You are on page 1of 16

DR. SANTIAGO DAKUDAO SR.

NATIONAL HIGH SCHOOL


Malagamot, Panacan, Davao City

Banghay Aralin sa Pagkatuto sa Filipino 8


Unang Markahan
Hunyo 10-11, 2019

I – Mga Kasanayang Pampagkatuto / Tunguhin / Pamantayan

Pangnilalaman : Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo. Espanyol at Hapon
Pagganap : Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

I. LAYUNIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-Ia-c-20)
Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga
karunungang-bayang napakinggan

II. PAKSA

Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo –


Karunungang bayan
(bugtong, Salawikain, sawikain o kasabihan)
Wika : Paghahambing
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO


1. Gawaing Rutinari
Panalangin at Pagbati
Pagtatala ng Liban
Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Bugtong, Salawikain, Sawikain o kasabihan


Wika : Paghahambing

AKTIBITI
3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : BALON NG KATANUNGAN
Sumalok ng mga katanungang nais bigyang kasagutan sa balon n gating
magiging talakayan.

Tanong tanong tanong


Integration: (ARALING PANLIPUNAN: Bawat panitikan sa ating bayan ay mahalaga
dahil ito ang nagsisilbing basehan na ang ating mga ninuno noon
ay sagana sa kultura at mga paniniwala natin. Ng umusbong ang
panahon ng katutubo maraming mga karunungang bayan ang
mas lalo pang napanatili na hanggang ngayon ay ginagamit pa
rin natin gaya ng mga tula, bugtong, at iba pa. Kaya pagyamanin
natin at mas lalo pang pahalagahan dahil sa ngayon ay
nagbabago na ang mga gawi ng mga kabataan.)

POKUS NA TANONG NG ARALIN 1.1


1. Bakit mahalagang maunawaan ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa
panahon ng katutubo tulad ng karunungang bayan?
2. Paano makatutulong ang dalawang uri ng paghahambing sa pagsusuri ng antas
ng katangian ng dalawang tao, bagay o ideya?

4. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : HULA-KAISIPAN
Hulaan ang sagot o kaisipan ng mga sumusunod karunungang-bayan.

 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.

ANALISIS

1. Nakatutulong ba ang mga karunungang-bayan sa paghubog ng pagkatao


ng isang indibidwal? Ipaliwanag.
2. Batay sa iyong karanasan, aling karunungang-bayan ang maiuugnay mo sa iyong
buhay? Bakit?
3. Sa iyong palagay, dapat ba nating ipagpatuloy ang pagsasabuhay ng
karunungang - bayan? Bakit?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…
Sinasabing ang mga sinaunang Pilipino ay may sarili nang panitikanng
nagtataglay ng kasaysayan ng lahi bago pa man dumating ang mga Español at iba pang
mga dayuhan sa bansa. Ito ay mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng
Katutubo tulad ng karunungang-bayan. Ang mga karunungang-byan ay nagsilbing gabay
ng ating mga ninuno sa kanilang pang araw-araw na buhay.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al


ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : HAGDAN-HAGDANG KONSEPTO
Isulat sa baitang ng hagdan-hagdang palayan ang konseptong nabuo mula sa
aralin.

Bago pa man dumating ang mga Español ay may sarili nang panitikan ang mga sinaunang
Pilipino tulad ng karunungang-bayan na nagsilbing gabay nila sa pang araw-araw na
buhay.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya : POSTER-IFIC!
Pumili ng isang karunungang bayan na maiuugnay mo sa iyong buhay at iguhit ito.

Pagtataya
 Magbibigay ng pagsusulit. Bumuo ng 5 karunungang-bayan mula sa larawan.

Tala:

V. Repleksyon

Inihanda ni: Inaprobahan ni:

MARIE JENNIFER B. BANGUIS


Guro MARY JOY H. SIMO-AG, Ph.D.
Asst. School Principal II
Petsa ng Pagpasa : ______________________________
DR. SANTIAGO DAKUDAO SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Malagamot, Panacan, Davao City

Banghay Aralin sa Pagkatuto sa Filipino 8


Unang Markahan
Hunyo 13 at 14, 2019

Walang pasok : Hunyo 12, 2019


I – Mga Kasanayang Pampagkatuto / Tunguhin / Pamantayan

Pangnilalaman : Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo. Espanyol at Hapon
Pagganap : Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

I. LAYUNIN
PANONOOD (PD) (F8PD-Ia-c-19)
 Nakikilala ang bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na ginamit sa napanood na
pelikula o programang pantelebisyon.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-Ia-c-19)
 Nabibigyang kahulugan ang mga talinghagang ginamit.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-Ia-c-22)
 Naiuugnay ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang - bayan sa
mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

PAGSASALITA (PS) (F8PU-Ia-c-20)
 Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa akda
 batay sa:
- Pagiging totoo o hindi totoo
- May batayan o kathang isip lamang.

II. PAKSA

Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo –


Karunungang bayan
(bugtong, Salawikain, sawikain o kasabihan)
Wika : Paghahambing
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
  Panalangin at Pagbati
  Pagtatala ng Liban
  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
Integrasyon: ICT
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : Sine Mo 'To!
Pagpapanood ng video clip ng pelikulang "Pamahiin".

PAMAHIIN
https://youtu.be/MAa6ukmbfjw

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin


 Paglinang sa talasalitaan

3. Talasalitaan
Mungkahing Estratehiya: WORDS IN A BOTTLE
Piliin mula sa kahon ang mga salitang kahulugan ng nasa loob ng bote.

Kabagay Maalam Naggawad Sigwa Lunday

kaparis
marunong
bangka
unos naghandog

 Pagbasa ng tula na "Sa Aking Mga Kabata".


 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya
2 Mungkahing Estratehiya
GOING BULILIT! GAME SHOW
Ibigay ang bugtong, salawikain o Ibigay ang kaisipang nakuha mula
kasabihan na nakapaloob sa akda. sa akdang binasa batay sa
pagiging totoo o hindi totoo nito.
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailan
Mahusay gan ng
Pagpapabuti
Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
Nilalaman naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman
at Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais ang nilalaman o kaisipan na
ng mga Kaisipan kaisipan na nais iparating sa o kaisipan na nais iparating
o Mensahe iparating sa manonood (3) nais iparating sa manonood
(4) manonood (4) sa manonood (1)
(2)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan
kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng ng kasiningan
kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang
pamamaraang ginamit ng ang pamamaraang
Istilo/Pagkamalik ginamit ng pangkat sa pamamaraang ginamit ng
hain pangkat sa presentasyon ginamit ng pangkat sa
(3) presentasyon (2) pangkat sa presentasyon
(3) presentasyon (0)
(1)
Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di
nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas nagpamalas
Kaisahan ng pagkakaisa ang bawat miyembro ng pagkakaisa ng pagkakaisa
Pangkat o bawat miyembro sa kanilang ang bawat ang bawat
Kooperasyon sa kanilang gawain (2) miyembro sa miyembro sa
(3) gawain (3) kanilang kanilang
gawain (1) gawain (0)

 Presentasyon ng bawat pangkat.


  Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS
Integrasyon: ARALING PANLIPUNAN
1. Paano mo ilalarawan ang panitikan sa panahon ng mga katutubo?
Noong panahon ng mga Kastila?
2. Suriin ang tula. Tukuyin ang kasabihang ginamit ni Rizal. Ano ang tiyak na
kaisipan na nais nitong ipabatid?
3. Aling mga kaisipan sa akda ang makatotohanan o batay sa sariling
karanasan at ang kathang isip lamang na maiuugnay mo sa iyong sariling
buhay?

 Pagbibigay ng input ng guro.

ALAM MO BA NA…
Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago
dumating ang mga Español ay ang salawikain, bugtong, sawikain/kawikaan at
kasabihan.

Salawikain- karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang


nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya
masarap pakinggan kapag binibigkas.

Halimbawa: Pag ang tubig ay magalaw,


Ang ilog ay mababaw.

Ang sakit ng kalingkingan,


Damdam ng buong katawan.
Sawikain- ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita
na hindi gumagamit ng marahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob.
Ang sawikain o patambis samakatuwid, ay ang salitang eupemistiko, patayutay o
idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.

Halimbawa: Parang natuka ng ahas


Malayo sa bituka

Kasabihan- ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito ay hindi


gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, gawi ng isang tao
ay masasalamin sa mga kasabihan.
Halimbawa: Tulak ng bibig,
Kabig ng dibdib.

Ubos-ubos biyaya,
Bukas nakatunganga.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M.


Dayag,et.al

ABSTRAKSYON
Integrasyon: MAPEH: Arts
Mungkahing Estratehiya : KULAYAN MO!
Kulayan ang hugis na nagtataglay ng mga ideya mula sa araling tinalakay.
Pagkatapos ay bumuo ng konsepto gamit ang mga salitang kinulayan.

mahalaga Panitikan Sa
pakikipagtala
stasan
Social media

Kultura salawikain sumasalamin palaging

Walang Katutubo
huwag
basehan tradisyon

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 1 - Mahalagang makilala at malaman ang


mga panitikang umusbong sa panahon ng katutubo sapagkat salamin ito ng
ating sinaunang kultura at tradisyon.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya : MALIKHAING PRESENTASYON
Bumuo ng karunungang - bayan mula sa mga larawan. Ibigay ang kaisipan nito
at ibahagi ang iyong sariling kuro-kuro sa mga detalye.
EBALWASYON
Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot.

1. Karaniwang patalinghaga ang ____________ na may kahulugang nakatago.


Ito ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan
kapag binibigkas.
a. Salawikain b. sawikain
c. kasabihan d. wala sa nabanggit

2. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay, ito ay halimbawa


ng _____________.
a. Salawikain b. sawikain
c. kasabihan d. bugtong

3. Maitim ang gilagid ng taong iyon kaya dapat lamang siyang


maparusahan. Ano ang ibig sabihin ng may salunguhit ?
a. Mabait b.masama ang ugali
c. Magnanakaw d. mapagmahal

4. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. Ang kaisipan ng


salawikaing ito ay _____________.
a. Saan man sa ating lipunan ay may masasamang tao.
b. Ang swerte ay huwag asahang makamtan kung hindi nakalaan sa iyo.
c. Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng
mapangahas na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalo
lamang siyang magipit.
d. Matutong magtipid upang sa panahon ng kagipitan ay may perang
makukuha sa sariling ipon.

5. Madalas utusan ng kanyang nanay si Lito sapagkat siya ang pinakamatanda


sa magkakapatid. Ang angkop na karunungang -bayan sa pahayag ay
______________.
a. Pagsunod sa magulang ay tanda ng anak na magalang.
b. Kapag may isinuksok, may madurukot.
c. Nasa Diyos ang gawa, nasa tao ang gawa.
d. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula.

SUSI SA PAGWAWASTO
1A 2.D 3.B 4.C 5.A

Tala:

V. Repleksyon

Inihanda ni: Inaprobahan ni:

MARIE JENNIFER B. BANGUIS


Guro MARY JOY H. SIMO-AG, Ph.D.
Asst.School Principal II
Petsa ng Pagpasa : ______________________________
DR. SANTIAGO DAKUDAO SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Malagamot, Panacan, Davao City

Banghay Aralin sa Pagkatuto sa Filipino 8


Unang Markahan
Hunyo 17 at 18, 2019

I – Mga Kasanayang Pampagkatuto / Tunguhin / Pamantayan

Pangnilalaman : Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo. Espanyol at Hapon
Pagganap : Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-Ia-c-17)


 Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong , salawikain,
sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag)

II. PAKSA
Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo –
Karunungang bayan
(bugtong, Salawikain, sawikain o kasabihan)
Wika : Paghahambing
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral
2. Presentasyon ng Aralin
Wika : Paghahambing

AKTIBITI
Integrasyon: MAPEH: Physical Education
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: SHARE IT!
Ang bawat pangkat ay pipili ng ilang mga scenes sa pamosong
teleserye.Pagkatapos ay sasagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Ilarawan ang dalawang teleserye, alin ang mas


sinubaybayan mo?
2. Paano mo ihahambing ang “Dolce Amore” sa “The Story Of Us”.
 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin (paghahambing)
 Pagbasa ng lunsarang teksto.

Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang


pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang
tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang
maingay dito, wala man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong
masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong
bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko
ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin doon.
Sanggunian: K12 Teacher’s
Guide

ANALISIS

1. Nakatulong ba ang mga salitang may salungguhit upang mabisang maipabatid


ang mabisang paglalarawan ng isang bagay?
2. Anong bahagi ng panalita ang mga salitang may salungguhit?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING


1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing
ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magsing,
magkasing o kaya ay ang mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.
2. Paghahambing na di-magkatulad- ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may
magkaibang katangian.May dalawang uri ito:
 Pasahol- kung ang pinaghahambing ay mas maliit,gumagamit ito ng mga
salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-lubha o di-gasino.

 Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa
pinaghahambingan, gumagamit ito ng ng mga salitang higit, labis at di-hamak.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. Al.

ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : CONCEPT-PILLAR
Pagdugtung-dugtungin ang hiwa-hiwalay na bahagi ng caterpillar upang
mabuo ang konsepto ng araling tinalakay.

Ang 2 uri sa antas ng


Ng
pagsu- katangian ng
Pagha-
hambing suri ng dalawang tao o
bagay.
Makatutulong

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2. Makatutulong ang 2 uri ng


paghahambing sa pagsusuri ng antas ng katangian ng dalawang tao, bagay o
ideya.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : DEBATE/ FLIPTOP BATTLE


Bumuo ng karunungang bayan at gamitin ang paghahambing.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG DEBATE/ FLIPTOP

Nilalaman - - - - 3
Pagiging masining - - - - 3
Malikhain/may orihinalidad - - - - 2
Gamit ng paghahambing - - - - 2
Kabuuan - -10
EBALWASYON

Piliin kung anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pangungusap..


1. Higit na mas masaya ang MWF iskedyul kaysa araw-araw na may pasok.
a. Paghahambing na di- magkatulad
b. Paghahambing na magkatulad
c. Palamang
d. Pasahol

2. Magsingganda ang ginawang tula nina Liza at Luz.


a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na di-magkatulad
c. Pasahol
d. Palamang

3. Di- gasinong malaki ang baon ko ngayon kaysa kahapon


a. Paghahambing na di-magkatulad
b. Palamang
c. Pasahol
d. Paghahambing na magkatulad

4. Di- hamak na malinis ang paligid ngayon kaysa noon.


a. Paghahambing na magkatulad
b. Pasahol
c. Paghahambing na di-magkatulad
d. palamang
5. Ang aming guro sa Grado 6 at 7 ay parehong magaling magturo.
a. Paghahambing na magkatulad
b. Paghahambing na di-magkatulad
c. Pasahol
d. Palamang

SUSI SA PAGWAWASTO
1.C 2.A 3.C 4.D 5.A

Tala:

V. Repleksyon

Inihanda ni: Inaprobahan ni:

MARIE JENNIFER B. BANGUIS


Guro MARY JOY H. SIMO-AG Ph.D.
Asst. School Principal II
Petsa ng Pagpasa : ______________________________
DR. SANTIAGO DAKUDAO SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Malagamot, Panacan, Davao City

Banghay Aralin sa Pagkatuto sa Filipino 8


Unang Markahan
Hunyo 19, 2019

I – Mga Kasanayang Pampagkatuto / Tunguhin / Pamantayan

Pangnilalaman : Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo. Espanyol at Hapon
Pagganap : Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

I. LAYUNIN
PAGSULAT (PU) (F8PU-Ia-c-20)
 Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan.

II. PAKSA
Pagsulat ng Awtput 1.1
Kagamitan : Pantulong na biswals, mga larawan mula sa
Google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO


1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI

KOLABORATIBONG GAWAIN
Magbigay ng halimbawa ng karunungang -bayan.

 Pag-uugnay sa susunod na gawain.



 Pagbibigay ng input at halimbawa ng guro sa pagsulat ng
karunungang-bayan.

Pagtalakay sa awtput sa tulong ng GRASPS

GRASPS

G O A L - Nakabubuo ng bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan


gamit ang paghahambing.

R O L E - Isa kang manunulat ng lathalain sa pahayagang pangkampus

A U D I E N C E - Mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang


Pambansa ng Batangas.
S E T T I N G - magkakaroon ng bagong isyu ang Pahayagang
Pampaaralan at naatasan kang sumulat ng isang
lathalain

PRODUCT- bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan

STANDARD–

Mga Pamantayan 5 4 3 21
A. Malikhain
B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangungusap)
C. Makatotohanan
(Sumasalamin sa lipunang
ginagalawan)
E. Kawastuhan (Wasto ang gamit
ng mga salita at bantas)

LEYENDA
20 – 25---------- Napakahusay
15 – 20---------- Mahusay
10 – 15---------- Katamtamang Husay
5 – 10---------- Hindi mahusay
0 – 5---------- Nangangailangan ng rebisyon

 Pagkuha ng mga output na ginawa ng bawat mag-aaral.

Tala:

V. Repleksyon

Inihanda ni: Inaprobahan ni:

MARIE JENNIFER B. BANGUIS


Guro MARY JOY H. SIMO-AG, Ph.D.
Asst. School Principal II
Petsa ng Pagpasa : ______________________________

You might also like