You are on page 1of 17

UNANG MARKAHAN

ARALIN 1.3
Panitikan :Tulang Naglalarawan - Pilipinas
Teksto :Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan,
at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte
Wika :Mga Emosyon/Damdamin sa Iba’t ibang Paraan at
Pahayag
Bilang ng Araw :5 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-Ie-41)


 Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa
napakinggang tula.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-Ie-41)


 Nailalahad ang sariling pananaw at naihahambing ito sa pananaw
ng iba tungkol sa pagkakaiba-iba o pagkakatulad ng paksa sa
mga tulang Asyano.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-Ie-41)


 Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang
pahayag sa ilang taludturan.

PANONOOD (PD) (F9PD-Ie-41)


 Nasusuri mula sa youtube ang ilang halimbawa ng pagbigkas ng
tula, isahan man o sabayan.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-Ie-43)


 Nabibigkas nang maayos at may damdamin ang isinulat na
sariling taludturan.

PAGSULAT (PU) (F9PU-Ie-43)


 Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa
pagiging mamamayan ng bansang Asya.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-Ie-43)


 Naipapahayag ang sariling emosyon/damdamin sa iba’t ibang
paraan at pahayag.

Unang Markahan | 31
DR. SANTIAGO DAKUDAO SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Malagamot, Panacan, Davao City

Banghay Aralin sa Pagkatuto sa Filipino 9


Unang Markahan
Hulyo 04, 2018

I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F9PD-Ie-41)


 Nasusuri mula sa youtube ang ilang halimbawa ng pagbigkas ng
tula isahan man o sabayan.

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-Ie-41)


 Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa
napakinggang tula.

II. PAKSA
Panitikan :Tulang naglalarawan
Kagamitan :Video clip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian :m.youtube.com, google.com, wol.jw.org,
nicexdfilipino02.blogspot.com,
emanilapoetry.com
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: MANEQUIN CHALLENGE
Pagpapakita ng bawat grupo:
 Pagdadalamhati
 Tagumpay sa buhay
 Kabutihan ng mamamayan

Gabay na Tanong:
a. Anong damdamin ang naramdaman mo sa ipinakita ng
bawat grupo?
b. Paano mo ilalarawan ang kalagayan sa ipinakita ng iyong
mga kamag-aaral?

Unang Markahan | 32
2. Pokus na Tanong
a. Bakit mahalagang pag-aralan ang tula sa pagpapahalaga sa
mga akdang pampanitikan?

b. Paano nakatutulong ang mga salitang naglalarawan sa


pagsusuri ng damdaming nais ipahatid ng tula?

3. Presentasyon ng Aralin

Mungkahing Estratehiya: WATCH AND LEARN


Pagpapanood mula sa youtube ng halimbawa ng pagbigkas ng tula

“Sa Mga Magulang”


Jerome Apilla
m.youtube.com
google.com

ANALISIS

1. Banggitin ang damdamin ng anak na inilarawan sa tula?

2. Anong kalagayan o pangyayari sa tula ang inilarawan?

3. Paano mabisang naipahatid ng manunula ang mensahe ng tula?

4. Ano ang layuning nais ipahatid ng tula sa mga nakikinig?

5. Paano masasabing naging epektibo ang isang bumibigkas ng tula?

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ang wastong pagbigkas ay paggamit ng tamang mga tunog upang


bigkasin ang mga salita, pagdiriin ng tamang pantig, at pagbibigay ng
wastong pansin sa mga tuldik.

Ang wastong pagbigkas ay nagdaragdag ng dignidad sa mensahe na


ating ipinangangaral. Itinutuon nito ang pansin ng nakikinig sa mensahe na
ating ipinangangaral sa halip na sa anumang pagkakamali sa pagbigkas.

Sanggunian: wol.jw.org

Unang Markahan | 33
Layunin ng tula ay (a) magpakilos tungo sa isang pagsasagawa
(b) manghikayat (c) magbigay ng impormasyon (d) magbigay-aliw at iba
pa. Mahalagang maunawaan ng bibigkas ang tunay na layunin ng tula.
Hindi kailanman mabibigyang buhay ang piyesa kung hindi malinaw sa
bibigkas ang layunin nito.

Masasabing epektibo ang bumibigkas kung natitinag niya ang


nanonood. May malakas siyang hikayat sa madla kung nagagawa niya itong
patawanin o paiyakin sang-ayon na rin sa diwang isinasaad ng tula.

Sa pagtindig, ang bigat ng katawan ay nasa nauunang paa.


Kadalasang kanan ang nauunang paa. Ngunit kung patag ang tayo, ang
bigat ng katawan ay nasa dalawang paa.

Sa makabagong paraan ng pagbigkas, ang isinasaalang-alang ay ang


diwa ng tula. Kaya’t ang tinig ay maaaring magbagu-bago ayon na rin sa
diwang isinasaad nito. Maaari rin namang pabulong o paanas. Ang mahalaga
ay alam ng bumibigkas kung kailan niya hihinaan o lalakasan ang tinig ayon
sa diwang ipinaaabot ng tula.

Isang kahinaan ng bumibigkas ang pagiging mailap ng kanyang mga


mata. Dapat itong maiwasan. Nagiging mabisa ang bumibigkas kung alam
niya ang pagtutuunan ng kanyang paningin. Karaniwang ang paningin ay
nagsisimula sa gitna sa gawing likuran. Maaari itong igawi sa kanan o
kaliwa, ngunit hindi dapat laktawan ang gitna.
Sanggunian: nicexdfilipino02.blogspot.com

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: EXPRESS YOUR FEELINGS


Ilalahad ng mga mag-aaral ang sariling damdamin kaugnay
ng damdaming inihayag sa tula.

Sa Mga Magulang
Damdamin sa Tula ( Tula )

Unang Markahan | 34
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: TUKUYIN MO, DAMDAMIN KO


Tukuyin ang damdaming namayani sa inilahad na saknong ng tula.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at ang hininga:
Kung sa Diyos naman na ipagtalaga,
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
“Ang Aking Pag-ibig”
ni Elizabeth Browning
salin ni Rufino I. Alejandro

REPLEKSYON:

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MARIE JENNIFER B. BANGUIS KRISTENE P. VARQUEZ


Guro Tagapangulo ng Departamento

Inaprobahan ni:

MARY JOY H. SIMO-AG, PhD


Principal II

Unang Markahan | 35
DR. SANTIAGO DAKUDAO SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Malagamot, Panacan, Davao City

Banghay Aralin sa Pagkatuto sa Filipino 9


Unang Markahan
Hulyo 05 at 06, 2018

I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-Ie-41)


 Nailalahad ang sariling pananaw at naihahambing ito sa pananaw
ng iba tungkol sa pagkakaiba-iba o pagkakatulad ng paksa sa mga
tulang Asyano.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-Ie-41)


 Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag
sa ilang taludturan.

II. PAKSA
Panitikan :Tulang Naglalarawan
Teksto :Kultura : Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Hinaharap ni Pat V.
Villafuerte
Kagamitan :Pantulong na biswal, Lap top
Sanggunian :Panitikang Asyano, Romulo N. Peralta et. al.,
Kayumanggi, Perla Guerero et. al.
Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO


Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: BASAHIN AT SURIIN

Babasahin ang tulang Elehiya Para Kay Ram ni Pat V. Villafuerte.


Paano naiiba at nagkakatulad ang tulang elehiya na binasa sa iba
pang uri ng tula? Ilahad ang inyong pananaw.

Unang Markahan | 36
2. Presentasyon ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan
Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag
sa tulang binasa.

1. “Noon, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton, isang


pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan.”
Paliwanag: ________________

2. “Kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw, may


haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo.”
Paliwanag: ________________

3. “Kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan.”


Paliwanag: ________________

4. “Kulturang gagalang sa mga bata’t matanda, kulturang rerespeto


sa mga babae’t may kapansanan, kulturang luluklok ng
pagbabayanihan at pagkakapatiran.”
Paliwanag: ________________

5. “Diwang marangal ang ipupunla, kariringgan ng maraming


wika, magkakapantay sa kalayaan at karapatan, magsasama-
sama, magkakapit-bisig, magtutulungan.”
Paliwanag: ________________

3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1
GRAPHIC ORGANIZER
Magbigay ng mga pangyayaring nagpapakita ng kulturang
Filipino na namamayani sa bawat panahon.

Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng


Kasalukuyan, at Buhay ng Hinaharap

Noon Kasalukuyan Hinaharap

Unang Markahan | 37
Pangkat 2
JINGLE

Ipahayag ang damdaming nadama nang marinig ang tula.


Iugnay ito sa damdaming namamayani sa tula.

Pangkat 3
READ AND COMPARE

Kultura : Pamana ng Nakaraan, Buhay Noon at


Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay Ngayon
ng Hinaharap ni Gregorio
ni Pat V. Villafuerte V. Bituin Jr.
emanilapoetry.com

Ilahad ang kulturang Filipino na tinukoy sa akda. Iugnay at


ihambing ito sa kultura ng ibang bansa sa Asya.

Pangkat 4
PANEL DISCUSSION

Ilahad ang mga pananaw sa mga pangyayaring naganap sa


bawat panahon. Magbigay ng halimbawang pangyayari.

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating o kaisipan na iparating sa
Kaisipan o iparating sa sa manonood nais iparating manonood (1)
Mensahe manonood (4) (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan pamamaraang
pamamaraang ginamit ng ang ginamit ng pangkat
ginamit ng pangkat sa pamamaraang sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon ginamit ng
presentasyon (2) pangkat sa
(3) presentasyon
(1)

Unang Markahan | 38
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng ng pagkakaisa
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat miyembro pagkakaisa ang ang bawat
(3) bawat miyembro sa kanilang bawat miyembro miyembro sa
sa kanilang gawain (2) sa kanilang kanilang gawain
gawain (3) gawain (1) (0)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Anu-ano ang mga panahong binanggit sa tula?

2. Isa-isahin ang kulturang Pilipino na nabanggit ng may-akda sa tula.


Sa kasalukuyan, naisasagawa pa ba ang mga kulturang minana
natin sa nakaraang panahon? Iugnay ito sa iba pang kultura sa
Timog-Silangang Asya.

3. Isa-isahin ang mga salitang naglalarawan sa kultura batay


sa bawat panahon.

4. Paano nakatutulong ang tulang naglalarawan sa pagpapaigting ng


damdamin ng tao sa pagpapahayag niya ng kanyang nadarama
sa isang kalagayan, pook, o pangyayari?

7. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ang Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at


Buhay ng Hinaharap ay isang halimbawa ng tulang naglalarawan. Hindi
lamang nauuri ang tula ayon sa anyo at kayarian nito. Nauuri rin ang tula
ayon sa layon. May apat na uri ang tula ayon sa layon. Isa na rito ay ang
tulang naglalarawan na nagpapahayag ng pagpapahalaga o maaaring
pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang kalagayan, pook, o pangyayari.
Ang tulang naglalarawan ay nagpapahayag ng pagpapahalaga o
maaaring pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang kalagayan, pook o
pangyayari.

Unang Markahan | 39
Napatitingkad ang anumang akdang pampanitikan kapag wasto ang
gamit ng mga salitang naglalarawan. Nakapaglalarawan tayo ng tiyak at
angkop kapag alam natin ang gamit ng mga salita. Nakatutulong nang malaki
sa pagbibigay ng hugis, kulay, anyo sa mga bagay na bumubuo sa ating
kapaligiran ang wastong paggamit sa salitang naglalarawan. Maaari ring tiyak
na makapaglarawan sa katangian at ugali ng isang tao o hayop ang paggamit
ng angkop na salitang naglalarawan. Samakatuwid, nakatutulong nang
malaki ang mga salitang naglalarawan upang bigyang katangian ang isang
bagay o ugali maging sa damdamin at mga pangyayari sa ating kapaligiran.
Sanggunian:Panitikang Asyano, Romulo N. Peralta et. al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: POINT OF VIEW


Ibigay ang sariling pananaw at ihambing sa pananaw ng iba ang
pagkakaiba o pagkakatulad ng paksa sa iba’t ibang bansa sa Asya.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: PAGLIKHA NG TULA


Bumuo ng isang tulang naglalarawan na may 2 taludturan at ipaliwanag
ang mensaheng ipinararating nito.
Pinoy Ngayon, Iba Na Nga Kaya?

EBALWASYON

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na paglalarawan sa bawat


taludtod ng tula.

Pook Kalagayan Pangyayari

_____1. “Nangakatigil ang gawain sa bukirin,


Napahinga ang makina sa pabrika,
Natiwangwang ang daunga’t pamilihan,
At sa madla ay nagbanta ang dalita.”
“Ang Aklasan” ni Amado V. Hernandez

_____2. “Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako’y tila isang nakadipang kurus,
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.”
“Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus

_____3. “Ang simoy ng hangin sa sariling bayan,


Halik ng pag-asa’t kundiman ng bayan,

Unang Markahan | 40
Waring nagsasabing ang kaligayahan,
Sa nagisnang pugad tanging makakamtan.”
“Tulang Pambayan” ni Inigo Ed. Regalado

_____4. “Sa aking paanan ay may isang batis,


Maghapo’t magdamag na nagtutumangis,
Sa mga sanga ko ay nangakasabit,
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.”
“Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus

_____5. “Nanlupaypay ang puhuna’t kalakal,


Nangasara ang lahat na… Welga! Welga!
Bawat sipag, bawat lakas ay umaklas,
Diwang dungo’t ulong yuko’y itinayo.”
“Ang Aklasan” ni Amado V. Hernandez

Susi sa Pagwawasto

1. Pangyayari 2. Kalagayan 3. Pook 4. Kalagayan 5.Pangyayari

REPLEKSYON:

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MARIE JENNIFER B. BANGUIS KRISTENE P. VARQUEZ


Guro Tagapangulo ng Departamento

Inaprobahan ni:

MARY JOY H. SIMO-AG, PhD


Principal II

Unang Markahan | 41
DR. SANTIAGO DAKUDAO SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Malagamot, Panacan, Davao City

Banghay Aralin sa Pagkatuto sa Filipino 9


Unang Markahan
Hulyo 09, 2018

I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-Ie-43)


 Naipapahayag ang sariling emosyon/damdamin sa iba’t ibang
paraan at pahayag.

II. PAKSA
WIKA :Emosyon/Damdamin sa Iba’t ibang Paraan
Kagamitan :Pantulong na biswal, Lap top
Sanggunian :www.google.com, Kayumanggi, Perla Guererro
et. al
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: DAMHIN MO!
Ipahahayag ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin sa mga larawan.

Gabay na Tanong:
a. Anong damdamin ang nangibabaw sa bawat larawan?
b. Ilarawan kung bakit nakaaapekto sa iyo ang mga
kalagayan sa larawan?
ANALISIS
1. Nakatulong ba ang mga salitang naglalarawan upang maayos
na makapaglahad? Pangatuwiranan.
2. Anong kahalagahan ang maibibigay ng mga salitang naglalarawan
sa paglalahad ng iba’t ibang damdamin/emosyon?
Unang Markahan | 42
2. Pagbibigay ng Input ng Guro
Alam mo ba na…

Sa mga tulang naglalarawan, ganap na nabubuo sa isipan ng mga


mambabasa na may inilalarawan sa tulong ng mga salitang naglalarawan. Sa
tulong ng mga salitang ito, ang damdamin ng tuwa, lungkot, galit o iba pang
damdamin ng makata o ng isang manunulat sa isang kalagayan, pook o
pangyayari ay buong laya niyang naipahahatid sa kaniyang kapwa.
Sanggunian: Kayumanggi ni Perla Guererro et. al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PANGATUWIRANAN MO!


Pagbibigay katuwiran sa kaisipan sa tanong na:
 Paano nakatulong ang mga salitang naglalarawan sa
pagsusuri ng damdamin?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: HALINA’T TULA’Y ISULAT


Bumuo ng isang tulang naglalarawan ng damdamin. Ipaliwanag kung bakit
ang mga damdaming ito ang namayani sa binuong tula.

EBALWASYON

Panuto: Piliin at iguhit ang damdaming naaangkop sa bawat taludtod


ng tula.

_____1. Daloy, aking luha…daloy aking luha sa gabing malalim


Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin,
Hugasan ang puso – yaring abang pusong luray sa hilahil,
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
“Luha” ni Rufino Alejandro

_____2. Sa niyanig-yanig ng mundong mabilog


Kapag may malaking bombing sinusubok
Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
At saka malihis sakanyang pag-ikot,
Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
Dahil sa paghinto ng kanyang pag-inog!
“Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan” ni Simon A. Mercado

Unang Markahan | 43
_____3. Marahang-marahang
Manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat;
Di na kailangang
Sapnan pa ang pang binalat-sibuyas
Ang daliring garing
At sakong na wari’y kinuyom na rosas!
“Sa Tabi ng Dagat” ni Ildefonso Santos

_____4. Ikinulong ako sa kutang malupit: Bato,


bakal, punlo, balasik ng bantay; Lubos
na tiwalag sa buong daigdig At inuring
kahit buhay man ay patay.
“Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez

_____5. Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop


Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog: Ang
lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos, Ang
lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos; Masdan
mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
“Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” ni Amado V. Hernandez

Susi sa Pagwawasto

1. 2. 3. 4. 5.

REPLEKSYON:

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MARIE JENNIFER B. BANGUIS KRISTENE P. VARQUEZ


Guro Tagapangulo ng Departamento

Inaprobahan ni:

MARY JOY H. SIMO-AG, PhD


Principal II

Unang Markahan | 44
DR. SANTIAGO DAKUDAO SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Malagamot, Panacan, Davao City

Banghay Aralin sa Pagkatuto sa Filipino 9


Unang Markahan
Hulyo 10, 2018

I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F9PU-Ie-43)


 Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa
pagiging mamamayan ng bansang Asya.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-Ie-43)


 Nabibigkas nang maayos at may damdamin ang isinulat na sariling
taludturan.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.3 :Tulang Naglalarawan


Kagamitan :Mga larawan, Pantulong na Biswal
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estatehiya: MAKINIG AT MATUTO
Magpaparinig ang guro ng isang tulang mapaglarawan. (Malaya ang guro
na magparinig ng isang uri ng tulang naglalarawan. Susuriin ng mga mag-
aaral kung ano ang kalagayan ng isinasaad sa tula

ANALISIS

1. Isa-isahin ang mga salitang naglalarawan sa narinig na tula.


2. Ilahad kung naging maayos ang pagbigkas ng tula?
3. Ilarawan ang damdaming nangibabaw sa tulang narinig.

Unang Markahan | 45
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estatehiya: PATUNAYAN MO


Bumuo ng paliwanag na naglalarawan ng iyong pagpapahalaga
sa pagiging mamamayan ng bansang Asya.

APLIKASYON

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing awtput.


Pagbigkas nang maayos at may damdamin ang isinulat na tula.

GRASPS

GOAL Makalikha ng isang tulang naglalarawan tungkol sa


pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng bansang
Asya.
ROLE Manunulat ng tula.
AUDIENCE Mga mamamayan sa Asya
SITUATION Kailangang makalikha ng tulang naglalarawan sa
isang taong kapuri-puri ang nagawa sa bansa.
Ilarawan ang kanyang kadakilaan bilang isang
mabuting mamamayan ng bansang Asya.
PERFORMANCE Tulang naglalarawan
STANDARDS Orihinalidad 25%
Makatotohanan 25%
Angkop na mga salitang ginamit 25%
Maayos na paghahatid ng damdamin 25%
Kabuuan 100%
REPLEKSYON:

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MARIE JENNIFER B. BANGUIS KRISTENE P. VARQUEZ


Guro Tagapangulo ng Departamento

Inaprobahan ni:

MARY JOY H. SIMO-AG, PhD


Principal II
Unang Markahan | 46

You might also like