You are on page 1of 6

Cabonbon National High School

Sitio, Cabonbon, Malabog, Davao City


S.Y. 2018-2019

Mala-masusing Banghay Aralin


Sa Filipino 8

Grade :8
Core Subject Title : Panitikan
Paksa : Sarsuwela
Time Allotment : 60 minutes
Date of Implementation : September 4, 2018

I. Learning Competencies

 Napahahalagahanang kulturang Pilipino na masasalamin sa pinanood


na sarsuwela (F8PD-IIe-f-25)

 Naitatanghal ang ilang bahagi ng alinmang sarsuwelang nabasa,


napanood o napakinggan (F8PS-IIe-f-26)

II. Mga Layunin

 Mabibigyan ng simbolismo ang mga kulturang Pilipino matapos


mapanood ang sarsuwelang “Walang Sugat” ni Severino Reyes

 Maisasadula gamit ang kanilang sariling interpretasyon ng isang


bahagi ng napanood na sarsuwela
III. Paksang Aralin

A. Paksa: Walang Sugat


B. Sanggunian: EASE Filipino III. Modyul 16
C. Kagamitan: Mga Larawan, Kompyuter, Projector, Video Presentation
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa pagiging katangi-tangi o
“Uniqueness” ng mga Pilipino

E. Pamamaraan: Talakayan, Hulaan

IV. Estratehiya

A. Panimulang Gawain:

a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtsek ng Attendance
d. Pagsasaayos ng silid-aralan
e. Pagbabalik-aral

B. Pagganyak (Pagpapahula)

1. Papahulaan sa mga mag-aaral ang isang salita sa loob ng tsart


gamit ang mga larawan.

You+Neck+Nest = “Uniqueness”
Kapag nalantad na lahat ng mga salita, Ilalahad ng guro ang
kahulugan ng salita para sa araw na iyon o “Word of the Day” sa tsart.
2. Bawat isa ay bubunot ng isang paruparu at ididikit nila ito sa puno
na may anim na sanga. Bawat sanga ay may nakasulat kung anong
pagpapahalagang moral ang hindi pa nila taglay at nais nilang
taglayin.

C. Paglalahad ng Paksa at Layunin


Sasabihin ng guro sa klase ang layunin at ang paksa.

D. Paghahawan ng Sagabal (Deciphering Alphabets)

Pabilisan ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng mga salita gamit ang


mga simbolo.
Agamahan - relihiyon
Alipugha - iresponsable
Duhagi - api
Kabatas - tagapagpatupad ng batas

E. Pagtalakay

1. Ipapanood sa mag-aaral ang isang Video Presentation ng


sarsuwelang “Walang Sugat”.

2. Talakayin ang bawat kulturang Pilipino na makikita sa video


presentation.

3. Tatalakayin ang katangian ng paruparu na hawig sa katangian


nating mga Pilipino, ang pagiging katangi-katangi. Bawat isang
paruparu ay nagtataglay ng katangi-tanging “pattern” ng desenyo sa
pakpak.

Mga Gabay na mga Tanong:


1. Paano nagiging katangi-tangi ang Pilipino pagdating sa paggalang
sa mga nakakatanda?
2. Paano nagiging kakaiba ang mga Pilipino pagdating sa pagiging
magiliw sa mga panauhin?
3. Paano nagiging katangi-tangi ang mga Pilipino pagdating sa
pag-ibig?

4. Paano nagiging katangi-tangi ang mga Pilipino sa pagmamahal sa


Pamilya?
5. Paano nagiging katangi-tangi ang mga Pilipino sa pagiging
mapagkalinga?
6. Kung pipili ka, maging gwapo pero maraming kamukha, o di
masyadong gwapo pero unique ang mukha?

V.Paglalapat

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magsasadula ang bawat pangkat ng


isang tagpo ng “Walang Sugat” ngunit sa konsepto at interpretasyong
magpapakita ng pagiging kakaiba at hindi basta-basta maiisip ng ibang
pangkat.

Rubriks sa Paghahatol:
Batayan Deskripsyon Pinakamataas na Marka
Pinag-isipang mabuti at 10
hindi maiisip ng ibang
Pagkamalikhain/
kaklase
katangi-tangi

Pagka-orihinal Paggamit ng mga bagong 10


ideya
Kabuuang Puntos 20

VI. Paglalagom
Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral para magbigay ng isang
pangungusap na maaaring magbuod sa paksang tinalakay.

VII. Pagtataya

Gumuhit ng isang bagay na kapag inilagay sa ating noo ay makikilala


agad tayong mga Pilipino.

Batayan Deskripsyon Pinakamataas na Marka


Pinag-isipang mabuti at 5
hindi maiisip ng ibang
Pagkamalikhain/
kaklase
katangi-tangi

Pagka-orihinal Paggamit ng mga bagong 5


ideya
Kabuuang Puntos 10
VIII. Takdang-Aralin

Mag-isip ng isang magandang “campaign slogan” tungkol sa


kapaligiran.

Inihanda ni:
Angel Glenn T. Albano

You might also like