrs. Araceli A. Cabahug, EPSVR, Filipino

Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province


Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu
Telefax: (032) 255-640
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
9

2.0
Filipino

ON
SI
ER
Unang Markahan – Modyul 8:
-V
Aralin 8 S
LE
Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na
nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at
DU

kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng


MO

nobela.
ON
TI
RA
NE
GE
T
1S

ii

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Paunang Mensahe
Para Sa Mga Guro o Facilitator:

Malugod na pagbati sa mga gagamit nitong Filipino 9 Alternative Delivery


Mode (ADM) Module 8. Isang karangalan ang makatulong sa pangangailangang
pang-edukasyon ng mga mag-aaral alinsunod sa pag-uuri sa mga tiyak na bahagi ng
akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa
napakinggang bahagi ng nobela at mai-ugnay ang mga sitwasyon sa mga
nagaganap sa paligid.

2.0
Ang modyul na ito ay pinagtulungang buuin, idisenyo at suriin ng mga guro at
opisyales ng mga pampublikong institusyon para matulungan kayong mga guro o
facilitator na magabayan ang mga mag-aaral sa pagkamit ng pamantayang

ON
nakasaad sa K to 12 na Kurikulum. Ninanais din natin na maluwalhating
mapagtagumpayang maiiwas natin ang mga mag-aaral sa pagpunta sa paaralan.

SI
ER
Harinawa’y maging isang malaking tulong ang modyul na ito sa pagpapaunlad
ng naitakdang kasanayang inaasahang malinang sa mga mag-aaral alinsunod sa
itinakda sa 21st Century Skills.

-V
Minamahal naming mga guro at facilitator, malugod naming hinihiling ang S
inyong walang sawang pag-gabay sa mga mag-aaral para sa ikatatagumpay ng
LE
ating mga hangaring malinang ang kanilang katalinuhan at galing sa gitna ng
pandemyang kinasasadlakan ng ating bayan.
DU

Tayo ngayon ay nahaharap sa isang bagong normal na pagbabahagi ng


MO

kaalaman sa ating mga mag-aaral. Isang matinding hamon ang makibaka sa gitna
ng anumang panganib subalit, kailangan nating mapagtagumpayan ang
ON

pagpapaunlad sa kamalayan ng mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon nang


buong katapatan at kababaang loob “Para sa bata, para sa bayan.”.
TI

Para sa Mag - aaral:


RA

Magandang buhay sa inyo !


NE

Isang malaking karangalan ang magabayan kayo sa inyong pag-aaral gamit


GE

ang modyul na ito. Ang laman nito ay makatutulong upang mapaunlad ang inyong
kasanayan sa pag-uuri sa mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng
T

katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela.


1S

Isang kahilingan, na sana ay pagsumikapan ninyong pahalagahan ang


modyul na ito sa pamamagitan nang maayos na paggamit at pagsagot sa anumang
mga gawaing inihanda para sa inyo upang matagumpay ninyong makamtan ang
kasanayang dapat ninyong matutunan.

Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo sa inyong tagumpay!

iii

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong tandaan:

ALAMIN Kasanayan at kaalamang dapat matutunan batay sa


layunin ng mga araling nakapaloob sa modyul.

Nakapaloob dito ang mga dating kaalaman.


SUBUKIN

2.0
ON
BALIKAN Pagbabalik-tanaw sa dating natutunan.

SI
Sa bahaging ito nakapaloob ang paglalahad ng aralin
maaaring sa pamamagitan ng mga lunsarang kuwento,

ER
TUKLASIN tula, nobela, mga sitwasyon
at iba pa.

-V
Kinapapalooban ng maikling pagtatalakay
S na
SURIIN makatutulong sa pagtuklas ng nakatagong kaalamang
LE
pag-aaralan.
DU

PAGYAMANIN Kinapapalooban ng makabuluhang mga gawauin na


MO

makatutulong sa mas malawakang pagkatoto.

ISAISIP Dito isinasagawa ang pagpoproseso ng kaalaman at


ON

pag-unawa sa araling ibinigay.


TI

Sa bahaging ito isasagawa ang pagtatasa sa lebel ng


RA

ISAGAWA pagkatoto ng mga mag-aaral alinsunod sa ibinigay na


mga layunin.
NE
GE

TAYAHIN Tatayahin ang mga natutunan.


T

KARAGDAGANG Magkakaroon ng pagpapalawig ng kaalaman para sa


1S

GAWAIN mas komprehensibo at malalim na pag-unawa.

MGA Dito matatagpuan ang mga sagot sa lahat ng mga


SAGOT gawain sa modyul.

iv

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit
ng modyul na ito :

– iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o


sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

2.0
g sagutin ang “Subukin” bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

ON
SI
pagwawasto ng mga kasagutan.

ER
sin ang mga gawain bago pumunta sa iba pangpagsasanay.

-V
sagutin lahat ng pagsasanay.
S
LE
Hindi ka nag-iisa, marami kang kasama.
DU

Ang mga guro ay handa kang gabayan. Huwag mag-aatubiling magtanong


tungkol sa mga bahagi ng modyul na medyo nahihirapan kang sagutin. Lagi mong
MO

tatandaan na maliban sa iyong mga guro ay nandiyan din ang iyong mga magulang;
si nanay at si tatay na laging handang umagapay sa iyo sa mga sandaling may mga
hindi ka nauunawaan sa gawain. Nandiyan din ang presensya ng iyong lolo’t lola,
ON

mga nakatatandang kapatid, mga tiyahin at ang buong pamilya.


TI

Sa pamamagitan ng modyul na ito ay mapapalawak ang iyong pagkatoto sa


RA

kompetensing nakalaang matututunan mo. Ginawang madali ang mga gawain upang
maging kapana-panabik para sa iyo ang pagsagot sa mga ito.
NE

Para sa Guro :
GE

Mahalagang maging mapanuri ang mga mag-aaral lalo na sa panahon


natin ngayon. Dapat alam nila kung ano ang totoo, ang maganda at mabuti.
T

Ang mga ito ay gagabay sa kanila sa isang matuwid na landas nang


1S

pamumuhay. Isang malaking hamon ito para sa ating mga guro lalo na sa
kasalukuyan kung saan naglilipana ang mga huwad na kagandahan, kabutihan
at katotohanan. Tulungan natin silang maliwanagan at mapalawak ang
kaalaman. Upang magabayan tayo, halina’t alamin ang mahahalagang
detalyeng inaasahan nating matututunan ng mga bata.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
ALAMIN !

Ang modyul na ito ay ginawa upang kahit sa gitna ng paghampas ng

2.0
pandemya ay sama-sama nating matugunan ang inyong pangangailangan sa
patuloy na pagkatoto nang hindi naisasantabi ang pag-iingat sa inyong kalusugan .

ON
Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang isang nobela mula sa Panitikang Asyano
kung saan ay matututunan ninyo ang pag-uuri sa mga tiyak na bahagi sa akda na

SI
nagpapakita ng katotohanan , kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang

ER
bahagi ng nobela. ( MELC Baitang 9 - F9PN-Ic-d-40)

-V
Ang kasanayang nakapaloob sa araling ito ay nahahati sa S mga tiyak na
layunin:
LE
DU

1. Nasusuri ang nilalaman ng


MO

napakinggang nobela ayon sa


katotohanan, kabutihan at
ON

kagandahang nakapaloob dito.


TI
RA

2. Nakapag-uugnay ng mga pangyayari


sa sariling lugar kung saan ay makikita
NE

ang katotohanan, kabutihan at


kagandahan ng mga pangyayari.
GE
T

3. Napapahalagahan ang mga tanyag na


1S

nobelistang Filipino sa pamamagitan


ng pagkilala sa mga ito.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
SUBUKIN !

Ngayon ay kumuha ka ng sagutang


papel at subukan mong pag-ibahin ang
mga pahayag sa pamamagitan ng pag-
uuri kung ito ay katotohanan, kabutihan o

2.0
kagandahan.

ON
SI
Paunang Pagtataya

ER
A.Direksyon: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at isulat sa iyong hiwalay na
sagutang papel kung ito ay nagsasaad ng katotohanan, kabutihan o kagandahan.

-V
________ 1. Nagbabahagi ng mga pagkain ang mayayaman sa mga mahihirap
bilang tulong sa gitna ng umiiral na pandemya dulot ng covid-19.
S
LE
________ 2. Ang Covid-19 ay isang epidemya na kumitil ng maraming buhay
DU

sa buong mundo.
MO

________ 3. Marami ang naniniwala na negatibo man ang epekto ng covid sa


mga tao ay nagdulot naman sa paghilom ng matagal nang suliranin
sa pagkabutas ng ozone-layer sa kalawakan.
ON

________ 4 . Nakapagpahinga ang kalikasan at muling nasilayan ang taglay


TI

nitong ganda nang magdeklara ng ECQ ang mga bansa.


RA

________ 5. Ang covid-19 ay nagsimula sa Wuhan, China at lumaganap


sa buong mundo.
NE
GE

Magaling ! ! !

Sa muli ay iyo na namang nagunita ang kaibahan ng


T

katotohanan, kagandahan at kabutihan na napalawak pa sa


1S

pamamagitan ng pag-uuri sa mga pahayag na ibinigay.


Ngayon ay titingnan natin kung hanggang saan ang iyong
nalalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa Gawain B sa
pahina 3.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Handa ka na ba? Halika, simulan na nating sagutan
ang gawain. Magtiwala ka, kaya mo ito. Kapag
nahirapan, huwag mag-alala dahil marami akong mga
inihanda para masiguro ang iyong pagkatoto.

2.0
ON
B.Direksyon: Basahin ang mga pahayag at piliin ang letra na nagtataglay ng
tama o totoong impormasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

SI
ER
1. Ang Saudi Arabia ay bansang matatagpuan sa _______ Asya.
a. Timog-Hilagang c. Timog-Silangang

-V
b. Timog-Kanlurang d. Kanlurang
S
LE
2. Uri ng panitikan na nahahati sa mga kabanata.
a. tula c. sanaysay
DU

b. kuwento d. nobelah
MO

3. Ang kultura ng bansang Saudi Arabia ay nakabatay sa paniniwalang___.


a. Kristiyanismo c. Buddhism
ON

b. Muslim o Islam d. Iglesia ni Cristo


TI
RA

4. Ang mga kababaihan sa Saudi Arabia ay ________ .


a. malayang nagagawa ang kahit na anong naisin.
b. pantay ang karapatan sa mga kalalakihan.
NE

c. may limitadong karapatan na hindi papantay sa kalalakihan


d. mas nakalalamang ang karapatan kaysa kalalakihan
GE
T

5. Ang nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi ay nagmula sa bansang ____ .


1S

a. Pilipinas c. Thailand
b. Tsina d. Saudi Arabia

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
6. Si Haring Abdullah ng Saudi Arabia ay nagpahayag na magkaroon ng
karapatan ang mga kababaihan na ____ .

a. bumoto sa halalang local at sumali sa pagtakbo bilang kandidato.


b. magmaneho na ng mga sasakyan
c. makakapag-asawa na rin ng higit sa isa gaya ng mga lalaki
d. kilalanin bilang malakas taliwas sa paniniwala noon.

2.0
7. Ang sistemang politikal ng bansang Saudi Arabia ay

ON
pinangungunahan ng hari kung saan ____.

SI
a. ang mga namumuno ay karamihang kamag-anak ng hari.
b. hindi pinapayagang mamuno ang kamag-anak ng hari.

ER
c. malayang maging pinuno ng ibat ibang ahensya ang sinuman.
d. hinayahaan ng hari na sundin ang kagustuhan ng mga tao.

-V
8. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming
S
LE
tagpuan, maraming tunggalian, at masalimoot na mga pangyayari.
DU

a. Sanaysay c. nobela
b. Maikling kuwento d. dula
MO

9. Isang babaeng mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang


ON

lalaking mahilig maglakbay sa buong mundo. Ano ang ibig sabihin


ng may salungguhit?
TI

a. nag-asawa c. nagtanan
RA

b. nagpakasal d. nakipaghiwalay
NE

10. Isuot mo ang dilaw na roba at bonnet na ito habang inihahanda ko


GE

ang makakain. Ibig sabihin ng may salungguhit ay____ .


T

a. telang ipinupulupot sa paligid ng ulo c. palamuti


1S

b. sombrero d. pantali

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
BALIKAN ! Balikan natin ang kaalaman mo sa
pagtukoy sa katotohanan,
kabutihan at kagandahan.

Direksyon: Sa iyong sagutang-papel ay magsulat ng mga pangyayaring nagpapakita


ng katotohanan, kabutihan at kagandahan na makikita sa larawan.

katotohanan kagandahan

2.0
ON
Laging isaisip
na sa mga

SI
kuwento o kabutihan

ER
nobelang
ating

-V
nababasa ay
laging Katotohanan – Kung ano ang totoong nagaganap ay
kakikitaan ito siyang mahalaga sa tao sa kadahilanang ito ang
S
LE
ng siyang nagsisilbing gabay upang mabuhay sa kung
ano ang nararapat. Katotohanan ang nagliligtas sa tao
DU

katotohanan,
kabutihan at sa kapahamakan at makakapagdadala sa isang tiyak
MO

kagandahan. na tagumpay.Katotohanan din ang nagpapalaya sa


Ngunit paano pagkakakulong sa kasinungalingan. Sa nobela, kung
nga ba ano ang pangyayaring nagaganap sa tunay na buhay
ON

nagkakaiba ay isang katotohanan.


ang mga ito?
TI

Kabutihan – Ang pagtulong sa mga tao, pagbibigay


RA

kalinga, pagmamagandang loob ay isang kabutihan


na hinahangaan ng lahat. Ang aksiyon ng
NE

pagkawanggawa sa kapwa o maging pagkiling sa kung


ano ang makakabuti sa iyong kinabukasan ay isang
GE

kabutihan. Kung ito ay ginagawa ng mga tauhan sa


teksto, ito ay isang kabutihan.
T

Kagandahan – Anumang bagay na kasiya-siya sa


1S

paningin ay isang kagandahan. Ang kagandahan ay


isang bunga ng kabutihang naidulot ng mabuting
aksyon. Ang kagandahan ay maaaring nakikita o
nararamdaman ng tao.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Tuklasin natin ang mga bagay-
bagay na may kaugnayan sa Saudi-
TUKLASIN ! Arabia. Ano kayang katotohanan,
kabutihan at kagandahan ang
nakatago dito? Simulan natin sa
pagsagot sa gawain sa ibaba gamit
ang iyong sagutang-papel.

2.0
Direksyon: Ang mga larawan ay nagpapakita ng mga bagay-bagay na may
kaugnayan sa Saudi Arabia. Ayusin ang mga letra upang mabuo ang pangalan ng

ON
mga larawan at isulat sa kahon ang nalalaman mo tungkol dito na maaaring
nagpapakita ng katotohanan, kabutihan o kagandahan.

SI
ER
-V
S
LE
IENGI ARUQN MDUMHAMA
DU

__________________ ___________________ __________________


MO

ALAM MO BA NA . . .
ON

ALAM MO BA NA …
TI

Ang Saudi Arabia ay isa sa mga bansang matatagpuan sa Timog-Kanlurang


RA

Asya. Ang kanilang kultura ay nakabatay sa paniniwalang Muslim. Ang Diyos nila ay
si Allah at si Muhammad ang propetang nagpalaganap ng Islam. Pinapayagan mag-
NE

asawa ang lalaki nang hanggang apat kung kaya ng kanilang bulsa. Ang ama ang
kinikilalang pinakamakapangyarihan sa tahanan habang mahina ang babae.
GE

Noong Setyembre 25, 2011 sa kapangyarihan ni Haring Abdullah ng Saudi


T

Arabia ay pinayagan ang kababaihan na bumuto at kumandidato, ngunit hindi


1S

binanggit kung papayagang mabuhay ng normal nang walang bantay na lalaki.

Pinangungunahan ng pamilya ng hari ang sistemang politikal ng bansa na


kung saan ay nagbigay daan upang makontrol ang karamihan sa mahahalagang
posisyon nito.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Halina’t pag-aralan natin ang nobelang Isang Libo’t isang Gabi
mula sa Saudi Arabia. Sagutan lang muna natin ang talasalitaan
sa ibaba upang makatulong sa mabilis na pag-unawa sa teksto
sa oras na marinig natin ang mga salitang ito.

Paglinang ng talasalitaan.

2.0
ON
Hanapin sa Hanay B ang kahuligan ng mga salita sa hanay A. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

SI
Hanay A Hanay B

ER
________ 1. mungkahi a. nakakulong

-V
________ 2. pakay b. banal na aklat ng mga muslim

________ 3. Quran
S
c. bintang
LE
_________4. nakapiit d. panukala
DU

_________5. paratang e. layon


MO

Sanayin natin ang galling sa pakikinig sa nobelang


Isang Libo’t Isang Gabi. Pumili sa dalawang paraan:
ON

1.Para sa may gadgets at internet:


TI

Buksan ang link na ito


RA

https://www.youtube.com/watch?v=GjwhlgMFyEk at
hasain ang kasanayan sa pakikinig upang mapalawak
NE

ang kaalaman at masagutan ang mga kasunod na


gawain.
GE

2.Para sa walang gadgets at internet:


T
1S

Kumuha ng kapares at ipabasa ang nobela ng Saudi


Arabia na pinamagatang “Isang libo’t Isang Gabi”, na
isinalin sa Filipino ni: Julieta U. Rivera. Habang
binabasa ay hasain mo ang kasanayan sa pakikinig
nang may pag-unawa.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
ISANG LIBO'T ISANG GABI
(One Thousand and One Nights)
Nobela - Saudi Arabia
Isinalin sa Filipino ni: Julieta U. Rivera

Isang babaeng mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking


mahilig maglakbay sa buong mundo. Malimit siyang iniiwanan nang matagal ng
kaniyang asawa. Dahil sa katagalan nang di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya
ngkalungkutan at pagkabagot. Umibig siya sa ismang lalaking mas bata sa kaniya.

2.0
Isang araw, isang lalaki ang nagsampa ng reklamo laban sa lalaking kaniyang
inibig at ipinakulong siya. Nang malaman ng babae ang tungkol dito, agad siyang
nagbihis nang pinakamaganda niyang damit at pumunta sa hepe ng pulisya. Bumati

ON
siya at sinabi, “Kapatid ko ang lalaking ipinakulong ninyo, inaway nang hindi namin
nakikilala, subalit nagsinungaling ang lalaking tumestigo laban sa kaniya.

SI
Nagkakamali kayo sa pagkabilanggo sa kaniya, wala na akong kasama at wala nang

ER
susuporta sa akin, kaya maawa na kayo, pakawalan n’yo siya.”

Nang marinig ng pulis ang kaniyang pagmamakaawa, at makita ang kaniyang

-V
ayos, umibig ito sa kaniya. Sinabi nito, “Pumunta ka sa aking tahanan hanggang sa
mailabas ko ang iyong kapatid ; tutulungan ko siya at pagkatapos ay ilayo mo S
na siya.”
LE
Diyos ko po,” sagot niya. “Hindi ako pupunta sa bahay ng lalaking
DU

estranghero sa akin,” sabi ng bababe. “Kung ganoon, hindi ko siya pakakawalan


maliban kung sasama ka sa akin at payagan mo akong gawin ang gusto kong
MO

gawin,” sabi ng pulis. Sumagot siya, “Ikaw na lamang ang pumunta sa aking tahanan
kahit maghapon at magdamag kung talagang kinakailangan,” sabi ng babae.
ON

“Saan ang iyong tahanan?” tanong nito. At itinuro ng babae ang bahay at
nagbigay ng oras para sa pagpunta.
TI

Humingi rin siya ng tulong sa Cadi, “Diyos ko! Cadi.” “Oo,” sagot nito at siya’y
RA

nagpatuloy. “Pag-aralan mo ang kaso ko at gagantimpalaan ka ng Diyos,” sinabi


nito. “Sinoang may kagagawan nito?” Sumagot siya, “Mayroon akong kapatid, kaisa-
NE

isa kong kapatid. Naparito ako dahil sa kaniya, sapagkat ikinulong siya ng pulis at
pinaratangang isang kriminal. Nagsinungaling laban sa kaniya at sinabing ito’y
GE

masamang tao, kaya nakikiusap ako, tulungan n’yo siya.” Nang sulyapan siya ng
Cadi, umibig din ito sa kaniya. “Pumuntaka sa aking tahanan para makasama ko at
T

sasabihin ko sa pulis na palayain ang iyong kapatid. Kapag nalaman ko kung


1S

magkano ang kabayaran para sa kaniyang kalayaan, babayaran ko ng sarili kong


pera upang ako’y mapaligaya mo, sapagkat napakalambing ng iyong tinig.” At sinabi
niya, “Kung magiging mabait ka sa akin.” Sumagot ang Cadi, “Kung hindi ka
papayag, makaaalis ka na at huwag mo akong sisisihin.” Muli siyang sumagot.
“Kung talagang iyan ang gusto mo, mas maganda at pribado sa aking tahanan
kaysa sa inyo na maraming katulong ang makaiistorbo sa atin. Saka isa pa, hindi

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
naman ako masamang babae, subalit kailangan ko lang itong gawin.” “Saan ang
iyong tahanan?” tanong ng Cadi. Sumagot siya, “Sa ganitong lugar.” Sinabi niya ang
takdang araw at oras ng kaniyang pagpunta.

Pumunta rin siya at humingi ng tulong sa Vizier na palayain ang kaniyang


kapatid sapagkat lubha niya itong kailangan. Subalit may ibinigay rin itong
kondisyon. “Payagan mo akong gawin ang gusto kong gawin sa iyo at palalayain ko
ang iyong kapatid.” Sumagot siya, “Kung talagang gusto mo, doon na lamang sa
aming tahanan,tayo lang doon, hindi naman kalayuan ang aking bahay. Para
maayos ko naman ang aking sarili.” “Saan ang bahay mo?” tanong nito.“Sa ganitong

2.0
lugar.” At nagtakda ang babae ng oras at araw na gaya ng dalawang nauna. Mula
rito ay pumunta siya sa hari. Isinalaysay rin niya ang pangyayari at humingi
rin siya ng tulong upang mapakawalan ang kaniyang sinasabing kapatid. “Sino ang

ON
nagpakulong sa kaniya?” tanong nito. “Ang hepe ng pulisya,” ang kaniyang sagot.
Nang marinig ng hari ang nakahahabag na salaysay sa pagkakakulong ng kapatid,

SI
bumukal sa puso nito ang awa at pagmamahal. Sinabi nito na sumama sa kaniyang

ER
tinutuluyan at upang matulungan siyang palayain ang kapatid.

Subalit kaniyang sinabi , “O mahal na hari , madali lang para sa iyo ang lahat .

-V
Wala akong magagawa kapag iyong ginusto.Subalit malaking karangalan kung
pupunta ka sa aking tahanan.” Siya’y pumayag. Sinabi ng babae ang lugar at oras S
ng kanilang pagtatagpo na gaya ng oras sa sinabi niya sa unang tatlong lalaki.
LE
Umalis siya pagkatapos at humanap ng isang karpintero at sinabi nito,
DU

“Ipaggawa mo ako ng isang cabinet na may apat na compartment, magkakapatong,


may pinto ang bawat isa at masasaraduhan. Malaman ko lang kung magkano at
MO

babayaran ko.” Sumagot ang karpintero, “ Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit
hindi ko na ito pababayaran kung papayagan mo ako sa aking kahilingan.” “Kung
kinakailangan,” sagot ng babae. “Papayag ako subalit gawin mo nang lima ang
ON

compartment ng cabinet na ipinagagawa ko sa iyo.” At sinabi nito kung kailan


ihahatid ang cabinet sa kaniyang tahanan. Sinabi ng karpintero, “Mabuti, sige maupo
TI

ka na lamang at gagawin ko ngayon din ang iyong cabinet.” Pagkatapos na


RA

magawa, inutusan niya ang karpintero na dalhin sa bahay ang cabinet. Ipinuwesto
niya ito sa sala. Pagkatapos, kumuha ng apat na damit at may iba-ibang kulay.
NE

Naghanda na rin siya ng makakain, karne, inumin, prutas, mga bulaklak, at pabango.
GE

Dumating ang araw na ibinigay niya sa lahat ng hiningian niya ng tulong.


Isinuot niya ang kaniyang pinakamahal na damit, naglagay ng mga adorno sa sarili,
nagpabango, at nilagyan ng mamahaling karpet, at naghintay sa kahit sino ang
T

maunang dumating.
1S

Si Cadi ang unang dumating. Nang makita niya ito, tumayo siya at humalik sa
paanan ni Cadi. Hawak ang kamay, inaya niya itong maupo sa karpet. Nang
sisimulan na nitoang kaniyang pakay, sinabi ng babae, “Alisin mo muna ang iyong
kasuotan at ang iyong turban. Isuot mo ang dilaw na roba at bonnet na ito habang
inihahanda ko ang makakain at maiinom natin. Pagkatapos, puwede mo nang gawin

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
ang nais mo.” Habang isinusuot niya ang roba at bonnet, may kumatok sa pinto.
“Sino ang kumakatok? ” tanong niya. “Ang aking asawa,” ang kaniyang tugon. “Ano
ang aking gagawin, saan ako pupunta?” tanong ni Cadi. “Huwag kang matakot,” sabi
ng babae. “Itatago kita sa cabinet na ito.” “Gawin mo kung ano ang dapat,” sagot ni
Cadi. Kaya’t ipinasok niya ito sa pinakaibabangcompartment at isinara ang pinto.

Pumunta siya sa pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok. Ang hepe ng
pulisya.Pinatuloy niya ito agad. “Ariin mong iyo ang lugar na ito at ako’y iyong alipin.
Buong araw sa akin ka kaya’t alisin mo na ang iyong suot at ipalit mo ang pulang
roba na ito.” Subalit bago nito magawa ang kaniyang pakay, sinabi nito, “Ako’y

2.0
iyong-iyo at walang iistorbo sa atin. Kung mabait kang talaga, gumawa ka muna ng
kautusan na nagpapalaya sa aking kapatid para naman mapanatag ang aking
kalooban.” “Masusunod,” sabi nito. At gumawa na nga ng kautusan ang pulis na

ON
nakasaad ang agarang pagpapalaya sa kaniyang kapatid. Nang sisimulan na niya
ang kaniyang pakay, biglang may kumatok sa pinto. “Sino iyon?” tanong ng pulis.

SI
“Ang aking asawa,” sagot ng babae. “Ano ang gagawin ko?” ang muli niyang tanong.

ER
“Pumasok ka sa cabinet na ito, pag-alis niya saka ka lumabas.” At ipinasok niya ito
sa pangalawang compartment sa ilalim at sinarhan ang pinto.

-V
Samantala ang nangyayari ay naririnig lamang ni Cadi na nasa loob ng isang
compartment ng cabinet. Pumunta uli ang babae sa pintuan upang muling tingnan S
kung sino ang kumakatok, si Vizier. Sinabihan din niya ito na tanggalin ang mabigat
LE
na damit at turban at magsuot ng mas magaan. Isinuot niya ang bughaw na damit at
DU

ang kaniyang pulang bonnet at pati na rin ang kaniyang robang gagamitin upang
maginhawa sa pagtulog. Nagsimula na ang pakay ni Vizier, nang biglang may
MO

kumatok. Tinanong din niya kung sino ito at sinabi ng babae na ito ay ang kaniyang
asawa. Nalito ang lalaki at nagtanong kung ano ang kaniyang dapat gawin kaya’t
sinabi sa kaniyang magtago sa loob ng cabinet sa ikatlong compartment. Tulad ng
ON

nauna, isinara rin niya ang pinto ng cabinet.

Pumunta siya sa pinto at pinagbuksan ang kumakatok. Ito ay ang hari.


TI

Pagkatapos na imungkahi nito ang pagpapalit ng damit, mayamaya pa


RA

nagkakapalagayang loob na sila. Sinimulang gawin ng hari ang kaniyang ninanais.


Nakiusap ang babae na tumigil muna at nangakong paliligayahin niya ito sa silid
NE

pagkatapos ng kaniyang sasabihin. “Kahit ano ang iyong kahilingan,” sagot niya.
“Alisin mo ang iyong roba at turban.” Mahal ang kaniyang damit. Nagkakahalaga ito
GE

ng isang libong dinaryo. Nang alisin niya ito, ipinalit ang roba na nagkakahalaga ng
sampung dinaryo lamang. Ang lahat ng kanilang pinag-uusapan ay naririnig lamang
T

ng tatlong lalaking nakatago sa tatlong compartment ng cabinet subalit hindi sila


1S

makapagsalita. Nang simulan ng hari ang kaniyang nais sa babae, sinabi niya,
“Mayroon sana akong ipakikiusap sa iyo.” Habang sila’y nag-uusap, may kumatok
muli sa pintuan. Tinanong nito kung sino ang kumakatok. Muli niyang sinabi na ito
ang kaniyang asawa. Sinabi nito na paalisin ang asawa o siya, ang hari, ang
magpapaalis dito. Subalit sinabi niya na maging matiyaga. Kaya’t pinapasok niya ito
sa pang-apat na compartment ng cabinet. At isinara ang pinto.

10

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Lumabas siya upang patuluyin ang kumakatok. Ito ang karpintero. Tinanong
ng babae. “Anong klaseng cabinet ba itong ginawa mo?” “Bakit, anong masama sa
ginawa ko?” Sumagot siya, “Masyadong makipot ang ibabaw na compartment.”
“Hindi.” “Anong hindi?” Subukin mo ngang pumasok at hindi ka kakasya riyan.”
Pumasok nga ang karpintero sa ikalimang compartment. At sinaraduhan ito ng
babae.

Agad niyang dinala ang sulat sa hepe ng pulisya. Agad namang pinalaya ang
kaniyang mangingibig. Hindi nila malaman ang kanilang gagawin. Napagpasiyahan
nilang magpakalayo-layo at lumipat ng syudad sapagkat hindi na sila makapananatili

2.0
sa lugar na iyon. Gumayak sila at tumakas sakay ng isang kamelyo.

Samantala, nanatili ang limang lalaking nakakulong sa compartment ng

ON
cabinet. Sa loob ng tatlong araw na walang pagkain at walang tubig. Hindi nakatiis
ang karpintero,kinatok niya ang compartment ng hari, kinatok naman ng hari ang

SI
compartment ni Vizier, kinatok naman ni Vizier ang compartment ng pulis at ng pulis

ER
sa compartment ni Cadi. Sumigaw ang Cadi na nagsasabing bakit ba sila
nagsasakitan gayong lahat naman sila ay nakakulong. Nagkarinigan silang lima.

-V
Napagtanto nila na sila ay napagkaisahan ng babae. At habang sila-sila ay
nagkukuwentuhan ng mga pangyayari, nagtataka angkanilang mga kapitbahay
sapagkat may ingay ay wala naman silang makitang tao sa loob. Kaya’t S
napagpasyahan nilang wasakin ang pinto at pasukin ang bahay.
LE
Nakita nila ang cabinet na yari sa kahoy. Nakarinig sila ng nagsasalita kaya’t
DU

tinanong nila kung may genie sa loob nito. Sinabi ng isa na sunugin ang cabinet.
Sumigaw ang Cadi na huwag silang sunugin. Nagkunwari siyang genie, nagsalita ng
MO

mensahe galing sa Qur’an. Pinalapit nito ang mga tao sa cabinet.

Lumapit sila sa cabinet at nagsimulang magsalaysay ang mga nakakulong.


ON

Tinanong nila kung sinong may kagagawan ng lahat ng ito. Ikinuwento nila lahat-
lahat nang nangyari. Nang makita nila ang kanilang mga hitsura at pananamit,
TI

nagtawanan na lamang sila. Lumabas sila ng bahay na tinatakpan ang kanilang mga
RA

mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng mga kapitbahay.


NE
GE

Naibigan mo ba ang bahagi ng nobela ng


Saudi Arabia? Halika’t subukan nating alamin
kung anu-ano ang mga naintindihan at
T
1S

natutunan mo sa napakinggang nobela.


Basahin at sagutan mo ang bahaging
PAGYAMANIN sa pahina 12.

11

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
PAGYAMANIN

Ipaliwanag Mo

2.0
ON
Direksyon: Kumuha ka ng sagutang-papel at sagutan ang mga tanong sa ibaba na
naglalayong mapayaman ang kaalaman mo sa nakatagong katotohanan, kabutihan
at kagandahan mula sa katatapos mong marinig na bahagi ng nobela.

SI
ER
1. Makatarungan ba ang ikinilos ng pangunahing tauhan sa nobela? Patunayan.

-V
S
LE
DU

2. Anong bahagi ng akda ang iyong nagustuhan? Bakit ?


MO
ON
TI
RA

3. May kabutihan bang nagawa ang mga tauhan sa nobela? Ano ito?
NE
GE
T
1S

4. Anu-anong mga pangyayari sa nobela ang nagaganap sa totoong buhay?


Patunayan.

12

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
SURIIN

Direksyon: Sa iyong sagutang-papel ay isulat ang napili mong bahagi ng nobela na


nagsasaad ng katotohanan , kabutihan at kagandahan ayon sa sariling
pang-unawa at pangatwiranan ang iyong sagot.

2.0
ON
KATUWIRAN

SI
ER
-V
KATOTOHANAN S
LE
DU
MO

ISANG LIBO’T
ON

ISANG GABI
TI
RA

KAGANDAHAN KABUTIHAN
NE
GE
T
1S

KATUWIRAN KATUWIRAN

13

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
ISAISIP MO
na . . .

Ang nobela ay kakikitaan ng mga pangyayaring


naglalahad ng katotohanan , kabutihan at
kagandahan na siyang nagpapakita ng kariktan at
kahalagahan nito sa buhay ng tao. Bukod dito ay lagi
nating pakatandaan na ito rin ay isang mahabang

2.0
kathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na

ON
pagbabalangkas na ang pangunahing sangkap ay
maipalabas ang hangarin ng pangunahing tauhan at

SI
katunggali. Ito ay binubuo ng mga kabanata na

ER
naglalaman ng ibat ibang kuwento na umiikot sa
buhay ng isang pangaunahing tauhan hanggang sa

-V
mapagtagumpayan niya ang mga tunggaliang
kanyang kinaharap. Sa nobela ay masasalamin din S
natin ang kultura ng bansang pinagmulan nito.
LE
DU
MO

Sa napakinggang nobela ay napagtanto natin sa ikinilos


ng babae ang totoong pagmamahal na inialay niya sa
ON

napusuang lalaki. Ayon pa nga kay Francisco


“Balagtas” Baltazar sa kanyang Florante at Laura :
TI

“O pag-ibig na makapangyarihan
RA

Pag ika’y pumasok sa puso ninuman,


Hahamakin ang lahat
NE

masunod ka lamang.” –Aladin kay Flerida


GE

O diba? Naniniwala ka rin ba?


Umibig ka na rin ba? Anu-ano kayang mga
T

katotohanan, kabutihan at kagandahan ang naidulot ng


1S

pag-ibig sa iyo o kung hindi mo pa ito naranasan,


maaaring sa nasaksihan mong karanasn ng iba. Sige
nga subukan nating alamin sa pamamagitan ng
pagsagot sa gawain sa pahina 15.

14

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
ISAGAWA

Direksyon: Magtala ng mga pangyayari sa tunay na buhay na nagpapakita ng


katotohanan, kabutihan at kagandahang dulot ng isang tunay na pag-ibig. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang-papel.

2.0
ON
SI
ER
-V
KABUTIHAN

S
LE
DU
MO

KATOTOHANAN KAGANDAHAN
ON
TI
RA
NE
GE

TUNAY NA PAG-IBIG
T
1S

15

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
TAYAHIN

A. Direksyon: Isulat sa iyong sagutang-papel ang T kung ang pahayag ay tama at


M kung ito ay Mali.

2.0
_____1. Ang nobela ay sang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata na
may maraming tagpuan at tunggalian.

ON
_____2. Sa nobela ay masasalim natin ang kultura ng lugar na pinagmulan
nito.
_____3. Sa nobelang Isang Libo’t Isang Gabi ay pinatunayan na ang mga

SI
kababaihan ay malakas taliwas sa sinaunang paniniwala.

ER
_____4. Ang Saudi Arabia ay bansang matatagpuan sa kanlurang Asya.
_____5. Ang kultura ng bansang Saudi Arabia ay nakabatay sa

-V
paniniwalang Muslim.
_____6. Ang mga kababaihan sa Saudi Arabia ay malayang nagagawa ang
kahit na anong naisin. S
_____7. Ang nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi ay nagmula sa bansang Tsina.
LE
_____8. Ang katotohanan , kabutihan at kagandahan sa totoong buhay ay
DU

makikita sa nilalaman ng isang nobela.


_____9. Si Lualhati Bautista ay isa sa mga tanyag na nobelista sa Pilipinas.
_____10 Ang naging kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa pagiging nobelista ay
MO

ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na naghatid sa


kanya ng karangalang maging pambansang bayani ng Pilipinas.
ON

HANGGANG SAAN ANG ALAM MO ?


TI
RA
NE

B.Direksyon: Isulat ang A kung katotohanan, B kung kagandahan, C kung


kabutihan ang isinasaad ng mga pahayag.
GE

_____ 1. Nangyayari din sa kasalukuyan na umiibig ang babae sa mas bata


sa kanya.
T

_____ 2 . Ni isa sa limang lalaking nagkaroon ng pagnanasa sa babae ay hindi


1S

nagtagumpay dahil siya ay mapamaraan para makaiwas sa mga ito.


_____ 3. Tinulungan ng babae na mapalaya ang kanyang iniibig dahil batid
niyang wala itong kasalanan.
_____ 4. Ang limang lalaki ay umibig sa panlabas na kagandahan ng babae.
_____ 5 Malinaw na naipakita sa nobela ang kalakasan ng isang babae taliwas sa
paniniwala ng iba.

16

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
KARAGDAGANG MGA
GAWAIN

Matatawag din nating mga bayani ang mga nobelista dahil kaya nilang
ipasok ang katotohanan, kabutihan at kagandahan ng buhay sa loob ng

2.0
kanilang likhang-sining sa larangan ng pagsulat. Ang kabayanihan ng isang
manunulat ay hindi lang natin makikita sa bansang Saudi Arabia at iba pang mga

ON
bansa kundi maging sa ating sariling bansa.

SI
A.Direksyon: Kilalanin mo ang mga nobelista sa sarili mong bayan. Piliin sa kahon

ER
ang pangalan ng mga nobelistang Pilipino at isulat ang letra nang tamang sagot sa
iyong sagutang-papel

-V
S
LE
DU
MO

1. _______ 2.______ 3. _______ 4. ______ 5. _______


ON

a. Lazaro Francisco b. Rogelio Sikat c. Dr. Jose P. Rizal


TI
RA

d. Lualhati Bautista e. Lope K. Santos


NE

B.Direksyon: Sa panahon ng pandemya anong katotohanan ang nais mong


GE

baguhin? Anong kabutihan ang magagawa mo? Kung may kagandahang naihatid
ang pandemya, ano ito? Isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.
T
1S

KATOTOHANANG NAIS BAGUHIN -

KABUTIHANG MAGAGAWA -

KAGANDAHANG HATID -

17

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
May iba’t ibang sagot.
PAGYAMANIN

C 5.
A 4.
B 3.
E 2.

2.0
May iba’t ibang sagot. D 1.

KARAGDAGANG GAWAIN B TALASALITAAN

ON
5. D 3. MUHAMMAD

SI
4. E 2. QURAN
3. A paliwanag. 1. GENIE

ER
May iba’t ibang
2. C TUKLASIN

-V
1. B

KARAGDAGANG GAWAIN A
S
LE
May iba’t ibang sagot.
BALIKAN
DU

A 10.
MO

B 9.
C 8.
ON

A 7.
A 6.
TI

5. B 10. T 5. T B 5.
4. A 9. T 4 .M C 4.
RA

3. C 8. T 3. T B 3.
2. B 7. M 2. T D 2.
NE

1. A 6. M 1. T A 1.
GE

TAYAHIN B TAYAHIN A SUBUKIN B


T

KATOTOHANAN 5.
1S

KAGANDAHAN 4.
KAGANDAHAN 3.
KATOTOHANAN 2.

May iba’t ibaang sagot.


Mga Sanggunian KABUTIHAN 1.

Peralta, Romulo,et. Al., RomuloPanitikang Asyano 9, Republika ng Korea.Prinpia


ISAGAWA SUBUKIN A
Co., Ltd. 2014, 2016, 2017
MGA SAGOT
Ambat, Vilma C.,et,al Panitikang Pandaigdig 10 , Vibal Group Inc., 201

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
TALASANGGUNIAN
Panitikang Asyano 9, Kagawaran ng Edukasyon
Most Essential Learning Competencies (MELCS), Baitang 9

PINAGKUNAN NG KOPYA NG NOBELA


https://www.facebook.com/804387872952408/posts/isang-libot-isang-gabione-

2.0
thousand-and-one-nightsnobela-saudi-arabiaisinalin-sa-/875419555849239/

PINAGKUNAN NG KUWENTONG PAKIKINGGAN

ON
https://www.youtube.com/watch?v=GjwhlgMFyEk

SI
MGA PINAGKUNAN NG MGA LARAWAN

ER
-V
https://image.shutterstock.com/image-vector/teacher-woman-260nw-532686670.jpg
S
LE
DU

https://lh3.googleusercontent.com/proxy/eIKCmXS-
MO

5bWuhtgIUMQsVHcfaK5o7WdKIEWh2d1ZHTqVn01kgcZGRHQq_60EAEhG_6g7aU
p2C6jmPYjVlrqHIdcUzasLy6aXFa5sx3h-2y1TZgsM--mjMXqH
ON
TI
RA

https://i.pinimg.com/236x/d6/e7/c8/d6e7c84f34195a818e6c9415d908a9d6.jpg
NE
GE
T

https://www.kindpng.com/picc/m/81-815699_cartoon-female-clip-art-technology-
1S

teacher-clipart-hd.png

https://maryimmaculateschool.org/wp-content/uploads/2019/01/kindergarten-
celebration-clip-art-congratulations-clipart-300x283-300x283.jpg

19

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcQsvrN2uVMI-
hX4srQl1O0QaUE_ij-H3-LByA&usqp=CA

2.0
https://assets2.rappler.com/images/DEPED.jpg

ON
SI
ER
https://st3.depositphotos.com/7742794/13986/i/1600/depositphotos_139862266-
stock-photo-happy-couple-sunset-sea-run.jpg

-V
S
LE
https://cdn3.vectorstock.com/i/1000x1000/56/87/genie-vector-3565687.jpg
DU
MO
ON

https://www.emirates247.com/polopoly_fs/1.497586.1452267572!/image/image.jpg
TI
RA
NE

https://i.skyrock.net/3997/67313997/pics/2975079629_1_3_4i2aBrlT.jpg
GE
T
1S

https://3.bp.blogspot.com/_XybaQNpGmBs/SgPj3Hbt6iI/AAAAAAAAAQs/4KIAemmg
FCw/s320/SicatRogelio.jpg

20

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
https://www.pacificatrocities.org/uploads/1/2/2/9/12298219/joserizal_orig.jpg

2.0
https://live.staticflickr.com/8770/18257956169_578ba21a6d.jpg

ON
SI
ER
https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AAd9GcQm9FrckLbMcuoF7SjlKqBxFPEq30bNIC

-V
Q9TA&usqp=CAU
S
LE
DU

https://4.bp.blogspot.com/_w7ilNrFnHH4/SJtXKtPwBEI/AAAAAAAAGMY/aHs32RFFl
MO

nY/s400/lope+k.+santos.jp
ON
TI

https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTehDaQxJUHQ8YjuxmtN0L3ad9JZNw-
RA

NjYLAw&usqp=CAU
NE
GE
T
1S

21

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2.0
ON
SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
ON
TI
RA
NE
GE
T
1S

Para sa mga katanungan o kumento, maaaring sumulat o tumawag kay :

Gina N. Hoyohoy
0915 862 8956
gina.hoyohoy001@deped.gov.ph

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

You might also like