Professional Documents
Culture Documents
MODYUL NG MAG-AARAL
Sa iyo, mag-aaral,
Sa pagdating ng modyul na ito , hangad kong nasa mabuti kang kalagayan sampu ng iyong pamilya.
Ang modyul na ito ay napapanahong materyal ng pinagsamang gawain sa panitikan at gramatika bilang tugon
sa remedyal na gawain sa Filipino 8. Ang mga babasahin at talakayan ay inangkop sa kakayahan mo
alinsunod sa programa ng Kagawaran ng Edukasyon.
a. Pagtuklas - maisusulat mo ang iyong mga saloobin, opinyon, ideya o pananaw sa mga
tanong na narito.
b. Paglinang – mababasa at mapag-aaralan mo rito ang mga aralin mula sa panitikan at wika.
d. Pagninilay – masasabi mo sa bahaging ito ang iyong nadama habang ginagawa at sinasagutan ang
mga gawain.
e. Pagtataya – maipakikita mo ang iyong husay sa pagsagot ng mga tanong sa bahaging ito.
Hangad kong mapaunlad mo ang sarili sa tulong ng modyul na ito. Kasama ang iyong magulang,
kapamilya at gurong tagapayo, ako ay handang umagapay sa iyo. Dalangin ko ang inyong kaligtasan.
Pangalan ng Mag-aaral:
Pangalan ng Magulang:
Lagda ng magulang:
Petsa na kinuha:
Petsa na pinasa:
Modyul 2: Panitikan sa Panahon ng mga Amerikano
Aralin 1: TULA
Kung ating babalikan ang kalagayan ng Pilipinas noong mga dekada ’60 hanggang ’80 ay ating
matatanto na ang Pilipinas ay nangungunang bansa noon sa Asya kung ang pag-uusapan ay ang larangan ng
pagsasaka. Ngunit sa kasalukuyan ay tila kabaligtaran ang nangyayari sa ating bansa. Sa katunayan isa sa
mga suliraning kinakaharap ng ating ekonomiya sa kasalukuyan ay ang isyu ng kakulangan ng bigas na
tutustos sa pangangailangan ng milyun-milyong Pilipino. Marahil ay palaisipan sa iyo kung bakit humina o
bumagsak ang Sistema ng agrikultura sa ating bansa.
A. Pagtuklas
Gawain 2: Tukuyin ang salitang-ugat (root word) ng maylaping salitang nakasulat nang may diin na
ginamit sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kahon.
2. Tiyak na hindi na magdaranas ng pagdarahop sa pagkain ang balana kung ang ani ng mga
sakahan ay sagana.
4. Walang ibang layon ang mga magsasaka kundi ang gumawa at makatulong.
5. Laging nasa hinagap ng ulirang magsasaka kung paano niya higit pang mapagbubuti ang ani ng
kanyang bukirin.
Maliban sa mga salitang nakilala mo sa Gawain 2 ay baka may makita ka pang ibang
salitang hindi mo gaanong maunawaan ang kahulugan kapag binasa mo na ang ating aralin. Ikahon
ang mga salitang ito at kilalanin ang kasingkahulugan sa tulong ng mga nakakatandang kasama sa
bahay.
B. Paglinang
Bayani ng Bukid
Al Q. Perez
Gawain 4: Isulat sa unang hanay ang mga salitang ikinahon mo sa tula. Ihanap ito ng kasingkahulugan
at saka gamitin sa makabuluhang pangungusap.
Makabuluhang Pangungusap
C. Pagyamanin
4) Sa iyong palagay, bakit bibihira ang kumukuha ng kursong agrikultura sa ating bansa?
5) Sa iyong palagay, anu-ano ang mga programa o hakbang na maaaring ilunsad ng pamahalaan
upang malutas ang suliranin ng Pilipinas hinggil sa kakulangan sa bigas?
Tandaan:
D. Pagninilay
Ipagpalagay mo na ang iyong pamilya ay may pag-aaring malawak na bukirin. Upang higit na
mapagyaman ito ay hinimok ka ng iyong magulang na kumuha ng kursong Agrikultura sa kolehiyo.
Susundin mo ba sila? Bakit OO o bakit HINDI?
At bilang isang kabataan, paano ka makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating
bansa?
Isulat ang iyong kasagutan sa kahon.
E. Pagtataya
Panuto: Piliin ang pantulong na kaisipan mula sa pangunahing kaisipan na: “ANG MGA MAGSASAKA
AY TUNAY NA BAYANI NG ATING BANSA.” Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1) Saknong 1
a. Walang takot na hinaharapng magsasaka ang mga hatid na panganib at araro lamang ang
gamit bilang kanyang sandata.
b. Itinuturing na bayani ng bukid ang magsasaka dahil sa kanyang sipag at tiyaga sa paglinang ng
bukirin, panahon man ng tag-ulan o tag-araw.
c. Buong maghapong nagtitiis ang magsasaka sa init at lamig upang ganap niyang mabungkal
ang lupang sinasaka.
2) Saknong 2
a. Ang naging katuwang ng magsasaka sa pagbubungkal ng lupa sa bukid ay ang kanyang
alagang kalabaw.
b. Bawat araw ay katulong ng magsasaka ang kanyang mga kaibigan sa paglilinang ng sakahan.
c. Ang mga kaibigan ng magsasaka at ang kanyang algang kalabaw ay kasama ng magsasaka sa
pagbubungkal ng lupa.
3) Saknong 3
a. Walang magawa ang magsasaka kundi ang sundin ang utos ng haring araw na siya ay
maagang magtungo sa bukid.
b. Laging laman ng isipan ng magsasaka kung paano niya pagyayamanin ang kanyang bukirin
kaya maaga pa lang ay bumabangon na siya upang tumungo na rito.
c. Walang ibang nasa hagap ang magsasaka kundi ang magpayaman sa pamamagitan ng
kanyang bukid kaya maaga pa lang ay bumabangon na siya upang magtrabaho.
4) Saknong 4
a. Matinding pagod at hirap ang puhunan at magsasaka upang matustusan ang pangangailangan
ng bansa sa bigas.
b. Kung hindi magtitiyagang magbungkal ng bukid ang magsasaka ay walang kakainin ang mga
tao.
c. Karamihan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino sa pagkain ay nagmumula sa sektor ng
agrikultura.
5) Saknong 5
a. Ang tanging layunin ng magsasaka sa kanyang matiyagang pagtatrabaho sa bukid ay ang
sumasagana ang kanyang ani para sa kabutihan ng nakararami.
b. Nagagalak ang mga magsasaka sa tuwing nakikita niyang nagsasaya ang mga mamamayan
dahil sa maunlad ang ekonomiya ng bansa.
c. Tiyak na may makakain ang mga mamamayan kung sila ay aasa sa sipag at tiyaga ng mga
magsasaka.
6) Saknong 6
a. Puno ng iba’t ibang pananim ang bakuran ng magsasaka na siyang pinagkukunan nila ng mga
gulay na masusustansiya.
b. Nananatiling malakas ang katawan ng buong pamilya dahil sa masusustansiyang pagkaing
kanilang nakukuha sa kanilang bakuran.
c. Ayon sa magsasaka tayo ay kinakailangang kumain ng gulay upang lumakas ang ating
katawan.
7) Saknong 7
a. Bukod sa masusustansya at sariwang gulay ay may mga alaga ring hayop sa kanilang bakuran
ang magsasaka na pinagkukunan din nila ng pagkain.
b. Bahagi rin ng hanapbuhay ng magsasaka ang pag-aalaga ng baboy, manok, pato at kambing.
c. Gawing kapaki-pakinabang ang bawat sandal ng buhay sa bukid sa pamamagitan ng pag-
aalaga ng iba’t ibang hayop sa bakuran.
8) Saknong 8
a. Naging panata na ng magsasaka na magbungkal ng bukid sa buong panahon ng kanyang
buhay dahil sa kanyang adhikaing makatulong sa bansa na masolusyunan ang kakulangan nito
sa pagkain lalo ng bigas.
b. Ang pagpapaunlad sa sistema ng agrikultura ang solusyon upang malutas ang suliranin ng
bansa sa kahirapan.
c. Taos sa puso ang pagbubungkal ng magsasaka sa kanyang lupain kung kaya lalo siyang
pinagpapala ng Maykapal ng masaganang ani.
Binabati kita dahil natapos mo ang unang aralin. Sana ay marami kang natutunan na
magagamit mo sa panahong tulad nito. May nais ka bang sabihin o itanong? Maari mo itong isulat sa baba
upang sa susunod na modyul ay masagot ko. Muli, binabati kita.
Aralin 2: BALAGTASAN
Sa panahon ng pandemyang ito, masusubok ang katatagan at pagkakaisa ng mga Pilipino.
Ngunit, hanggang saan masusukat ang pagiging maunlad ng isang bansa sa kabila na kinakaharap na
pandemya? Matatawag pa bang maunlad ang bansa? Ano ba ang kaunlaran? May iba’t ibang palagay hinggil
sa kaunlaran. May mga nagsasabing maunlad ang isang bansa kung mayroon itong matataas na gusali,
overpass o flyover, at mga high-tech na gamit. Sa iba naman, ang kaunlaran ay makikita kung ang lahat ng
mamamayan ay namumuhay nang marangya at masagana. Ayon naman kay Pope John XXIII, “ang kaunlaran
ay para sa kagalingan ng nakararaming tao kaya’t masasabing maunlad ang isang bansa kung natatamo ng
mga mamamayan ang kanyang nais na kabuuang kalagayang pamumuhay.”
A. Pagtuklas:
Gawain 1: Magbigay ng mga kaisipan o ideyang may kaugnayan sa salitang nakasulat sa loob ng bilog.
Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon at pagkatapos ay gamitin sa makabuluhang pangungusap ang
salitang pag-unlad.
PAG-UNLAD
B. Paglinang
Gawain 2: Basahin at unawaing mabuti ang balagtasan.
Lakandiwa:
Ang patulang pagtatalo, kung tawagi’y balagtasan,
Ay nag-ugat kay Balagtas na hari ng panitikan
Pingkian ng mga diwa na ang pantig ay may bilang.
Nabubuo sa taludtod na may rima sa hulihan.
Mga pantig at taludtod na sa saknong nakalagay,
At sa lamyos ng indayog, nabubuo ang katwiran.
Ito’y ating kalinangan na sarili nitong bansa, Sapagkat kung maunlad na at sumulong itong bansa,
Dito lang sa Pilipinas narinig na ginagawa. Mga tao’y mayro’n na ring maluluwag na biyaya.
Ginaganap natin ito sa mataas na adhika, Ang makinang ipapalit ay tiyak na nakatakda,
Ang kultura’y mamamalaging nabubuhay at sariwa. Ang maraming sinabi mo ay iisa ang gagawa.
Kaya’t dito’y itatampok, mga subok na makata, Nakasunod na rin tayo sa tipid na pinithaya,
Mga nangunguna sa talaan ng batiking manunula. Sa gugol na pansweldo lang, umabot sa laksa-laksa.
Pablo: Pablo:
Bago ako magsimula, nitong aming papaksain, Kung ayaw mo ay hindi na magagawa ang pumigil,
Sa katalong binibini, ang hingi ko’y paumanhin. Pagkat kahit pigilin mo ay patuloy na darating.
Sa biro ma’t totohanan, itong aking sasabihin, Ang lahat ng nakatitik, nakatakdang gaganapin,
Di ko hangad makasakit, o sumugat ng damdamin. Mangyayari’t magaganap, kahit anon gating gawin.
Pagkat iyang katwiran mo’y hindi dapat pairalin,
Na pag-unlad ng tekniko’y dapat nating sansalain. Ofelia:
Gawin mo ang iyong gusto na hindi mo maaangkin,
Hindi dapat na tiyakin at kaagad na tulusan, Tutol ako sa pag-unlad ng agham sa bayan natin.
Ang dapat na ibubunga sa pagdating niyong araw.
Kung sa ngayon ay maraming manggagawang naturingan, Pablo:
Na lakas ay nasasandig sa pag-unlad nitong bayan. Kahit ikaw ay tumutol ay tiyakang mababaliw,
Pagkat di mo natatantong kasama sa kaunlaran, Kung hindi mo matatanggap, ang dapat na tatanggapin.
Ang pag-unlad ng teknikong hindi natin maiwasan.
Lakandiwa: Pablo:
Magsitigil muna kayo para kayong mga bata, Halimbawa ay sa puso, iyong karamdaman,
Ang matandang tugtugin na’y lagi ninyong ginagawa. Ay agad ding magagamot sa maraming pagamutan.
Bawat isang nakikinig ay dapat na maunawa, Pati buwan ay narrating nang sumulong itong agham,
Ang katwirang nagniningning na ngayon ay pinapaksa. May tulay na nayayaring patawid sa karagatan
Kayo”y muling pawawalan upang iyong ibandila, Radyo, TV, mga bapor na tanda ng kaunlaran,
Yaong inyong pinapanig at sandigan sa pagtula. Ang sasakya’y ubod dami, araw-araw ay naglisaw.
Ngayo’y napakadaling maglakbay sa ibang bayan,
Ofelia: Mag-almusal sa Maynila, sa Cebu ang tanghalian.
Pagmasdan mo ang maraming ang buhay ay palakaya,
Karamiha’y nakamotor, ang gamit ay gasolina. Ofelia:
Kung kaunti ang mahuli at inabot ng umaga, Sa Cebu ang tanghalian, kung hindi ka mapahamak,
Magigising na lang sila’t magmumukmok sa tuwina; Dahilan sa eroplano’y dumami ang sawimpalad.
Noong hindi umuunlad, maliit man yaong kita At si Pangulong Magsaysay, ang saksi kong maliwanag,
Panggastos sa araw-araw sa pamilya’y kasyang-kasya. Sa pagsulong ng agham mo, pati buhay nawakawak.
Noo’y pawang sagwa’t tikin, gaod lamang ang kasama.
Marami ang mga isda’t hipong dagat nakukuha. Pablo:
Nawawakawak ang bansa, pag ang agham ay umurong,
Pablo: Bayan tayong aping-api at malayo sa pagsulong.
Nakukuhang binabanggit na isda at saka hipon, At sa lakas nitong agham, pati mina’y natutunton,
Malimit na mabilasa, karamiha’y natatapon. Iyang ginto’t mga langis, sa pagdami ay patuloy.
Pagkat walang motor noong sa ilog ay umuugong,
Bago sumapit sa baya’y inaabot nang maghapon. Ofelia:
Sa tikin at mga sagwan, kaya ako’y tumututol, Bilang isang paraluman, nitong bansang Pilipinas,
Lalo’t ang agos ay suba, gabi na kung makaahon. Na ang tao’y mayro’ng kamay na masinop
Ngayong tayo ay umunlad, maging baya’t saka nayon, kung gumanap.
Magmasid ka’t makikitang kabuhaya’y sumusulong. Ang binayong mga palay kung mabayo’y maging bigas,
At mabango at malinis kung kainin ay masarap.
Ofelia: Di katulad ng kiskisan na panig ng kabalagtas,
Sumusulong ba ang bayan, magmasid ka sa paligid, Na makina kung lumigis, ang sustansiya’y lumilipas.
Pag-unlad bang masasabi, ‘pag ang tao’y nakabihis?...
Nang sumulong itong agham, ay dapat mong mapaglirip, Ang “babydress” na tahiin na pulido at mahusay,
Marami ang naghikahos sa bayan at sa bukid. Sapatos na mamahalin tinahi ng mga kamay.
Nang dumami ang makina, ang polusyon ay sumapit; Mga saksi iyang tao’y may higit na katangian.
Naagawan ng Gawain ang maraming anak-pawis. Kaysa diyan sa teknikong pinuri mo’t pinanigan,
Maingay na pambulahaw sa pagtulog ay ligalig, Kaya ako’y nananalig na dapat ay mahadlangan,
Mabuti pa noong una, masagana at tahimik. Ang pagdami ng makinang salot sa ‘ting kalusugan.
Pablo: Pablo:
Matahimik ba ang gayong bawat kilos ay mabagal, Sa bigay mong halimbawa’y halimbawa rin ang tugon,
Pagkat kulang sa makinang pantulong sa kaunlaran? Ng makatang si Pablito na nilikha ng panahon.
Halimbawa’y nag-araro sa gitna ng kabukiran, Iyang taong sinabi mo’y magagawa kaya ngayon,
Isang linggo na gagawi’y baka di pa maasahan. Ang tungkuling gagampanan ng makinang
Kung sila ay nag-aani, ginigiik yaong palay; “aircondition?”
Magdamag mang sampung tao ay limampung Kung nais mong magpalamig, tiyakan mong itutugon,
kaban lamang. Kukunin mo ang pamaypay, magpaypay ka sa
Ngunit kapag triyadora, ang ginamit na tuwiran; maghapon.
Kayang-kaya sa magdamag, ang kahit na limang daan. “Electronic calculator,” at saka ang “adding machine,”
Magampanan mo rin kaya ang gawain ng “computer?”
Ofelia: Kahit ika’y isang henyo ang tiyak moong mararating,
Limang daang papaurong, alamin mo, Mang Pablito, Matutuyo ang utak mo sa dami ng iisipin.
Nang dumaming kasangkapan, kung tawagin Kaya’t walang pasubaling kailangang lahat natin,
ay moderno. Ang pag-unlad ng teknikong ipapalit sa tungkulin.
Iyang bomba atomika, ang tangke at eroplano,
Ay isang kisap-mata, pinupuksa’y milyong tao. Ofelia:
Ma-sibilyan man o hindi, pati bahay na konkreto, Maglaba ka sa makina at saka mo mawiwika,
Tiyakan ding masisira’t mawawasak na totoo. Ang damit mo’y marumi rin at kaydaling nasisira,
Mabuti pa noong una, tanungin ang kahit sino, Samantalang ang nilabhan na kamay ang nagpapala,
Magkubli man sa sagingan, ligtas ka na sa peligro. Ang amoy na malinis sa kulahan nagmumula.
Iyang buntal ng Baliwag na nasinop na ginawa,
May mataas na halaga na hindi na bumababa.
Pablo: Pablo:
Ngayon akong naniwalang kaya ka lang nagpipilit, Darating ‘yan at tiyakang mangyayari ang totoo,
Na pigilan ang pag-unlad ang lagi mong ginigiit, Sa bias ng “remote control,” ang kotse ko
Pagkat di mo nalalaman, orasan kong nasa bisig, ay tatakbo…
Ang sanhi at naging dahil kaya dito’y nakasapit.
Sa araw na lumulubog, doon ka lang tumititig. Lakandiwa:
Sa takot mong mahuli ka’y dumating ka ng alas tres… Matapos n’yong mapakinggan yaong magkabilang
panig,
Ofelia: Ng dalawang nangagtalong gintong lantay ang
Di katulad mong dumating na huli at tumatakbo, panitik,
Kung wala ang iyong paa ay wala ka ngayon ditto… Ako’t saka kayong lahat, malinaw sasaisip,
Sila’y kapwa may katwiran sa kanilang mga tindig,
Pablo: Si Ofelia’y may batayan at masama’y isinulit,
Sabihin mo’y wala sana, ‘di dumating si Pablito, Sa pag-unlad ng teknikong sa bayan ay mamamasid.
Kundi dahil sa tulin ng makina ng aking awto… Ngunit itong si Pablito’y totoo ang isinulit,
Ang darating ay di natin mapipigil sa pagsapit.
Ofelia:
Ang awto mong kumikilos, gumagalaw lamang ito,
Nang dahil sa isang tao na ditto ay nagmamaneho…
C. Pagyamanin
Gawain 3: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
2) Bakit di sang-ayon ang makata ng Baliwag sa pag-unlad ng agham at teknolohiya? Sumasang-ayon ka bas a
kanyang mga pangangatwiran? Bakit?
3) Bakit naman sumasang-ayon ang makata ng Valenzuela sa pagsulong ng agham at teknolohiya? Naniniwala
ka bas a knyang mga tinuran? Bakit?
4) Mula sa akda, gamit ang T-chart, isulat ang mga halimbawang magpapatunay na di kailangan sa buhay ang
agham at teknolohiya dahil sa masasamang dulot nito at mga halimbawa naman na nagsasabing
napakahalaga ng agham at teknolohiya sa pagsulong ng bansa.
5) Sa iyong sariling pananaw, sino kina Bb. Ofelia at G. Pablito ang higit na pinaniniwalaan mo? Bakit?
6) Posible ba tayong umunlad at tangkilikin ang mga pagbabagong hatid ng agham at teknolohiya na hindi
naaapektuhan ang ating kalikasan? Paano?
7) Sa anong aspekto ng iyong pagkatao nagdulot ng malaking pagbabago ang mga gintong aral na iyong
natutuhan sa araling ito?
Tandaan:
Gawain 4: Suriing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa bawat hanay ang S kung ikaw ay sumasang-ayon at
DS kung hindi sumasang-ayon at pagkatapos ay pangatwiranan ang iyong sagot. Ilahad ang iyong paliwanag o
katwiran sa bawat hanay (column).
S / DS PANGUNGUSAP PANGATWIRANAN
E. Pagtataya
Gawain 5: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga masining na pahayag (eupemistiko) na may salungguhit na ginamit sa
balagtasan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 8
Phoenix Publishing House
Pahina 150-204
IPINASA NI:
BERNADETTE B. VELCHEZ
Teacher II
IPINASA KAY:
ABEGAIL SANTOS
Head Teacher IV
SINURI NI:
JENNIFER R. CATAHIMICAN
Tagapamuno, Filipino