You are on page 1of 20

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 8
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.1
Panitikan : Tula
: “Bayani ng Bukid” ni Al. Q. Perez
Wika : Mga Angkop na Salita sa Pagbuo ng Orihinal na Tula
Bilang ng Araw : 7 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IIa-b-24)


 Naihahambing ang sariling saloobin at damdamin sa saloobin at
damdamin ng nagsasalita.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IIa-b-24)


 Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad
sa binasa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IIa-b-23)


 Natutukoy ang payak na salita mula sa salitang maylapi.

PANONOOD (PD) (F8PD-IIa-b-23)


 Nasusuri ang paraan ng pagbigkas ng tula ng mga kabataan sa
kasalukuyan batay sa napanood(maaring sa youtube o sa klase).

PAGSASALITA (PS) (F8PS-IIa-b-24)


 Nabibigkas nang wasto at may damdamin ang tula.

PAGSULAT (PU) (F8PU-IIa-b-24)

 Naisusulat ang dalawa o higit pang saknong ng tulang may


paksang katulad sa paksang tinalakay.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IIa-b-24)


 Nagagamit ang mga angkop na salita sa pagbuo ng orihinal na tula.

Ikalawang Markahan | 1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

Pag-unawa sa Napakinggan (PN) (F8PN-IIa-b-24)


 Naihahambing ang sariling saloobin at damdamin sa saloobin at
damdamin ng nagsasalita.

II. PAKSA

Panitikan : Tula “Bayani ng Bukid”


Wika : Angkop na salita sa pagbuo ng orihinal na tula
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : PICTURE ANALYSIS
Sino-sino ang mga taong nag-alay ng kanilang oras at panahon
upang maisakatuparan ang nasa larawan sa ibaba:

Ikalawang Markahan | 2
3. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Tula “Bayani ng Bukid”


Wika : Angkop na salita sa pagbuo ng orihinal na tula

4. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : PILAPIL NG KATANUNGAN
Taniman ng katanungan ang mga pilapil upang maging mabunga
ang isasagawang talakayan.

tanong tanong
tanong

POKUS NA TANONG NG ARALIN 2.1

 Naniniwala ka bang ang tula ay may malaking naiambag sa


kamalayang panlipunan ng mga Pilipino? Bakit?
 Paano nakatutulong ang paggamit ng mga angkop na salita sa
pagbuo ng orihinal na tula?

 Pag-uugnay sa bagong aralin.


 Pagpapakinig ng tula
Pakinggan mabuti ang ilang saknong ng tula at ihambing
ang sariling saloobin at damdamin sa saloobin at damdaming
namayani sa tula.

Ikalawang Markahan | 3
Ako si Makata Tawanan
Naniniwala sa kasabihang,
“Ang taong taglay ang kasipagan
Nakasusumpong ng kayamanan.”
Kung nais makamit ang tagumpay
Sikap at tiyagay gawing puhunan
Sa simulay gawing tuntungan
Upang makamit ang kaunlaran.

ANALISIS
1. Mahalaga bang basahin ng may pang-unawa ang isang tula?
Pangatwiranan.
2. Alin sa bahagi ng tula ang nakapukaw sa iyong damdamin? Bakit?
 Pagbibigay input ng guro

ALAM MO BA NA…
Ang pagbibigay ng saloobin sa isang pahayag ay nakatutulong
upang higit mong maipadama ang iyong tunay na nararamdaman.

ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : PICTURE ANALYSIS
Ilahad ang isinasaad ng mga sumusunod na larawan.

Ikalawang Markahan | 4
APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya: TULA-PIC
Batay sa iyong saloobin at damdamin, Ibigay ang larawang – guhit ng
mga saknong ng tula:

May isang pulubing singhirap ng


daga
kundi makalimos tutong man ay
wala
Kapit-tuko pa rin sa buhay na
dusta
Gayong used-uod sa pagdaralita

Karaniwang taoy buhay-alamang


Ngunit magiting ding
nagsasapalaran
Binibigyang-matuwid na ang
asong buhay
Higit na Mabuti kaysa haring
patay.

IV. KASUNDUAN
1. Isa-isahin mo ang mga bagay na naitulong mo sa iyong kapwa.
2. Basahin ang akdang “Bayani ng Bukid”

Ikalawang Markahan | 5
LINANGIN
I.LAYUNIN
PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IIa-b-24)
 Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa
binasa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IIa-b-23)


 Natutukoy ang payak na salita mula sa salitang maylapi.

PAGSASALITA (PS) (F8PS-IIa-b-24)


 Nabibigkas nang wasto at may damdamin ang tula.

II. PAKSA

Panitikan : Tula “Bayani ng Bukid”


Wika : Mga Angkop na Salita sa Pagbuo ng
Orihinal na Tula
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Tula “Bayani ng Bukid”
Wika : Mga Angkop na Salita sa Pagbuo ng Orihinal na
Tula

AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: T-CHART
Gumawa ng isang masusing paghahambing ng katangian o uri ng
pagsasaka noon at ngayon. Itala ang iyong sagot sa T-CHART na
makikita sa ibaba.

Ikalawang Markahan | 6
Ang pagsasaka Noon Ang Pagsasaka Ngayon

4. Paghahawan ng Sagabal
Mungkahing Estratehiya:
Tukuyin ang salitang-ugat ng maylaping salitang nakasulat nang
madiin na ginamit sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
a. Bihira na ang gumamit ngayon ng araro sa paglilinang ng
bukid. ____________
b. Tiyak na hindi na magdaranas ng pagdarahop sa pagkain ang
balana kung ang ani ng mga sakahan ay sagana. _________
c. Sa mga lalawigan ay iyong mamamalas ang malalawak na
bukirin.________________
d. Walang ibang layon ang mga magsasaka kundi ang gumawa
at makatulong._______________
e. Laging nasa hinagap ng ulirang magsasaka kung paano niya
higit pang mapagbubuti ang ani ng kanyang
bukirin._____________

 Pagbasa ng teksto.

BAYANI NG BUKID
Al Q. Perez

I
Ako’y magsasakang bayani ng buki
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit

Ikalawang Markahan | 7
II
Ang kaibigan ko ay si Kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw.
Sa pag-aararo at sa paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman.
III
Ang haring araw di pa sumusikat
Ako’y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging asa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag.
IV
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong aking bansa
Ang lahat ng tao mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.

V
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
Ang ani’y dumami na para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y magagalak.

VI
At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.

VII
Sa aming paligid mamamalas pa rin
Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, pato”t alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.
VIII
Ako’y gumagawa sa bawat panahon
Nasa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, ako’y makatulong
At nang mabawasan ang pagkakagutom.

IX
Ako’y magsasakang, bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig

TULA
Ikalawang Markahan | 8
 Pangkatang Gawain

1 2 Mungkahing Estratehiya
Mungkahing Estratehiya
NEWS REPORTING RADIO BROADCASTING
Tukuyin ang mga pangunahing Tukuyin ang mga pantulong na
kaisipan sa binasang teksto. kaisipan sa binasang teksto.

3 Mungkahing Estratehiya
4 Mungkahing Estratehiya
I CAN DO THAT FAMILY FEUD
Pumili ng ilang saknong na Tukuyin ang talinhagang ginamit
naibigan sa tula at bigkasin. sa tula at ibigay ang kahulugan.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailanga
Mahusay n ng
Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman naiparating ang nilalaman o
mga Kaisipan o ang nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
Mensahe o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitasan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang kasiningan pamamaraang
ang pamamaraang ang ginamit ng
pamamaraang ginamit ng pamamaraan pangkat sa
ginamit ng pangkat sa g ginamit ng presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon pangkat sa
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon ng pagkakaisa ang bawat ng ang bawat
(3) ang bawat miyembro sa pagkakaisa miyembro sa
miyembro sa kanilang ang bawat kanilang gawain
kanilang gawain (2) miyembro sa (0)
gawain (3) kanilang
gawain (1)
 Presentasyon ng bawat pangkat.
 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

Ikalawang Markahan | 9
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Bakit itinuturing na bayani ang magsasakang inilarawan sa akda?


2. Ano ang maaari mong mahinuha sa sumusunod na taludtod? “Ang
lahat ng tao, mayaman o dukkha/ Silay umaasa sa pawis kot
gawa.”
3. Ipagpalagay na ang iyong pamilya ay may pag-aaring malawak na
bukirin. Upang higit na mapagyaman ito ay hinimok ka ng iyong
magulang na kumuha ng kursong Agrikultura sa kolehiyo.
Susundin moba sila ? Bakit oo o bakit hindi?
4. Ilahad ang iyong sariling saloobin batay sa damdamin ng akda.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…
TULA

Ang tula ay akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango


sa guniguni,pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa
pananalitang may angking aliw-iw. Ito ay naiiba sa ibang sangay ng
panitikan sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga
salita, pagbilang ng mga pantig at paggamit ng magkakatugmang salita
upang madama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang
manunulat. Ayon nga kay Lord Macaulay ang tula ay isang “panggagagad”
Katulad daw ito ng panggagagad ng pintor, manlililok at ng artista sa
dulaan. Para naman kay Inigo Ed Regalado, ang tula ay kagandahan,
diwa, katas, larawan at kabuuan

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : HANAPIN MO ‘KO!


Hanapin ang mga nakatagong salitang may kaugnayan sa araling
tinalakay pagkatapos ay bumuo ng pangkalahatang konsepto gamit ang
mga salitang ito.

Ikalawang Markahan | 10
tula
naglalarawan
malaya
Aliw-
iw
ipinahahayag

buhay
Guni-guni damdamin

Pagsagot sa pokus na tanong: Ang tula ay naglalarawan ng buhay, mula


sa guniguni, kalakip ng damdamin at malayang ipinahahayag ng may aliw-
iw.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya : I GET YOUR POINT
Ibigay ang pangunahing kaisipan batay sa mga larawan sa ibaba.

EBALWASYON
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot

1. Sa aking paggawa ang tangi kong hangad


Ang ani’y dumami na para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y magagalak.

Ikalawang Markahan | 11
Ang binasang akda ay naglalarawan ng buhay, hinango sa gunuguni at
ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw na kung tawagin ay
__________.
a. Maikling kwento
b. Tula
c. Dula
d. Sanaysay

Akoy magsasakang bayani ng bukid


Sandatay araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sabuong maghapon gumagawang pilit
2. Ang pangunahing kaisipan sa saknong ay
a. hindi natatakot kahit sa lamig.
b. akoy magsasakang bayani ng bukid.
c. sa buong maghapon gumagawang pilit.
d. Sandata’y araro matapang sa init.

Ang mga OFW ay itinuturing din na bayani ng ating bansa,


sapagkat tinitiis nila ang lahat ng pagod at hirap para sa
kanilang pamilya.
3. Ang pantulong na kaisipan sa pahayag sa itaas ay
a. ang mga OFW ay itinuturing din na bayani ng bansa.
b. pagod at hirap para sa kanilang pmilya.
c. bayani ng ating bansa .
d. sapagkat tinitiis nila ang lahat ng pagod at hirap para sa
kanilang pamilya.

Naging panata na ni Mang Gustin na magbungkal ng bukid sa


buong panahon ng kanyang buhay.
4. Ano ang salita na ginamit sa pahayag na nasa itaas ang nagtataglay
ng salitang-ugat?
a. Panata
b. Magbungkal
c. Bukid
d. panahon

Isang malaking bundok ang nawala sa aking dibdib nang


dinggin ng Diyos ang aking panalangin.
5. Batay sa pangungusap sa itaas ano ang kahulugan ng salitang may
diin batay sa pagkakagamit nito.

Ikalawang Markahan | 12
a. Uri ng anyong-lupa
b. Bahagi ng katawan
c. Damdamin
d. Problema

SUSI SA PAGWAWASTO
1. B 2.B 3.D 4.B 5.D
INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

IV. KASUNDUAN

1. Sumulat ng 2 saknong ng tula na may kaugnayan sa ating kalikasan.

2. Magsaliksik ng mga paraan upang makilala ang kahulugan ng mga


salita.

Ikalawang Markahan | 13
PAUNLARIN
I.LAYUNIN
PANONOOD (PD) (F8PD-IIa-b-23)
 Nasusuri ang paraan ng pagbigkas ng tula ng mga kabataan sa
kasalukuyan batay sa napanood (maaaring sa youtube o sa klase).

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IIa-b-24)


 Nagagamit ang mga angkop na salita sa pagbuo ng orihinal na tula.

II. PAKSA
Mga Angkop na Salita sa Pagbuo ng Orihinal na Tula

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Wika : Mga Angkop na Salita sa Pagbuo ng
Orihinal na Tula

AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: YOUTUBE PRESENTS!
Suriin ang paraan ng pagbigkas ng tula ng mga kabataan sa
kasalukuyan batay videoclip.

Ikalawang Markahan | 14
ANALISIS
1. Ano ang paksa ng napanood na tula?
2. Pansinin ang mga salitang ginamit ni Juan Miguel Severo?
3. Itala ang mga salitang nagpapahayag ng talinghaga at ilagay ang
kahulugan sa tapat nito.
Naiibang Salita Katumbas na Salita

 Pagbibigay ng input ng guro

ALAM MO BA NA…
Pagpili ng Angkop na Salita sa Pagbuo ng Tula
Sa pagbuo ng tula ay mahalagang maging maingat sa pagpili ng mga
salitang gagamitin sa pagbuo nito. Kung ang tulang bubuoin ay tugmang
ganap, tandaang ang dapat gamiting salita sa bawat hulihan ng taludtod ay
may magkakaparehong titik sa hulihan. O kaya naman ay kung ang gagawin
mong tula ay may sukat, kailangang ang pipiliing salita ay sasakto sa sukat
ng tulang ginagawa. Mas magiging limitado ang pagpili ng salitang
gagamitin kung tulang may sukat at tugmang taludturan ang iyong bubuoin.
Gayundin, dapat na isaalang -alang sa pagpili ng salitang gagamitin sa
pagbuo ng tula ang edad ng magbabasa o makikinig ng tulang gagawin.
Kung pambata ang tula ay mga salitang mauunawaan ng bata ang iyong
gagamitin. Kung ito’y para sa kabataan o matatanda maaaring gumamit ng
mga salita. Ito ay nakatutulong upang mapanatiling kariktan at kasiningan
ng tulang bubuoin. Ang kahulugan ng mga salita ay makikita ayon sa…

1.Kasingkahulugan o Kasalungat- sa pamamagitan ng kasingkahulugan


at kasingkasalungat na slaita ay maipapakita ang mensaheng nais sabihin
sa tulang gagawin. Ang paggamit ng mga salitang magkakasingkahulugan
o pareho ang ibig sabihin ay nakatutulong upang maipakita ang ugnayang
nais ipahayag sa tula.

2.Idyoma- sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang


wika. Nakiro ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito.

-balat sibuyas - madamdamin -basang sisiw - kaawa awa; api


-buto’t balat - payat na payat -huling hantungan - libingan
-ikapitong langit - malaking katuwaan
-laylay ang balikat - nabigo -magbilang ng poste - walang trabaho
-mahaba ang pisi - pasensyoso -magdildil ng asin - maghirap
-pabalat-bunga - hinde totoo

Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Balagtasan
Ikalawang Markahan | 15
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya: LAPIS KITANG MAHAL
Piliin ang lapis na nagtataglay ng angkop na salita mula sa
isinagawang talakayan, pagkatapos ay sumulat ng konsepto gamit ang
mga napili mo.

s
u
k
a
t

Pagsagot sa pokus na tanong: Sa pagbuo ng tula ay mahalagang


maging maingat sa mga salitang gagamitin at dapat ding isaalang-alang
ang sukat at tugma nito.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya:
Lagyan ng akmang salitang kokompleto sa diwa ng tula sa ibaba.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Awto isinilang kapantay magtulungan


Maykapal negosyo tayo pagpanaw
Sakto tikman sumamo yaman
Mayayaman tahanan busabos

Marami mang pera ang mga ______________,


At ang tinitirhan malalaking _______________,
At ang pagkain nila masarap mang _________,
Ako, kahit dukkha sila ay _________________.

Mahirap man kami suot parang ____________,


Wala kaming kotse’t magagarang __________,
Maski laging kayo ang Boss sa ____________,
Ang paniniwala ko magkapantay ___________.

Tayo ay nilalang ng Poong ________________,


At layunin Niya tayo’y ____________________,

Ikalawang Markahan | 16
Wala kahit saplot nang tayo’y _______________,
Lahat… iiwan din sa ating __________________.

EBALWASYON
Panuto: Piliin ang titik ng kahulugan ng idyomang may salungguhit sa
bawat bilang.
1. Ang mga basing sisiw ay dapat nating tulungan.
a. basa ang sisiw
b. kaawa-awa
c. mabuti
d. bata

2. Latay ang kanyang balikat nang siya ay umuwi galling trabaho.


a. pagod na pagod
b. masakit ang balikat
c. bigo
d. may sugat

3. Ang kanyang pamilya ay madalas magdildil ng asin.


a. asin ang ulam
b. masagana
c. nakakaawa
d. naghihirap

Panuto : Piliin ang titik ng tamang kahulugan ng salitang


may diin batay sa pagkakagamit sa pangungusap.

4. Nalalapit na ang kasal ng aking kapatid at ng kanyang bata.


a. nobya
b. musmos
c. sanggol
d. kaibigan

5. Bato na ang kanyang puso sa lahat ng mga problemang naranasan


sa buhay.
a. uri ng matigas na mineral
b. semento
c. graba
d. manhid na

SUSI SA PAGWAWASTO
1.B 2.C 3.D 4.A 5.D

Ikalawang Markahan | 17
INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotio

IV. Kasunduan
1. Sumulat ng isang talataan na ginagamitan ng mga salitang may
talinghaga.

2. Humanda sa paggawa ng awtput.

Ikalawang Markahan | 18
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-IIa-b-24)


 Naisusulat ang dalawa o higit pang saknong ng tulang may paksang
katulad sa paksang tinalakay.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.1


Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.,
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : PICTULA
Paunahan ang bawat pangkat na makabuo ng 1 saknong na tula mula
sa larawan sa ibaba na may 4 n taludtod at tugma.

 Pag-uugnay sa aralin.
 Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

Ikalawang Markahan | 19
G R A S P S
Nakasusulat ng isang tulang orihinal na
GOAL
ginagamitan ng mga angkop na salita.

ROLE Isa kang mahusay na manunulat ng tula sa


inyong paaralan.

AUDIENCE Mga mag-aaral ng Batangas National High


School

Magkakaroon ng paligsahan sa paaralan para sa


SITUATION
nalalapit na Araw ng mga Guro. Ikaw ang
naatasan sa inyong klase upang magsulat ng
tula para sa nasabing paligsahan.

P R O DU C T Orihinal na tula.

S T A N D AR D

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG ORIHINAL NA TULA


DI-GAANONG
MAHUSAY
BATAYAN NAPAKAHUSAY 5 MAHUSAY
4-3
2-1
Lubos na naipakita Naipakita ang di-gaanong naipakita
Orihinalidad ang pagiging pagiging orihinal ang pagiging orihinal
orihinal na likha na likha na likha
Lubos na Naipahayag ang di-gaanong
Kaangkupan naipahayag ang mga ideyang naipahahayag ang
sa paksa mga ideyang angkop mga ideyang angkop
angkop sa paksa sa paksa sa paksa
Lubos na Kinakitaan ng di-gaanong
Wastong kinakitaan ng wastong kinakitaan ng
gamit ng mga wastong paggamit paggamit ng mga wastong paggamit ng
salita ng mga salita sa salita sa bawat mga salita sa bawat
bawat saknong. saknong saknong

IV. K A S U N D U A N

1. Sumipi ng isang tulang tradisyunal at piliin ang mga salitang may


talinghaga.
2. Magsaliksik ng mga kaalaman ukol sa balagtasan. Sumipi ng isang
halimbawa sa inyong kwaderno.

Ikalawang Markahan | 20

You might also like