You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.5
Bilang ng Araw : 5 Sesyon

Unang Sesyon: (Hulyo 30, 2019)


TUKLASIN

I. LAYUNIN
 Nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyin ng mga tauhan at sa aspekto nito sa pagiging masining na
akda batay sa napakinggang mga pahayag.

II. PAKSANG-ARALIN
PANITIKAN : Dula- Pilipinas
TEKSTO : Tiyo Simon ni N.P.S. Toribio
WIKA : Mga Pandiwang nasa Panaganong Paturol
KAGAMITAN : pantulong biswal
SANGGUNIAN : Panitikang Asyano 9

III. PROSESO NG PAGKATUTO


GAWAING RUTINARI
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang-Aralin/ Balik Aral

 AKTIBITI
1. Motibasyon: PICK N’ SHARE
A. May mga anak kaya sa tunay na buhay na higit na malapit sa ibang tao kaysa sa sariling
magulang? Patunayan ang sagot.
B. Bakit kaya ay mga pagkakataong pinipili ng anak na sumama sa ibang kaanak kaysa sa sariling
magulang?
C. Tama kayang hayaan ng magulang na piliing sumama ang anak sa ibang kaanak sa halip na silang
mga magulang ang samahan? Ipaliwanag.

2. Pokus na Tanong
a) Bakit mahalagang pag-aralan ang dula?
b) Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula?
c) Bakit mahalaga ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan?

3. Presentasyon ng Aralin
a. Paglinang ng Talasalitaan
Sagutin ang mga kasunod na tanong upang mabuo ang salitang nasa loob ng kahon.

1. K K
2. G N
3. A
4. A N
5. I S

1. tawag sa lolo, lola, tiya, ate, pinsan at iba pa.


2. anak ng kapatid nina tatay at nanay.
3. ang nangangalaga sa mga anak.
4. kapatid na babae ng ama at ina.
5. tawag sa anak ng tiyuhin ko
b. AMAIN KO… KILALANIN MO
Magbigay ng ilang katangian ng iyong amain/ tiyuhin na labis mong hinahangaan. Magsalaysay
ng ilang pangyayari na nagpapatunay sa mga katangiang ito.

Katangian Pangyayari

Ang Iyong Amain

 ANALISIS
1. Alin sa mga pangyayari sa buhay ng iyong amain ang lubos mong hinahangaan? Bakit?
2. Paano hinarap ng iyong amain ang kabiguang dumating sa kanyang buhay.
3. ano ang nagging epekto sa iyo ng mga pangyayaring naganap sa iyong amain/ tiyuhin?
4. Sa iyong palagay, bakit may mga magkakamag-anak na hindi magkakasundo?

4. Pagbibigay ng input ng Guro

Alam mo ba na…

Magmula sa pagsilang ng tao, nariyan na ang mga magulang na laging nakaagapay


at nagpapadama ng tunay na pagmamahal at nagtuturo ng wastong asal sa ikabubuti ng
anak.
Ito ang mag-anak na Filipino at ito ang karaniwang nasasalamin sa mga panoorin lalo
na’t ang paksa ay may kaugnayan sa buhay at pamumuhay ng mag-anak, ngunit may mga
pagkakataong nagkakaroon ng mga kaganapang hindi inaasahan.
Ang katotohanan, may mga anak na nagbabago ng ugali, nagiging mailap, malihim at
naiiba ang pakikitungo sa mga kasamahan sa bahay sa hindi maunawaang kadahilanan. Sa
bagay na ito, isang malaking katanungan ang mabubuo, kanino siya nagiging malapit at bakit
nagkaganoon? Kung kaya’t pumapasok ngayon sa buhay nila ang kanilang mga kaibigan,
kakilala at kamag-anak.
Sanggunian: Ang Batikan ni Jose B. Bilasano

 ABSTRAKSYON
Estratehiya: SHARE UR FEELING
Bukod sa iyong mga magulang, kanino ka malapit? Paano siya nakaimpluwensya sa iyo? Ilahad ang
mga pangyayaring nagpapatunay dito.

 APLIKASYON
Estratehiya: DRAW IT!
Guguhit ang mga mag-aaral ng isang bagay na sumisimbolo sa isang kaanak na malapit sa kanila.
Pagkatapos, gagawan nila ito ng isang kasabihan o pahayag na naglalarawan sa katangian nito.

IV. KASUNDUAN/ TAKDANG GAWAIN


 Basahin ang dulang “TIYO SIMON” ni N.P.S. Toribio.
 Anong uri ng dula ang akdang iyong binasa?

Inihanda ni:
JOY KENNETH U. CAMANGA
Guro sa Filipino 9
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.5
Bilang ng Araw : 5 Sesyon

Ikalawang Sesyon: (Hulyo 31, 2019)


LINANGIN

I. LAYUNIN
1. Pag-unawa sa Binasa
Nailalapat sa sarili, bilang Asyano, ang pangunahing kaisipan ng dulang binasa.
2. Paglinang ng Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit at natutukoy ang mga salitang
magkakasingkahulugan sa loob ng pangungusap.
3. Panonood:
Napahahalagahan ang napanood na dula sa pamamagitan nag pagpili at pagpapaliwanag ng
bahaging nagustuhan/ naibigan.
4. Pagsulat:
Nakasusulat ng isang reflective journal batay sa bahaging naibigan sa akda.

II. PAKSANG- ARALIN


PANITIKAN : Dula- Pilipinas
TEKSTO : Tiyo Simon ni N.P.S. Toribio
WIKA : Mga Pandiwang nasa Panaganong Paturol
KAGAMITAN : pantulong biswal, video clip, sipi ng akda
SANGGUNIAN : Panitikang Asyano 9

III. PROSESO NG PAGKATUTO


GAWAING RUTINARI
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang-Aralin/ Balik Aral
 AKTIBITI
A. Motibasyon: ROLL VIDEO CLIP

 Magpapapanood ang guro ng isang bahagi ng dula.

Nathaniel
http://www.nathaniel.ph/no02.html

Mula sa napanood na bahagi ng dula, aling pangyayari ang tumatak sa inyong isipan? Ipaliwanag.

B. Presentasyong ng Aralin

 Paglinang ng Talasalitaan
a. Punan ng titik ang kahon upang mabuo ang kahulugan ng mga parirala. Pagkatapos gamitin ito sa
pagbuo ng makabuluhang pangungusap.

1. araw ng pangilin
g m
2. namatay na hindi nakapagpa-Hesus
a d y n
3. narinig kong may itinututol siya
n u l g
4. matibay na pananalig
m t s
5. taimtim na pananalig
p n m t

b. Hanapin ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa loob ng pangungusap at idikit sa larawang


simbahan ang sagot.

1. Si tiyo Simon ay isang ateista sapagkat hindi siya naniniwala sa Diyos.


2.Ang buhay ay banal, ito’y sagradong biyaya mula sa Diyos.
3.Ang alingawngaw ng batingaw ang hudyat na magsisimula na ang misa, ngunit may mga simbahang
hindi na nagpapatugtog ng kampana.
4. Naalala bigla ni tiyo Simon ang kanyang kapatid na sumakabilang buhay na , lalo na nung
mabalitaan niyang pumanaw na ang kanyang kapitbahay.
5. Nasa katanghalian na ang gulang ni tiyo Simon ngunit hindi halatang singkwenta anyos na siya.
 Pagpapabasa ng akdang Tiyo Simon ni N. P. S. Toribio/ Pagbubuod ng Akda

 Pangkatang Gawain

Pangkat 1
MANEQUIN CHALLENGE
Piliin at ipaliwanag ang bahaging naibigan sa dula.

Pangkat 2
TALK SHOW (sample question)
 Ano ang iyong nadama matapos basahin ang dula?
 Paano binago nito ang iyong pag-uugali?
 Bakit mo ibabahagi sa iba na basahin ito?
 Bilang isang kabataang Asyano, paano mo pahahalagahan ang
mga ganitong uri ng panitikan?

Pangkat 3
GRAPHIC ORGANIZER
Tukuyin sa akda ang mga pangyayaring nagsasaad ng makatotohanan at di –
makatotohanan.
Tiyo Simon

Makatotohanan Di - makatotohanan

Pangkat 4
JINGLE
Lumikha ng isang awit na may kaugnayan sa kaisipang hatid ng akda.

 Pagbibigay ng rubriks para sa pangkatang gawain.


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan ng
Mahusay Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o kaisipan na
mga Kaisipan o nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o nais iparating sa
Mensahe kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais manonood (1)
(4) iparating sa manonood (3) iparating sa
manonood (4) manonood (2)
Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang ginamit
pamamaraang ginamit ng pangkat pamamaraang ng pangkat sa
ginamit ng pangkat sa presentasyon (2) ginamit ng presentasyon (0)
sa presentasyon (3) pangkat sa
presentasyon (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat miyembro sa pagkakaisa ang miyembro sa kanilang
(3) bawat miyembro sa kanilang gawain bawat miyembro gawain (0)
kanilang gawain (3) (2) sa kanilang
gawain (1)

 pangkatang gawain.
Pagtatanghal ng
 Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain.
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatangung pangkat na nagpakita ng kahusayan sa ginawang
pangkatang gawain batay sa rubriks na ibinigay ng guro.

 ANALISIS
1. Bakit kaya ayaw sumama ni Boy sa kanyang ina na magsimba? Nagaganap ba ito sa totoong buhay?
Patunayan.
2. Naniniwala ka ba na ang pagtutol ni Boy na magsimba ay impluwensiya ng kanyang Tiyo Simon?
Ipaliwanag ang sagot.
3. Totoo kayang ang mga taong napapahamak o dumaranas ng mga pagsubok ay parusa ng Diyos?
Patunayan.
4. Bilang isang anak, nangyari na ba sa inyo ang naranasan ni Boy? Isalaysay.
5. Aling bahagi ng akda ang nakaantig sa iyong damdamin? Ipaliwanag.

 Pagbibigay ng input ng guro

Alam mo ba na…

Aminin natin ang katotohanang ang ugali ng tao ay bunga ng kinamulatang kapaligiran, maaaring
impluwensiya ng magulang, komunidad o taong nakakasalamuha natin na nagpapabago ng ating pananaw sa
buhay.
Sa pamilya, bukod sa magulang, mayroon tayong kamag-anak na laging nakakausap. Karaniwan iyon sa
pamilyang Pilipino.
Ang “Tiyo Simon” ay isang halimbawa ng dula.
“Ang dula ay isang uri ng akda na nagsimula sa tula o tuluyang pangungusap na naglalarawan ng buhay o
ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga tauhang gumaganap upang itanghal sa dulaan”.
-Julian Cruz Balmaceda

“Sinasabi na ang daigdig ay maituturing na isang tanghalan at tayo ang


mga tauhang nagsisiganap”.
-Alejandro Abadilla

Sanggunian: Integratibong Aklat sa Filipino III nina Alita I. Tepace at Paquito B.


Badayos
 ABSTRAKSYON
Estratehiya: PICTO-CEPT
Pag-ugnayin ang mga larawan upang makabuo ng isang mahalagang konsepto ng aralin.

“Tiyo
Simon”
ni Pangunahing Kaisipan
N.P.S.
Toribio

 APLIKASYON
Estratehiya: REFLECTIVE JOURNAL
Gumawa ng isang reflective journal sa bahaging naibigan sa akda.

IV. KASUNDUAN/ TAKDANG GAWAIN


 Ano ang pandiwa at anu-ano ang mga aspekto nito?
 Basahin ang kasunod na tekstong pinamagatang “Kapag Naisahan Ako ng Aking Diyos”.
 Alamin kung paano nakakatulong ang pandiwang nasa panaganong paturol sa pagpapalutang ng mensahe
ng teksto.

Inihanda ni:

JOY KENNETH U. CAMANGA


Guro sa Filipino 9

Naobserbahan:

MARISSA C. BALMES
Punungguro 1

You might also like