You are on page 1of 7

1

BANGHAY – ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 9


(Mala-masusing Banghay – Aralin)
Paaralan NEW TAUGTOG NATIONAL HIGH SCHOOL Antas Grade 9

Guro JOSE RITCHIE R. OFANDA Asignatura Filipino


Araw at oras ng Una
Hunyo 24, 2019 (11:00 – 12:00) Unang Araw Markahan
Pagtuturo

Tema:
Mga Akdang Pampanitikan ng Timog silangang Asya
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang
book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
1. Natutukoy at naipaliliwanag ang gamit ng magkasingkahulugang pahayag sa ilang
taludtod ng tula (F9PT-Ie-41)
2. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming nakita sa tula (F9PN-Ie-d-41)
I. Mga Layunin:
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakatutukoy ng mga salitang magkasingkahulugan mula sa tula at naibibigay ang
konotasyon at denotasyon na kahulugan
2. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan na may kahalintulad mula sa tula
3. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming nakita sa tula

II. Paksang-aralin:
A. Panitikan: Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan
at Buhay ng Kinabukasan
(Tulang Naglalarawan – Pilipinas)
Ni: Pat V. Villafuerte
B. Gramatika at Retorika:
Mga Salitang Naglalarawan ng mga Pangyayari, Tao at Lugar
C. Uri ng Teksto: Naglalarawan

III. Mga Kagamitang Pampagkatuto:


A. Sanggunian
Mga Pahina sa Gabay ng Guro: pahina n/a
Mga Pahina mula sa Kagamitang Pangmag-aaral: pahina 40-44
B. Iba pang Kagamitang Panturo:
 Julian-Baisa, Ailene G. et al. (2017). Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc. (pp. 28-42).
2

 K to 12 Gabay Pangkurikulum – Filipino (pahina 112)


C. Mga Pantulong Biswal
 Larawang biswal
 Teksto
 Powerpoint presentation
 LCD projector
 videos
IV. Mga Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
INDICATOR 7
1. Panalangin Plans, manages and
Pagtawag sa mag-aaral na mangunguna para sa panalangin. implements
developmentally
2. Pagbati sa klase sequenced teaching
and learning
Pagbati nang may ngiti sa mga mag-aaral. process to meet
curriculum
3. Pagtatala ng liban sa klase requirements and
varied teaching
Pagtawag sa kalihim ng klase upang iulat kung sino ang mga liban. contexts

B. Pagganyak
 Pagpapanood ng isang bahagi ng television news magazine show na KMJS.

INDICATOR 1
Applies knowledge
of content within
and across
curriculum
teaching areas

 Pagtanong sa mga mag-aaral kung saan patungkol ang istorya ng episode


 Pagtatawag sa mga nagboluntaryo o nagtaas ng kamay.
Pagkatapos, ilalahad ang layunin sa aralin at bibigyang-tuon ang layunin para sa araw
at sabihing:
Matapos ang aralin, kayo ay inaasahang:
1. Nakatutukoy ng mga salitang magkasingkahulugan mula sa tula at naibibigay ang
konotasyon at denotasyon na kahulugan
2. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan na may kahalintulad mula sa tula
3. Naiuugnay ang sariling damdamin na nakita sa tula
3

 Pagkatapos matiyak ang mga layunin. Magpapanood muli ng isang downloaded video o
sa youtube na nagpapakita ng tungkol sa maikling kasaysayan, kaugalian, kultura at

INDICATOR 1
Applies knowledge
of content within
and across
curriculum
teaching areas

INDICATOR 8
Selects, develops,
organizes, and uses
appropriate
teaching and
learning including
ICT, to address
learning goals

magagandang tanawin ng Pilipinas.

Matapos mapanood ang video, itanong sa mga mag-aaral ang mga katanungan tulad
ng mga sumusunod:
1. Ano-anong kultura o kaugaliang Pilipino na sa palagay ninyo ang
pinakagusto ninyo?
2. Magbanggit ng isang kahanga-hangang kaugalian sa bansang Pilipinas

C. Paglalahad ng Aralin
1. Mungkahing Gawain:
1.1 Simulan Natin!
Isiping ikaw ay isa sa mga nanonood ng street dancing at kinausap ka ng
INDICATOR 5
ganitong pangyayari sa larawan, ano ang isasagot mo? Manages learner
behavior
constructively by
applying by positive
Umbaydi and non-violent
kun nawen no pista. discipline to ensure
learning –focused
Maliban
di, anya et ha palagay
environments
moyo ya maen tamon
kaugalian ha Zambales? INDICATOR 6
Uses differentiated,
developmentally
Pak!
appropriate
Ganerrn! learning
Galingan Safe experiences to
natin lang!
address learners’
Besty! gender, needs,
strengths, interests
and experiences
4

(Photo credit: https://www.rappler.com/life-and-style/travel/ph-travel/227113-mango-festival-zambales-2019)

1.2 Payabungin Natin


1.2.a Hanapin ang mga salitang may magkasingkahulugan sa bawat saknong sa
ibaba at ibigay ang kahulugan nito. INDICATOR 7
Plans, manages and
implements
developmentally
Ang kultura’y pinayayabong sequenced teaching
and learning
Nang may halong sigla at tuwa process to meet
curriculum
requirements and
varied teaching
Kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon: contexts

Pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon, at pambansa


Na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay, at patnubay

Bukas, ang kulturang itinudla ng nakaraan


At inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan

1.2.b Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:


a. binhi b. talunton c.tudla d. tangis

D. Pagtalakay sa Paksa
Pakikinig sa isang audio tungkol sa akdang:
KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan,
at Buhay ng Kinabukasan
ni: Pat V. Villafuerte
Gawain 4. Noon, Ngayon at Bukas (LM p. 45)

Gamit ang grapikong pantulong, ilarawan ang kultura batay sa tatlong


panahong binanggit sa tula. INDICATOR 3
Applies a range of
teaching strategies
KULTURA to develop critical
and creative
thinking, as well as
other higher-order
thinking skills
Noon Ngayon Kasalukuyan

E. Pagbabahaginan ng mga impormasyon sa klase INDICATOR 4


Manages classroom
E.1 Pangkatang Gawain: structure to engage
learners,
Unang Pangkat individually or in
groups, in
Panuto: Pumili ng limang (5) mga salita mula sa tula at ihanap ito ngmeaningful
kasingkahulugan at saka gamitin sa makabuluhang pangungusap. exploration,
discovery and
Salita Kahulugan Makabuluhang hands-on activities
within a range of
Pangungusap physical learning
environments

INDICATOR 5
Manages learner
behavior
5

Ikalawang Pangkat
Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Magbigay ng katumbas na pahayag ng mga sinalungguhitang salita mula sa
taludturan ng tulang binasa.
1. Sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim ang
maraming kultura.
2. Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton.
3. Ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay
bubuhayin ng kinabukasan.
4. Binhing nakatanim ang maraming kulturang nag-uumapaw sa ating diwa.
5. Kulturang may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam.
Ikatlong Pangkat
Panuto: Isulat ang iba pang damdamin ng may-akdang makikita sa tula
gayundin ang iyong sariling damdaming kaugnay ng binasang tula sa
pamamagitan ng pagkompleto sa diagram sa ibaba

INDICATOR 6
Uses
differentiated,
developmentally
appropriate
learning
experiences to
address learners’
gender, needs,
strengths,
interests and
experiences

INDICATOR 7
Plans, manages
F. Pagbibigay ng sintesis ng guro
and implements
developmentally
sequenced
G. Paglalahat sa aralin teaching and
learning process
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang tula bilang isang akdang pampanitikan? to meet
curriculum
2. Paano naiiba ang tulang naglalarawan sa iba pang uri ng tula? requirements and
varied teaching
3. Paano nakatutulong sa iyong buhay ang mahalagang kaisipang hatid ng mga contexts

tulang napag-aralan? INDICATOR 9


Designs, selects,
organizes, and
uses diagnostic,
Tandaan: Ang mga katanungang ito ay gabay lamang hindi ito ipoproseso ng guro formative and
summative
assessment
strategies
consistent with
curriculum
6

sapagkat sila mismo ang makalulutas nito sa ikatlong araw bilang ‘Aha Moment’.

H. Pagtataya sa aralin

Panuto: Pag-aralan ang bahagi ng tulang KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan,


Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte at
sagutin ang sumusunod na katanungan: (Isulat ang sagot sa kuwaderno) INDICATOR 6
Uses
differentiated,
BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan developmentally
at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan appropriate
at mananatiling repleksyon ng kabutihan learning
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda experiences to
address learners’
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan gender, needs,
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran strengths, interests
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw and experiences
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri
ng lahing marangal.

1. Hanapin ang mga salitang may magkasingkahulugan at ibigay ang konotasyon at


denotasyon na kahulugan nito. (2 puntos bawat isa)
2. Magbahagi at iugnay ang sariling karanasan na may kahalintulad mula sa tula. (10
puntos)

I. Takdang-Aralin/Kasunduan:

Gawain 6. Ihambing Mo (LM 45)

Basahin mo ang isa pang halimbawang tula. Suriin mo ang pagkakabuo nito at
ihambing sa tulang naglalarawan. INDICATOR 3
Applies a range of
Ang Pagbabalik teaching strategies
to develop critical
ni Jose Corazon de Jesus and creative
thinking, as well as
V. Mga Tala/Puna: other higher-order
thinking skills
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
VI. Pagninilay:
Blg. ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. ___________
Blg. ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation. __________
Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. __________
Blg. ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? __________
Alin sa mga istratehiyang aking naituro ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng ang aking punongguro at superbisor?
__________
7

Namasid:
ARMANDO A. MORA
Principal I

You might also like